Chereads / Accidentally In Love With A Bad Boy / Chapter 15 - Chapter 10

Chapter 15 - Chapter 10

Olivia's POV

uuwi na sana kami ni joyce ng nag aya bigla si Audrey na mag mall daw kami para makapag bonding kaming tatlo at makilala namin siya ng todo

Pumayag kami ni joyce, paalis na sana kaming tatlo ng may tumawag kay Audrey "Audrey!! Pauwi kana?" sabi ni Axel

"uy Axel ikaw pala yan, hindi pa ako uuwi mag mamall kami lam mona girls bonding hehe"

"ay ganun ba? Aayain sana kita lumabas e hehe kuwentuhan lang ganon"

"sorry Axel next time okay? mag bobonding muna kaming tatlo"

"sige sige, ingat kayo!" sabi ni Axel at ngumiti

Nginitian namin siya at tumango

"ikaw din Axel Ingat! Una na kami ha? Baka gabihin kami lalo pag nag kuwentuhan pa tayo HAHAHA" sabi ni audrey

"sige, ingat ulit uuwi nadin ako e hehe sige na"

"ingat Axel!" sabi ni Audrey at kinawayan na lang siya habang nag lalakad palayo

Humarap samin Si Audrey at sinabing "let's go girls?" ngiting sabi niya

"LET'S GO!!" sabi naming dalawa ni Joyce

"I'm so excited" sabi ni Audrey at natawa na lang kami dahil sa pag ka excited niya.

-----------------------------------------------------------

Nandito na kami sa mall.

Kumain muna kami sa Mcdo dahil kanina pa kami gutom, nag kuwentuhan din kaming tatlo ng kung ano ano

Sinabi samin ni Audrey ang mga paborito niyang gawin araw araw, mahilig pala siya manood ng movies tas mahilig din siya mag swimming at mag gym. Kaya pala ang ganda ng katawan niya, kahit na naka uniform siya mahahalata mo na maganda ang kanyang pangangatawan.

"so nag karoon kana ng boyfriend?" tanong ni joyce

"actually wala pa ako nagging boyfriend since birth" ngiting sabi ni Audrey.

"kayo nag karoon na kayo ng boyfriend?" tanong smin ni Audrey

umiling lang ako at sinabi na wala din akong boyfriend since birth.

Si joyce naman ay umiling din dahil wala pa naman siyang nagiging boyfriend din since birth.

Ayaw niya daw sa mga lalaki kasi stress lang yan sa buhay niya HAHAHAHA

Nag ikot ikot na kami sa mall at pumasok kami sa h&m para bumili daw ng damit. Sabi ko nga wala akong pera at sinabi korin na si joyce ang nag bayad ng tuition ko para makapag aral sa Montenegro's college

Sabi naman ni Audrey pumili lang daw ako ng gusto ko, dahil sagot niya ako.

Mayaman pala sila at may sariling hotel din at restaurants.

pumili lang ako ng hoodie at maong na short saka Fanta na tshirt. Masyado palang mahal yung mga damit dito.

I babalik ko na sana yung Fanta ng pinigilan ako ni Audrey "girl wag mo na ibalik yan, kumuha kalang kung ano gusto mo. Ako ang mag babayad sayo" ngiting sabi niya

"pero.."

"bawal mag pero pero" angal niya, para siyang si joyce.

kinuha ko na ulit yung Fanta na tshirt at pumili pa ako ng isang tshirt na simple lang.

Si joyce naman ay bumili din ng tshirt, maong shorts saka hoodie at heels at Fanta na Tshirt.

ang binili naman ni Audrey ay heels, maong shorts, kumuha narin siya ng Fanta na tshirt at pantalon.

"ayan may Fanta tayong damit na tatlo, para best friends goals" ngiting sbi ni Audrey

"oo nga, ang cute siguro nating tatlo pag suot natin to pare pareho" masayang sabi din ni joyce

"maraming salamat Audrey ha, nakakahiya naman masyado ikaw pa nag bayad ng mga binili ko" hiya kong sabi kay Audrey

"ano kaba? Wala yon ano pa ang pagiging mag kaibigan natin diba?

"tama yan girl" sabi naman ni joyce at nakangiti sakin

ngumiti na lang ako at nag pasalamat

ulit kay Audrey.

"so Tara? Mag parlor naman tayo?" excited na aya samin ni Audrey

"sagot ko kaya wag na kayo umayaw ano ba!" natatawang sabi ni Audrey

Natawa na lang kaming pareho ni joyce

Nag parlor kami at nag palinis nadin ng kuko, nanood ng sine, nag milktea syempre di din mawawala ang picture picture.

Nakakaenjoy naman tong araw na to, at nag papasalamat kami kay Audrey dahil naging kaibigan namin siya.

Sinabi niya samin lahat ng gusto niya, ganun den samin ni joyce.

Parang matagal na naming kakilala si Audrey dahil ang gaan ng loob namin sakanya.