Olivia's POV
"What the?!" naiinis ako kasi sobrang lagkit ng katawan ko at wala akong pang palit na uniform!! Punyeta!
"Miss eto tissue o" sabi ng lalaking papalapit sakin. "Sorry nga pala sa ginawa ng kapatid ko ha? ya mo pag sasabihan ko nalang"
"Thankyou! Apaka maldita naman ng kapatid mo, sa susunod na makita ko yon ay gagantihan ko siya! Wala akong pang pamalit ng uniform ngayon!!"
"Samahan na lang kita sa office?for sure may extra namang uniform don e" sabi ng lalaking katabi ko
"Sure! sige salamat!"
"EHEM!" biglang kibo ni James. oo nga pala kasama ko siya.
di ko napansin. Charot.
"Uy bro! Andiyan ka pala!" sabay apir nila ng lalaking kapatid daw ni Sapphire.
"Oo Liam kanina pa" bored na sabi ni James kay Liam. so Liam pala pangalan non? mukhang mabait kesa dun sa kapatid niya na si Sapphire.
Napailing iling na lang si Liam sa inasta ni James sa kanya.
"Kamusta bro?"
"Ayos lang naman, ikaw ba? Kamusta?" bored na tanong ni James.
"Ayos lang din naman"
Umubo na lang ako para makuha ko yung atensyon nilang dalawa.
Lagkit na Lagkit na kasi ako saka pinag titinginan na ako ng mga taong dumadaan.
"Baka pedeng pakisamahan na ako sa office"
"Ay oo nga pala, sorry sorry nakalimutan ko"
"Tara na?" tanong ko
"Ang arte" rinig kong sabi ni James. kahit kelan talaga tong lalaking to apaka salbahe.
"Anong sabi mo?!" sigaw ko.
"Sabi ko sige mag palit kana, bro! see you around" sabay smirk at umalis na.
"Ako nga pala si Liam, Liam Rivera" sabay lahad ng kamay niya.
"Olivia, Olivia Faye" sabi ko at sabay abot ng kamay niyang nakalahad.
"Pasensya na ulit sa ginawa ng kapatid ko ah?"
"OK lang, basta ngayon kelangan ko na mag palit at maligo saglit"
"Halata nga, kadiri ka ang Lagkit mo na!" sabay tawa ni Liam.
Napairap na lang ako "Di ako magkakaganito kundi sa kapatid mong bruha!" angil ko.
Nakarating na kami sa office at sinabing nabuhusan ako ng milk shake kaya kelangan mag palit ng uniform at saka kelangan maligo saglit. hindi na ako uuwi para maligo dahil may shower room naman para sa girls at boys.
Kakaiba talaga tong University na to sobrang yaman may shower room pa.
"So maiwan na kita dito faye?"
Tumango
naman ako at nag pa salamat kay Liam. kung wala si liam di ako makakapag palit ng uniform. Buti nalang talaga.
Buti pa siya mabait di kagaya ng kapatid niyang maldita.
"See you around Faye bye."
"Bye Liam, salamat!"
-----------------------------------------------------------
Nakapag palit na ako kanina. ngayon ay uwian na at naglalakad na kami sa hallway.
Tinanong ako ni joyce at ni Audrey kung bakit daw bagong ligo ako kanina bago pumasok sa klase.
Kinuwento ko naman sa kanila ang nangyari kanina. wala pala silang kaalam alam.
"Nako gaga talaga na yon! Puntahan natin at sasabunutan ko lang!" gigil na sabi ni Joyce.
"Apaka salbahe naman non!" pagalit naman na sabi ni Audrey.
"Sa susunod wag kana mag papatalo Don ha?!" gigil na sabi padin ni Joyce.
"Oo naman, di ko siya aatrasan"sabay ngiti ko. gusto mo pala ng away? pag bibigyan kita.
-----------------------------------------------------------