Weeks passed.
- February, 22. 8:56 PM -
Yup. Walang ganap with Jian. Like, may bago ba? So, wala na talaga right? Kasi wala naman na siyang paramdam?
' balita? ' - Janice.
Chat ni ateng ang bumugad sa akin pag open ko ng messenger ko.
Alam ko na yung gusto niyang itanong pero mas pinili ko ang iba ang isagot.
' May LPA daw. Bakit? ' - tanong ko.
Alam ko kung ano ang gusto niyang malaman.
' Haha. Ewan ko sa'yo. ' - Janice.
' Hindi kita gets gagi. ' - ani ko pa.
' Haha.. Tatanong kita kung ano na balita sa'yo, hindi yung panahon. ' - Janice.
Ewan ko pero.. Kusa nalang akong nag-open up na sa kanya.
Nasabi ko na yung mga gusto niyang marinig at gusto kong ilabas sa loob ko.
' Ito. Buhay pa ako as of now. ' - biro ko.
' Kakatakot kung hindi na. Haha. ' - Janice.
Nagtry ako kung makukuha niya ba agad ang gusto kong iparating kaya nag send ako sa kanya ng maikling lyrics mula sa kantang 'The one that got away'. Iniba ko ang ibang lyrics dun at sinabi ko pa na kantahin niya yun.
Kala ko makukuha niya agad. Pero tinanong niya kung ano bang trip ko dahil hindi nga daw siya marunong kumanta.
' In another life
I won't make HIM stay
So, HE would have to say that I'M
The ONE that got AWAY.. ' - Sinend ko yan sa kanya at sinabing kantahin niya.
' Ano bang trip mo? ' - Janice.
Akala ko magegets niya agad. Haha.
Kasunod ng chat niyang yun ay may panibagong message mula sa kanya.
' Kamusta? Ano na balita sa inyo? Hindi mo shinishare talaga. ' - Janice saka siya nag send ng emoji na parang nagtatampo.
Sasabihin ko na ateng.
Nagreply ako na. 'Sino ba? ' 'Ahh.. Oo nga.. ' at 'Ewan ko haha'.
Agad siyang nagreply sa sunod sunod kong reply.
' Kayo ba ni Jian musta? Okay pa ba? ' - Janice.
' Ewan ko nga. Haha' - reply ko. Totoo naman. Ewan ko.
' Hindi naman ba kayo nag break? ' - tanong niya.
Hindi naman kami nag break ehh. Agad akong nag type ng irereply ko sa kanya. Sunod-sunod iyon.
' One month na niya akong hindi kinakausap. Seen lang'
' Hindi kami nag break. '
' Pero binura niya yung mahal keme haha '
Ewan ko pero nagagawa kong magkunwaring natatawa nalang.
' Ayy baliw siya.. Chinat ko nga yun nag ask ako kung kayo pa ba..sineen lang din ako. 🙄 ' - Janice.
' Nagkaaway ba kayo? ' - tanong niya pa.
Hindi.
' Siya lang nang-away, ateng. '
' Alam mo naman signal dito. '
Alam yan ni ate Janice kasi dito siya banda sa amin nauwi. Bago pa siya mag board sa bacoor.
' Sus.. Keme-keme niya lang yun. Pero mag friend pa kayo sa Inbook? ' - Janice.
Natawa ako sa sarili ko bago ako nagreply.
' Oo. Pero nakahide sa akin yung timeline at myday niya haha. ' - biro ko pa.
Sa sobrang lakas ng loob ko ngayon. Nagawa ko pang i-send sa kanya yung convo namin ni Jian nun bago siya hindi nagparamdam. Agad ko rin itong binura.
' Hindi ko pa nga tapos mabasa lahat.. Binura naman agad nito.. Loading pa nga ehh haha. ' - Janice.
Inasar ko siya na ang bagal niyang magbasa. Sabi niya mahina rin signal dun sa kanila sa probinsya.
Nagtype ako agad ng panibagong mensahe.
Gusto kong maglabas ng hinanakit ko ngayon.
' One month na niya akong di chinat. Haha. '
' Nagalit agad siya. Siguro kasi problemado siya ng time na yun. Gusto niya ng may kausap. ' - Janice.
Napangiti ako ng mapait. Kung alam mo lang teng. Hindi naman ako kinakausap niyan.
Siguro yung ex niya pwede pa. Natatawagan niya pa. Pero ako? Haha. Wala naman daw akong magagawa kung ish-share niya sa akin yung problema.
Walang magbabago.
' Pero OA naman yun, umabot ng buwan. ' - Dagdag niya pa.
Sinabi ko sa kanya na yung chat na yun ni Jian eh, 1 month muna ang nakalipas bago niya ako chinat nun.
Na December 15 yung last after nun wala na.
' Taragis yan.. Naku, Janella.. Wag ka na nga dyan. 😑' - Janice.
Sinabi ko na nasanay naman na ako di yun kausap. Na matapos burahin lahat ni Jian lahat di ko na binalik.
Inis na inis siya nun. Biniro ko nalang siya ng kumalma siya. Haha.
Sinabi niya na parehas kami mapride ni Jian.
Pero no... Kaya ko naman magpakumbaba ehh..
Kaso hindi siya worth it.
' No, Ateng. Hindi ako ma-pride. Siya lang. Nagising lang ako. :) ' - napangiti ako sa sinabi ko.
Tama. Nagising lang ako.
Ayoko ng magpakatanga.
Biniro niya ako irereto niya ako sa matino. Sabi ko nalang ay ayaw ko na ng lalaki. Haha.
' Kung ayaw na sa akin, teng.. No prob. Wala naman akong kasamang lalaki ng isinilang ako. Haha. ' - ngiti ko habang sinisend ang mensahe ko.
' Tama yan. Laban lang! ' - biro niya.
' Laban lang? Wala naman akong kaaway. Haha. ' - biro ko din.
' Haha.. Anong gagawin mo if mag chat siya ulit? ' - tanong niya.
Anong gagawin ko?
' Wala. Dapat ba meron? Papa-party ba dapat ako? Haha. ' - reply ko.
' Magrereply agad? Syempre marupok. Haha. ' - Janice.
Napailing ako. Baliw talaga.
' Nope. ' - simpleng reply ko.
' Ayy taray.. So wala na siyang babalikan talaga? Haha. ' - tanong niya.
' Ateng, alam mong ayaw ko ng usapang iniwan tapos babalik. Ano terminal? Haha. ' - reply ko.
' Good. Daming alam na mga linyahan. Haha. ' - Janice.
' Sa totoo lang ang gaan sa loob kung break na nga kami. ' - pagpapakatotoo ko.
Natawa siya. Sinabi ko pa na malas ako sa 'J'. Wag ko daw lahatin. Haha.
Sinend ko pa sa kanya yung mga naging crush ko na J. Haaha.
Sabi ko pa, dapat siguro mag start ako sa letter A. Hahaha.
Ang loka wag na daw. 'B' na agad. Haha. May crush kasi ako nun alam niya yun dun sa work namin before cute kasi. Crush lang naman.. Haha. Si Bench.
Sabi niya chat ko daw malay daw mahulog.. Siraulo. Hahaha.
Gumaan pakiramdam ko after ng usapan namin na yun.
Atleast alam kong may handang makinig sa akin.
Actually, nung highschool at college ako.... 5-6 years older sa akin ang ideal age ko sa lalaki.
Kaso wala eh. Walang dumating.
Nagkataon na nandyan si Jian. Ang kaso mas bata naman sa akin ng isang taon.
Katulad ni Augustine.
Augustine..
Kamusta na kaya siya?
Nitong nga nakaraan kasi.. Nakikita ko yung mga shared post niya.. At may tina-tag siyang isang babae.
'Babi' yan yung tawag niya sa babae pero Mira naman ang pangalan nito.
Nakikita ko din isang beses yung post niya na binisita siya nung babae kasama ng mga kaibigan nila.
Napangiti ako. Atleast nahanap na niya..
Mas bata yun sa kanya.
Kamusta na kaya siya?
Alam kong wala akong karapatang mangamusta sa kalagayan niya..
I hope lang okay na siya with that girl.
Kasi one time nakita ko naman na nag comment iyong babae sa post niya pati ang tita nito na tinatanong kung anong meron sa kanila ni Augustine.
The Mira girl said na, Last na daw niya si Augustine..
I smiled. Finally, Augustine. May babae na kaya na siyang hawakan pabalik gaya ng ginagawa niya.
Though...
I kinda miss him.