Chapter 8 - Chapter 4

Joyce Aquino's POV

Hi ako nga pala si Joyce Aquino Delos Santos, pinakilala na ako oliv sainyo diba? HAHAHAHA ngayon ako mismo mag papakilala sa sarili ko hehe, 16 years old na ako at Mayaman kami. Ang trabaho ni daddy ay naghahandle siya ng company namin. Si mommy naman ay siya naman ang nag hahandle ng hotel namin, nung nasa hotel na kami ni oliv ay di sila nag kita ni mommy kase nasa Hong Kong siya nun.

Sa totoo lang ang sarap maging kaibigan ni oliv. marunong siya makuntento kung anong meron siya. Kahit na simple lang ang pamumuhay nila. at masayahin siya, maganda at syempre andiyan din siya sayo palagi pag may problema ka. Ang gaan gaan ng loob ko pag kasama ko siya. Parang mag kapatid na nga kami eh HAHAHAHA.

-----------------------------------------------------------

Andito kami sa Montenegro's high school first day namin ngayon.

Ako na ang nag bayad ng tuition ni oliv. Kasi parang kapatid ko na nga siya DIBA? sabi nga niya mag iischolar daw siya kasi di daw kaya ng budget niya at nila tita. Kaya ako na ang nag bayad, buti na lang at di na siya umangal kasi mag tatampo talaga AKO!

Nakaupo kami malapit sa bintana at nagkukwentuhan, ng dumating ang prof namin "Goodmorning class, ako nga pala si Jasper Montenegro ang prof niyo"

Binati namin lahat si sir ng goodmorning, mukhang mabait naman siya at higit sa lahat pogi. Crush ko na agad siya.

"So today class, ang gagawin niyo muna ay mag papakilala isa isa. So? Umpisa tayo sa likod?"

Isa isa na nag pakilala mga kaklase namin, mukhang mababait naman sila. hanggang sa ako na ang mag papakilala "Goodmorning everyone, ako nga pala si Joyce Aquino Delos Santos sana maging ka close ko kayong lahat. " Sumunod na nag pakilala si Oliv.

"Goodmorning guys and Prof Jasper My name is Olivia Faye Eugenio"

-----------------------------------------------------------

Olivia's POV

So ayon nag pakilala na kami isa isa kay sir jasper, ang bait niya pala at ang hinhin.

madami ding teacher's ang nag pakilala samin at mababait din sila.

Uwian na ngayon, nagkukwentuhan kami ni Joyce habang naglalakad sa hallway. Ng may bumangga sakin.....

Nahulog ang mga dala kong libro at nung pagtingin ko sa nakabangga sakin ay

Tinapunan niya lang ako ng tingin at nag simula ng mag lakad ulit. di manlang ako tinulungan pulutin ang mga libro ko. Kaya ang ginawa ko ay pinukol ko siya sa ulo ng isa sa mga libro kong hawak, "Ano?! Di mo manlang ako tutulungan?! Pagtapos mo ako banggain?!" sigaw ko.

Dami ang nag bulungan na nga estudyante na naka paligid samin at gulat na gulat sa ginawa ko.

"OMG, bat niya ginawa yon?!" sabi ng babae malapit samin

"Di niya ba kilala kung sino binabangga niya?! Myghad"

Madami pa akong narinig na nag bubulungan, hanggang sa tumingin ako sa lalaki na nakabangga sakin kanina, nakatingin din siya sakin ngayon at walang ekspresyon ang mukha 0_0, lumapit siya sakin at pinulot ang librong pinukol ko sakanya. Kala ko iaabot niya ang libro na pinukol ko sakanya ngunit bigla niya itong binitawan at ngumiti ng kaunti. "Nice meeting you Ms. Faye"

Natulala na lang ako. hanggang sa kinalabit ako ni Joyce. pinulot na namin yung librong mga nalaglag nung binunggo ako ng lalaking yon. Ang sama ng ugali, siya na nga itong naka bunggo tas siya pa hindi humingi ng tawad.

Pogi, matangos ang ilong makinis ang balat maganda ang kanyang mga mata na brown, atsaka kumikinang ang kanyang hikaw sa kanan at higit sa lahat may abs kaya siya? hmmmmmmm? TEKA NGA! TEKA NGA! BAT KO BA PINUPURI YUNG LALAKING YON ?! E apaka salbahe naman.

-----------------------------------------------------------