•PLOOOOKKKK•
" OUCH!!!! LANGYA ANO BA????!!! " Sigaw ko.
Buset ang sakit nun ahh!
" Ooopppsss. Sorry, Miss. Ano ba kasing ginagawa mo riyan? " aniya.
Tumingin ako sa paligid. Oo nga. Ano bang ginagawa ko dito?
Tiningnan ko muna ang lalaki sa harap ko saka ako tumayo.
Pinagpag ko ang aking suot.
" Wala. " sagot ko.
Ayokong magpaliwanag sa kung sino.
" Kayo naman kasi.. Alam niyo ng niloloko kayo ng mga boyfriend niyo, hindi niyo pa iwan. " anito.
Sinamaan ko siya ng tingin. Sino ba ito.
Agad nitong itinaas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko.
" I'm sorry. Narinig ko lang yung mga sinasabi mo kanina. " ani pa nitong muli.
Diretso ko siyang tiningnan sa mata.
" Then, Good. Bye. " ani ko saka siya tinalikuran.
Agad naman siyang humarang sa harap ko.
Nanapak ako.. Sinasabi ko lang.
" I'm Augustine . " pakilala niya.
Tumango lang ako sa kanya at lalagpasan na sana siya pero hinila naman niya agad ang braso ko.
" What is it this time?? " inis kong tanong.
He smiled. Cute ka pero wala ako sa mood makipag ngitian sa iyo.
" You should let me know your name, too. " ngiti niyang sabi.
" I'm Sunny. Okay na? " wala sa mood kong tanong.
Well, it's not my name. Hindi ko kilala ang lalaking ito. So better to be safe than sorry.
" Hahaha. " tawa niya.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. Problema nito.
" Oh c'mon, Janella. Hahaha" natatawa niyang banggit habang nakatingin sa ID ko.
Aish.
" Get lost. "
Agad naman niyang itinaas ang dalawa niyang kamay. Siraulo.
" Hey.. Haha.. Sungit mo ahh.. Haha. " tawa niya.
Minsan napapaisip ako.. Wala naman sigurong babaeng nakukulong pag nanapak siya ng lalaki di'ba?
" Hindi ko alam kung okay pa ang pag-iisip mo o nasisiraan ka na talaga.. Pero.. Pwede bang umalis ka sa harapan ko? " pag-susungit ko pa.
" Tsk. Bakit kasi pipili nalang kayo ng mamahalin niyo yung lalaking sasaktan pa kayo. " litanya niya.
Pakielamero. But then, he's right. Bakit mga ba may mga babaeng katulad ko na magmamahal nalang ganun pa?
Well, that's nature.
" You know what, Augustine? " pagkuha ko ng atensyon niya.
" Yes? " ngiti niya.
Hindi ko siya kilala pero.. Ay ewan. Tama naman kasi siya.
Actually, yung boyfriend kong di ko alam kung boyfriend ko pa ba e.. Sa work ko lang nakilala.
Nag start ako mag work dun ng February . Pero biglang naglock down ng March so hindi ako nakapasok.
May na ng makabalik ako.
Isang linggo after ko makabalik nakikita ko na nun si Jian.
Kasi lagi siyang tinuturo nun ng kasama kong si Rose.
Hindi talaga ako interesado.. Kasi highschool palang eh manhater na ko.
Lagi ko kasing nakikita yung mga kaibigan ko nun na umiiyak. So, yes. I hate guys.
Araw-araw ganun. Turo siya lagi ng kasama ko. Kesyo mabait nga daw at matulungin.
Pero hindi naman kasi talaga siya yung natipuhan ko nun.
Yung isang may katayuan dun. Si Kurt.
Alam ng mga kasama ko iyun dun.
But then, later on nalaman ko nalang na taken na pala si koya mong boy.
So yun. Nawala naman yung feelings kong bonggabels.
Dun naman nagstart na, ewan ko lang..
Basta minsan kasi nakasalubong ko si Jian palabas nun siya papasok naman.
Dumighay siya out of nowhere.
He said sorry pero natawa talaga ako.
To make it, short. Yes, day by day, I started to like, Jian.
Actually, tinulak niya ako nun palayo sa kanya. Not totally tulak ah. Basta. Yung kesyo marami pa kong makikilala.
Then, one day.
Sabi ko titigil nalang ako.. Baka kako naiinis na siya.
So, sorry siya ng sorry.
I said, okay.
Promise titigil na talaga ako nun.
Pero bigla niyang sinabi na 'Bakit ka titigil? Ayaw mo ba kong maging boyfriend? ' that's what he said.
Naguluhan ako,. So, tinanong ko siya.
Sabi niya naattach na nga daw siya..
Sabi ko attach lang yan mawawala din.
Pero pinigil niya.
So yun nga naging kami nun after months.
First month, okay naman. Nagulat ako kasi mga 2 am ata yun may LSM siyang chat sa akin nun.
Hindi ko alam na kailangan nun. So nagreply nalang din ako.
Pero after nun. Medyo madalang nalang.
Hayy ayoko na nga magkwento.
So ngayon, 3rd monthsary namin. Pero wala siyang chat kahit isa.
Sinabi naman niya sa akin na topakin, sumpungin kesyo siya.
Kaya ko ihandle yun. Pero nasasaktan na ko.
Sinabihan niya akong 'immature'.
Wala siyang narinig sa akin na kahit ano. Nag sorry pa ako.
Pero ngayon, parang wala lang din.
Nasasanay na ata ako.
" Huy! "
Buset.
Tiningnan ko ang lalaki sa harap ko. Problema ba nito.
" What? " I asked.
" Hindi mo talaga ako kilala? " tanong niya.
" Tingin mo? " tanong ko din.
" Hindi? " sagot niyang patanong.
Inirapan ko siya.
" Friend mo ko sa Inbook. Lagi ka ngang nagrereact sa shared post ko eh. " paliwanag niya.
Inbook? Friend? Augustine? Napaisip ko kung meron ba... Ahh.
" Sorry. Pero lahat ng sharedpost, post, or whatsoever ng mga friends ko sa Inbook. Nila-like ko talaga. Okay na? " paliwanag ko.
Hindi ko siya kilala. Basta like lang ako ng like sa nga post. Malay ko ba.
" Ah ganun ba. Friends na tayo ah? " ngiti niya.
Tumango nalang ako at nilagpasan siya.
" Sungit... " rinig kong bulong niya.
Agad ko siyang nilingon.
" Hindi ako masungit. Hindi lang talaga ako sanay kumausap ng lalaki. Pasensya ka na. " paumanhin ko.
Totoo naman kasi. Yun lamang ang sinabi ko at tinalikuran ko na siyang muli.
Mukha lang naman akong masungit,.. Mabait ako huyy..
Kaya nga siguro ako ginaganito ng boyfriend ko kasi alam niyang di ako yung tipo ng tao na agad nagagalit.
Hayyy..
• beep beep •
[ San ka na? - Janice ]
Si ateng nag text. Agad ko siyang nireplyan na malapit na ko.
Kaka endo lang namin sa work ng kasama kong iyan.
Kaya naghahanap kami.
Gusto kong magchat kay Jian kaya lang nagagalit siya akala niya ata pag nagchat ako minamadali ko siyang Magreply.
Eh kaya lang naman ako chat ng chat kasi siya naman nagsabi na kahit na ano ginagawa ko, kung nasaan ako. Lagi ko siyang i-update sa chat.
Pero ngayon.. Hayyy
Nagpop up bigla ang Messenger ko.
Oh?
Agad kong nilingon yung kausap ko kanina kahit na medyo malayo na ito sa akin.
Kumaway siya. Binalik ko ang tingin ko sa phone.
Augustine Crisostomo sent you a message
Augustine Crisostomo? Ahhh siya yun.
Ahh.. Paano ba naman kasi yung mga post niya pang sawi.
' Hi. '
Tiningan ko lamang ito. Di ko akalain na magsusunod-sunod yung chat niya.
' Hi, Janella. Its me, Augustine. '
' Salamat sa pag react sa mga post ko. '
' Friends na tayo ah. '
Haynako.
' You're welcome po. ' - reply ko.
Big deal ba pag nagrereact ka? Ohh people nowadays.
Sinarado ko na yung phone ko at di na lumingon pa.
Haynako.