Pauwi na kami ni Joyce at naiinis parin ako sa lalaking bumangga sakin kanina. Saka paano niya nalaman ang pangalan ko? Di ko naman siya kilala pero bakit siya kilala ako? weird.
Pagkauwi namin ni Joyce tinawagan ko na sila inay, alam ko naman na kanina pa sila nag iintay sa tawag ko
*ringggggg ringgggg* naka dalawang ring lang sinagot na ni inay ang tawag ko. "Kamusta kana anak? Kamusta unang araw niyo ni joyce?"
"OK lang naman po ako nay, ang laki nga po ng school na pinapasukan namin ni Joyce e saka ang ganda may swimming pool pa, saka nga po pala nay. Si joyce po nag bayad ng tuition ko sa School, sabi ko nga po na mag iischolar na lang ako ayaw ako payagan"
"Ganun ba anak?"
"Opo nay, asan po si itay?"
"Ayun kausap mga kumpare niya, gusto mo ba tawagin ko?"
"Wag na po nay, bukas ko na lang po kakausapin si itay, andito po si joyce gusto niyo po kamustahin?"
"Ay oo anak, mag papasalamat ako kay joyce"
"Sige po nay, tawagin ko lang"
Tinawag ko si joyce at sinabi ko na kakausapin siya ni inay, pumayag naman si joyce kasi wala naman siyang ginagawa.
"HELLO PO TITAA!! KAMUSTA PO?"
"Ay ikaw na pala yan Joyce, ayos lang kami dito ng tito mo, kayo ba ni Olivia jan kamusta?"
"OK lang naman po tita, Ayos lang din po yung pinasukan namin na school"
"Oo nga pala Joyce, salamat sa pag bayad ng tuition ni Olivia ha? nakakahiya naman ikaw pa gumastos sa tuition ni Olivia"
Rinig ko yung pinag uusapan nila kasi niloud speaker ni joyce.
"Walang anuman po tita, ok lang po sakin yun kasi parang kapatid ko na po si oliv" sabay tingin sakin ni joyce at ngumiti.
Nag paalam na si inay dahil may gagawin padaw siya.
"Hoy gurl ang gwapo ng lalaking naka bangga sayo kanina noh?" sabi ni joyce, nainis nanaman ako dahil naalala ko nanaman yung lalaking yon.
"Gwapo nga, apaka salbahe naman" inis kong sabi.
"Weh ? Natulala ka nga kanina nung pagtingin mo eh, ikaw ha!"
"Haynako Joyce tigil tigilan mo ako ha naiinis ako" sabay irap ko Kay Joyce.
---------------------------------------------------------
Kumakain kami ni joyce ngayon sa mall, gusto din kasi ni joyce mag ikot ikot para daw mawala yung init ng ulo ko.
Habang kumakain kami ay hindi ako tinitigilan ni joyce kaka-asar dun sa lalaking naka bunggo ko kanina.
Pag eto sinabunutan kotong gagang to tatahimik to.
Tumingin na lang ako sa labas, saktong pag tingin ko sa labas ay...nag tama ang paningin naming dalawa nung lalaking naka bangga sakin kanina, ngumiti siya ng kaunti at pumasok na sa mall.
Nawalan na ako ng gana kumain, inaya ko na si joyce na umuwi. Imbis na mawala init ng ulo ko lalo lang uminit nung nagkita ulit kami.
-----------------------------------------------------------
Nasa bahay na kami at di parin tumitigil kakatanong si joyce hanggat di ko sinasabi kung sino ang nakita ko sa mall kaganina.
"Sino nga ba kasi nakita mo oliv? At bigla ka nalang nawalan ng gana kumain"
"Sino pa ba?"
"Anong sino pa ba? gaga kaba? Di ko naman kilala kung sino tinutukoy mo tas sasabihin mo saken sino pa ba?"
Napairap na lang ako "Edi yung lalaking naka bangga sakin kanina, imbis na mawala init ng ulo ko lalo lang nag init"
"Ah, si pogi pala yung tinutukoy mo yieeee"
Di nanaman ako titigilan neto sa kaka-asar -
"K" sabi ko nalang at nag talukbong na ng kumot.
Patawa tawa nalang siya habang umiiling.