Chereads / Salamin [BL] / Chapter 32 - Salamin - Chapter 32

Chapter 32 - Salamin - Chapter 32

"Ano ba pinagsasabi mo, Alice?" ang pika kong sagot sa kanya. Humagikgik lang siya sa akin.

"Would you prefer the old one or tito?" ang makulit niyang tanong sa akin.

"Alice, ano ba pinagsasabi mo?" ang tanong ko sa kanya muli. Naguguluhan na talaga ako sa mga oras na iyon. Natatakot akong malaman ang alam ni Alice na marahil ay may kinalaman sa mga naganap kagabi.

"Just go to lolo's house, okay? I'll tell Randy to come with you. You need to hear this." ang seryoso niyang sagot.

"Anyways, bye tito Jasper!" ang nang-aasar niyang paalam sa akin. Hindi na ako nakasagot bukod sa agad niyang binaba ang kanyang tawag, pakiramdam ko'y parang lulutan ang aking utak mula sa aking katawan.

Ilang sandali ang lumipas at kumatok at nagtatawag nanaman si Simon na gumising sa aking ulirat na lunod sa maraming katanungan at takot sa mga bagay na maaari kong harapin. Hindi pa ako nakapagbibihis kaya't nagmadali akong mag-ayos ng sarili. Halos madapa-dapa na ako sa pagsuot ng aking pambaba at kung saan-saan ko na naihampas ang aking mga braso't kamay habang sinusuot ang aking nahugot na shirt mula sa damitan.

"Bee, may kumakatok. Di mo pa rin ba kinausap kuya mo?" ang nabiglang nagising na si Rodel habang nasa kama at pumupungas ng kanyang mata gamit ang kanyang isang kamay at ang isa naman ay isinasara ang kanyang maong. Hindi ko sinasagot ang panay pa rin na panawagan ni Simon sa kabilang pintuan.

"Nagbibihis na ako, bee. Punta daw tayo kila Don Amante." ang agad kong sagot sa kanya mula sa kung saan ako naroroon.

Umupo na si Rodel sa gilid ng kama't nagsuot ng kanyang medyas at rubber shoes. Dali-dali akong tumungo sa kanya matapos magbihis at tinulungan siyang suutan ng medyas at sapatos ang natira niyang paa.

"Saglit lang pre! Nagbibihis na!" ang sigaw ni Rodel kay Simon upang matigil sa pangungulit sa pintuan.

"Bakit daw? Anong meron?" ang tanong ng inaantok ko pa ring nobyo.

"Si Alice, kakatapos ko lang kausapin sa phone. Punta daw tayo nila kuya kay Don Amante." ang sagot ko habang sinisintas ang kanyang sapatos.

"Anong meron?" ang tanong ni Rodel na di ko pa pala nasagot. Natapos ko nang isintas ang sapatos kaya't tinignan ko na siya ng mata sa mata bago sumagot.

"Bee, hindi ko rin alam. Naguguluhan na ako. Kaya gusto kitang isama, kasi gusto ko kasama kita pag nalaman ko kung ano man iyon." ang may pinanghuhugutan kong sinabi kay Rodel.

Tinulungan niya akong makabango at nang makatayo na ako'y inayos ko muna ang medyo nagulo niyang buhok. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya ng maayos ko na ito.

Sabay kaming naglakad sa pinto ngunit ako ang nagbukas at nauna. Bumungad sa akin si Simon na malungkot na malungkot ang mukha at tila namamaga ang mga mata dala marahil ng pag-iyak. Nakayuko siyang pilit itinatago ang kanyang mukha ngunit dahil sa mas matangkad siya sa akin ay lalo ko lang itong nakita.

"Ngayon ko lang nakita umiyak si Simon. Sino kaya sa katauhan niya ang umiyak?" ang bulong ko sa aking sarili.

"Pare! Bakit namamaga mata mo? Ngayon ko lang ikaw nakitang ganyan ha? May problema ba? Ha? Ha?" ang masiglang bati ni Rodel kay Simon sabay kabig nito sa kanyang balikat at niyugyog.

"Ako umiyak?! Wala pare, nasobrahan lang ako sa tulog kanina. May nakain din yata ako. Ewan ko ba." ang sagot niya ngunit pilit pa rin niya itinatago ang kanyang mukha.

"Tara, punta na tayo sa bahay ni..." ang yaya ko sa kanilang natigil.

"Sa bahay ng tiyuhin mo?" ang mabilis na sabat ni Simon sa akin ng maangas niyang boses. Mabilis nitong kinuskos ang kanyang mukha at matapos niyang alisin ang kanyang kamay ay nakita ko ang dating ni Randy bagaman naroon pa rin ang pamamaga ng mata niya.

Natulala kami ni Rodel sa kanya, nabigla akong lubos at si Rodel nama'y parang naguluhan na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"May maliba sa sinabi ko? Punta tayo sa bahay ng tito mo." ang yaya niya at naglakad nang nauna sa amin. Sumunod lang kami ni Rodel sa kanya. Nag-aalala si Rodel para sa akin at batid ko iyon sa mga tingin niya sa akin. Wala akong maisagot sa kanya. Katahimikan lang ang nanaig sa aming dalawa habang hindi maiwasan na magtinginan kami sa buong sandaling kami'y papunta sa kabilang mansyon. Gusto ko man sagutin si Rodel, wala akong masabi dahil sa sarili ko ako'y naguguluhan din sa lahat.

Buong saglit, pilit na ipinadama pa rin ni Rodel sa akin ang kanyang pagpapalagay sa akin na wala akong dapat ikatakot habang nakabalot sa akin ang kanyang mapagmahal na bisig.

Papasok na kami sa pinto ng sala ng bahay. Tanaw na namin mula sa di kalayuan sa nakabukas na pinto ang hindi na makapaghintay na si Alice. Abot tenga ang ngiti sa tuwa. Kumakaway na parang wala ng bukas.

"Faster, you guys!" ang paulit-ulit niyang panawagan sa amin ngunit si Simon lang ang napabilis ang paglalakad.

Nag-usap agad ang magnobyo nang magkaabot. Pinanood lang namin sila ni Rodel habang kami'y papalapit.

Nauna silang pumasok at sa kanilang pag-alis sa pintuan ay nakita namin si Don Amante na nakaupo sa wheelchair at nasa kanyang likuran ang kanyang anak na si Luisa na katabi ang dalawang alalay na babae na nakauniporme ng puti tulad ng lagi. Parehong may mga maiinit at mapagtanggap na mga ngiti sa kanilang mga labi.

Nginitian sila ni Rodel samantalang ako'y napayuko sa hiya. Hindi ko na alam kung ano ang mga mangyayari.

"Welcome home!" ang masiglang bati ng matanda sa amin habang nakaabot ang kanyang dalawang kamay sa akin na nag-iimbita sa aking lumapit.

Ako'y tumungo sa harap ni Don Amante at nagmano sa kanya habang si Rodel naman ay naiwan sa tarangkahan ng pintuan. Nahihiyang pumasok at nanatiling nakangiti.

"Pasok ka jiho. Have a seat." ang sinabi sa kanya ni Luisa sabay turo sa sofa kung saan doon ay nakaupo na ang dalawang magjowa, naglalambingan.

"Magandang gabi po, Don Amante, Ma'am Luisa." ang bigay galang ko sa kanila.

"Oh, quit the formality, Jasper! You're making me feel bad about my age!" ang natatawang biro ni Luisa sa akin. Natawa naman si Don Amante sa kanyang narinig. Bumaling muli ng tingin si Luisa sa aking mga kasama.

"Kids? Can you give us a moment? We just need to talk?" ang pakiusap niya at agad naman umalis ang tatlong tumungo sa kung saan sa mansyon.

Humawak sa aking kamay si Don Amante at pinisil ito.

"Jasper, the reason I wanted you to sing with your niece before is to reach out to those who are poor. Malakas kasi ang kutob ko noon na nasa paligid lang si Lea at ako'y nagbabakasakali na matagpuan pa siya." ang pauna niyang sinabi sa akin.

"Jasper, your mother, Maria Basilia "Lea" Cuenca Elizalde, is her full name. Pinagpalit niya marahil ang kanyang apelyido sa Cuenca. Hindi gaano kaimportante ang mga birth certificates noon kaya't madali niyang nagawan siguro iyon ng paraan." ang wika ni Don Amante na hindi natuloy.

"Dad, can we have a sit first on this one?" ang sabat na pakiusap ni Luisa sa kanya sa bay hila ng wheelchair patungo sa mga sofa. Umupo ako sa isang sulok at sa katabi nito ay inilipat si Don Amante ng kanyang mga alalay at sa aking tabi mismo umupo si Luisa.

Umaalingaw-ngaw pa rin sa aking pandinig ang buong pangalan ng aking ina. Para akong mabibingi.

Nang makaupo ng maayos si Don Amante ay agad niyang ipinako sa akin ang kanyang mga tingin.

"Lea, your mother, is my sister. Masyadong malaki ang agwat ng aming edad. Hindi ko rin inaakalang makakabuo pa sila mama at papa ng isa pa. Matanda si Luisa sa kanya ng isang taon. Marahil nainggit ang aming mga magulang noong magbuntis ang aking yumaong asawa." ang natatawa niyang kinuwento sa akin habang natatawang nakikinig si Luisa sa kanya at paminsanang umiiling.

"Lea at Luisa we're the closest. Magkapatid na ang turingan nilang magtiyahin dahil sabay silang lumaki at magkapitbahay lang kami noon nung sa Quezon City pa kami nakatira. Lea, being the only daughter, my parents gave her more than enough kaya nasakal siya." ang kwento ni Don Amante, habang unti-untiang nababago ang kanyang mukha sa pagiging masaya hanggang sa mukhang nalugi. Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil si Luisa na ang kumuha ng entablado para sa kanyang kwento.

"Tita Lea was very close to me, we shared a lot of things even secrets. Nung first year college na kami mahilig kami gumala. Mga bagay na hindi namin nagagawa ang kinahiligan naming gawin at ang pinakagusto naming dalawa ay ang mawala sa paningin ng aming mga bantay namin at pumunta sa palengke, at mga lugar na... kakaiba para sa amin." ang masayang kwento ni Luisa sa akin habang inaalala ang nakaraan. Batid kong pilit niyang iniiwasan na gumamit na pangalan sa mga lugar kung saan ako lumaki, marumi, magulo, at puno ng taong mahihirap.

"Minsan, namimili kami ng hilaw na manga na paborito namin ng mom mo. May nakilala kaming schoolmate namin na napadaan sa palengke. Moreno, matipuno, at gwapo. Tinamaan ang mama Lea mo sa kanya." ang nanghihinayang na kwento ni Luisa sa akin.

"Bukod sa napagkasunduan na ng aming mga magulang na siya ay ikasal pag dating ng panahon sa isang mayamang intsik sa Binondo na tumalikod sa kanilang mga tradisyon dahil sa nagustuhan din niya ang kapatid ko nung magkita sila sa Manila Cathedral. Ayaw ng mama mo sa kanya at ipinagpilit nila ang pagmamahalan nila ng naging ama mo. Nagtanan sila at sa kung saan-saan na sa Luzon nagpunta at mabilis silang nakakatakas tuwing nakakarinig kami ng balita sa mga imbestigador." ang sabi naman ni Don Amante.

"P-paano niyo po nalaman kung saan pumupunta si inay noon?" ang tanong ko sa kanila.

"Tita Lea and I was secretly exchanging letters until she stopped writing me back na. I was to blame kasi I supported her that much without me knowing kung ano ang kalalabasan ng lahat. I was her friend too but I wasn't smart enough to know what's good for her. The day she stopped writting me was when the day lolo ang lola died dahil sa paglayo niya. Tinakwil na siya ng lolo mo na naging dahilan ng kanyang atake sa puso at ang lola naman ay namatay sa matinding kalungkutan. Lea may have blamed herself na rin. She was determined not to look back siguro. I know her much. She's going to go forward whatever result kung ano man ang pinaniniwalaan niya o gusto niya sa buhay. I admired her fighting spirit. I admired her wit." ang nanghihinayang na wika ni Luisa.

"I've heard the rest of the story from Alice sa nangyari sa pamilya niyo, Jasper. It was too late. Only if Lea didn't cared much for her pride. I know her pride too pushed her to live a life like that. I missed my little sister and now that I found you she's already dead." ang malungkot na sinabi ni Don Amante sabay buhos ng kanyang mga luha. Itinakip niya ang kanyang mga palad sa kanyang mga mukha. Batid ko ang matinding panghihinayang at pagsisisi sa nakakaawang matanda. Nang lingunin ko si Luisa, nakita ko rin ang pagpatak ng kanyang mga luha bagaman hindi ito humahagulgol na tulad ni Don Amante.

Nadudurog na ang puso ko para sa kanila. Hindi ko rin maiwasan ang sisihin ang tadhana sa mga nangyari. Kung noon pa lang ay natagpuan na nila kami, marahil buhay pa ang aking ina sa mga oras na ito. Masaya kaming magkakasama. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit tinalikuran ni ina ang lahat ng kanyang pinanggalingan para humantong lang sa ganito ang lahat.

Yumuko ako at pilit na nagdasal na kinausap si ina. Puno ng katanungan ang aking mga isip. Puno ng panghihinayang ang aking damdamin.

"Nay? Bakit mo pinahirapan ang sarili mo? Sana, magkasama pa tayo ngayon. Sana, kasama kitang nabubuhay ng maluwag ngayon. Sana hindi ako nabibigla at naguguluhan ng ganito. Naghirap ka ba ng ganun para makasama mo na si itay? Para kay itay ba? Pano naman ako inay?" ang bulong ko sa aking sarili. Sumabay na rin ako sa pag-iyak nila. Pakiramdam ko'y nadudurog ang aking puso.

Hinawakan ako ni Luisa sa aking balikat at inabutan ng kanyang puting panyo. Agad ko itong ipinunas sa aking pisngi at naamoy ko ang mala-sampagitang pabango na nailagay niya dito. Lalo akong nagdamdam sa ala-alang dala ng amoy na iyon. Paborito kasi ni inay ang bulaklak ng sampaguita.

Agad kong ibinalik kay Luisa ang panyo at nagpasalamat ngunit patuloy pa rin akong lumuluha pilit inilalabas lahat ng mabigat na damdamin na nasa aking dibdib.

"Jasper, please tell us kung saan nilibing ang iyong mama. I'll have her remains cremated para dito natin siya sa bahay lagi kasama." ang pakiusap sa akin ni Don Amante na sinagot ko ng pagtango.

"T-tito? A-ate Luisa? Pwede na po ba natin papuntahin dito sila Alice?" ang pakiusap ko sa kanila sabay ayos sa aking sarili. Kinausap ni Don Amante and isa niyang alalay at agad itong umalis upang tawagin ang aking mga kasama.

Ilang sandali lang ay nakarating din sila. Tumabi si Alice sa kanyang ina at ang dalawang lalake naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ni Alice.

"Today, I talked to your foster parents, Jasper. Thanks to Simon. They told me it's for you to decide but note that you shall bear the name Elizalde as soon as the papers are finished. I'll shall have a room here prepared for you." ang wika ni Don Amante sa akin habang nakataas noong sinabi't ipinarinig sa lahat sa kanyang tonong may autoridad. Agad na napabuntong si Simon at parang ako lang ang nakapansin. Si Alice, bagamat masaya ay parang nalungkot din marahil sa hindi ko na magiging kapatid pa si Simon depende sa aking magiging desisyon. Si Rodel, halata sa kanyang mukha ang kaligayahan para sa akin.

"P-Pero, tito, Gil na..." ang balak ko sanang sabihin sa kanya ngunit agad niyang itinaas ang kanyang kamay.

"My dear nephew, you shall not use that name anymore. Because of him. I lost a sister. And since you're the only Elizalde now, you must find a wife to marry and have kids." ang sabat niyang bakas ang matinding sama ng loob para sa aking ama. Hindi na ako nakapagsalita pa.

"Tay, patawad. Pero, si Rodel? Paano na kami?" ang bulong ko sa aking sarili matapos marinig ang sinabi ni Don Amante.

"Tito, ate Luisa, hindi ko alam kung nasabi na sa inyo ni Alice, pero..." ang aking paunang salita na naginginig sa kaba. Gusto kong ipaglaban ang isang bagay na napakahalaga para sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Alice sa kabang dala ng kutob na alam niya ang aking sasabihin.

"Si Rodel po, ang boyfriend ko. Balang araw po, susundan ko na siya sa US." ang aking mabilis na sinabi habang nakaturo kay Rodel.

Mabilis akong bumangon sa aking upuan at agad na niyakap ang aking irog nang siya'y aking malapitan.

Natulala si Don Amante at nagdikit ang kanyang mga nakakunot na kilay.

"I can not have this in this family! You shall marry a woman and give your children the name of Elizalde!" ang sigaw na utos ng matanda. Hirap siyang bumangon sa kanyang pagkakaupo at natarantang umalalay sa kanya ang dalawa niyang alalay.

Gamit ang lahat ng kanyang lakas ay galit na galit na itinuro niya si Rodel ng kanyang naginginig na kamay at braso.

"You! Get out of my house! I don't want to see your face ever again! You stay away from my nephew! Hoar! Ipapapatay kita kung di mo lalayuan si Jasper!" habang nanlilisik ang mga kanina'y nakakaawang mga mata ni Don Amante.

Mabilis na umasim ang mukha ni Rodel nang ibaling ko sa kanya ang aking tingin. Nakita kong namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata habang nangigigil niyang inipit ang kanyang mga labi sa kanyang ipin.

"Rodel, wag. Please? Ano man yang binabalak mo. Parang awa mo na. Para sa akin, huwag." ang pakiusap ko sa kanya. Alam kong ayaw niya ng minamaliit siya ng kahit sino at sigurado akong tinamaan siya sa ginawa sa kanya ng matanda.

"Itapon mo na ang singsing na ibinigay ko sa iyo. Paalam, Jasper. I'm happy for you, my love and thank you for all the love that you have given me." ang nangigigil na sagot niya sa akin.

Nagmamadaling tumakbo palabas si Rodel at umalis. Pilit ko siyang hinabol at binalak na piligan sa kanyang kamay ngunit dahil sa dati siyang atleta ay mabilis niya akong naiwan sa harap ng bahay ng aking tiyuhin. Napaluhod akong umiiyak. Agad kong kinuha ang aking telepono sa aking bulsa at siya'y tinawagan ngunit di niya ito sinasagot. Unti-untian siyang naglaho sa abot ng aking matatanaw habang siya'y papalayo ng papalayo. Wala na akong nagawa.

Dali-dali akong bumangon at tumakbo pabalik sa aking silid. Sa aking kwarto naiwan kong bukas ang aking pintuan sa kagustuhang sumubsob sa kama at umiyak. Matapos ang ilang sandali, pilit kong tinawagan muli si Rodel sa kanyang telepono ngunit 'out of coverage' na ito. Sa sobrang galit, naibato ko ng malakas sa pader ang aking telepono at kasunod nito ay ang aking salamin.

"Ayaw kong maging Elizalde. Masaya na ako sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko gusto ang mga ito kung wala Rodel sa buhay ko." ang inis at paulit-ulit kong sinabi habang sinusuntok ang unan at kama.

"Jasper, you can cry on my shoulder. I'm still here am I?"

"Lumayas ka! Gusto kong mapag-isa!" ang sigaw kong di man lang nililingon ang taong kumausap sa akin.