Chapter 12 - Chapter 12

"Trinket, ibalato mo na sa akin ito."

Alanganin ang tingin na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Humugot siya ng malalim na hininga at nagbilang ng sampu para man lang kumalma ang sistema niya. Hindi siya palaaway na tao o kung anuman 'yon. Hindi rin siya sanay sa ganitong pakiramdam.

"Ferol. p-pero.."

"Iwan ninyo muna kami ni Jeane." Ani niya sa mababang tinig. "Sige na Trinket, kaya ko 'to."

Tumango lang ito at saka niyakag ang kapatid papasok sa loob ng bahay. "Kuya, tama na. Kung galit ka mas galit ako." Saka nito tinapunan ng matalim na tingin ang pinsan.

Sa sampung segundo na walang nagsalita sa kanilang tatlo, tila ba inaarok ng kanyang isip kung paano at bakit nangyari ang nakita niya kanina. Napakatangang tanong pero hindi niya kaya marinig ang sagot sa napakalinaw na halikan kanina.

Napapikit siya ng mariin dahil doon.

"Ferol.." tawag sa kanya ni Cash. Sapo nito ang pisngi na nadali ng suntok ni Terrence. Gusto man niya ito'ng lapitan pero ayaw kumilos ng mga paa niya palapit dito. "Ferol, kung anuman ang.." tila naguguluhan pa rin ito sa mga pangyayari.

Lumunok siya na tila ba naging barado ang kanyang lalamunan. "Pwede n'yo ba'ng ipaliwanag sa akin kung.." hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin. Parang nahihirapan siyang ilabas ang mga salitang iyon.

"Ang alin Ferol? 'yon bang naghahalikan kami ni Cash?" walang prenong sabi ni Jeane.

Pareho sila ni Cash ang natigilan sa sinabi nito.

"Alam mo kasi Ferol, 'yan ang hirap sa'yo eh. Nakakasawa ka. Kaya ito'ng si Cash humanap na ng iba."

Tila tinusok ng isang libong karayom ang puso niya. Nanlulumong napaupo siya sa marmol na sahig.

"Ano'ng sinasabi mo Jeane! Nahihibang ka na ba?!" dali-daling dinaluhan siya ng binata. "Ferol, alam mo'ng hindi totoo 'yon. Mahal na mahal kita, paano kita pagsasawaan."

Tinabig niya ang mga kamay nitong nakaalalay sa kanya. "Wag ka'ng lumapit sa akin." Nanghihinang sabi niya.

Marahas na napalingon si Cash kay Jeane. "The hell what you're up to? Ikaw itong nanghalik sa akin. At hindi totoo iyan pinagsasabi mo." Mariin sabi nito. "God, what's wrong with you!"

"Walang mali sa akin Cash, mali na ba iyon iparamdam ko sa'yo kung gaano ako kasabik nang mawala ka ng ilang araw."

"Stop it Jeane!" tumayo ito at nilapitan ang dalaga. "I don't know what you are talking about. Stop it." Hinawakan nito ang braso saka akmang papasukin sa loob. "Or else.."

"Or else what?" angil nito. "You're gonna punish me in bed. How so sweet of you darling. And I must say, I missed that."

"What?!"

Sa mga naririnig niya, tila gusto na niyang mabingi nanag hindi niya marinig king anu pang mayroon sina Jeane at Cash. Pinilit niyang makatayo, ngunit hindi niya magawa. Tila ba hinigop ang lahat ng lakas niya matapos marinig ang lahat.

"Magsama kayong dalawa, magsama kayong dalawa.." tuluyan nang umagos ang mga luha niya kasabay ng pagkabasag ng puso niya,

Walanghiyang pag-ibig 'to. Para ako'ng mamamatay.

"Ferol, please look at me." Si Cash iyon na nasa harap niya. Masakit na talaga ang puso niya. Kahit tignan ito ay parang hindi niya kaya. "Umalis ka sa harap ko. Manloloko ka."

"Ferol, hindi totoo 'yon, hindi kita niloloko. Hindi ba't magkasama tayo magdamag? Kung pwede nga lang bawat oras ay magkasama tayo ay ginawa ko na." marahan siya nitong hinawakan ngunit umiwas lang siya.

"Sinungaling ka. Magsama kayo ng babaeng iyan." Tumayo siya at pilit na maglakad palayo dito. "Hindi pa ba sapat na nakita ko kayo sa liwanag ng araw? Cash, hindi ako bulag. Akala ko.. okay tayo pero hindi pa pala."

"Ferol, please.." nagmamakaawang sabi nito.

"Ano'ng kaguluhan ito?" bungad agad ni Raville nang makita silang tatlo. "Ano'ng ibig sabihin nito?"

Bago pa siya tuluyan makapagsalita ng hindi maganda ay mabilis siyang lumabas ng gate at patakbong pumunta kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa. Narinig pa niyang tinawag siya ni Cash. lalo lang niya binilisan ang pagtakbo.

Sa dami ng gusto niyang sabihin ni isang salita ay walang namutawi sa kanyang bibig. Ang alam niya niloko siya. Nasaktan.

"Ang tanga tanga ko. Sobrang tanga ko.." sinabunutan niya ang kanyang sarili. "Napakatanga ko. Umaasa ako'ng hindi na ako forever alone."

"Ate Ferol?"

"Ang sakit, walanghiyang pag-ibig 'to." Nilingon niya ang nagsalita. "Jane Miles."

"Ate Ferol, ano'ng nangyayari sa'yo? bakit ka umiiyak?"

Hindi na niya kinaya, nang yakapin siya nito ay hindi na siya pumalag. Ngumiti siya ng malungkot. "Wala ito. nasugatan ako."

Sinipat siya nito. "Nasaan ang sugat mo? Halika sa bahay gagamutin ko." Hinila siya nito sa direksyon ng bahay nito.

"Jane, kung sakaling ma- love at second sight ka, titigan mo muna ng ilang beses ha? bago mo sabihin na inlababo ka."

Napakunot-noo ito. "Hindi ba love at first iyon?"

Natawa siya ng pagak. "Sa kaso ko love at second sight iyon. Naadik ako sa amoy downy, nagpadala ako sa halik niyang nakakabaliw. Pero iba palang trip niya. Hindi siguro ako magaling humalik."

Napangiwi ito. "Ate, ang sagwa naman pakinggan. Si Kuya Cash ba iyan? Why? What's happening in this country? Nagmura na ba ang bigas? May rollback na ba ang gas?"

Napailing siya. "Si Cash? ang barya ko." Mapait siyang napangiti. "Wala. Wala na ako'ng lugar sa kanya. Mas gusto na niya si Jeane. Palibhasa hindi ako naninibasib ng halik. Ayon humanap siya ng kulot ang buhok."

Nagpagting ang tainga nito. "Ano'ng sabi mo Ate Ferol?"

Tila ba dumilim ang aura nito. maging siya ay naramdaman ang pagtalim ng tingin nito.

"Malinaw ang pandinig ko Ate Ferol, ano'ng sabi mo? Si Jeane?" ikinuyom nito ang mga kamay at inayos ang dalang bag. "Alam mo Ate, sa lahat ng pangalan dito sa mundo iyan ang isa sa pinakakinayayamutan ko? Kumukulo ang dugo ko."

"Jane, ano kasi.."

"Halika na. tatawagin ko sina Ate Trinket at Ate Fria. Hindi pwedeng ganito. Makakatikim na sa akin ang babaeng iyan. Wag niyang sabihin na magaling siyang mangarera ng motor baka ibalabag ko sa mukha niya ang Ducati ni Kuya Marco, babasagin ko ang bangs niya."

Napipilan siya dito. tila ba nagsindi ang galit nito.

"Jane Miles, kalimutan mo na ang sinabi ko. Kaya ko naman ito eh. Kakayanin ko."

"Hindi!" mababakas sa mata nito ang galit at determinasyon. Para saan?

"Jane." Nahigit niya ang kanyang hininga nang bigla siya nitong kaladkarin papunta sa music studio na malapit sa kinatatayuan nila.

"I need props." Pagkakuwan ay sumigaw ito. "Dice! Nasaan na iyon sirang gitara mo? Alam ko na ang silbi niyan. Bilis!

Patay