"NO!"
Napatingin ako sa paligid. Madilim sa labas at tahimik. Tinignan ko ang aking sarili at nasa ibabaw ng t'yan ko ang librong binabasa ko kanina.
Panaginip lang ba iyon?
Tumayo ako at dahan-dahang naglalakad patungo sa kwarto, cr at tinignan ko narin ang mga sulok-sulok dahil baka nandoon talaga si Azi, tumatago.
Walang tao o bampira sa kwarto at pati narin sa cr. Ako parin mag isa dito. Asan na kaya si Damien? Nag aalala na ako sakan'ya.
Niligpit ko ang librong binabasa ko kanina nang biglang may nahulog na papel nito kaya agad ko itong kinuha. May nakasulat at hindi naman 'to sa'kin kaya hindi ko sana babasahin pero, nacucurious ako kung ano ang nakasulat nito.
"If ever na mahahanap kita at magkikita tayo muli, ay hinding-hindi na kita papakawalan pa. Hindi na kita iiwan katulad noon. I'll protect you as long as I'm breathing."
Nagtaka ako sa nabasa ko. Bakit sinulat niya pa? Bakit hindi niya nalang sinabi sa taong pinapahiwatig niya nito? Kang Damien ata ang papel na'to or nakuha niya lang sa library ng bahay nila. Nasabi niya kasi sa'kin noong nakaraang linggo na mahilig din daw siyang magbasa at may library sila sa bahay nila. At 'yung malaking bahay na nasa dulo ng Lucifugous ay sakanila raw iyon.
Nilagay ko nalang ang papel sa bulsa ko. Tatanungin ko nalang si Damien about dito kapag, nakauwi na siya. Pumasok ako sa kwarto at humiga sa higaan. Gusto ko ulit matulog pero naalala ko kung ano na ang nangyayari sa labas.
Hinahanap kaya ako ng parents ko? Hinahanap rin ba ako ng mga kaklase at teachers ko? May nag aalala kaya sa'kin? Siguro naman meron.
Kailan kaya ako makakalabas dito? Eh, makakalabas ba talaga ako sa lugar na ito? O baka naman, makakalabas ako pero patay na? Imposibleng walang ibang daan dito patungo sa labas.
Kailangan kong maghanap ng paraan para makalabas dito. Aalis ako sa lugar na ito. Pero, bakit may parte sa'kin na ayaw umalis? Bakit may nararamdaman akong kunting kirot kapag naalala kong balang araw, ay iiwan ko rin si Damien?
Dadating rin ang araw na hindi ko na siya makikita. Na hindi ko na masisilayan ang kanyang magandang ngiti. At dadating ang araw na hindi na siya ang gigising sa'kin tuwing umaga.
It's either I'll leave him or he'll leave me.
Bakit ito ang nararamdaman ko?
-
Nagising ako dahil sa may naramdaman akong nakatitig sakin. Pag dilat ko ay nakita ko si Damien na nakaupo sa upuan na nasa harap ng hinihigaan ko. Malaki ang kanyang ngiti habang nakatitig sa'kin.
"Goodevening, Baby. Nagising ba kita?" tanong niya. Napaiwas ako ng tingin dahil tinawag na niya naman akong 'baby'. Masanay nalang siguro ako, no?
"Goodeve. H-hindi naman," I stuttered. He stared at me that's why, I climbed out of bed and opened the window.
Muli akong lumingon sakan'yaya na nakatitig parin sa'kin. Ang weird niya. Nakakailang. "Saan ka galing?" tanong ko at para akong nanlumo dahil may bahid na pagkataray ang tanong ko.
"Is my baby worrying about me?" He smiled. Tinignan ko siya nang seryoso. "Damien, I'm serious."
"Okay okay, easy. Uhm actually, galing ako sa pagiging tao at naging bampira."
"What the fuck!? Wala akong oras para makipag biruan sayo!" singhal ko. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa modo ngayon. Siguro dahil nagising niya ako?
"Ang taray mo ngayon, ha."
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso sa kusina. Nag handa ako ng makakain para naman makabawi ako sakan'ya. Marami akong utang na loob sakan'ya kaya hindi dapat ganito ang ituturing ko kay Damien. He deserves care naman, dahil kahit bampira siya ay nakayanan niyang mag tiis sa isang taong katulad ko.
I should be grateful!
Kung sa ibang bampira ako napunta bukod kay Celeste, malamang matagal na akong patay. Masyado akong naging harsh sakan'ya.
"Damien..." tawag ko. Hindi siya sumagot kaya pumunta ako sa kwarto at nakita ko siya sa kabaong, nakahiga habang tulala sa kisame. Nang nakita niya ako ay agad siyang tumayo at tumingin sa'kin.
"May problema ba?" he asked. Umiling ako at hinawakan ang wrist niya sabay hila sakan'ya papunta sa kusina. "Kain tayo. Hinandaan kita ng pagkain," aya ko.
Napatingin siya sa pagkain at sunod sa'kin. Nginitian ko lamang siya. Agad siyang umupo sa aking tabi kaya napatingin ako sakan'ya.
"Bakit ka tumabi?"
"Hindi ba pwede?"
"U-uh, what I mean, is bakit ka talaga tumabi sa'kin kung pwede naman sa doon," sambit ko sabay turo sa harap ko. He shrugged his shoulder, "Bakit ako uupo doon kung pwede naman dito?"
Hinihilot ko ang aking sentido dahil sumakit ulo ko dahil kay Damien. Huminga muna ako nang malalim at hinarap.
"Ano kasi, ano ang purpose mo kung bakit ka tumabi sa'kin?" I asked and he smirked.
"Malamang edi, kakain."
"Isa," I warned.
"Dalawa," pagpapatuloy niya.
Tumayo ako at tinignan siya nang masama. Tumawa siya nang malakas habang nakahawak-hawak pa sa t'yan niya.
"Umupo kana ulit, pft hahaha," natatawang sambit niya.
Umupo nalang ako at nag simulang kumain. Tahimik lang akong kumakain nang biglang inagaw ni Damien ang kubyertos na ginagamit ko.
Ano na namang trip neto?
Tinignan ko siya using my bored look. Kunwari pacool-cool lang pero deep inside, gusto ko nang sumabog.
"Hey baby, say Ahh!"
"What the fuck?!"
"Ano?! Natunan ko dati, bawal ka daw mag sasalita ng mga bad words kapag nasa harap ka ng pagkain."
I raised my brows. "Seriously, bampira?"
"Dali na, susubuan kita."
"H-ha? S-susubuan ng ano?!" nauutal kong tanong. Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Amp, pagkain, Selene. Pagkain!"
"Oo na. May sinabi ba akong iba? Nag tanong lang ako, putulin ko ulo mo, eh."
Wala akong nagawa kundi ibuka ang bibig ko. Muntik na nga akong nabilaukan dahil tawa lang kami nang tawa sa aming ginagawa.
"Subuan mo rin ako," utos niya habang naka pout.
Sinubuan ko rin siya ng pagkain at hindi namin mapigilang hindi mapatawa nang malakas dahil sinusubuan na namin ang isa't-isa.
Ang alam ko lang, masaya at komportable akong ng kasama siya.
Makakayanan ko ba kapag dadating ang araw na mawawala na siya sa buhay ko?
-
Pagkatapos naming kumain ay umupo kami sa sofa at nag kukwentuhan nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Celeste. May susi rin kase siya sa bahay na 'to kaya nakakapasok lang siya.
"Damien, kamusta na 'yung sugat mo kanina?"
Napatingin ako kay Celeste. Nag kasugat si Damien? "Bakit siya nasugatan?" tanong ko.
"Hindi mo alam?" tanong ni Celeste at bumaling sa'kin.
Magtatanong ba ako kapag alam ko na?
"H-hindi eh."
Nakita kong itinaas ni Damien ang pantalon niya at nakita ko ang malaking sugat niya sa tuhod. Wala iyong dugo pero malaki-laki ang sugat na 'yun.
Agad kong kinuha ang bag ko at kinuha doon ang maliit na first aid kit ko. Nilapitan ko kaagad siya at kinuha ang povidone iodine sabay lagay sa cotton swab.
Dahan-dahan kong nilagay iyon sa sugat si Damien. Titig na titig si Damien sa'kin, pati narin si Celeste. I felt awkwardness without knowing why.
"A-aah! Aray!"
Napatingin ako kay Damien dahil sa impit na sigaw niya. "Sorry..."
"Tss hahaha!" Napatingin naman ako kay Celeste. Ang weird talaga ng mga bampira.
"'Wag ka maniwaka d'yan kay Damien, Selene. Pft, makapag react akala mo naman nakaramdam talaga ng kirot. Mawawala ang mga sugat namin kapag hinahawakan namin ito kaya 'wag kang magpapaloko d'yan, hahaha!"
Tumingin ako kay Damien, na masama ang tingin kay Celeste, na tumatawa lang dahil sa pag buking nito sa kan'yang kaibigan.
Great! Just great!
Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit. "Uwi na nga ako," sambit si Celeste. "Mabuti pa at pwedeng-pwede rin na hindi ka na babalik pa," naiinis na tugon ni Damien.
Napatawa ako nang mahina dahil sa inaasal niya.
"Kaya mo naman palang gamutin sarili mo, eh."
-
Huhubarin ko na sana ang damit ko nang may makapa ako sa aking bulsa. Agad ko itong kinuha at nakita ang papel na nakita ko sa libro.
Binalik ko ang suot kong damit at lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si Damien doon na nakaupo lang habang tulala ulit.
"Hey, may problema ka ba? Or may bumabagabag sa isipan mo?" tanong ko at umupo sa sofa na nasa harap niya. Napatingin naman siya sa'kin at ngumiti nang maliit. "Iniisip ko lang kung paano ka makakaalis dito sa impyernong lugar na ito."
So, he wants me to leave?
"Ah. By the way, may nakita ako sa libro kanina," sambit ko sabay bigay sakan'ya nung papel. Agad niyang binasa 'yun at nakita kong nagulat siya. "Saang libro mo 'to nahanap?" seryosong tanong niya.
"B-bakit? Masyado ba itong private? S-sorry, ibabalik ko nalang d-"
"Wait."
Napatingin ako sakan'ya at sa kamay niyang nakahawak rin sa kamay ko. "Ha? Ibabalik ko nalang doon," sambit ko pero hindi niya parin binitawan ang kamay ko.
Uupo nalang sana ako ulit nang bigla niya akong hinila papalapit sakan'ya at natumba ako sa kanyang dibdib!
Nanlaki ang mata ko habang nakatingala sa mukha niya. Kaunting lapit nalang ay mahahalikan na namin ang isa't-isa! Sinubukan kong gumalaw pero mas humigpit ang pagkahawak niya sa'kin.
"I think it's time. Hindi ko kayang ilihim ito sa'yo lalo na't sobrang lapit na natin sa isa't-isa..."
Napatitig ako sakan'yang mapupula at magagandang mata at sunod sa kan'yang labi, sabay napalunok.
Ang pogi, shet.
"Nabasa mo 'yun, diba?" tanong niya at dahan-dahan akong tumango. "O-oo."
"That message. Ikaw ang pinapahiwatig ko do'n."
"W-what do you mean?" Pumikit siya sabay buntong hininga. Pagkatapos, ay may sinabi siyang ikinagulat ko.
"It's me...Dem. Your childhood bestfriend."
-IWB-SB