- December 15. -
Hayy... 5 months na kami.. Pero hindi ko feel.. Ni hindi nga kami nagkikita.
Ano ba naman yun?
Ang dami niyang dahilan.
Nung nakaraan nagalit siya sa akin ulit kasi ang kulit ko daw.
' Ano ba, Janella? Hindi mo man lang ba naisip na baka may ginagawa akong importante? ' -Jian
Yan yung reply niya sa akin sa messenger.
Like hello? Sana sinabi mo diba?
Nag sorry ako nun. Pero seen lang.
Sa totoo lang.. Napapagod na ako umintindi.
Parang sa aming dalawa, ako nalang yung nakapit.
After ng chat niyang yun.. Hindi muna ako nag chat..
Nung araw din kasi na yun dahil lang sa chat ko na kamusta siya. Ayun nga. Nagalit.
Chat ako ng chat. Hindi man lang nag-isip.
' Akala ko ba mature ka na? Sabi mo sa akin yun diba? Parang hindi naman. Haha. ' - Jian.
Waahhh... Medyo masakit.
Hindi nalang ako nagreply nun.
Yung isa niya pang sinabi thru text naman.
' Ang babaw mo. ' - Jian.
Hiniling niya sa akin nun before na intindihin ko siya..
Kaya ko pa naman sana..
Kaya lang...
Ayoko na ng mga sinasabi niya.
Sa totoo lang.. Sa loob ng five months na yun... Waley. Chat lang at text. Nung bago ang first month namin, oo nakakapunta ako sa kanila. Pero 4 na beses lang. After nun wala na.
Ni minsan di kami nakapag-usap sa messenger kahit boses lang. As in.
Pero.. Haha..
Yung ex niyang si Nadine.. Nagagawa niyang tawagan..
Ayokong magmura pero t*ng *n* lang kasi.. Nasaan naman yung respeto dun?
Hello, ako yung girlfriend mo..
Pinalagpas ko iyon. Kasi nga nangako ako sa kanya na mas iintindihin ko siya.
Nag kausap kami ni Augustine sa phone.
Hindi daw ganun ang kaibigan niya talaga..
Ayoko man ng sinabi niya pero tama siya..
" Alam ko na first boyfriend mo siya, pero wag ka sanang maging marupok. " ani niya.
Tumango ako nun kahit hindi naman niya nakikita.
I'm not. Never.
" Hindi. Sisiguraduhin ko yan. " ani ko.
Buntung-hininga lang niya yung narinig ko. Binaba ko na yung tawag.
Lumipas ang araw...
Nagulat nalang ako kasi..
Napagod na daw si Augustine...
Naiintindihan ko.. Anong magagawa ko diba.
Hiniling niya na nalang na sana matauhan ako.
Sana maging friends pa rin daw. Um-oo ako.
- December 25. -
Yes, 25. Ni walang bati galing kay Jian.
I received a message from him kanina lang umaga.
Nasa Tanza daw siya kaya walang signal.
Putangina.
Maniniwala pa ko kung sa bundok ka langya.
Um-oo nalang ako.
After ng chat niya wala na.
Hindi na rin ako nag abala pang bumati sa kanya.
Naisip ko lang...
Isinilang ako ng Mama ko hindi para mamalimos ng atensyon.
Hindi para mamalimos ng pagmamahal. Hindi nila ako pinalaki para lang maging tanga sa lalaki.
I smiled.
- December 31. -
New year. Kahit sa napaka special na araw na ito wala.
Ni chat wala. Kahit simpleng 'Hoy putangina ka, Janella. Happy new year. '. Ganun ba kahirap mag type sa cellphone niya? Hahaha
Taena. Masira sana.
Hindi ko din siya binati. Like I care?
Naka receive ako ng message from Augustine.
He wish na maging friends. I said, Yes.
Nag open ako ng Inbook ko..
Sharedpost ni Augustine ang bumingad sa akin.
' If di na kita kinausap/minessage after new year, ibig sabihin isa ka na sa mga kinalimutan ko. '
Hindi ako magtataka kung kasama ako nun..
Kasi after new year nga.. Hindi na siya nag chat.
Hindi ko siya masisisi..
Actually, last month nagising na ko. Nawawalan na ko ng ganang umintindi dahil sa sinabi sa akin nun ni Augustine.
••••
- November 11. 12:34am -
Yup. Masyado na bang late mag-usap?
Inimbitahan ako ng mama niyang kumain sa kanila..
Pinag stay narin nila ako kasi late na nga natapos..
Nasa balcony kami nun.
Alam kong nag-aalala siya sa akin.
Kaya di ko siya masisisi sa mga nasabi niyang yun..
Sa sobrang haba ng sinabi niya, tanging pagkinig lang ang nagawa ko.
Kasi tama siya.
Dahil dun, nagising ako. Bakit nga ba diba?
" MARUPOK KA SA LAGAY MONG YAN . KASI ALAM MO KUNG BAKIT? KASE ALAM MONG MAY IBANG BAGAY PA SIYANG HINDI NALILINAW SA SARILI NIYA. PINAPAKITA KO NA SAYO YUNG MGA NAKA HIDE NA POST NIYA SAYO. EH IKAW ? ANO GINAWA MO? WALA .NABUBULAGBULAGAN KA. KUNWARE STRONG KA . FEELING MO KAYA MO. ALAM MO BANG MAS LALO MO LANG PINAPAHIRAPAN SARILI MO? IKAW MAGHIHINTAY NG SASABIHIN NYANG MAGHIWALAY NA KAYO? KASE ANO? GUSTO MONG WALANG ISISISI SAYO? BAKIT ? EH SA PART PALANG NG MINSAN KA MO SIYA MAKAUSAP AT BUSY SA WALANG KWENTANG BAGAY EH. DI KA NA NIYA PINAPAHALAGAHAN. SANA MAINTINDIHAN MO . OO KAIBIGAN KO SI JIAN . PERO DI AKO SANAY NA GANYAN SIYA SA BABAE. DAHIL ALAM KO KUNG PANO MAGMAHAL NG BABAE YAN. NANDUN NA TAYO SA MAHAL MO SIYA. EH BAKIT KAILANGANG PAHIRAPAN MO SARILI MO. SABAGAY BA'T NGA BA KO NAKIKIALAM SA RELASYON AT BUHAY NYO? EH WALA NAMAN AKONG MAGANDANG MAIDUDULOT SA INYO. " Augustine.
Naiintindihan kung bakit nasasabi niya yan.
" Tama ako diba? Ewan ko ba. Bakit nga ba ako nangingialam? " inis niyang sabi.
Hinila ko yung laylayan ng damit niya.
Tumingin siya sa akin pero nakasimangot.
" Hindi sa ayaw kong may masisi sa akin.. Ayoko lang ng ako yung mang-iwan. " ani ko. Saglit akong tumigil at hinila siya paupo.
" Mas okay ng ako yung iwan ng kahit sino. " patuloy ko.
" P*******a.! " galit na sabi niya.
Napakagat ako sa ibabang labi.
Nakakatakot kasing mainis at magalit si Augustine.
Talagang masasakit na salita ang maririnig mo.
" Nandito naman kasi ako! " inis na singhal niya saka tumayo.
Ewan ko pero napangiti ako.
Ganito pala pakiramdam pag alam mong importante ka sa tao.
Inis niya akong tiningnan.
" Seryoso ako! Wag mo kong ngitian! " irap niya.
Agad kong tinigil ang pag-ngiti ko.
Hinila ko siya ulit paupo.
" Sorry naman... Ang sweet kasi ng last words mo eh. " ngiti ko pero inirapan lang niya ako. Maldito!
" Seryoso akong nakikipag-usap sa iyo, Janella. " ani niya.
Tumango-tango ako.
" Alam ko.. Wag ka na nga mainis.. Umupo ka nga. " ani ko. Tumayo kasi siya ulit.
Napabuntung-hininga nalang siya saka umupo.
" Hoy, kayong dalawa. Nag-aaway ba kayo? "
Napatingin kaming sabay sa pinto. Mama niya.
" Hindi po, Tita. Tinotoyo lang po si Augustine. " ngiti kong sagot.
Tumango ito saka pumasok muli sa loob.
Binalik ko ang tingin sa katabi ko at ang nakakunot-noo nyang pagmumukha ang bumungad sa akin.
Ngumiti ako.
" Tinotoyo? " inis na tanong niya.
Ngumiti ako.
" Anong gusto mong sabihin ko kay, Tita? 'Opo nag-aaway po kaming dalawa'? " tanong ko din.
" Love, Pag ako tinotoyo.. Nanghahalik lang ako bigla. " seryoso niyang sabi.
Agad kong natakpan ang bibig ko.
Yes, 'Love'. Ewan ko. Siya lang nagdesisyong tawagin ako niyan.
Siraulo eh.
Alam ko rin na kaya niyang manghalik bigla. Hindi siya marunong magbiro pag naiinis siya.
Ewan ko rin pero... Gumagaan pakiramdam ko pag kasama ko siya...
Pero sana..
Nandyan pa siya pag ako nalang mag-isa.
••••
Masaya ako ng araw na yun. But then, ano nga bang magagawa ko?
Mapapagod at mapapagod din siya.
Okay narin siguro yun..
Mas okay kung mahanap niya yung tamang tao para sa kanya..
Hindi katulad ko na kumakapit pa sa taong walang kwenta.