Chapter 11 - Chapter 7

CONTINUATION...

Olivia's POV

"Nag mamaang maangan ka pa kung ano kailangan ko?! malamang gagantihan kita sa ginawa mo sa boyfriend ko gaga ka!"

Sasabunutan na sana ako ni Sapphire ng may pumigil sa kamay niya.

"J-james? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Sapphire

"ano pa ba? Malamang aawatin kita sa gagawin mo!" cold na sabi ni james sabay tingin sakin

"Gagantihan ko lang naman tong babaeng to sa ginawa niya sayo!!" sabay irap sakin.

"Wow , ako pa may mali? Yung boyfriend mo ang nauna hindi ako!" gigil na sabi ko.

"Ano?! Boyfriend? Putangina!

hindi ba sinabi ko sayo na matagal na tayong tapos!?" galit na sabi ni James.

"James, hindi ko kaya na mawala ka sakin please naman ayusin natin to!" naiiyak na sabi ni sapphire.

"Wala na dapat tayong pag usapan, matagal na tayong tapos!" sigaw ni James sabay labas ng room.

Tumingin sakin si Sapphire ng masama.

"Hindi pa tayo tapos OLIVIA!" sabay alis at sumunod naman yung dalawa niyang alagad na coloring book.

Napairap na lang ako sa hangin, sabay sabi kay joyce na umupo na kami.

"Grabe gurl, kung maka sugod naman yung Sapphire , di naman pala girlfriend ni James. kung maka sigaw pa kala mo namatay yung jowa niya"

"Desperadang ex girlfriend" sabi ko.

Pumasok na ang prof namin at nag announce dahil may bago daw kaming kaklase.

"Come in miss?"

"Audrey po pangalan ko" sabi nung babaeng kakapasok lang sa room. Siguro siya yung transferee.

"Mag pakilala kana sa mga kaklase mo miss Audrey" tumango naman ito at nag pakilala na.

"Hello everyone goodmorning! Ako nga pala si Audrey Monterico new classmate niyo. "

"You may seat, Miss Monterico" sabi ng prof namin.

Tumango nalang si Audrey at

Umupo siya sa tabi ko, pag kaupo niya ay nakipag usap siya sakin at nakipag shake hands saming dalawa ni Joyce.

" Hi? "

" Hello " sabay naming sabi ni Joyce.

"Pwede ko ba kayo maging kaibigan?"

Nagkatinginan kami ni joyce at sabay na tumango, ngumiti naman siya.

"Mamayang recess na lang tayo mag usap usap ha?"

Tumango nalang kami at ngumiti.

-----------------------------------------------------------

RECESS~

Nagliligpit na kami ng gamit dahil recess na at pupunta kami sa cafeteria, habang nag liligpit kami ng gamit ay nag Salita si Audrey.

"Pwedeng sumabay ako sainyo mag recess?" ngumiti naman kami ni Joyce

At tumango.

"Gusto ko sana kayo maka close at maging kaibigan." sabi ni Audrey.

"Sure, pede naman mukhang mabait ka naman diba? hahahaha" sabi ni Joyce.

Natawa na lang si Audrey at tumango.

"Oo mabait naman ako, tara? Punta na tayo sa cafeteria? Di ko pa kasi kabisado yung mga lugar dito kahit na  best friend ko si Axel Montenegro at yung kuya niya naman ay si James Lucas Montenegro" napatingin naman kaming dalawa ni Joyce sakanya.

"BEST FRIEND MO YUNG ANAK NG MAY ARI NG SCHOOL?" Sabay na tanong namin ni Joyce dahil nabigla kami sa sinabi niya.

Natawa si Audrey at tumango tango.

"Hala gurl, anak pala ng may ari ng school yung naka bangga mo nung nakaraan?"

"Sino yung naka bangga mo? si kuya Lucas?"

Tumango si Joyce bilang sagot.

"Naka bangga mo si kuya Lucas?" manghang tanong ni Audrey sakin.

"Oo nakabangga ko siya nung nakaraan" sabi ko.

"Sa pag kakaalam ko minsan lang ngumiti si kuya Lucas e. Di ko naman siya masyadong ka close at higit sa lahat. Graduating na din siya" ah so mas matanda sakin yung James ng isang taon? Napatango na lang ako sa sinabi ni Audrey.

Habang nag lalakad kami papunta sa Cafeteria may biglang tumawag kay Audrey.

"AUDREYYYYYY!!!" napalingon naman kaming tatlo sa tumawag, ang gwapo ng papalapit samin tas matangos ang ilong, maputi at matangkad.

"OMG? AXELL?!" biglang sabi ni Audrey.

nung nakalapit na samin si Axel ay nag yakapan silang dalawa.

Pagtapos nilang mag yakapan ay biglang tumawa si Axel at sinabing. "WELCOME TO MONTENEGRO'S HIGH SCHOOL!"

Si Audrey naman ay natawa nalang din.

" Oo nga pala, meet my new friends etong katabi ko ay si Olivia Faye Eugenio at eto namang nasa kanan niya ay si Joyce, Joyce Aquino Delos Santos. Guys meet my best friend since grade school. Axel, Axel Montenegro"

-----------------------------------------------------------