Chereads / Supreme Asura / Chapter 58 - Chapter 58

Chapter 58 - Chapter 58

Ilang linggo lanang ang nakalilipas ay isinagawa nga ng mga opisyales ng Li Clan ang kanilang binabalak. Ang nawalan ng mga lider na angkan ay mabilis na nagpasakop sa angkan ng mga Li. Wala silang nagawa kundi ang magpasakop sa mga ito dahil kagaya rin ng Li Clan ay mahirap din o naghihirap din ang mga ito at mababa ang kanilang Cultivation Level at ang iba'y hindi na nagpapatuloy sa kaniyang pagcucultivate dahil sa kawalan ng Cultivation Resources at mababang Martial Talent.

Upang maging matagumpay sila ay ini-explain ng mga maayos ng opisyales ang kanilang layuning tulungan ang mga ito. Masasabing maganda naman ang naging offer ng mga opisyales sa ibang mga angkang wala ng mga pinunong tumatayo. Kahit sabihing may opisyales ang mga ito ngunit maituturing na mas malakas ng di hamak ang Li Clan Officials kaysa sa mga ito. Wala rin namang pagtutol dahil alam naman nilang maayos ang pamumuno ng Li Clan.

...

Ang batang si Li Xiaolong ay patuloy sa pagcucultivate habang nag-eensayo rin siya kasama ang nagsasalitang Quoll na si Fai. Sa bawat araw na lumilipas ay masasabi ng batang si Li Clan na ang kaniyang mga sariling kakayahan ay nag-iimprove habang ang kaniyang Cultivation Level ay umuunlad din sa consistent na paraan.

Sa loob ng mga araw na ito ay tila ba hindi namamalayan ng batang si Li Xiaolong na wala na siyang natitira pang Cultivation Resources.

"Huh?! Bata, paano ka na niyan? Naubos mo na ang sampong High Grade Blood Gem Crystals mo?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Wag kang mag-alala Fai, marami pa ako niyan." Simpleng sambit ng batang si Li Xiaolong habang patuloy sa pagme-meditate para magcultivate. nakaupo ito habang makikitang masigasig itong nagcu-cultivate ng mga Essence Qi na nasa paligid. Ramdam din ni Fau na napakatalentado talaga ng batang si Li Xiaolong dahil na rin sa kakayahan nitong magpalakas kaagad ng Cultivation nito maging ng mga kakayahan nito. Yun nga lang ay mahirap ang magbreakthrough sa bawat stages at kailangan mong palakasin ang pangangatawan mo para maging capable ka sa pagbreakthrough sa susunod na mga stages lalo na sa mas mataas na boundary.

Napatigil naman ang batang si Li Xiaolong nang maubos ang enerhiyang nasa loob ng huling piraso ng High Grade Blood Gem Crystal. Ang napakagandang kulay pulang liwanag na ini-emit ng nasabing bagay ay tuluyan ng nawala. Nakakalungkot man isipin ngunit hindi na ito magagamit pa.

"Ano'ng sinasabi mo bata?! Mayroon ka bang lugar na pinagkukuhanan nito? Sa pagkakaalam ko ay minimina ang mga Blood Gem Crystal  na ito lalo na't natural na mga kristal na bato ito." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Tama ka Fai, ang Blood Gem Crystal ay minimina. Kaya halika na!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong tumayo ngunit mabilis niyang inilahad ang kaniyang kamay sa nagsasalitang Quoll na si Fai at mabilis na inilagay ito sa ibabaw ng kaniyang uluhan. Hindi kasi ganoong kalaki ang pangangatawan ng nagsasalitang Quoll na si Fai kumpara sa normal na hayop na Quoll. Sa katunayan Y maliit lamang ito st kasyang-kasya sa ibabaw ng kaniyang uluhan.

Napatahimik na lamang si Fai. Hindi niya alam kung nao ang gusto ipahiwatig ng batang si Li Xiaolong given na napakarare ng Blood Gem Crystal at pili lamang ang mining sites ng ganitong klaseng malakristal na bato. Ang presyo ng low grade ay masasabing mahal na sa malalaking pamilihan lalo na sa at bibihira lamang mag-appear sa mga Auction houses at iba pang mga lugar.

Naglakad naman ang batang si Li Xiaolong habang nadaanan nila ang pamilyar na parang kasama ngayon ang nagsasalitang Quoll na si Fai na puno ng kuryusidad ang kaniyang sariling isipan.

Maya-maya pa ay narating nila ang animo'y mataas na pormasyon ng mga batuhan kung saan ay makikitang nakalihis ang direksyon nito sa nasabing Blood Gem River.

Dito ay tuloy-tuloy lamang sa paglalakad ang batang si Li Xiaolong kasama ang Quoll na si Fai. Tila sa bawat pagtapak ng paa lamang ang naglilikha ng tunog dito. Napakatahimik ng buong lugar.

Maya-maya pa ay biglang lumiko ang batang si Li Xiaolong sa medyo masukal na parte ng kagubatan at nagtuloy-tuloy lamang ito sa paglakad hanggang sa huminto siya sa isang may kaliitang butas na nasa malaking rock formations ngunit masasabing kasya lamang ang isa o dalawang tao sa nasabing butas.

"Huh?! Hindi ko aakalaing may maliit na kweba pala dito bata. Bakit hindi ko naisip iyon?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba iniisip niyang medyo naging pabaya siya sa pag-oobserba.

"Malamang ngayon ka lamang nakapunta rito. Isa pa ay hindi rin ito basta-basta lamang matatagpuan ninuman lalo pa't napakasukal ng lugar na ito. Aksidente ko lamang natagpuan ito noon." Simpleng sagot ng batang si Li Xiaolong.

"Huh? Bakit mo naman naisipang pumunta sa kasukalang lugar na ito?! Napakadelikado ng ginawa mo bata. Marami pa namang pagala-galang mga mababangis na halimaw kahit na sabihing nasa loob pa ito ng inyong angkan." Sambit ng batang si Li Xiaolong.

"Sinubukan ko kasing maghanap ng mga bagay na makakatulong sa akin sa pagcucultivate given na walang sapat na kayamanan ang aking mga magulang para tustusan ang aking pagcucultivate. Alam ko rin naman yun eh, Muntik na nga akong masila ng nilalang na iyon ngunit sa kabutihang palad ay niligtas ako ng mumunting kweba na ito." Sambit ng batang si Li Xiaolong. Tila nakangiti pa ito.

"Aba aba, kung di ka pala nakapagtago eh napaslang ka pala ng mabangis na halimaw na iyon, tama ba ko?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Ah eh, ganon nga." Nag-aalangang sambit ng batang si Li Xiaolong na tila nahihiya pa.

"Ang galing mo naman. Pero alam mo naman na napakadelikado para sa murang edad mo na gumagala-gala sa lugar na ito kahit na sabihing alam mo na delikado para sa'yo ito. Pwede ka namang sumabay sa kaedaran mo." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Hindi niya talaga makuha ang gustong sabihin ng batang si Li Xiaolong.

"Nangyari na ang nangyari Fai. Wag na nating balikan ang nakaraan. Kailangan nating magmove forward at wag magpa-stock sa nakaraan dahil hindi ko o natin ikakauunlad iyon." Sambit ng batang si Li Xiaolong.

Mabilis na siyang naglakad papasok sa loob ng maliit na kwebang minsang nagligtas ng kaniyang buhay at kung ano ang nakamit niya ngayon ay malaki ang gampanin nito sa kaniyang buhay bilang isang martial arts experts.