RINLEIGH'S POV
Bilang pangako sa ama ni Min Jae, ay nagawa kong dalhin ang anak nito ng ligtas. Habang pasan pasan ko sa likod ang malamig na bangkay ni Sean.
Kanina pa ito kinukuha ni Min Jae sakin dahil kita na sa akin ang panghihina at ang pagod, pero ipinilit ko pa den na ako ang magdala sa bangkay ng lalaking mahal ko.
Bago pa man kami tuluyang makalayo, ay narinig namin ang malakas na pagsabog mula sa loob ng impyerno. Na alam kong kagagawan ng kambal na Min at Max.
Bago pa man namin gawin ang malakihang misyon na ito, ay nagsabi na sakin ang kambal ng binabalak nilang gawin, at kasama na nga rito ang pagself distract. Ito ang nag iisang kahilingan nila kapalit ng loyalty nilang dalawa sakin.
Their lives is their payment for killing their own family. Ginawa nila ito base sa utos ni Mr Enrile. Bilang katibayan na loyal assassin sila nito. Ginawa nilang dalawa ang karumal dumal na krimen ng pagpatay, sa pag aakalang walang nagmamahal sa kanila mula sa sariling pamilya, dahil naiiba sila.
Napuno ang puso nila ng galit at paghihiganti, kaya naman nagawa nilang paslangin ang sariling pamilya. Minanipula sila ng Dark Claws, at ginamit. Huli na bago pa nila malaman na para sa kanila ang ginawa ng sariling pamilya.
At bilang kabayaran sa sariling kasalanan, hiniling nilang mamatay kasama ng mga demonyo.
Hindi ko alam kung buhay pa ba si Josh, at si Baby Hiro, pero hinihiling ko na sana ay nakaligtas sila.
****
Sakay ng isang kotse, mula sa base ng Dark Claws, ay narating namin ang sikretong lugar na pagtatagpuan namin ng ama ni Min Jae sa Laguna. Malayo pa lamang ay kita ko na ang isang malaking barko na nakadaong sa dalampasigan.
Sa may pangpang nito ay nakatayo ang isang matandang lalaki na nakasuot ng isang floral polo shirt na kulay pula, at puting shorts na naghihintay.
Ang Commander General ng North Korea. Nang makalapit kami ay nakangiti nya kaming nilingon, saka sinalubong ng yakap ang anak.
" naneun dangsin-ui adeul-eul yagsog-eulo dollyeojueossseubnida" sabi ko saka bahagyang yumuko sa harap ng heneral.
( I got your son back as promised )
Malawak naman ang ngiti nitong niyakap rin ako.
" gamsahabnida Rinleigh" tinapik tapik ng heneral ang aking likod habang umiiyak na nagpapasalamat sakin.
(thank you so much Rinleigh)
Sa mga ganitong panahon, dapat ay nagsasaya ako. Dahil naging matagumpay ang mission ko, at ramdam ko ang sinseridad ng pasasalamat ng heneral. Ngunit sa halip na magasaya ay pagdadalamhati ang puso ko.
Dahil kapalit ng tagumpay na ito, ay ang napakaraming buhay mula sa mga taong mahalaga sakin.
"eotteon bosang-eul badgo sipseubnikka, nae adeul-eul guhaneun daegalo?" mangiyak ngiyak na tanong nito sakin.
(what kind of reward do you want to have in exchange of saving my sons life?)
Ani ng Heneral na may bakas pa ng luha sa mga mata sa sobrang kagalakan na makitang nasa maayos na kalagayan ang anak na si Min.
"jug-eun aein-eul-wihan gandanhan janglyesiggwagidomyeon chungbunhabnida" wika ko sa malungkot na tono, saka nilingon ang malamig na bangkay ni Sean.
(a simple burial and a prayer for my lover is enough sir)
Nilingon rin nila ang direksyon ng bangkay ni Sean saka ako tinignan ng may awa sa mga mata.
"dangsin-eul ilh-eo beolyeo joesonghabnida" naawang turan ng heneral.
(I'm sorry for your loss, child)
"aju jal!"
Saka nagsenyas sa mga tao nito na asikasuhin ang bangkay ni Sean. Na agad namang tinalima ng kanyang mga tauhan.
(very well!)
****
Nang makarating kami sa North Korea, ay sinalubong kami ng napakagandang tanawin. Sariwang hangin at sobrang payapang kapaligiran.
Iba sa kung anong klase ng deskripsyon na nalalaman ng lahat sa loob ng North ay ang sobrang payapang bansa na hindi lingid sa kaalaman ng lahat.
Masasaya ang mga batang naglalaro sa asul na asul na sapa. Kitang kita ang saya sa muka ng mga mamayan. At bagamat makikitang hindi sila nasasakop ng globalosasyon ay makikita mo na rito ang klase ng paraisong hindi nalalaman ng lahat.
Nang makarating sa mansyon ng Heneral ay magiliw kaming sinalubong ng mga tao. Masayang masaya silang makitang ligtas at nasa maayos na lagay si Min na nakuha pang makipag laro sa mga batang naghahabulan.
Hindi matapos tapos na pasasalamat ang nakuha ko mula sa mga simpleng mamayan, na naghanda pa ng napakaraming pagkain para sa aming pagdating na magiliw na pinaunlakan ng Heneral.
Bagamat ganito ang sumalubong sa amin, ay hindi ko pa rin magawang magsaya.
Kung sana ay nakikita rin ito ng mga kaibigan ko. Kung sana ay kasama ko silang nagsasaya at pinasasalamatan ng mga tao sa paligid ko. Kung sana ay buhay pa ang lalaking pinakamamahal ko.
At kung sana ay kumpleto kami kasama sila Ms Kaz, Mr Akihiro, Baby Hiro, Kurt, Josh, at Sean. Kung sana ay buhay pa silang kasama kong matamasa ang pagdiriwang na ito.
Nagpanic ang isang matandang magiliw na nagsusubo sakin ng isang piraso ng ubas, ng sa halip na isubo ko ito ay luha ang pumatak sa mga mata ko. Hindi ko magawang lunukin ang kahit na anong pagkain na inihanda nila para sakin knowing na marami sa mga kaibigan ko ang namatay dahil sa misyon namin.
Mapait ko na lang nginitian ang matandang babae saka tumungo ng bahagya at umalis sa hapag na punong puno ng pagkain na nagmistulang pista sa dami.
Nagpunta na lamang ako sa silid na ibinigay sa akin saka tahimik na nagluksa para sa buhay ng aking mga kaibigan na tinuring ko ng sariling pamilya sa loob ng impyerno.