Chereads / Perilous to Have You / Chapter 3 - Chapter 1: Lucifugous

Chapter 3 - Chapter 1: Lucifugous

Malalakas na tawanan, kwentuhan at bangayan lang ang naririnig ko sa paligid. Habang ito ako, nakaupo sa sulok habang nakatingin sa aking mga kaklaseng masasaya.

Ako kaya? Kailan kaya ako magiging masaya? Kailan kaya ako magiging malaya sa mundong puro kamalian ang nakikita?

Napabuntong hininga ako. Ang saya siguro mag karoon ng kaibigan. Ang saya siguro magkaroon ng sandalan kapag may problema o bumabagabag sa aking isipan.

Ang saya siguro kung meron lang.

"PLEASE BE QUIET! ANG INGAY-INGAY NIYO TALAGA! ISA PANG INGAY, ISUSUMBONG KO NA KAYO NI MA'AM!"

Sighed. Eto na naman si Shane.

"Ikaw ang tumahimik, Shane. Laki-laki ng bunganga mo, akala mo sino—ay pabida ka nga pala." Napatawa ako sa aking isipan dahil sa pag sagot ng isa kong kaklase na si Jake. That's kinda savage.

Hindi nakasagot si Shane pero kitang-kita ko sa kanyang mukha na galit siya. Pulang-pula ang kanyang mukha at malapit na umiyak.

"You bitch! Weak mo pala, eh hahaha!"

Napailing na lamang ako dahil pinag tutulungan na siya sa aming mga kaklase. Mali ata kinakalaban mo, Shane.

Kinuha ko nalang ang cellphone at earphones ko para mag pa music. Bahala na sila. Why would I care, tho? They didn't even cared about me and besides, I should focus on my business, not them.

When you try your best, but you don't succeed~

When you get what you want but not what you need~

When you feel so tired, but you can't sleep~

Stuck in reverse~

I sighed again. Why do I feel so lonely? But yeah, I really just want to be happy. I want to be happy again. Not just the word, happy but, a real happiness.

-

Mag isa lang ako sa likod ng campus habang nakaupo sa ilalim ng Elm tree. Nakahiga ako sa damuhan habang nakapikit at dinadama ang malakas na preskong hangin.

Tanghali na pero hindi pa ako kumakain at wala rin akong plano.

Busog na ako sa pag ooverthink.

Nakakatawa isipin na, I don't want to be lonely but, I am always pushing people away so that's why, no one stayed with me.

May naging kaibigan ako noon na lalake. He makes me feel so special. Childhood bestfriend ko 'yun at mananatiling sa childhood na lamang. Mananatiling memories nalang lahat ng aming masasayang samahan, tawanan at kwentuhan.

Sinabi niya pa noon na walang iwanan pero ito siya, ang nang-iwan. Nagulat nalang ako noon na sa isang iglap, wala na. Wala na siya. Hindi niya sinabi sa'kin at wala ring sinabi ang parents niya kung saan sila pupunta.

Para silang bula na mabilis mawala at wala man lang paalam.

My childhood bestfriend promised me that he will be my Kuya since, my Kuya died when I was a kid caused by something that no one can confirm it. But, we have theory-no! I have a theory that he was bitten by a vampire dahil, I remembered na, may nakita akong dalawang butas sa kanyang leeg.

Let's go back to Damien—my childhood bestfriend.

He promised me too that he will be my best friend, but not forever. Because he said, that he wants to marry me soon.

And he promised me that he will never leave me.

But I guess, hindi talaga kami para sa isa't-isa. We just met but not destined. And like what people say, promises are meant to be broken.

I know na we're so young back then. Pero hindi ko lang talaga kayang kalimutan.

Ang alam ko lang, masaya ako noong palagi pa siyang nasa tabi ko. Totoong masaya ako pero noong nawala siya ay wala na ring bagong kaibigan ang dumating sa buhay ko.

Dagdag pa natin ang expectations ng parents ko na pilit kong inaabot. Dahil kahit sa isang maliit na pagkakamali ay ginagawa nilang malaki.

At doon ko lang naitanong sa sarili ko na, What is my purpose for living? Bakit ako nabubuhay? Bakit ako nag sisikap? Ano ba talaga ang gusto ko? Ano ba talaga ang passion ko? Ano ba talaga ang bagay na mag papasaya sa'kin?

Napabuntong hininga ako. Pang-ilang buntong na ba ito?

Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang oras. Fuck! Five minutes nalang before ang next class ko!

Dali-dali akong tumayo at pinagpagan ang aking sarili. Nag stretch muna ako at kinuha ang aking bag. Mabilis ang lakad ko papunta sa classroom dahil ayaw ko'ng malate.

Pagdating ko ay wala pa ang teacher namin kaya naka hinga ako nang maluwag. Umupo na ako sa upuan na nasa pinaka last pero ayos lang, katabi ko naman ang bintana.

Dumating na ang Teacher at habang nag lelecture siya ay wala akong ginagawa kundi tumingin sa labas.

Lumilipad na naman ang aking isipan.

Nag taka ako nung may nahagip akong binata sa may kahoy. Tinignan ko ito at nagulat ako dahil, nakatitig ito sa'kin.

He's wearing a black long sleeve polo shirt and black trouser pants paired with sneakers. All black except of his pale white skin.

He's staring at me seriously. Yes, I admit. May hitsura rin siya. Makakapal na kilay, matangos na ilong, magaganda ang mata, pula ang kanyang labi, at makinis ang balat.

"MS. SELENE ELLISE CASSIDY!"

"P-po?" Napatayo ako dahil sa sigaw na nanggaling kay Ma'am.

"Are you listening to me?! Kanina pa ako discuss ng discuss tapos ikaw, nasa labas lang ang tingin?!"

"I-I'm so sorry po... "

"Okay, let me ask you a question. What is Organic chemistry?"

Oh, nabasa ko na 'to kagabi.

"Organic chemistry is a branch of chemistry po that studies the structure, properties and reactions of organic compounds, which contain carbon in covalent bonding."

"Okay, very good," she said and smiled widely at me. Some of my classmates clap their hands while looking at me. Nginitian ko nalang sila nang pilit.

Bumalik ang tingin ko sa labas at nagulat ako dahil naka smirk siya habang naka tingin sa'kin. God, he's so attractive and handsome.

"Ms. Cassidy, stop looking outside and focus on our class. I might tell your parents about this."

Napayuko na lamang ako sa saway ni Ma'am. Tinignan ko ulit ang labas at nagulat ako dahil wala na siya. Luminga-linga ako pero 'di ko siya nakita.

Narinig ko'ng tumikhim ang teacher namin kaya umayos ako ng upo. Wala ako'ng ibang choice kun'di mag focus nalang.

-

Kakatapos lang ng lahat naming subjects at naglalakad ako papuntang locker para ilagay ang aking mga ibang gamit.

Agad kong binuksan ang locker at nilagay ang aking mga gamit doon nang may biglang humawak sa balikat ko.

Agad akong nagulat at dali-daling bumaling sa kinaroroon niya ngunit nang bumaling ako ay agad niya akong tinulak sa locker na nag sanhi sa pag sakit ng aking likod.

Kahit namimilit sa sakit ay ginawa ko ang aking makakaya na tumingin sakanya, at dahil matangkad siya ay nakatingala ako sa kanyang mukha.

"A-azi, ano na naman ba?!"

Tinitigan niya lang ang aking mukha. Siya si Azi. Isa siyang bully dito sa campus at palagi ako'ng pinag ti-tripan.

Nagulat ako nang bigla niya akong kinorner at dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha papalapit sa'kin habang ako naman, ay panay iwas.

"Azi, tigilan mo na ako, please lang!"

Sinubukan ko'ng kumawala sa kanyang  bisig ngunit bigla niyang hinablot ang wrist ko at mahigpit na hinawakan. Nagulat ako dahil bigla niya akong kinaladkad papunta sa labas ng campus.

"Bitawan mo ako! Nasasaktan na ako sa ginagawa mo!" Panay sigaw lamang ako at nakita ko ang mga estudyanteng naka tayo lang habang nakatingin sa'min.

Walang nag kusang tumulong sa'kin dahil halos lahat rito ay takot kay Azi.

Tumigil kami sa may kahoy kung saan nakita ko kanina ang all black with pale skin na lalaki. Luminga-linga ako para tignan kung nandito pa ba siya pero natigil ang paghahanap ko nang biglang hinawakan ni Azi ang chin ko at binaling ang ulo ko saka'nya.

"Selene, alam ko namang gusto mo ako, eh." mayabang na sambit niya.

"A-ano?! Nahihibang ka na ba?!"

"What? No! Look, Binubully kita para mahulog ang loob mo sa'kin. I want you to fall for me," sambit niya at agad akong napa singhap.

Jusko po.

"Ano'ng akala mo sa mundong ito? Work of fiction? Ha?! Wala tayo sa story o pelikula so stop acting like that! At isa pa, hinding-hindi ako mahuhulog kapag ang ginagawa mo lang naman sa'kin ay walang iba kundi ang pam bubully! Do you think, I will fall for someone who have that attitude of yours? Ofcourse not! Please, lubayan mo na ako. I want peace of mind..."

Tatalikuran ko na sana siya pero hinablot niya na naman ang kamay ko at nagulat ako dahil akmang hahalikan na niya ako pero-

"A-aray!"

Nanlaki ang aking mga mata dahil nakita ko'ng naka handusay na si Azi habang namimilit sa sakit. Napatingin naman ako sa nakatayo sa kan'yang harapan.

"I-ikaw?"

He turned his gaze at me and smiled. "Yes I am"

Nakatulala lang ako sa mukha niya at natauhan ako dahil biglang tumayo si Azi at nanginginig na nakatitig sakanya at dali-daling tumakbo palayo.

Iniwan ako?

Napabaling ulit ako sa lalaki na nakatitig pala sa'kin.

"Thank you very much, Sir and sorry," I sincerely apologized. He softly laugh.

"Don't call me 'Sir'. I have my own name"

The way he laugh and talk makes me stare at him. His voice is husky and his laugh is like a music to my ear!

"Oh, sorry. What's your name?" I asked.

"I'm Damien"

"D-damien?"

"Yes, why?"

"Nothing. May naalala lang ako sa pangalan mo." My childhood bestfriend.

"Okay" Tumalikod na siya at nag simulang mag lakad pero nag lalakad siya patungo doon sa may maraming kahoy.

Saan kaya siya pupunta?

Sinundan ko siya at habang nag lalakad, ay 'di ko mapigilang hindi mapatitig sa kanyang likuran.

Likod pa lang, ang lakas na nang dating. Pa'no na kaya kapag nakaharap?

Hindi ko namalayan na tumigil na pala siya sa paglalakad kaya nabunggo ako sa kan'yang likuran.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong niya na 'di humaharap sa'kin. Wala na akong takas.

"H-ha?"

"Ano'ng ha?"

"H-Ham and cheese?"

Napapikit na lamang ako sa kahihiyan. Bakit 'yun ang sinabi ko?! What a dumbass shit! Humarap siya sa'kin at seryosong nakatingin.

"Leave before it's too late."

"Ha?"

"Ham and cheese," dugtong niya at kahit nakakahiya ay napatawa ako sa sinabi niya. Pero napatigil ako sa pagtawa dahil seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

He's so scary as fuck! Tumikhim ako at tinignan rin siya ng seryoso. Yeah, right. Why am I following him again?

"Let me ask you again. Why are you following me?"

Napayuko ako. "I-I'm curious, sorry"

"Don't let your curiosity kills you." Mahinahon niyang sambit pero may diin kada salita niya. I don't understand him.

"You didn't comprehend me, right?" he asked. Dahan-dahan akong tumango and smiled shyly at him. "Sorry..."

May tinuro siya sa likod ko kaya agad akong tumalikod at tumingin sa tinuro niya pero mga kahoy lang ang nakikita ko. Malayo-layo na rin pala ang nailakad namin?

"Ano'ng me-huh?"

Wala siya sa harap ko. Luminga-linga ako pero 'di ko siya mahanap. He tricked me! Nag lalakad ako habang luminga-linga sa paligid.

"D-damien?" I called pero walang sumagot. Nag lalakad lang ako at may nakita akong parang cave na natatabunan ng mga dahon.

It looks creepy but, I'm curious. Dahan-dahan akong nag lakad papunto roon at nang nakapasok ay wala ako'ng makita.

All black. Tumaas ang aking mga balahibo at agad na akong binalutan ng takot at kaba.

Tumalikod ako at akmang lalabas pero isang malaking kahoy ang nasa harapan ko. Pumunta ako sa likod ng kahoy pero isang village ang nakita ko.

Halos lahat ng bahay ay mga dark ang kukay nito. Ngayon ko lang nalaman na may village pala na malapit sa campus. Ano 'to, village ng kadiliman? May nakita akong may mga bahid na dugo ang daan papunta doon.

A-and...

AM I TRAPPED?!

Nanginginig ako sa takot. Sa dulo ng bahay ay may malaking bahay doon pero may isa na nakakuha ng aking pansin.

Before nung mga village ay may entrance ito at may malaking maitim na gate. May kahoy rin sa ibabaw nito na may nakaukit na,

Lucifugous.

-IWB-SB