ANDY
Maaga akong pumunta kina Kate ngayon at hinihintay siya dito sa labas ng gate nila.
"Good morning Kate. Pwede bang mag-usap na tayo? I'm really sorry about the other day," bungad ko sa kanya nang palabas na siya.
"Who are you? Don't talk to me. I don't know you," mataray nitong sabi at hindi man lang ako tiningnan.
"Kate please? I'm really really sorry. I missed you," pigil ko sa kanya pero wala talaga.
Sumakay na ito sa kotse niya pero mabilis ko siyang hinila.
"What?! Papasok na ako," cold niyang sabi sa akin.
"Please Kate? Kausapin mo na ako. I'm really really sorry. Babawi talaga ako sa'yo promise," pagmamakaawa kong sabi kay Kate.
"Okay. Drive," at inihagis nito sa akin ang susi.
Nang makaalis kami ay sobrang tahimik lang namin. Walang gustong magsalita.
"Ahmm, Kate. Nag-overnight pala ako kagabi kina Luce. Dalawa lang kami," basag ko sa katahimikan.
"Alam ko. Kaya pala iba ang suot pati amoy mo ngayon. Ang baho. Huwag kang lalapit sa akin hangga't 'yan ang suot mo," mataray nitong sabi sa akin sabay irap.
"Hindi naman mabaho Kate ah. Sakto lang naman 'yong amoy. 'Tsaka paano mo nalaman na nag-overnight ako?" tanong ko habang inaamoy-amoy ang aking sarili pero nakatuon pa rin ang tingin ko sa daan.
"I have my own ways Andrew. Subukan mo uling gawin 'yan, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalakad," sabay tingin sa kabuuan ko.
"At hindi lang 'yon ang matitikman mo," dagdag nito at nginisian ako.
Nandito na kami ngayon sa university. Naglakad na kami sa aming mga klase pero bago 'yon ay hahalikan ko muna sana siya sa cheeks nang biglang umiwas si Kate.
"Ops. Di pa tayo okay Andrew. Magpalit ka muna bago mo ko lapitan," at naglakad na ito palayo.
Pagkarating ko sa room ay sinalubong agad ako ni Luce.
"Good morning Drew! Kumusta ka na? Ba't ang lungkot mo ata ngayon?" masaya at sunod-sunod na tanong sa akin ni Luce.
"Morning Luce. Di pa rin ako kinakausap ni Kate eh. 'Tsaka ang baho raw ng suot ko," malungkot kong sagot dito.
"WHAT?! 'Yang suot mo mabaho? Eh damit ko 'yang suot mo na ipinahiram ko sa'yo kanina dahil nagmamadali kang umalis. Sasabunutan ko talaga 'yang bestfriend mo! Akala mo kung sinong maganda!" gigil na sabi niya.
"Hayaan mo na siya Luce, 'wag mo ng patulan. Sinasapian na naman ata ng kasungitan," naiiling ko na lang na sabi rito.
Dumating na rin ang prof namin at nagpa-long quiz. Madali lang 'yong quiz kaya mabilis akong natapos.
Nang matapos na ang lahat ay umalis na rin si prof. Naglecture lang kami sa aming next subject.
"Drew, tayo na lang ang partner sa assignment. Gawin na rin natin agad mamaya sa library. 'Di bale research lang naman 'yon," paalala sa akin ni Luce bago kami umalis para maglunch.
Pagkarating namin sa canteen ay nag-order na agad kami at naghanap ng pwesto kaso wala ng bakante.
Bigla na lang may tumawag sa akin. Si Alice.
"Drew! Dito na lang kayo maki-share ng table sa amin!" sigaw nito sa akin.
Niyaya ko na si Luce doon at nang makalapit na kami ay napansin kong naka-poker face lang na nakatingin sa amin si Kate.
"Ahm Alice, okay lang ba talagang maki-share kami sa inyo?" alanganin kong tanong dito at tumingin kay Kate.
"Oo naman Drew! 'Tsaka kasama ka naman talaga namin. 'Di ba bes?" sabi nito at bumaling kay Kate.
"Yeah, whatever. Besides, si ANDREW lang naman ang kasama natin at wala ng ibang ASUNGOT," may diin nitong sabi habang nakatingin kay Luce.
"Kaysa naman sa mga feeling MAGANDA at MABAIT diyan pero MINAMANYAK naman ang sariling bestfriend," pambabara naman ni Luce kay Kate.
"Girls, chill lang kayo ah. Kumain na muna tayo. Mamaya na kayo magpatayan diyan," natatawang singit ni Skye sa dalawa.
Umupo na kami at sabay-sabay nang kumain.
"Drew, say ahh," sabi sa akin ni Luce sabay subo sa akin ng pagkain.
Naramdaman ko na lang na may madiin na umapak sa paa ko dahilan para masagi ko ang mesa at napangiwi.
At 'yong salarin? Ayon patay malisyang pinaglalaruan ang pagkain.
"Bakit Drew? Hindi ba masarap?" medyo malungkot na tanong sa akin ni Luce.
"Ayaw ni Andrew niyan dahil nandidiri siya sa ganyang pagkain," masungit na sabat ni Kate.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kate. Paborito ko kaya 'yong adobong atay na sinubo sa akin ni Luce.
"Bakit ikaw ba si Drew? FYI, paborito niya 'yan. Pinagluto ko na siya ng ganyan," birada na naman ni Luce dito at tumingin na ulit sa akin.
At nagpatuloy na ulit kaming kumain pero hindi pa nagtatagal ay may nagsalita na naman.
"Ang baduy naman ng suot mong bracelet Andrew. Mukhang cheap at pang-jologs. Baka sa bangketa mo lang binili 'yan," puna nito sa bracelet na suot ko.
"'Yong iba nga diyan pangbangketa ang ugali. Puro kamanyakan at kahalayan ang alam," kontra naman ni Luce.
"Kahit puro kamanyakan at kahalayan ang alam at least active at hindi tigang. Eh ikaw?" banat ulit ni Kate.
"Hindi ko kailangan niyan. At least ako virgin pa eh ikaw? Baka maluwag ka pa sa pinakamaluwag," sagot naman ni Luce.
"How dare you to say that bitch!" at akmang magsasabunutan na sila nang bigla akong tumayo.
"Pwede bang magsitigil na kayong dalawa ha Luce at Kate? Nakakahiya kayo. Hangga't hindi kayo okay ay 'wag niyo akong kakausapin," at umalis na ako.
Umuwi na muna ako sa bahay. Gusto ko munang pakalmahin ang aking sarili. Tama bang magbangayan ng gano'n sa canteen?
Ewan ko na talaga.
Hindi muna ako papasok ngayong hapon. Matutulog na lang ako.
After four hours ay nagising ako dahil sa pag-ring ng phone ko.
Kate calling....
Imbes na dedmahin ko ay sinagot ko ito.
"Hello Kate?"
"Andrew, sunduin mo ako rito sa gym now na! Ayokong naghihintay kaya dalian mo!"
Sasagot pa sana ako kaso in-end na nito ang call.
Tingnan mo talaga ang babaeng 'yon. May atraso pa siya sa akin pero siya pa ang may ganang mag-utos.
Pasalamat siya at hindi ko siya kayang tiisin.
Mabilis kong inayos ang aking sarili at nagbihis. Nang okay na ay umalis na ako.
Pagkarating ko sa university ay kumaripas na ako ng takbo papuntang gym.
Nadatnan ko si Kate na mag-isa na lang doon kaya mabilis ko itong nilapitan.
"Kate, I'm sorry kung pinaghintay kita. Tara na uwi na tayo. Ako na magbibitbit niyang gamit mo," hinihingal kong sabi at kinuha na ang gamit niya.
"Okay lang. Pero hindi muna tayo uuwi. Magda-date muna tayo. May atraso ka pa sa akin," at hinila na ako nito paalis.
Nang makarating na kami sa mall ay hinila niya agad ako sa isang ice cream parlor.
"Andrew, bayaran mo na," sabi nito sa akin matapos makapag-order ng dalawang grande size na ice cream.
Wala na akong nagawa kung di magbayad. Kukunin ko na sana 'yong isang ice cream na hawak niya nang bigla niya itong inilayo.
"Bumili ka ng sa'yo. Akin lang 'to," at patuloy lang siya sa pag-lick.
Sumunod naming puntahan ay isang jewelry store.
"Kate, anong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Malamang bibili. Alangang
magnanakaw," pilosopong sagot niya.
At hinila na niya ako habang ako naman ay nakasunod lang.
"Miss, magkano itong couple bracelet na ito?" tanong niya sa saleslady sa isang gold couple bracelet.
"Five thousand po 'yan ma'am. Authentic po 'yan at nag-iisang stock na lang. Maganda rin po 'yan ma'am dahil personalized couple bracelet po 'yan," sabi naman ng saleslady sa amin.
"Okay. I'll buy that," sagot naman ni Kate at pumunta na kami sa counter.
"Ma'am, ano pong gusto niyong ilagay sa bracelet? Pakisulat na lang po rito," tanong sa amin ng saleslady sabay abot ng kapirasong papel.
Kinuha naman agad ito ni Kate at nagsulat. Mayamaya ay iniabot na rin nito ang papel.
Naghintay muna kami saglit at mayamaya ay iniabot na sa amin ang isang box at binayaran na ni Kate.
Sunod naming pinuntahan ay isang Italian restaurant. Wala na ulit akong nagawa nang hilahin niya ako papasok.
Dinala kami ng waiter sa isang VIP room. May mga pagkain na ring naka-serve.
"Kate? Bakit tayo nandito? Anong meron?" nagtataka kong tanong kay Kate.
"Of course, this is our date. Malamang nagpa-reserved na ako. This is my peace offering to you Andy. I'm sorry kung hindi kita kinausap. Nagtatampo kasi ako sa'yo tapos nalaman ko pang nag-overnight ka sa babaeng witch na 'yon," mahabang sabi nito sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit.
"Kate, ano ka ba, nag-effort ka pa pero thank you so much Kate dahil hindi ko ito in-expect at sobra mo akong napasaya today," masaya kong sabi sa kanya at niyakap din siya nang mahigpit. Halos buhatin ko na siya.
"Andy, I missed you so much. Ayokong may kasama kang iba. Gusto ko sa akin ka lang," naglalambing nitong sabi sa akin.
"I missed you too Kate. Opo, sayong-sayo lang ako sasama," at kiniss ko siya sa cheeks.
Ipinaghila ko na siya ng upuan at sabay na kaming kumain.
"Andy, try this spaghetti con i gamberoni in bianco and baked ziti," alok ni Kate sa akin at sinubuan ako.
Masasarap lahat ng mga pagkaing in-order ni Kate. Alam na alam talaga niya ang mga paborito at pasok sa taste ko.
Sinubuan ko rin si Kate ng kung ano-anong pagkain. Hindi ko naman saulo 'yong mga pangalan nito.
Sobrang saya ko dahil first time namin mag-date. Lalo na ako dahil first time ko 'to at 'yong taong napaka-special sa akin ang kasama ko.
Sana ako lang ang ida-date mo Kate. Sana sa akin ka lang ganito.
"Andy, pwede bang tanggalin mo 'yang suot mong bracelet? Ang pangit eh, hindi bagay sa'yo," tukoy niya sa friendship bracelet naming tatlo nila Luce.
Magrereklamo pa sana ako kaso pinandilatan na niya ako ng mata kaya tinanggal ko na.
"Andy, lagi mong isusuot itong couple bracelet natin ha. Tanda ito na special ka sa akin at gano'n rin ako sayo," at ikinabit na niya sa akin ang bracelet.
"Tingnan mo Andy, bagay na bagay sa atin 'yong bracelet! Huwag na huwag mong tatanggalin 'yan dahil huhubaran talaga kita!" banta niya sa akin matapos niya ring maisuot ang bracelet.
"Opo boss. Hindi ko 'to tatanggalin. Anyways, magpicture tayo para may remembrance," at kinuha ko na ang aking phone at nagselfie na kami.
Pinicturan ko rin 'yong mga bracelet namin parehas. May picture rin kaming naka-kiss siya sa akin sa cheeks at gano'n din ako sa kanya. Pinicturan ko rin siya ng solo habang hawak ko ang isa niyang kamay. Basta marami pa kaming pose na ginawa.
"Andy, ang sweet sweet natin dito oh!" tukoy niya sa picture naming magkayakap.
"Oo nga eh. Ang ganda-ganda mo rin diyan," puri ko naman sa kanya at napangiti naman siya nang malapad.
"Andy, smile!" nagulat na lang ako dahil bigla niya akong pinicturan. Ang epic ko sigurong tingnan doon.
"Ang cute mo rito Andy. Ipasa mo rin sa akin 'yong iba nating pictures. Magpo-post ako mamaya," sabi niya sa akin habang tumatawa.
Ngumiti na lang ako sa kanya at ipinasa na ang mga pictures namin.
Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na kasiyahan. Himala at sweet muna ang bestfriend kong manyak.
Masaya kong hinawakan ang bracelet na binigay niya sa akin at tiningnan ang nakaengraved doon.
Kate