Lumapit si Alice sa tabi ng kanyang ina at hinawakan ang kanyang balikat at ipinakita nito ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Mom? Are you okay? What's going on?"
Humarap sa kanya si Luisa at hinawakan ang kamay ng naguguluhang anak at umiling na hindi nakasagot.
Pilit pinisil ng matanda ang aking kamay na nakahawak sa kanya. Dama ko sa aking balat ang panginginig ng kanyang pagkapit marahil dahil sa matinding damdamin na nadarama niya ngayon. Lumapit sa kanyang tabi si Luisa. Kumaway siya upang yumuko ito malapit sa kanya. Kahit malapit na ako ay di ko marinig ang sinabi ng matanda sa kanya. Tumayo ng tuwid muli si Luisa at tumungo sa isang cabinet na nasa gilid lang na pinapatungan ng isang malaking florera. Doon ay may kinuha siya na photo album na may kalumaan na at bumalik sa tabi ng matanda habang iniisa-isang tinitignan ang laman ng kanyang dala.
"Jasper, ano ang pangalan ng iyong ina?" ang tanong sa akin ng matandang kaawa-awa ang mukha. Bakas sa kanyang mga titig ang umaasang makuha ang sagot na kanyang inaasahan mula sa aking mga labi.
"B-Basilia Cuenca Gil po." ang sagot kong walang kaalam-alam sa kung ano mang ang nasa isip nilang dalawa ni Luisa. Napangiti ang matanda at lalong lumuha sa lubos na kaligayahan sa hindi ko malamang dahilan. Nahulog naman ng ina ni Alice ang kanyang hawak at bumagsak ito sa sahig. Nagkalat ang ilang litratong nakapaloob dito. Mga larawang halos mangupas na walang kulay. Lumang-luma. Sinubukan kong pulutin ito isa-isa ngunit isa sa mga ito ay sadyang naagaw ang aking pansin. Nanlaki ang aking mga mata at parang di ko maigalaw ang aking mga kamay para pulutin ito mula sa sahig.
Pinilit ko ang aking sarili na hawakan ito ng aking mga daliring nagsisimula nang manginig sa matinding kilabot na aking nararamdaman. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Isang larawan kung saan may mag-asawang matanda base sa suot nilang pangkasal, isang lalaking kahawig ni Don Amante ngunit hindi pa siy agaano katanda, at dalawang babae na magkasing-edad lang na magkatabi na tulad ng estilo ng aming suot ni Alice. Kahawig namin ni Alice ang dalawang dalagita sa larawan maliban lang sa akin na may suot na salamin.
Napansin ni Alice ang pagkabahala sa aking mukha habang nanatili akong hawak ang larawan sa aking harapan. Agad niya akong nilapitan at nakita rin ang larawang aking tinitignan. Napatakip siya ng kanyang bibig na bigla niyang nainganga.
"Mom? S-sino yung katabi mo sa picture na kawahig ni Jasper?" ang agad niyang tanong sa ina niyang lumuluha pa rin.
Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. "Sino yung nasa picture na katabi ng ina ni Alice? Bakit ko siya kahawig? Anong kuneksyon ko sa taong ito?" ang tanong ko sa aking sarili. Natakot ako. Hindi ko napigilan ang lalong panginginig ng aking kamay at sabay na panlalamig nito habang nakahawak sa litrato. Tumayo na ako pilit binuhat ang aking sarili.
"Kuya, uuwi na ako. Sumasakit ulo ko." ang sabi ko kay Simon nang hindi siya nililingon. Agad akong nagmano kay Don Amante.
"Sir, uwi na po ako. Salamat po sa napakagandang gabi. Salamat din po ma'am Luisa. Mauuna na po ako." ang paalam ko sa kanila ng hindi sila tinitignan sa mata at agad na naglakad pauwi ng bahay matapos alisin ang wig sa aking ulo. Nang makalabas ng mansyon ay agad kong inalis ang aking sapatos dahil nahirapan akong maglakad ng mabilis habang suot ang mga ito. Dama ko na rin ang pananakit ng aking mgahita dahil sa mga takong nito.
Agad akong tumungo ng aking silid pagdating sa bahay. Hindi ko na napigilang umiyak sa mga tanong na umiikot sa aking isipan. Pagkabukas ko ng pintuan ng aking silid, nakita kong mahimbing na natutulog na si Rodel na balot ng kumot ang katawan mula dibdib hanggang paa. Nakahilata sa kama at humihilik na ng mahina. Napagod marahil sa buong araw niyang nilakad. Agad na napatungan ng awa ang aking damdamin ng makita siya sa aking lagay. Pilit kong huwag lumikha ng ingay mula sa pagsara ng pintuan hanggang sa pagpunta sa aking damitan upang magpalit.
Habang inaalis ko ang aking costume ay pilit bumabalik ang mga tanong sa aking isipan. Naguguluhan ako.
"Anong kuneksyon ko sa babae na iyon? Bakit ko siya kahawig? Lalaki rin ba siya na nagcostume ng ganon? Bakit ganoon na lang lumuha ang isang matandang lalaki sa aking harapan at ganoon din ang ina ni Alice?" ang tanong ko sa aking sarili.
Hindi na ako nagsuot ng damit, hindi ko na napansin na pati panloob ko'y inalis ko na. Tumungo ako sa kama at marahan na tinabihan si Rodel ngunit sadyang lutang ako't di ko naiwasan ang magising siya.
"Mahal? Nandito ka na pala. Halika dito." ang wika niya habang nagpupungas ng mata sabay hila sa aking papalapit pa lalo sa kanyang tabi. Umusog pa ako ng kaunti at ibinalot niya ang kanyang mga bisig sa akin. Napansin niya ang aking paghikbi.
"Umiiyak ka?" nag-aalalang tanong niya.
"Bukas na lang mahal ko. Tuloy mo na ang pagtulog mo."
Umayos siya ng higa at ako'y kanyang tinitigan. Seryoso ang kanyang mga tingin. Batid sa kanya na gusto niya na akong paaminin.
"Ano nga iyon, bee? Nag-aalala ako. Ano nangyari?" ang tanong pa niya. Hindi na ako makatatangi pa sa tono niyang iyon. Kilala na ako masyado ni Rodel.
"Kanina, pagkatapos ng party. Pinuntahan namin si Don Amante nung nakilala ako nung mommy ni Alice." ang sabi ko.
"Bakit? Ano ginawa nila sa iyo? Bakit ka nila paiiyakin ng ganyan?" ang lalong nag-aalala niyang na tanong sa akin kahit di pa ako tapos sa aking sasabihin. Nagpayakap ako sa isang bisig ni Rodel na aking inunanan.
"Wala silang ginawa sa akin. Umiyak si Don Amante at mommy ni Alice, tapos tinanong nila pangalan ko. Tapos.. Tapos..." ang naputol kong sinasabi kay Rodel. Nahirapan akong sabihin ang huling detalye ng mga pangyayari sa kanya. Niyakap ko ng mahigpit si Rodel upang kumuha ng lakas ng loob sa dahilang hindi ko masabi.
"May dala kasing photo album na luma yung mommy ni Alice. Nahulog sa harap ko. May nakita akong picture." ang naputol ko nanamang kwento kay Rodel. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita kanina.
"Ano yung nakita mo sa picture? May mumu ba?" ang nanlalambing niyang tanong na may halong biro subok akong pinangingiti ngunit hindi ito tumalab sa akin.
"... Kahawig ko yung kasama ng mommy ni Alice sa picture. Sobrang kamukha ko yung babae dahil sa itsura ko kanina sa costume ko." ang kwento ko sa kanya na ikinalaki ng mata niya sa pagkagulat.
"... Ayaw mo pa nun mahal ko? Eh... at least may kamukha kang babae." ang biro niya na nagpangiti na sa akin dahil na rin sa kaunting pagkapikon.
"Bee naman eh! Seryoso ako! Ayoko rin magdamit pambabae di ba? Hindi complement yun!" ang patampo kong sagot sa kanya at bigla niya akong hinalikan.
"Huwag mo na isipin kung ano man iyan. Ang mahalaga, maayos ang kalagayan mo ngayon at di ka na namumuhay sa hirap tulad ng dati. Kahit may takot ako para kay Randy, pinilit kong ito lang naman ang tanging paraan para mapalagay ako sa katayuan mo ngayon, mahal ko." ang malambing at malalim na sinabi niya sa akin at humigpit lalo ang yakap niya sa akin.
Napuna kong wala siyang saplot nang mapansin na nakadikit ang kanya sa aking mga hita. Napatingin ako sa kanyang mga matang nangungusap. Isang pilyong ngiti ang ibinalik ko sa kanya sabay alis ng aking salamin sa mata. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa ngunit ihinagis ko lang iyon sa kung saan. Nanaig ang aking pananabik kay Rodel na muling makapiling siya. Mabilis na napalitan ang lahat sa aking puso ng saya at pagmamahal.
Matapos ang aming bakbakan ng gabing iyon ay mahimbing na ulit kaming nakatulog sa tabi ng bawat isa. Kinabukasan, hindi ko na naabutan si Rodel sa aking tabi. Tanghali na ng ako'y magising at alam kong may lalakarin nanaman siya ngayong araw na ito.
Nagpungas ako ng aking mga inaantok pa rin na mga mata, tamad akong bumangon ng aking higaan at umupo sa gilid ng kama. Wala akong salamin, nakalimutan kong hinagis ko iyon sa kung saan dito sa aking silid kagabi. Napakamot ako ng aking ulo sa inis ko sa aking sarili. "Tanga tanga mo naman, Jasper!" ang aking nasabi.
Dumapa ako sa sahig at kinapa ang aking salamin sa bawat sulok ng sahig. Nakailang-ikot ako sa kaluwagan ng akong kwarto ngunit hindi ko na nakapa ang aking salamin.
Aninag ko lang ang anino ng mga bagay-bagay sa aking paligid. Minarapat ko na lang na tumayo at kinapa ang aking dinadaanan at hirap na inaninag ang lahat dahil sa kahit paano'y nakikilala ko ang lahat sa hugis at kulay. Pumunta muna ako sa kama at ibinalot sa aking sarili ang puting kumot .
Mabagal akong lumakad tungo palabas ng pintuan ng silid. Nagbabakasakaling mapakikiusapan ko si Simon na tulungan akong hanapin ang aking salamin. Dahil sa alam kong hindi naglolock ng pintuan si Simon at balewala naman sa kanya na maabutan ko siya sa kung ano man ang ginagawa niya roon ay hindi na ako nagdalawang isip na pasukin ito matapos kong makapa ang malamig na door knob ng pintuan ng kanyang silid.
Dahan-dahan ko itong binuksan. Balak ko na sana siyang tawagin ngunit bumungad sa akin ang halinhinang malakas na ungol ng dalawang lalaki at langit-ngit ng kama sa maliit na awang ngpintuang aking binubuksan. Napatakip ako ng aking kamay sa pagkabigla. Bumilis ang tibok ng aking puso ng makilala ko ang ungol ni Simon at Brian. Parang nanikip ang aking dibdib at umikot ang aking sikmura sa aking natuklasan. Nanlamig ang aking mga palad at nagsimula akong pawisan ng malamig sa aking noo at ilong. Parang hindi nila napansin na nabuksan ko na ang pintuan.
Hindi ako makakilos, di ko alam kung aalis na lang ba ako o bubuksan pa lalo ang pintuan. Hindi ko mapaliwanag ngunit nakaramdam ako ng matinding pagseselos. Nasasaktan ang aking damdamin kahit alam kong di dapat.
Nagsimulang manlambot ang aking mga tuhod habang nakikinig sa mala-sagutan nilang pag-ungol na sinasabayan ng pabilis ng pabilis na langitngit ng kama. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha sa aking pisngi. Hindi ko ito napunasan dahil sa napaparalisa pa rin ang aking katawan dala ng aking nararamdaman.
Pinilit kong umipon ng laway sa aking bibig at nilunok ang ito upang luwagan ang naninikip at nanlalagkit ko nang lalamunan. Sabay nito ang pagtulak ko lalo ng pintuan pabukas na sabay sa ungol nilang dalawa na sabay at malakas senyales na naabot na nila ang rurok ng kaligayahan. Pilit kong hinawakan ang nakatapis na kumot sa aking katawan dahil nanginginig ang aking kamay.
"Kuya...? Brian...? Bakit...?" lamang ang aking mga nasabi nang maaninag ko ang hubog ng kanilang mga katawan sa ibabaw ng kama. Isa sa kanila ang nakatuwad at isa naman ay nakaluhod sa ibabaw ng kama.
Nilingon ako ni Simon ngunit hindi siya nagsalita. Agad kong sinara ang kanilang pintuan at pinilit na makabalik sa aking silid. Nang makapasok ako'y agad ko itong sinara at nilock ang door knob. Mabilis pa rin ang tibok ng aking dibdib. Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. May kakaibang sugat sa damdamin akong nararamdaman. Napakasakit. Tinungo ko pabalik ang aking kama dahil sa wala akong magawa. Hindi ko mahanap ang aking salamin at hindi rin ako makalalabas sa aking kalagayan. Ayaw kong makita si kuya. Hindi ko maintindihan pero nagsisimula nang mamuo ang galit ko sa kanya. Dahil lang sa aking nalaman.
Hindi lumipas ang isang sandali matapos kong marating ang aking kama't makapuo, mabilis na may kumatok sa aking pintuan.
"Bunso? Bunso? Buksan mo pintuan bunso. Please? Bunso?" ang nag-aalalang boses ni Simon mula sa likuran ng pinto habang patuloy ang kanyang pagkatok. Ilang beses siyang umulit sa kanyang ginagawa ngunit hindi ko siya sinasagot.
Humilata ako sa kama at naramdaman sa aking likuran na parang mayroon akong nahigaan. Mabilis akong bumangon at kinapkap ito. Agad kong nakilala na ito ang aking salamin kaya't mabilis ko itong sinuot. Sa dako kung saan nabuo ang aking paningin kung saan din kanina nakapatong ang aking salamin ay napansin ko ang isang maliit na papel na may sulat kamay ni Rodel.
"Bee, hindi na kita ginising, puyat ka na masyado kagabi. Maaga ako umalis para makaligo muna sa bahay bago lumakad. I missed you so much kulang pa rin ang pinagsamahan natin kagabi. Kahit maground five pa tayo okay lang sa akin. Can't wait to be with you! Text mo ko pagkatapos mo basahin ito ha? I love you!" ang sabi niya sa kanyang liham. Hindi nito napukaw ang aking damdamin o nawaglit ang sakit na aking nararamdaman para kay Simon. Naguguluhan din ako sa aking sarili kung bakit ganoon.
"Jasper. Please let me explain. I'm sorry. Please let me in." ang sabi ni Simon sa likod ng pintuan habang patuloy pa rin ang kanyang pagkatok sa likuran ng pinto.
Ilang oras siyang tumatawag at kumakatok sa pintuan ngunit hindi ko siya sinasagot hanggang sa tumigil na marahil sa pagkasawa. Hindi ko ginustong lumabas ng silid, sinabihan ko na lang si Rodel na dalhan ako ng pagkain at kumatok pagdating niya sa labas ng aking silid. Nakatunganga ako magdamag habang kinakausap si Rodel kada oras sa kung ano na lagay niya at kung ano ang ginagawa niya. Si Alice, and mommy niya, si Don Amante, ay di naman nagparamdam buong araw matapos ang nangyari kagabi. Minabuti ko nang ganon muna ang lahat. Ayaw kong masira ang aking mga natitirang araw na kasama si Rodel. Alas tres na ng hapon, nasa loob pa rin ako ng aking silid.
"Saka ko na lang sila haharapin kapag-alis ni Rodel." ang sabi ko sa aking sarili habang iniisip ang lahat pati na ang nangyayari sa aking likuran sa pagitan ni Simon at Brian.
"Napaka-unprofessional naman ni Brian. Tinatalo niya pasyente niya. Pero, bakit naman pumapatol si kuya? Ano ba talagang meron sa kanila? Madalas galit si Simon sa kanya pero nitong huli, may mga ginagawa silang kakaiba? Si Randy kaya y hindi tunay na isang lalaki at sumanib lang kay Simon upang ipagpatuloy nila ang kanila ni Brian?... Hindi iyon maaari... walang multo. Hindi ako naniniwala sa mga sapi-sapi na yan." ang sabi ko sa aking sarili habang nilalaro ang aking daliri sa aking buhok sa noo.
"Si Simon... bakit ako nagseselos? Ano ba ang nararamdaman ko? Nakita ba nila talaga ako kanina? Ano kaya ang naging reaction nila nung makita nila ako? Ano kaya naramdaman ni kuya?" ang tanong ko sa aking sarili na mas may timbang sa lahat ng aking iniisip sa mga oras na iyon.
"Bee, dito na ako." ang tawag ni Rodel sa likod ng pintuan habang kumakatok ng marahan. Nagmamadali akong tumungo sa pinto at binuksan ito. Abot tenga ang aking ngiti na muling masilayan ang matangkad at may kagwapuhan kong nobyo. May dala siyang tatlong large french fries sa isang supot na kanyang bitbit.
Sa sobrang tuwa, nabitiwan ko ang kumot na aking ibinalot sa aking sarili. Napatalon ako sa kanya't sumabit sa kanyang leeg. Niyakap ko siya ng mahigpit at ganoon din ang ibinalik niya sa akin habang nasa ganoon kaming lagay.
"Bakit di ka pa nagbibihis? Hindi ka pa naliligo no? Amoy tuyong laway ka mahal ko." ang natatawa niyang sinabi.
"Eh... buong araw kitang inisip eh. Nakalimutan ko na." ang parang bata kong sagot sa kanya na nanlalambing.
Tumunog bigla ang aking sikmura ng malakas. Natawa kami pareho habang kami ay magkayakap pa rin.
"Parang yagit ka nanaman mahal ko. Halika na pasok na tayo sa kwarto mo. Baka may makakita pa sa iyo sa itsura mo nakakahiya naman." ang natatawa pa rin niyang sinabi sa akin.
Kumalas ako sa kanya at hinila siya papasok ng silid at mabilis na isinara ng pintuan. Bago namin marating ang kama ay kumatok nanaman si Simon.
"Jasper, sorry. Please? Can you let me explain first?" ang panawagan niya ng pagmamakaawa sa likod ng pinto. Nagtaka si Rodel sa kanyang narinig at napatingin sa akin matapos tumigil sa paglalakad.
"Nag-away kayo ni Randy?" ang tanong niya. Pilit na ngiti lang ang binigay ko sa kanya sabay hila sa kanya patungo sa kama.
"Bee, ano pinag-awayan niyo?" ang pangungulit niya.
"Wala. Tampuhan lang. Yaan mo si kuya." ang sagot ko sa kanya pilit itinatago ang lahat. Nababahala pa rin si Rodel ayon sa itsura ng kanyang mukha. Napapalingon siya sa pintuang nakasara habang patuloy na kumakatok si Simon sa likod nito at panay ang paghingi ng patawad at pakikiusap na kausapin ko siya.
Hinawakan ko si Rodel sa kanyang singit at hinaplos ito ng marahan. Bahagya kong idinadampi ang aking palad sa ibabaw ng kanyang maong. Malakas ang kakaibiang kiliti ni Rodel dito kaya't madaling nabuhay ang kanya sa aking ginagawa. Sinunggaban niya ako ng isang mapusok na halik. Ilang sandali kaming nasa ganoong lagay habang patuloy si Simon sa likuran ng saradong pintuan.
Hindi ko maalis ang aking isipan sa kanya kahit kasama ko na si Rodel. Kahit nag-iinit na kaming dalawa pagkabalisa pa rin ang aking nararamdaman. Inabot ni Rodel ang isa kong kamay at bukas palad na binalot ang kanyang mga daliri sa pagitan ng bawat daliri sa aking kamay. Idiniin niya ito sa ibabaw ng kama, nakapako na ako sa aming higaan. Dumagan na siya sa aking ibabaw habang patuloy ang aming halikan. Nakapikit na si Rodel ngunit ang mga mata ko'y sa pintuan na tumingin. Inalis ni Rodel ang aking salamin at ako'y nagpaubaya na. Sabay ng paglabo ng aking paningin ang aking pagpikit. Pilit na nilalasap ang sarap ng pagmamahal ni Rodel.
"Bunso, please. Kung ano man yung nagawa ni kuya. Sorry na." ang sabi ni Simon. Napatigil si Rodel at naglayo ang aming mga labi. Tinitigan niya ako sa mga mata pilit na gustong malaman kung ano ang tunay na dahilan.
"Mahal ko, patawarin mo na kuya mo." ang sabi niya sa akin.
"Bee, baka nakakalimutan mong may topak yang si kuya?" ang sagot kong kunwari ay wala lang upang makalusot.
Marahang ibinalik ni Rodel ang kanyang labi sa akin at tinuka-tuka ng halik ang aking leeg pababa sa aking tiyan. Habang nakatapat ang kanyang mukha sa aking tiyan ay agad namang kumalam uli ito ngunit mas malakas ang tunog na nilikha nito ngayon.
Natawa si Rodel at ako nama'y ngumisi lang.
"Hihihihi... I love you!" ang malambing kong sinabi sa kanya at ibinaling niya ang tingin sa aking mukha habang siya'y nakatapat pa sin sa aking tiyan. Sinubsob niya ang kanyang baba sa aking sikmura. Napahalakhak ako ng napakalakas sa sobrang kiliti. Hindi tumagal ng ilang sandali ang kanyang panlalambing. Umayos siya ng upo at kinuha ang supot na kanyang dala na nahulog na pala sa sahig.
Naglabas siya ng fries at sinubuan ako ng isa.
"Sarap ba bee?" ang tanong niyang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"Opo.... hihihihihi" ang sagot kong parang bata.
Kumuha rin ako ng isa mula sa supot na hawak niya. Kunwari'y isusubo ko iyon sa kanya ngunit mabilis kong kinain iyon upang tuksuhin lang siya. Ngumiti lang siya sa aking ginawa at bumakas ang kapilyuhan sa kanyang mga tingin.
"Bee, ligo ka muna."
"Eh! Gusto ko na kumain! Sige ka mamamatay ako.... uh..." ang nagmamaktol kong sagot sabay kunwaring nahimatay. Kiniliti niya ako sa aking tagiliran at ako'y napabangong humahalakhak.
"Sige na bee, ang baho mo na talaga. Amo'y laway ka na." ang sabi niya.
"Eh... kaninong laway ba natuyo sa balat ko?" ang nang-aasar kong sagot. Tumawa lang si Rodel at kumamot ng kanyang ulo. Binuksan niya ang kanyang zipper at nilabas ang kanyang nanghuhumindig na alaga.
"Sige ka, wala kang banana split mamaya." ang panunukso niya habang nakaluwa ang kanyang pututuy at abot tenga ang ngiti.
"Hmph!" Kunwari'y umasim ang aking mukha matapos siyang isnabin. Inabot niya sa akin ang aking salamin na agad ko naman sinuot ng padabog. Agad akong bumangon at nagmamaktol na naglakad tungo sa shower at naligo.
Matapos kong maligo ng kalahating oras, lumabas ako ng palikuran na walang saplot at nagkukuskos ng tuwalya upang tuyuin ang aking buhok. Nang ibaling ko ang aking tingin kay Rodel ay nadatnan ko siyang nakahiga at mahimbing nang natutulog habang nakaluwa pa rin ang nagmumura niyang alaga. Natawa ako sa aking nakikita.
Sa gilid ng aking paningin ay napansin kong nakabukas ang ilaw ng screen ng aking telepono na nakapatong sa mesa sagilid ng kama. Nakamute pala ito at tumatawag sa akin si Alice. Nagmadali akong tumungo sa aking closet upang hindi magising si Rodel sa aking pagsagot sa telepono.
"Alice, sorry kagabi ha?" ang sagot ko agad sa kanya matapos tanggapin ang kanyang tawag. Isang katahimikan sa kabilang linya ang nanaig ng ilang sandali.
"Tito Jasper!!!! Oh! My! Gosh! Tito!!!" ang sabik na mala-tiling sagot sa akin ni Alice sa kabilang linya.