Chereads / She Came / Chapter 3 - Kapitulo Dos

Chapter 3 - Kapitulo Dos

"No Son. I want you to marry someone as soon as possible and have an heir that will have your name at saka ako makakasiguro. Do that as soon as possible. That's my condition before I give you the position of being a CEO of MV Electronics. You have one whole year to do that or you will not inherit the company."

Animo nabingi ang dalawa sa inanunsiyo ng ama ni Von. Nagkatinginan sina Von at Thorn at nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata.

"Are you sure about this Dad!? I mean... I am still young. I'm just 27 years old and I'm not still thinking about marriage and heir. Baka naman pwedeng iba nalang ang ipagawa niyo Dad. Yung kaya ko lang po."

"Von Russell. That's an order. Bakit naman magiging problema ang pagkakaroon mo ng asawa at anak. Come to think of it, you are capable of having a family already. Hindi ka na bumabata pa Von Russell. Gusto ko narin na bago pa man ako pumanaw eh masilayan ko pa ang mga apo ko."

"Daddy pag-iisipan ko pa po. But I don't want to have a reckless move. Hindi po parang noodles ang pag-aasawa na pwedeng instant nalang. I need to consider the pros and cons of this act."

"Disregard the pros and cons. Hindi rin negosyo ang pag-aasawa. Do it as soon as possible kung gusto mo pang mamana ang MV Electronics."

Agad na tumayo si Don Evan at saka umalis na ng kusina. Sinundan naman ito ng asawa na si Doña Mel na hindi rin mapakali dala ng mainit na diskusyon ng mag-ama. Bagsak ang balikat ni Von. Pakiramdam niya ay walang pakialam ang ama niya sa kanya. How could his father oblige him to do a ridiculous request? Pero wala siyang magagawa. His father's word is the law.

Inihatid ni Von palabas su Thorn. Tahimik parin si Thorn at hindi siya pinapansin.

"Thorny... baka pwede natin tong pag-usapan. Wag ka namang magalit oh. Hindi ako mapakali kapag may alitan tayo."

"Don't worry about me Rus. I am not mad. Pero wag muna natin 'tong pag-usapan ngayon. Mas makakabuti kung magpahinga muna tayo at mag-isip. Let's just talk tomorrow. I'll go to your condo."

"Sigurado ka ba? Ayoko talaga nito eh. Hindi ako makakatulog ng maayos mamaya." Tumawa si Thorn sa inusal ni Von. Saka nito tinapik ang balikat ng huli.

"Let's talk tomorrow Rus. Pagod din ako dahil sa shift ko sa hospital kanina. Rest assured, I still love you."

Sumakay na ng kotse niya si Thorn at pinaharurot na ito palabas ng property ng mga Tanjuatco.

*****

VON RUSSELL

Five in the morning, my alarm clock went frenzy. I groaned as I tried to get up from my bed. Agad akong nagligpit ng hinigaan ko at saka ako nagtungo sa banyo upang maligo.

After I took a bath, lumabas na ako para magbihis. Sinuot ko ang isang baby blue na polo at pinatungan ko ito ng itim na coat. To complete my look, I wore a maroon colored slacks and a brown leather shoes. Isinuot ko narin sa kanang braso ko ang relos ko at saka ako nagpabango at nagsuklay bago bumaba.

Nakita ko na may tao na sa kusina pero nagsawalang bahala nalang ako. Time is running and I need to be at the company now. I don't want to be late at sanay naman na sila na hindi ako nagpapaalam kaya wala nang problema pa.

I rode my Mercedes Benz and sprinted at the speed of 70 kilometers per hour. Eksaktong bukas na ang paborito kong cafe nung dumating ako.

"Hello Sir. Good morning po. Ano po g atin?" Magalang na tanong ng barista.

"One coffee royal and a coffee cake. To go "

"Here's your order Sir." Agad kong inabot ang supot saka ko naman ibinigay ang credit card ko sa kanya. Pagkalabas ko ng Cafe Clara ay dumiretso na ako sa opisina ko.

As the elevator went close, naalala ko na naman ang sinabi sakin ni Dad kagabi. Honestly, hindi ko parin alam ang gagawin ko eh. But I need to settle this matter as soon as possible.

"Good morning Sir." Yan ang madalas na bati ng mga empleyado ng kompanya kasabay ng pagyuko bilang paggalang. I just gave them a small smile.

I made myself busy sa mga gawain sa opisina dahil ayoko na isipin ang problema na kinakaharap ko ngayon. Agad kong tinapos ang mga papeles na nandoon. I attended all the meetings na meron and I made sure that everything about the company runs smoothly. Well, palagi ko 'yong ginagawa but I am doing that now on a different level.

"Sir, eto po yung mga application letter na galing sa HR. Approval mo nalang po ang kulang sa mga yan. Eto naman yung galing sa Budget Office, it needs your signature. Here's from the Planning Department, pinapacheck nila kung okay na ba yung project para sa next month Sir."

"Thank you Lisa," pasasalamat ko sa sekretarya ko. Lisa is in her early 40's. Mabaiy siya at para nang mother figure ng lahat ng nandito na mga bagito pa.

"You are welcome Sir Tanjuatco. Before you get so engrossed with your work, I am just reminding you about the meeting this afternoon with the Department Heads and an appointment with Ms. Alana this evening."

"Cancel my appointment with that girl. She's so annoying. I can't stand her." Bumukas ng marahas ang pinto kaya napatingin ako doon.

"ANONG SINABI MO VON RUSSELL? GUSTO MO BANG SUMABOG ANG OPISINA MO?"

Speaking of the great devil. There she is Alana Jane Madrigal. My annoying b*tch cousin. Oo. Magpinsan kami. Magkapatid ang mga Mommy namin that's why. Nakapamewang siya na animo reyna.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito Alana Jane? Wala ka bang ibang trabaho?" Bakas sa tono ko ang pagkairita. Pasalya akong umupo sa swivel chair ko.

"Wala na. Bukod sa gusto kitang pestihin eh gusto ko ring tumambay sa opisina mo. Nakakainis kasi sa opisina ko. May asungot doon. Ewan ko nalang talaga. Nase-stress ang beauty ko." Umupo siya pabagsak sa sofa at saka napahilot ng sintido.

"May beauty ka pa pala?" Sinamaan niya ako ng tingin saka nag-peace sign. Tss! Isip bata talaga.

"Oo naman no. Nasa dugo na yan." Proud pa siya nung sinabi niya yung linyang yun.

"Hay naku! Kawawa ka naman. Buti pa yung dugo mo gumanda. Yung mukha mo hindi na."

"BWISIT KA TALAGA RUSSELL. SASAMAIN KA SAKIN HA?!"

Binato niya ako ng throw pillows na iniilagan ko naman. Tawa ako ng tawa dahil namumula na siya sa sobrang ngitngit niya sa galit sakin. Nung napagod kami sa habulan, tumigil din kami at magkatabing naupo.

"May problema ka ano? Sabihin mo na Russell. Para naman tayong others niyan." Inakbayan niya ako sabay humilig siya at nilagay ang ulo niya sa balikat ko. Napabuntong hininga ako. Sa lahat ng mga pinsan ko, si Alana talaga ang pinaka-close ko pero para din kaming aso at pusa.

"Si Daddy kasi eh..."

"Anong nangyari kay Tito? May sakit ba siya? May nangyari ba sa kanyang masama? Nangaliwa?" Binatukan ko siya. Loka talaga to. Napatayo pa talaga siya ha?

"Hindi bopols ka! Walang sakit si Dad. Walang masamang nangyari sa kanya kaya relax ka lang. At takot si Daddy na iwan ni Mommy kaya never siyang nangaliwa. Ganon niya kamahal ang ina ko."

"Oh, edi anong problema?"

"He wants me to marry someone as soon as possible. And I should have a child that would be my heir and bring my name. He will resign from being a CEO and he will pass it to me next year. If I can't make it until then ay ibigay niya ang company sa mga supported na charities niya. And you know how much I love the company."

"Mahirap nga yan. Halos buong buhay mo ay naghanda ka para lang mahawakan mo ito ng maayos tas mawawala lang basta basta sayo. Wag kang mag-alala Russell. Kaya mo yan! Ikaw pa?"

"Pinalalakas mo ang loob ko pero komplikado kasi ang sitwasyon eh. May mga taong masasaktan at madadamay sa mga desisyon ko sa buhay. And I don't want that to happen Alana."

"Right. Pero kasi... In life, may mga taong magsasakripisyo at may iba naman na isasakripisyo. It's a matter of give and take. Pag-isipan mo ng mabuti yan Russell. Mas maaga mas better. Pero suggest ko lang. Dahil ako ang pinakamaganda at pinakamamahal mong pinsan, maghanap ka na ng pakakasalan mo. Walang kaso kung mayaman o hindi yung babae basta mahal mo go."

"Anong konek nung maganda sa advice mo?" Takang tanong ko. Mahilig talagang magbuhat ng bangko to eh.

"Ako. Maganda ako Russell. Wag kang umangal kung hindi sasapakin talaga kita jan."

"Ewan ko sayo. Alis na nga! Ginugulo mo ang buhay ko eh."

"Wow! Ano ako Shabu? Aba gag* to ah! Sapakan nalang oh!"

"Wag na. Baka mabali pa ang buto buto mo sa katawan. Ang payat payat mo tapos kung makapanghamon ka akala mo sumo wrestler tsk!"

"Che! Bahala ka jan! Aalis na ako. Nasistress ako sayo. Basta hanap hanap din ng jowa pag may time ha? Hoy Von Russell makinig ka ha?! Pero yung maganda naman sana na babae at hindi yung pokpok na parang kinulang sa tela palagi ang suot? Copy?"

"Oo na alis na. Pag-iisipan ko pa yan."

Sa wakas ay umalis na nga ang makulit na si Alana. Naiwan ako sa opisina ko at nakatingin sa kawalan. I was back to my senses when someone sat beside me.

"Thorny?!" Gulat ako. Anong ginagawa niya dito?

"Wala ka bang pasok today? Bakit ka andito?"

"Well, I am free for today. Half day lang ang duty ko. I want to talk to you today. Let's date?"

"Wow! Sure sure! Saan ba? Sa resto na paborito natin?" Excited ako. It's been a while since we go on a date.

"Hmm... Wala ka nang tatrabahuin dito?"

"Wala na. I'm done. Sige tara na."

Umalis kami sa opisina ko para mag-lunch na sa resto. We rode on my Mercedes Benz and opened the stereo. Pumailanlang ang malamyos na musika doon.

Wish I could be the one...

The one who could give you love...

The kind of love you really need

Wish I could say to you..

That I'll always stay with you

But baby that's not me-

[Refrain]

You need someone willing to give their heart and soul to you

Promise you forever, baby that's something I can't do

[Chorus]

All I could say that I'll be all you need

But that would be a lie

I know I'd only hurt you

I know I'd only make you cry

I'm not the one you're needing

I love you, goodbye

Sinabayan ni Thorn ang musika. Ang sarap talaga sa pandinig ang boses niya. It's cold and calm. Napapa-hum narin ako sabay sa kanya.

"Thorny, ano nga pala ang sasabihin mo sakin?"

"Rus, sa tingin ko tama si Tito. You need a woman who will carry your child."

"Ano?! No way! Paano ka na? Paano na tayo?" Binalingan ko siya ng tingin.

"Pero ile-let go mo ang kompanya? Alam ko na hindi mo kaya Rus. Alam ko na hindi mo isusuko ang pinaghirapan mo."

"And then what? Maiiwan ka? Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman ko?"

"I am Rus. But I we need to do this. Ayoko na madis-appoint mo ang family mo Rus."

"Edi aminin na natin sa lahat ang relasyon natin. We need to save our relationship."

"Hindi pwede! Ano nalang ang sasabihin ng parents mo? Hindi nila tayo matatanggap Rus. It will shock them to the core. If yan talaga ang gusto mo, dahandahanin lang natin."

"Okay okay. I'm just worried. Sorry na Thorny. Kalimutan na natin yung diskusyon natin ngayon ha?"

"Okay Rus. I know naman na stressed ka lang. Let's just go with the flow and enjoy our day. Okay?" We smiled at each other and held our hands.

Pero nagulat kami nung biglang may babaeng tumawid sa kalsada. Sh*t masasagasaan ko siya.

Screeeeeeeccccchhhhh!!!