"Hey..."
Nagising ako sa tawag at mahinang yugyog ni Damien sa'kin. I slowly opened my eyes at tumingin sa may bintana.
"Bakit mo ako ginising? Gabi pa oh. Ang dilim pa," sambit ko at nag yawn. Nag stretch rin ako ng katawan.
"It's morning. Kaya madilim dito dahil nasa tagong lugar tayo, at ang Lucifugous." Bigla akong napatayo at bigla ring nagising ang loob ko. "M-may klase pa kami! Hindi ako pwedeng umabsent and I'm sure na hinahanap na ako ng parents ko!" natataranta kong tugon.
"Wait, don't panic. Just sit, breath, and relax—"
"How can I relax?! Nawawala ako, Damien! I can't attend my classes, and if I can't attend those, mawawala na ang expectations ng parents ko sa'kin! And worst, posibleng nasa police station na sila at pinapahanap ako! Nag aalala na sila, Dam—"
"SELENE!"
Bigla akong nagulat at napatigil sa sigaw niya. Naramdaman kong uminit ang gilid sa aking mga mata dahil sa luha. I still can't believe that I am missing on the outside world.
Naramdaman kong tumabi sa'kin si Damien at yinakap ako ng mahigpit.
"Shh, I'm sorry, Selene," sambit niya at dahan-dahan naman akong huminahon. "N-no, it's my fault. You don't need to say sorry," I replied.
I don't know why I'm crying right now. Hindi naman talaga ako ganito. Maybe, I'm just shocked and scared of what will happen later, tommorow, next week, next month, or next year. Pero, makakaabot pa ba talaga ako sa mga susunod na buwan? I can't trust Damien easily.
"The food is ready. Let's eat?"
"O-okay."
Tumayo na kami at lumabas sa kwarto. And as expected, vegetables ang pagkain at syempre, walang garlic doon. Umupo na kami at mag pe-pray na sana ako pero naalala ko, bampira pala 'tong nasa harap ko.
Tumikhim siya dahil alam niya siguro na muntik na akong mag-pray. I just smiled awkwardly and started to eat this veggies. Tahimik lang and it's awkward kaya ako na ang sumira ng katahimikan.
"Kumusta tulog mo?" tanong ko pero bigla siyang tumawa nang mahina.
"We don't sleep, Selene." Tumango nalang ako at nag patuloy sa pag kain. "Ikaw? How's your sleep?" tanong niya rin sa'kin. "Ayos lang naman."
He smirked. "Sino ba naman ang hindi maaayosan kapag napaginipan ang isang gwapong 'tulad ko?"
"Kaya pala malamig dito, Damien. Ang lakas ng hangin," asar ko.
"Malakas ba ang hangin? Is it enough para matangay ko ang puso mo?"
I choked at napasinghap sa biglaang tanong niya. "T-tigilan mo 'ko, bampira. Baka maputol ko ulo mo, 'di oras."
"Pa'no na kita mabubuntis niyan?" he pouted.
"Aba't tarantado. Ayaw ko na ngang kumain!" sigaw ko at hinampas siya sa braso habang siya ay tawang-tawa dahil sa aking reaksiyon. Niligpit ko ang platong ginamit ko at syempre, hinugasan ko 'yun. Even though, tamad ako sa ibang gawaing bahay lalo na ang paguhugas ng pinggan. Pero no choice, palamunin na nga lang ako dito, magiging tamad pa? Ang kapal naman ata ng pagmumukha ko.
Dumiretso ako doon sa sofa pagakatapos at umupo dahil nandoon ang bag ko. Kinuha ko doon ang cellphone at mabuti naman dahil hindi pa 'yun nalolowbat. Pero ang bad news dito, is walang signal.
"What's that?" tanong niya habang nakaturo sa cellphone ko.
"Cellphone ata?" patanong kong sagot. Umiling siya. "Alam ko. 'Yang nasa tabi mo, ano 'yan?" Bigla akong kinabahan at dahan-dahang lumingon.
Pero, wala naman. "Huh? Wal—Bakit ka nandyan?!"
Matik, kaya pala ako pinalingon dahil tatabi pala sa'kin. Nagulat nang bigla niya akong inakbayan ang hinila papalapit sakanya.
"You're so attractive..."
Napatingala ako sa kan'yang mukha and we almost kissed, because he's smelling the scent of my hair! Agad naman akong umiwas ng tingin.
"Me? Attractive? Ako nga ba or naattract ka lang sa dugo ko?" I asked. He grinned. "I'd rather not to answer."
—
"Selene."
Napalingon ako kay Damien dahil sa tawag niya. Nandito lang ako sa sofa nakaupo habang nag babasa ng libro.
"You asked me some questions about me yesterday, am I right?" Tumango ako. "Yeah, bakit?"
"Ako naman mag tanong about sa'yo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Why?" I asked. Hindi ko alam pero kusa lang 'yun lumabas sa bibig ko.
"You know, we must know each other more since, hindi ka na makakalabas dito."
'hindi ka na makakalabas dito.'
Napaayos ako ng upo at napayuko dahil sa sinabi niyang hindi na ako makakalabas dito. Wala na ba talagang paraan? Humarap ako sakanya at ngumiti nang pilit.
"S-sure. Go on."
"Are you okay?" he asked while staring at ny eyes. "Yes I am." I smiled widely, hiding the pain inside me. No, not that question!
"You're lying."
"No, I'm not."
"Yes, you are."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Yeah, he's right.
"Sorry for lying. I-I am just good at pretending and lying..." Napayuko ako. He patted my head. "No, it's okay." Napatingin ako sakanya.
"Sometimes, we just need to pretend that we're okay. We need to wear a mask everyday. A mask where we can cover our real emotions. Alam ko, hindi madali mabuhay sa labas lalo na't iba-iba na ang mga mindset ng mga tao ngayon..." ani Damien.
"...If you're tired, then mag pahinga ka. If you're sad, make yourself busy. If you're mad, 'wag kang mag padaloy-daloy ng decisions mo. Learn on how to control your emotions. Hindi man ito madali pero we must learn about it, because it is important." Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya.
"It's okay to pretend that you're happy. Kapag may nakita kang tao na mas piniling ipakita ang sadness nila, let them be. Maybe, they're tired on pretending. Dahil hindi naman lahat sa oras ay mag pepretend ka nalang. You need to show it too. To show them that you're hurting too and to show them that everyone should be strong always," pagpapatuloy niya.
"Noted. Thankyou, Damien." I said and he smiled.
"Always welcome, baby. Next question—"
"Wait, stop calling me 'baby'," I said pero tinawanan lang ako.
"Gusto kita tawagin ng gano'n, eh. And yeah, next question. Have you ever felt that you're hurting too much at feeling mo, ikaw lang ang nasasaktan and suddenly, you felt lonely?"
"To be honest, y-yes," sagot ko.
"It's okay to feel in that way too. May mga araw talaga na gan'yan ang mafe-feel natin. Pero always remember na maraming tao ang mas problemado pa sa'yo. Maraming tao na nag pe-pray na mag karoon siya ng buhay na katulad sa'yo."
I smiled at him. "Why are you so good at this? Naramdaman mo na rin ba? Does vampires felt the same too?"
"I don't think so. Basta I just want to tell you na naging tao rin ako katulad mo. I am once a human too."
—
Nasa kwarto ako habang nakahawak sa aking puson. Shit, ang sakit. Sobra! Naalala ko, hindi pa pala ako dinatnan ngayong buwan, fuck!
Wala akong napkin sa bag kaya hindi ko alam kung ano ang gagamitin ko. May diaper or napkin ba sila dito? Syempre, wala. Wala nga silang dugo.
Habang nasa higaan ay namimilit ako sa sakit nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Damien. Agad niya akong nilapitan at tinanong kung anong nangyari. Pinaliwanag ko sakan'ya ang lahat at mabuti naman dahil naintindihan niya ako.
At tungkol kanina sa sinabi niyang siya ay naging tao rin ay hindi ko na siya tinanong ng marami, dahil nakikita ko sa kanyang mga mata na nasasaktan siya dahil hindi niya ginusto ang maging bampira.
Sabi niya, napipilitan lang daw siyang pumayag sa mga magulang niya.
"Ano gagawin natin n'yan?" tanong niya at nag shrugged lang ako dahil 'di ko rin alam kung ano ang gagawin.
Bigla siyang tumahimik at nakita kong medyo kumislap ang pula niyang mata. "I know what to do now!" sambit niya kaya napatingin ako sakan'ya na masiglang-masigla ang mukha. "Ano?"
"Sipsipin ko nalang dugo mo pero 'di sa leeg." he smirked.
Agad ko siyang hinampas at tawa at ilag lamang ang nagawa niya. "Ang dugyot mo, Dem!"
"Dem? Who's Dem?" tanong niya at tumigil sa pag-tawa. At doon ko lang narealize na tinawag ko pala siya gamit ang nickname no'ng childhood bestfriend ko na Damien rin ang pangalan.
"W-wala. Naalala ko lang kase sa'yo ang childhood bestfriend ko na Damien rin ang pangalan," I explained. Tumango-tango naman siya. "Asan na siya?"
"Iyan ang hindi ko masagot. Nagulat at nag taka nalang ako dahil isang araw, 'di ko na siya nakita."
"Do you miss him?"
"Sobra," I said and smiled weakly. Napatingin ako sakanya dahil bigla niyang inopen ang arms niya. "Imagine mo nalang na ako si Dem," he said and hugged me tight. Medyo nag tataka man ay, niyakap ko nalang siya pabalik.
"I'm sure, kahit 'di siya naka pagpaalam ay namimiss ka na din niya," he whispered. "I hope so."
"T-teka, mamaya na nga 'to. 'Yung puson ko sobrang sakit na." Napatawa siya sa sinabi ko at bumitaw sa yakap. Tinitigan niya ako diretso sa mata kaya tinitigan ko rin siya at ngumiti nang malaki.
I don't know but, there's a part of me na komportable sa kanya kahit, isa siyang bampira. Kahit, posibleng mapapatay niya ako.
"Wait here. May tatawagin lang ako and trusted siya kaya please, don't be scared..." Tumango ako kahit medyo natakot ako sa sinabi niya.
Posibleng-posible na bampira 'yun. Dahil ang mga tao dito except sa'kin ay parang label niyo. May label ba kayo? Wala. Kaya, ako lang ang nag iisang tao dito.
Lumabas na si Damien sa kwarto and I'm sure, papunta 'yun sa village ng Lucifugous. I wonder kung bakit gano'n ang mukha ng lugar na 'yun. Ang dami kasing dugo saan-saan at sobrang creepy. Hindi ba nila nililinis 'yun?
Ilang minuto kong paghihintay ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot lalo na nang nag salita ang babae na kasama ni Damien.
"Ohh, that smell is so nice! I wonder what it tastes like!"
Hindi ako nakagalaw na sa aking hinihigaan dahil sa sinabi niya. "Stop it Celeste." Damien warned.
She laughed. "Kidding, I'm just messin' around," sambit niya at nagulat ako dahil bigla itong umupo sa tabi ko kaya dali-dali akong bumangon at napatingin sakanya.
She's smirking at me. Ang ganda niya! Para siyang anghel at hindi ko aakalaing bampira rin 'to.
"Am I beautiful?" she asked. Mukha naman siguro 'tong mabait.
Tumikhim ako. "Y-yes," sambit ko pero hindi maitago ang takot sa boses ko kaya napatawa ulit siya.
"You scared? Nah, don't be. Ilang beses ka na ngang nak'wento sa'kin ni Damien. Simula pa n—"
"Stop it, Celeste kung ayaw mo maging peste," pag putol ni Damien sa sasabihin ni Celeste kuno.
And wait, nak'wento ako? So, matagal na niya akong kilala?
"Yeah yeah." Humarap sa'kin si Celeste at inilahad ang kanyang kamay sa'kin. "I'm Celeste," sambit niya habang nakangiti.
Inabot ko ang kanyang kamay. "I-I'm Selene."
Lumabas kami sa kwarto at umupo kami ni Celeste sa upuan habang si Damien naman ay kinuha ang coat at sinuot ito.
"Where are you going?" tanong ko. Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti.
"Somewhere. I'll be back and pababantayan muna kita kay Celeste, dahil baka may ibang bampira tapos ikaw lang mag isa dito."
I smiled at him. Ako ang may kasalanan kung bakit ako nakapasok dito pero tinulungan niya parin ako para maging ligtas palagi.
"Girlfriend mo?" I asked. Bigla naman natawa nang mahina si Celeste. "Soon, Selene. Soon," sambit ni Celeste at may pa pikit-pikit pang nalalaman sabay tinataas ang kamay at tumawa.
"No, kaibigan ko lang 'yan. Ganyan lang talaga ugali at 'di ko rin alam kung bakit ko siya naging kaibigan."
"Damien, kailan ka pa natutong manakit? Ikaw na nga 'tong tinutulungan para maitago 'tong si Selene." Celeste pouted.
Tinitigan ko lang sila habang nag babangayan at 'di ko maiwasang hindi mainggit. Nakikita ko lang kase sakanila ang bangayan rin namin ni Dem noon. Kumusta na kaya siya?
Ilang minuto ang lumipas ay bigla silang tumahimik kaya napatingin ako sakanila.
"I'm hungry," biglaang sambit ni Damien habang nakangisi. Ngumisi rin si Celeste at nag katitigan sila sa mata na para bang nag uusap gamit ang mga mata nila.
"Ako rin," Celeste said and smirked. "I wonder kung kaninong dugo ang naamoy ko? Hmm," pag papatuloy ni Celeste habang nakahawak pa sa kanyang chin at nakakunot ang noo.
"Wait, I wonder how sweet her blood is," Damien replied. Dahan-dahan lumapit si Damien sa akin at sumunod naman si Celeste. They're smiling seductively.
Nagulat ako nang itinaas ni Damien ang aking baba, dahilan para mapatingala ako sa kan'yang gwapong mukha. Napalunok ako. He slowly smells my neck and I felt goosebumps when he licked it.
I'm shaking right now! I can't barely breath because of fear! Oh Jesus, help me, please!
Tumugil si Damien at tumayo. They both looks at me with a grin on their face. Nanlaki ang mata ko at nanginginig dahil alam ko na kung ano ang gusto nilang iparating.
Napaatras ako sa takot at dahan dahan rin silang lumalapit sa'kin.
They opened their mouth and showed me their fangs habang malapit aatake sa'kin. But before that, 'di ko na alam ang susunod na nangyari, dahil nawalan na ako ng malay.
-IWB-SB