"Sorry na."
"I'm sorry..."
Nakapout lang ako at hindi sila pinapansin. Ang lakas ng trip, eh! Nahimatay ako dahil sa takot tapos, malalaman ko trip lang pala lahat. Muntik na 'kong atakihin!
Pero, medyo nagulat rin ako dahil pag gising ko ay may isang malaking paper bag na ibinigay si Damien. Nag lalaman ito ng gagamitin ko. Nandoon ang toothbrush, toothpaste, mouthwash, mga napkin, underwear, at nag lalaman rin ng maraming water bottle na naglalaman ng tubig. Nasa may ten or fifteen ata na water bottle ang nasa paper bag.
Sabi niya rin na papahiramin lang daw ako ng mga damit ni Celeste para daw hindi ako mahanap kaagad dahil baho ng isang bampira ang sinusuot ko'ng damit.
Napalingon ako sa dalawa dahil tumahimik sila bigla pero nakatitig lang sa'kin at nang nakita nila ako'ng lumingon sakanila ay agad lumaki ang kanilang ngisi sa mga labi.
"Sabi ko naman sa'yo, Damien, eh. Lilingon siya 'pag tumahimik tayo," natatawang sambit ni Celeste. Damien just stared at me and smiled.
Agad ako'ng tumayo at lumabas sa kwarto. Dumiretso ako sa sofa para umupo. Medyo masakit parin ang puson ko pero hindi na katulad kanina.
"Kumain na kayo?" tanong ko nang nakita ko silang lumabas ng kwarto at umupo rin sa sofa. Tumabi ni Damien sa'kin habang si Celeste naman ay umupo sa harap namin. "Is that a serious question? Or sarcastic?" Napailing nalang ako sa tanong ni Damien.
"Kailan ba ako naging sarkastiko?" tanong ko ulit at humarap sa kan'ya na nakataas ang kilay.
"Ngayon?" Napabuntong hininga ako at umayos ng upo. "Nevermind. Saan niyo nabili ang mga 'yan?" tanong ko sabay turo sa malaking paper bag.
"Uhm, actually, si Damien lang ang bumili n'yan," sambit ni Celeste. Napatingin ako sakan'ya at sunod kay Damien. "Saan mo 'to nabili?"
Ang dami kong tanong kasi, curious ako. And because of my curiosity, napunta rin ako sa lugar kung saan naka tira ang mga bampira. Funny, right?
"Somewhere. Don't ask more questions, I'm tired." Natahimik ako sagot ni Damien at kumuha ng isang bottle ng tubig at ininom iyon.
I saw Celeste smirked at me. "Kulit mo kasi Selene, eh."
Tahimik lang ako habang nag babasa ng libro. Si Damien naman ay nakaupo lang sa tabi ko at tahimik rin. Si Celeste, bumalik na sa Lucifugous dahil baka hinahanap na raw siya.
Bumaling ako sa katabi ko. "Damien, do yoy have parents?"
"Y-yes," sagot niya nang hindi lumilingin sa'kin.
"Then, why are you always here? 'Di ka ba hinahanap?" I asked. And this time, lumingon na siya sa'kin habang seryoso ang mukha. "I'm always here starting before. Hindi rin nila ako hinahanap dahil..."
"Dahil?"
"Let's not talk about it for now. Let's just enjoy the remaining time."
"Remaining time? So meaning ba nito, malalaman nilang may tao dito?"
"Walang sekreto na hindi nabubunyag, Selene." Seryoso niyang sambit at tumayo sabay tingin sa'kin.
"Let's go somewhere. Walang nakakaalam na bampira sa lugar na 'yun except sa'kin. Kapag hindi ka papayag, ipapatapon kita sa Lucifugous at iiwan doon."
Napatayo naman ako bigla sa sinabi niya. Ano nga ba naman ang magagawa ko? Pumasok muna ako sa kwarto at nag bihis. I am wearing a gaucho pants paired with black hoodie. Akalain mo, may ganito rin pala si Celeste.
Lumabas na ako sa kwarto at hinarap siya. "Let's go!" excited kong tugon. Nalatawa siya nang mahina dahil sa inasta ko.
Inakbayan niya ako at medyo nagulat ako sa akbay niya pero, siguro ginawa niya lang 'yun para maging komportable ako sakan'ya. Lumabas na kami at nag simulang mag lakad. Hindi kita dito ang Lucifugous dahil malayo-layo rin ang pansamantalang tinitirhan ko ngayon.
-
"Woah, ang ganda," bulong ko habang nilalanghap ang hangin.
Dinala niya ako dito sa isang bundok kung saan dadaan pa kami ng gubat. Malayong-malayo 'to sa Lucifugous dahil, kapag nandoon ka sa Luci, ay walang ibang papasok sa isip mo kundi ang, 'kadiliman'.
Pero dito? Oo, madilim kase gabi na. Pero kitang-kita dito ang malaking pulang buwan at mga bituin na kumikislap. Hindi mo mafefeel ang salitang, kahirapan. Dahil kaya lang naman tayo nahihirapan nang dahil sa, kadiliman.
Lumingon ako kay Damien and I caught him staring at me while smiling so, I smiled back.
"How did you find this beautiful place?" I asked.
"I really love to adventure and learn some things," he answered. Tumango lang ako nang may biglang pumasok na ala-ala sa aking isipan.
"Come here, Selene! Isulit na natin ang adventure na 'to!"
Ngumiti lang ako sakan'ya at umiling. "Ayaw ko. Natatakot ako na baka malaman ito ng parents ko at papagalitan ka. Papagalitan tayo."
"Please? Kahit ngayon lang, Selene. I want to explore with you..."
Napatingin ako sakan'ya at nakita ko siyang yumuko. "Kahit ngayong huling araw lang..."
"Ano?" tanong ko dahil hindi ko narinig ang binulong niya. Umiling siya at humarap sa'kin. Ngumiti siya nang malaki pero nag taka ako dahil may bahid na lungkot ang kan'yang mga mata.
"Selene? Please?" pagapupumilit niya kaya wala akong ibang nagawa kundi pumayag nalang sa gusto niyang pumunta sa kabilang village kung nasaan, may malaking playground at marami ring mga bata kaming makakalaro o makakasalumuha.
"Selene!"
Nabigla ako sa sigaw ni Damien at napatingin sakan'ya. "A-ano?"
"Kanina pa kita tinatawag. Are you okay?" he asked. "A-ah oo. Sorry, may naalala lang ako."
"And what is it? Care to share?"
"Naalala ko lang 'yung childhood bestfriend ko noon. He also loves to explore like you."
"Is he really that important to you?" Tumango ako sa tanong niya. "Why? Imposibleng 'di mo pa siya nakakalimutan. That was a long time ago."
Napatingin ako sakan'ya at ngumiti nang malungkot. "I just can't forget him. Siya lang ang naging kaibigan ko na totoo. Ang iba kase, lalapit lang or makikipag kaibigan kapag may kailangan sila."
"Kailangan? Like what?"
"Lalapit sila sa'kin kapag may problema sila. Kapag, hindi sila nakagawa ng projects or assignments nila. Pero kapag ako na ang nangangailangan ay boom, wala na. Mag chechange ng topic. Tapos may time pa na tatanungin nila ako kung may problema ako then sasabihin nila, 'plagi lang kaming nandito kapag may problema ka, Selene'. But, where did they go when I badly need someone to lean on? Nasaan sila no'ng unti-unti na akong nawawasak? Tanong sila nang tanong sa nga problema ko, eh sila naman talaga ang isa sa mga problema ko."
"Do you miss him?" tanong niya at alam ko na agad ang tinutukiy niya kundi, ang childhood bestfriend ko na si Demdem.
"Oo. Sobra. I miss him so much. Kung nasaan man siya ngayon, sana masaya siya sa buhay niyang wala ako," sambit ko at tumingala.
Hey Moon, paano mo nagawa ang teknik mo? Paano mo nagawang kumislap kahit nasa kadiliman ka? Paano?
"I don't know him. But, I'm sure he miss you so damn much too. I'm sure, he badly wants to hug and kiss you."
Napatawa ako nang mahina. "Kiss? Why would he kiss me?" tanong ko. "Because I'm sure too that he loves you as a girl."
"How can you be so sure, huh? Bata palang kami no'n. At katulad ng sinabi mo. Imposibleng 'di ko pa siya nakakalimutan. So why would he never forget me?"
"Like what people always say, everything happens for a reason. Iniwan ka? Maybe may reason siya sa pag iwan niya o 'di kaya may dadating sa buhay mo na 'di mo inaasahan," sabi niya.
Napabuntong hininga ako at mahinang natawa. "Oo, ang mapunta sa lugar na ito ay ang hindi ko inaasahang dadating sa buhay ko."
"Ikaw ang dumating sa Lucifugous, hindi kami."
Napasapo ako sa aking noo. "Really. Ang ayos-ayos mo talaga kausap." Napatawa naman siya sa sinabi ko kahit alam ko namang tama siya.
"To be honest, mas gusto ko nalang tumira dito kesa doon sa labas."
"Bakit naman? Maganda kaya sa labas," sambit niya. Napalingon ako sakan'ya at nakita kong kumikislap rin ang kan'yang mga mata habang nakatingin sa mga bituin.
"I admit, maganda sa labas. But, the society? Nah. Madalas sakanila ay huhusgahan ka sa mga ginagawa mo. Kung ano ang nagawa mong tama ay madali nilang makakalimutan. Pero kapag ikaw naman ay nag kamali ay panghabang buhay nila 'yung nasa isipan," sambit ko habang nakatitig sakan'ya.
Bumaling siya sa'kin. "Ang ibang tao ay madalas ring nanghuhusga lalo na kapag mag susuot ka ng mga maiikling damit. At kapag nabastos? Ang biktima ay ang ginagawa nilang suspect samantalang ang suspect naman ay ginawa nilang biktima. Sasabihin nila na, 'Kaya ka nababastos dahil sa mga sinusuot mo'. Like, kasalanan ba 'yun ng isang tao kung gusto nila ang sinusuot nila?" pagpapatuloy ko.
"Paano kung doon sila komportable? Paano kung gano'n talaga ang gusto nilang suotin at sa pamamagitan doon nila maipapakita ang totoong sarili nila? Tatawagin pang malandi ang iba. How can they show their selves if people treated them in that way? Masakit lang isipin na ang kapwa tao mo, na pati narin ang pamilya mo ay nanghuhusga sa'yo..."
Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Damien nang mahigpit. Siya lang talaga ang nakakaintindi sa akin bukod kay Dem.
"Alam kong pagod na pagod ka na. Pero huwag kang susuko, ha? Uwi na tayo at matulog kana. Alam kong kailangan mong mag pahinga."
I smiled at him at marahang tumango. "Thankyou,", I murmured.
-
Ilang weeks narin ako dito at wala namang bago bukod na mas nagiging malapit kami ni Damien sa isa't-isa. Si Celeste ay bumibisita rin dito kaso, hindi nag tatagal.
Mabuti naman at sa loob ng ilang linggo, ay wala pa ring nakakaalam sa ibang bampira na may tao sa tahanan nila.
Si Damien naman ay nagugulat nalang ako dahil pag gising ko, may dala ng mga tubig at may isang araw pa nga na binigyan niya akong canned foods and pinaulam sa'kin.
Nasa sofa lang ako ngayon habang nag babasa parin ng libro. Lowbat na ang cellphone ko at hindi ko alam kung anong gagamitin kong pan charge nito.
Si Damien, ilang oras narin since lumabas siya ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan siya. Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil ngayon lang siya tumagal sa labas.
Hours passed ay narinig kong may kumatok sa pinto kaya mas naramdaman ko ang kaba.
Hindi kumakatok si Damien kapag papasok siya at pati narin si Celeste! At, gumagabi narin!
Hindi ko pa ito binibuksan dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka bampira ito! Habang tumatagal ay mas bumibilis ang pag katok nito!
"Open this fucking door!"
My eyes grew bigger when I heard his voice! Familiar sa'kin ang boses na 'yun. Dahan-dahan akong pumunta sa harap ng pintuan at dahan-dahang inunlock ito.
Nanginginug ang buo kong katawan at binuksan ang pinto. Hindi ako makapaniwala!
Paano siya nakaabot dito?!
Ano'ng ginagawa niya dito?!
What the fucking hell?!
Hindi ako makapaniwala sa taong nasa harap ko!
"A-Azi?!"
-IWB-SB