Chapter 4 - 4

ANDY

Hay, late akong nagising ngayon. Sobrang sakit ng katawan ko para akong binugbog.

Tiningnan ko ang oras.

7:00 a.m.

Aish, late na ako! Tiningnan ko rin ang phone ko. May ten missed calls at five messages. Lahat galing kay Kate.

From: Kate Manyak

Andy, nasaan ka na?

Andy, anong oras na oh di mo pa ba ako susunduin?!

Andy? Hindi mo ba talaga sasagutin ang mga calls ko?!

Bahala ka Andy. Huwag na huwag kang lalapit sa akin!

Don't you ever talk to me Andy, bye!

'Yan ang mga text niya sa akin. Sobrang sweet niya 'di ba? Ako na nga 'yong nabugbog ang katawan kagabi tapos galit pa siya sa akin ngayon. Hayaan niyo na rin 'yong nickname niya bagay naman eh.

Hay nako Kate, ang hirap mong timplahin!

Hindi na ako nagreply kay Kate. 'Wag ko raw siyang kausapin eh. Bumangon na rin ako.

Grabe rin ang babaeng 'yon, ang agang umalis matapos ang ginawa niya sa aking kamanyakan.

Dumiretso na ako sa bathroom at naligo na. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Potek! Ang dami kong hickey at pulang-pula pa! Bakas din ang mga pulang marka sa aking braso dahil sa pag-slap ni Kate.

Nang matapos akong maligo at magtooth brush ay nagbihis na ako. Jeans at oversized na long sleeve tshirt na army green ang sinuot ko with matching white converse.

Tae! Masakit pa rin ang katawan ko. May pasa pa ata ako sa braso nako naman. Mamaya ko na lang siguro lalagyan ng kung ano man.

Nagpabango na rin ako at nang maayos na akong tingnan ay aalis na sana ako nang biglang nagtext si Luce sa akin.

From: Luce

Hoy Drew, nasaan ka na? Magdala ka ng raketa at damit mo pang-training, may practice tayo mamaya.

Kinuha ko na ang aking badminton bag at ilang damit pang-training at umalis na agad.

"Drew, last subject na natin ngayon oh! Anyare sa'yo ba't ngayon ka lang?" bungad sa akin ni Luce pagkarating ko sa room.

"Na-late ako ng gising eh. Napasarap tulog ko," sabay kamot sa aking ulo.

Tiningnan naman niya akong maigi kung nagsasabi ba ako ng totoo. Mayamaya ay hinila ako nito palabas ng room.

"Halika nga rito Drew!" at kinaladkad niya ako papuntang cr.

"Aray ko Luce! Teka masakit! Dahan-dahan lang!" reklamo ko rito. Ang higpit ba naman ng hawak niya sa braso kong may pasa.

Mabilis nitong ni-lock ang pinto ng cr nang makapasok kami at agad nilislis ang suot ko sabay check ng aking katawan.

"Now, explain those marks," tukoy niya sa mga hickey at ibang marka sa braso at dibdib ko.

"Wala 'to Luce. Nauntog lang ako 'tsaka kagat lang ng langgam 'yan. Hayaan mo na," tanggi ko rito at nagpout.

"'Wag mo akong tinatanga-tanga Andrew Torregozon. Ano si Kate na naman ba ang may gawa niyan ha?! Ano sagot!" medyo galit na siya.

Natakot naman ako kay Luce dahil ngayon lang siya naging ganyan. Napakaseryoso niya.

"Basta Luce hayaan mo na lang okay? Promise hindi na mauulit 'to. Hinding-hindi na," kinakabahan kong sagot.

Napabuntong-hininga na lang siya at napailing-iling.

"Ewan ko sa'yo Drew. Gasgas na 'yan eh. Pero last na talaga 'to Torregozon. Sa susunod, ako na ang makakalaban niyang bestfriend mong manyak. Kaya ka rin late 'no?" paalala niya sa akin.

"Oo eh. Masakit din kasi ang katawan ko," nasabi ko na lang.

"Sa akin ka sasabay mag-lunch ngayon. Walang Kate muna. Lumayo-layo ka nga muna sa kanya. At ito pa, sa bahay ka matutulog mamaya. Subukan mong tumanggi, magagalit talaga ako sa'yo," at pinandilatan ako ng mata.

Wala na akong nagawa kung hindi tumango. Bumalik na kami sa room at nagsimula na ang klase.

Makalipas ang dalawang oras ay lunch break na namin. Sabay na kami ni Luce na pumunta ng canteen.

Nag-order lang ako ng aking paboritong chicken adobo at tubig. Kay Luce naman ay afritada at giniling dagdagan mo pa ng dalawang rice. Namili rin ito ng sprite.

Malayo ang pwesto namin ngayon kina Kate at buti na lang ay hindi niya ako kita.

Nagsimula na kaming kumain.

"Drew, tikman mo 'tong afritada, masarap," sabay subo sa akin ng pagkain.

Oo nga masarap 'yong pagkakaluto ng afritada at malambot ang karne. Sakto lang ang lasa, di maalat at di rin naman matabang.

"Try mo rin 'tong chicken adobo, masarap din siya," at sinubuan ko rin siya. Napa-thumbs up na lang siya nang matikman ito.

"Luce, anong gusto mong dessert? Bibili ako," tanong ko sa kanya nang matapos kaming kumain.

"Gusto ko ng ice cream," sagot ni Luce at namili na rin ako habang leche flan naman sa akin. Namili na rin ako ng tubig.

Nang pabalik na ako ay bigla namang may bumangga nang medyo malakas sa akin.

Si Kate.

Pinasadahan lang niya ako ng tingin at inirapan ako nang bongga sabay alis. Hinayaan ko na lang.

"Oh Luce, ito na ang ice cream mo. Grabe ang lakas mong kumain pero di ka tumataba," komento ko rito kasi totoo naman.

"Gano'n talaga kapag maganda at sexy. Ikaw naman ang unti ng kinakain mo. Iba ata ang trip mo eh," pang-aasar nito sa akin.

Hindi ko na lamang siya pinansin at kumain na. Nang matapos ay umalis na kami at dumiretso na sa klase.

Nag-didiscuss lang ang prof namin ngayon. Ako naman ay nagsusulat para hindi antukin.

Ilang oras lang ay maaga kaming pinauwi at wala ng klase. Dumiretso na kami ni Luce sa badminton gym para mag-training.

Nagpalit muna kami ni Luce sa locker room. Pagkatapos ay nagwarm-up na.

"Andrew, Lucy, kayo na munang bahala sa iba niyong teammates. May aasikasuhin lang ako. Puspusin niyo ang training," sabi sa amin ni coach Amir.

"Yes po coach," at umalis na ito.

Sabay-sabay na kaming naglaro. Kalaban ko si Luce ngayon. Lamang siya sa akin.

"Drew! Galingan mo naman!" sigaw nito sa akin habang ako naman ay hingal na hingal.

"Teka lang Luce. Pagod na ako," pero wala nag-serve na uli siya at ang tagal uli ng rally namin.

Sa huli ay draw lang kami.

Nagpalit na kami ng damit at umalis. Pero bago ako sumabay kay Luce ay nagpaalam muna ako saglit.

Pumunta muna ako sa isa pang gym kung nasaan ang cheerleading squad at hinanap ang captain nito.

Si Kate.

Namimiss ko na siya. Maghapon kaming hindi nag-usap. Makita ko lang siya ay okay na ako.

Pero wala ng katao-tao sa gym. Naghintay pa ako ng ilang saglit, nagbabakasakaling makita ko siya pero wala talaga kaya bumalik na ako.

"Luce, uuwi muna ako sa bahay para kumuha ng gamit ko," sabi ko kay Luce habang pauwi kami sakay ng kotse niya.

"'Wag na Drew. Marami akong extrang gamit sa bahay na di ko pa nagagamit. 'Yon na lang ang gamitin mo," at ngumiti naman ito sa akin. Tumango na lang ako.

Nang makarating kami sa bahay nila este sa mansion nila ay hinila na niya agad ako papunta sa kwarto niya at ni-lock ito.

"Drew, mauna ka nang maligo. Susunod na lang ako pagkatapos mo. Nakaready na rin 'yong mga damit, towel at toothbrush diyan," sabi nito sa akin kaya sumunod na ako.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako. Habang papalapit ako kay Luce na nasa kama ay napansin kong nakatulala lang ito sa akin at napapalunok.

"Luce, may problema ba? Okay ka lang?" pukaw ko rito. Bigla naman itong natauhan at dumiretso na sa cr.

Problema mo Luce?

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin dito. Nakacycling lang ako ng maikli at oversized na tshirt.

Hay. Ang comfy naman ng suot ko kahit naka-aircon dito sa kwarto ni Luce.

Paglingon ko ay nasa likod ko na pala si Luce na nakatapis ng tuwalya at nakangisi sa akin.

Palapit naman ito nang palapit sa akin habang ako naman ay paatras nang paatras papunta sa kama niya.

Sa huling pag-atras ko ay bigla akong napahiga sa kama niya. Narinig ko na lang ang malakas nitong pagtawa at nagbihis na ito.

Bwisit ka Luce! Pinakaba mo ako!

"Drew, bumangon ka nga diyan. 'Wag kang masyadong excited sa gagawin natin mamaya," tawag nito sa akin. Kinabahan naman ako sa sinabi niya.

"Anong gagawin natin?" naguguluhang tanong ko.

"Later," at ngumisi na naman ito sa akin.

Lumabas muna ito ng kwarto nang matapos magbihis samantalang binuksan ko ang Xbox niya at naglaro ng Call of Duty.

"Drew, Drew! Tama na nga muna 'yan! Kumain muna tayo. Pinaghanda na kita ng dinner at ang paborito mong soya milk," napatigil at napalingon naman agad ako nang marinig ko yon.

In-off ko na ang Xbox at kumain na kami.

"Mmm, ang sarap naman nitong chicken curry Luce. Ikaw ba ang nagluto nito?" puri ko sa pagkain.

"Oo Drew. Alam kong paborito mo 'yan kaya ako ang nagluto. Buti naman at nagustuhan mo," nakangiti nitong sabi sa akin at sinubuan ako.

"Luce, say ahh," parang bata kong sabi at kung ano-ano pa ang ginawa ko bago ito isubo sa kanya.

"Drew, para kang talagang bata kahit kailan! Kaya tingnan mong mga pinaggagagawa sa'yo ni Kate," sermon na naman niya sa akin.

"Hindi na ako bata Luce hmp!" sabi ko naman rito at ngumuso.

"Ewan ko sa'yo Drew. Ang cute cute mo talaga kaya lab na lab kita eh!" sabay kurot at pinanggigilan ang magkabilang pisngi ko.

Nang matapos kaming kumain ay nagpresinta akong ako na ang magliligpit. Di naman na ito nagpilit pa kaya pumunta na ako sa kitchen at nagligpit.

After five minutes ay bumalik na rin ako sa kwarto niya at nadatnan ko itong nakaupo sa kama.

Tumabi na ako rito habang siya naman ay tumayo at lumabas ulit.

After thirty minutes ay hindi pa ito bumabalik at ako naman ay inaantok na kaya humiga na ako.

Naramdaman ko na lang na may mabigat na nakadagan sa akin. Pagdilat ko si Luce na nakangiti sa akin.

"Drew, taas mo 'yong kamay mo," at mabilis nitong hinubad ang pang-itaas ko.

"Anong gagawin mo Luce?" nagtataka kong tanong dahil may hawak itong medicine kit.

"Gagamutin 'yang mga marka at pasa mo sa katawan. Wala ka namang sorority pero para kang hinazing," sabi nito sa akin at nagsimula na siya.

"A-aray Luce! Dahan-dahanin mo lang 'wag mong diinan. Masakit eh," daing ko sa kanya.

Mayamaya ay natapos na rin ito sa ginagawa niya pero hindi pa rin siya umaalis sa lap ko at nakatitig lang sa akin.

"Drew, bakit ang hot at cool mong tingnan?" sabi nito sa akin sabay haplos sa mukha ko.

Bigla naman tumindig ang balahibo ko. May sapi na rin ata si Luce ngayon.

"L-Luce, tigilan mo nga ako. Napapaano ka?" sabay tanggal ng kamay niya sa pisngi ko.

Bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit dahilan para tuluyan akong mapahiga.

"Drew, I like your warmth. It's very comforting," bulong nito sa akin.

Hindi na ako umimik at hinaplos na lang ang mahaba nitong buhok.

Mayamaya ay naramdaman ko na lang ang mabigat nitong paghinga. Nakatulog na siya.

Nakapatong siya sa akin ngayon kaya nang ihihiga ko na siya ay mas humigpit ang yakap nito sa akin.

Hindi ko namalayan na nakabukaka na pala ako at nang bigla itong gumalaw ay naramdaman ko na lang ang kaselanan niya sa akin.

Tuluyan na akong hindi nakagalaw at niyakap na lang din si Luce nang mahigpit. Inabot ko ang isang kumot at ikinumot sa aming dalawa.

At natulog ako ng nakahubad at mainit ang pakiramdam.