Chapter 3 - Chapter 3

"Miss McKenzie, Miss McKenzie."

Nagising na lamang si McKenzie nang may walang tigil na tumatawag at yumuyugyog sa kanya. Paglingon niya ay ang nakakarinding pagmumukha ng kanyang katulong ang kanyang nasilayan.

"Miss McKenzie, bumangon na po kayo. Kanina pa po tumatawag si sir, ang Daddy niyo," magalang pero kinakabahan nitong sabi kay McKenzie habang hawak ang walis-tambo.

"How did you get here in my room?" mataray niyang tanong habang sapo-sapo ang kumikirot niyang ulo. "Get out!" sigaw niya pa dahil nabadtrip siya sa pang-iistorbo nito.

Hindi na nagsalita pa ang kanyang katulong at mabilis itong umalis sa kanyang kuwarto. Ang aga-aga nakikisabay siya sa hang-over ko. Kasalanan ng parents ko kung bakit may katulong ako kahit na 21 years old na ako. May kasunduan pa kasi silang nalalaman kaya ito ako ngayon kahit adult na at kaya ng maging independent ay para pa rin akong bata, bulong niya sa sarili.

Tumayo na si McKenzie para kumuha at uminom ng gamot. Nang papunta na siya sa bathroom ay biglang tumunog ang kanyang phone kaya agad niya itong sinagot.

"Hello?" masungit niyang sabi.

"Kenz! Where are you?!" sigaw naman ng kanyang kausap sa kabilang linya.

"I'm in my penthouse, why?"

"What?! Have you forgot?" 'di makapaniwalang tanong nito kay McKenzie.

"Forgot what Nat? Just fucking say it you moron, you're wasting my time!" nanggigigil niyang tugon dito.

"Today is the BIG DAY. My goodness MCKENZIE KNIGHT, you better hurry! Everyone is waiting and looking for you bitch!" and Nat ended the call.

So, what if it is the BIG DAY?

Omg, wait? Fuck, I'm doomed! Bakit nakalimutan ko?! Shit!

She checked the time.

8:15 am

It will start at exactly 9:00 am. Sa loob ng labinlimang minuto, natapos si McKenzie na maligo, magbihis at kumain. Patakbo na siyang sumakay sa kanyang red Maserati GranTurismo at pumasok na. Habang nagmamaneho ay inalala niya kung bakit siya stress ngayon.

Pag-uwi ko kagabi galing ng bar, dumiretso ako sa bathroom upang maligo. Nagbabad muna ako sa jacuzzi na nilagyan ko ng scented soap at ipinikit ang aking mata. Pagmulat ko ay mag-iisang oras na pala akong nandito. Kaya binanlawan ko ang sarili at kumuha na ng towel.

Paglabas ko ng bathroom, dumiretso na ako sa walk-in closet ko at nanguha ng pajama at isang oversized t-shirt. Mas komportable ako sa ganitong suot. Di na ako nag-abalang kumain dahil di naman ako gutom.

Binuksan ko na ang aircon at pabagsak na humiga sa aking king-sized bed. Unti-unti na akong nilalamon ng antok at papikit na nang biglang nag-ring ang phone ko.

"Hello?" inaantok kong sagot.

"Hi there sweetie!" masayang bati naman nito sa kabilang linya.

"Mom? Is that you?" nawala agad ang antok ko nang marinig ko ang boses nito.

"Yes sweetie. I miss you so much!"

"I miss you too Mom. Hmm Mom?"

"Yes sweetie?"

"Why are you calling me in the middle of the night? I thought you have a business trip in Switzerland with Dad?"

"Is there something wrong if I want to check my daughter?" parang batang nagtatampong tugon ni Mom. "And of course, I have a business trip with your Dad."

"Alright Mom. I love you," malambing kong sagot.

"I love you too sweetie. Before you go, your Dad wants to talk with you."

"Hello Dad?" kabadong tanong ko sa kabilang linya.

"Yes McKenzie Knight," seryosong sagot nito. "I want you to be prepared tomorrow because tomorrow is our SPECIAL DAY. Goodnight McKenzie Knight. Take care."

Dahil sa pag-alala ni McKenzie sa nangyari kagabi ay di niya namalayang nasa parking lot na siya ng isang university kung saan gaganapin ang BIG DAY.

Sampung minuto na lang at magsisimula na ang sinasabi sa kanyang BIG DAY. Wala na siyang sinayang na oras at tumakbo na nang mabilis pero ang mahirap pa ay 'di niya alam kung saan gaganapin ito.

Ilang minutong pagtakbo ay natagpuan niya rin ang lugar kung saan gaganapin ang BIG DAY. Grabe, ang daming estudyante. Hindi lang iyon, napakalaki at lawak ng lugar. Nasa pinakagitnang bahagi siya ng university. Kitang-kita niya ang mga monumento ng founders ng university. Hindi niya alam ang gagawin dahil ngayon pa lang siya nakarating dito.

Biglang may humatak sa kanyang braso at paglingon niya-si Nat pala at kasama nito si Tyler at Eiji.

"Tara na Kenz, ang tagal mo! Pasalamat ka at umabot ka. Ikaw na lang ang hinihintay!" sigaw nito sa kanya. Hindi na sila nagsayang ng oras at kinaladkad na nila si McKenzie.

Nang makarating na silang tatlo sa Grande Hall ay may humablot na naman kay McKenzie kaya wala na ulit siyang nagawa kung di sumunod patungo sa stage.

Habang papalapit na siya sa gilid ng stage ay 'di niya inaasahang makita ang dalawang tao.

Mom? Dad?

Bakit sila nandito? Ang alam ko nasa business trip sila.

"Thank goodness sweetie at dumating ka rin sa wakas!" masayang bungad sa kanya ng kanyang Mom.

"I think everyone is ready and you're already here McKenzie Knight," seryosong sabi naman ng kanyang Daddy.

Nagsimula na ang seremonya. Nagkaroon pa ng speech ang Vice-President ng university at matapos 'yon ay nagpalakpakan ang lahat.

"Now, may we call on Sir R.A. for a very special announcement," saad ng Vice-President na ang tinutukoy ay ang Daddy ni McKenzie.

"Thank you, Mr. Palma," pasasalamat ng kanyang Daddy dito nang makarating ito sa podium.

"Hello everyone. First of all, I want to say thank you for attending this special ceremony. This is my first time here so I assume that every one of you doesn't know me but the faculties call me Sir R.A. By the way, I am Mr. Ralph Augustus O'Sullivan Henderson, the owner and president of Henderson University."

Wait, tama ba 'yong pagkakarinig ko kay Dad? Owner and president of Henderson University? Bakit ngayon ko lang ito nalaman?

"Today, I have a very important announcement. As you can see, I'm with my family. Let me introduce to you my daughter, McKenzie Knight Elizondo Henderson. Please welcome her as the heiress of the Henderson University. From now on, she will study here. That's all and again, thank you very much."

Matapos 'yong sabihin ni Dad ay tumayo at masigabong nagpalakpakan ang lahat. Marami ang nagulat sa announcement ni Dad. Maging ako ay na-shocked din 'di dahil sa 'di ko gusto ang pagpasa sa 'kin ni Dad bilang kanyang successor ng university kung di dahil ito pala ang SPECIAL DAY na sinasabi nila ni Mom. Wala man lang akong kaide-idea rito.

Tuwa at paghanga ang makikita sa mukha ng mga taong dumalo sa seremonya. Para kay McKenzie ay 'di na bago ang mga ganitong uri ng reaksyon. Gayunpaman, masaya siya sa naging surpresang 'yon ng kanyang mga magulang dahil aangat na naman ang kanyang status. 'Di rin naman siya mai-stress sa pag-handle ng business dahil nandiyan ang kanyang mga magulang na handa siyang tulungan.

Bumalik na ang mga estudyante sa kani-kanilang klase. Nag-usap-usap muna ang kanyang mga magulang at ang board of directors ng university. Ilang saglit lang ay umalis na rin silang pamilya.

Ngayon ay nasa isa silang Italian restaurant. Nakahanda na rin ang mga pagkain dahil nakapagpa-reserved na ang kanyang mga magulang.

"Hija, did you like my surprise?" masayang bati ng kanyang Daddy.

Good mood muna si Dad ngayon ah. Madalas kasing mainit ang ulo niya sa 'kin.

"Yes Dad, I really liked it. Thank you so much Dad, I love you!" masayang tugon ni McKenzie at mahigpit itong niyakap.

"I did that para makabawi sa 'yo anak. I love you too Knight," malambing nitong sabi at niyakap din siya pabalik.

"No problem Dad," at niyakap niya rin nang mahigpit ang kanyang Mom. "C'mon oldies, enough with the dramas, let's eat na," pag-iiba at pang-aasar niya sa mga magulang.

"Hey sweetie, don't call us oldies! We're still young like teenagers, right love?" ang kanyang Mom na sa tonong nang-aakit sa kanyang Dad.

"Of course, love, si Knight lang naman ang mukhang matanda rito eh," pang-aasar ng kanyang Daddy sa kanya. Sa mismong harap pa ng kanilang anak nagharutan ang mag-asawa. Kahit gano'n ay sanay na si McKenzie at mahal na mahal niya ang mga magulang.

Nagsimula na silang kumain. Habang kumakain ay masayang nagkukwentuhan ang mag-asawa at kitang-kita ni McKenzie kung gaano kamahal ng mga ito ang isa't isa.

Kahit parents ko sila, nagmumukha akong third wheel sa kanilang dalawa. Nakalimutan na ata nilang nandito pa akong anak nila.

"Knight, kumusta naman kayo ng boyfriend mo?" baling ng kanyang Daddy sa kanya at ang kanyang Mom naman ay napatingin din.

"Okay lang po kami ni Royce Dad, besides busy din siya sa company nila."

"That's good to hear then, Knight. 'Di ka ba niya niloloko? Oras na malaman ko 'yan Knight ha," may himig ng babala ang tono ng boses kanyang Daddy.

"Hindi niya magagawa 'yon Dad dahil mahal na mahal namin ang isa't isa," pag-a-assure ni McKenzie sa ama.

"Sige hija, basta ang bilin ko 'wag na 'wag mong kakalimutan," paalala pa nito. Tumango na lamang siya.

Mayamaya ay ang kanyang Mom naman ang nagsalita. "Love, sweetie, mag-bonding naman tayo after nating kumain. Na-miss kita sweetie," masayang sabi nito sa kanilang dalawa.

Pagkatapos kumain ay umalis na silang tatlo sa restaurant at namasyal na. Unang pinuntahan ng mag-ina ay ang spa salon and wellness center habang ang kanyang Dad naman ay sa sports store.

Masayang nagkukuwentuhan ang mag-ina habang nag-re-relax sa salon. Hindi ni inaasahan ni McKenzie ang sumunod na tanong ng kanyang Mom.

"Sweetie, kailan kayo magpapakasal ni Royce? Excited na akong magkaapo sa inyo saka sweetie gusto ko ng kambal ha," masaya at may pahawak-hawak pa sa dibdib na tanong nito sa kanya.

"Mom! I'm too young to get married. Wala pa akong plano magpatali and besides may mga goals pa ako sa buhay," mariing kontra niya dahil ayaw niya pa. Marami pang puwedeng mangyari.

Hindi na ito sumagot pa at mataman lang siyang tiningnan. Nang matapos sila'y umalis na at pumunta pa kung saan-saan. Ilang oras pa ang kanilang iginala bago sila nagpasyang umuwi na sa mansion.

Pagdating nila sa mansion ay nagpaalam muna si McKenzie sa kanyang mga magulang at nauna nang pumunta sa kanyang kuwarto at naligo na.

Grabe, ang daming nangyari ngayong araw. Bukas ay sa Henderson University na ako papasok. New university, new territory. Ano kayang magandang gawin? Alam ko na, sasabihan ko na ang gang.

Nang makapagbihis siya ng komportableng damit dahil malamig sa kanyang kuwarto ay naisip niyang mag-browse muna sa kanyang phone. As usual ay laging sabog ng notifs, friend requests at kung ano-ano pa ang kanyang social media. Tiningnan niya ang nag-chat sa kanya. Group chat pala ng kanilang gang.

"Kenz, anong balita bitch? Chikahan mo naman kami! Heiress ka pala ng Henderson University tapos dito ka na rin mag-aaral! Ang sosyal ha!"

"Omg Kenzie, we're going to be schoolmates na! See you tom girl, I'm so excited!"

"Congrats to our Zie! Pa-party ka naman diyan. Yumayaman ka nang lalo! Inom na ulit!"

"We're so proud of you Mc! More bonding at kulitan sa gang natin."

Grabe nakakatuwa naman ang gang kahit ganito ako ay totoo sila sa 'kin at 'di sila nang-iiwan. Mahal na mahal ko ang mga kaibigan ko kahit puro kagaguhan ang alam. Handa kaming sumuporta sa bawat isa.

"Thank you so much guys, see you tom. Usap-usap and bonding na lang tayo bukas. Saan niyo ba gusto?"

"You're always welcome Kenz. Ikaw pa ba!"

"'Yon oh, tara na bukas, inom na! Mag-bar ulit tayo."

"Oo nga gusto ko 'yan Black!"

"Sige go din kami nina Ty at Bree!"

"Okay, that's settled then. Pero saan ba?"

"Eh di saan pa ba eh di sa The Midnight Haven!"

"Sige, kitakits na lang tom. Goodnight guys, bye," at pinatay na niya ang kanyang phone.

Matutulog na sana si McKenzie nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. Pagbukas ay nabungaran niya ang kanyang Daddy.

"Hi Dad, what's the matter?"

"Let's talk sa living room," sambit nito at sumunod na siya rito.

Pag-upo niya sa couch ay inalukan muna siya nito ng wine.

"Hija, ikaw ng bahala sa Henderson University. Malaki ang tiwala ko sa 'yo dahil ikaw lang ang nag-iisang anak ko at magmamana ng lahat sa hinaharap," sambit nito habang umiinom ng wine. "Kilala mo ba si Zigmund Lastra?" biglang sumeryoso ang itsura at boses ng kanyang Daddy.

"Yes Dad, magiging responsable ako at 'di ko sasayangin ang pagtitiwala mo sa 'kin," magalang niyang tugon. "I don't know him Dad. Who is he?"

"He is the father of your boyfriend, Royce Genesis Lastra. He is famously known as the tyrant tycoon kaya umayos-ayos ka McKenzie Knight dahil hindi biro ang pamilya ng boyfriend mo. Is it clear hija?" mahabang paliwanag nito sa kanya.

"Yes Dad," tipid niyang sagot dahil wala naman siyang kaalam-alam sa mga sinasabi nito.

"Isa pa pala, sa Henderson University din nag-aaral ang pinsan mo pero naka-leave siya kaya hindi pa kayo magkikita pero sana ay magkita na rin kayo para makilala niyo ang isa't isa."

"Dad, sinong pinsan naman 'yon?"

"Makikilala mo rin siya hija. You may go now, good night McKenzie Knight," at lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Good night Dad," at gumanti siya ng yakap sa ama.