Chereads / Supreme Asura / Chapter 62 - Chapter 62

Chapter 62 - Chapter 62

"Hala, dito ko lang pala naiwan ang aking gamit sa pagmimina. Akala ko pa naman kung saan ko ito tinago." Nahihiyang sambit ng batang si Li Xiaolong kung saan ay tila hindi niyam atandaan kung nasaan na siya nakaabot sa pagmimina niya rito.

"Hahaha... Tiango ba talaga o isa lang burara. Kung saan-saan ba naman ilagay kung saan ang gamit tapos sasabihin mong naiwan lang basta-basta?! Sure ka?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang makikitang napacross arm pa ang nasabing maliit na nilalang na ito.

"Okay, di talaga ako tinatago ang mga gamit ko sa pagmimina at iniiwan ko nalang basta-basta sa huling pupuntahan ko. Happy?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita na tila nagsasabi ito ng totoo.

"Mabuti at marunong kang alamin ang kasalanan mo batang Xiaolong. Alam mo bang delikado ang ginagawa mo tsaka mahirap bang dalhin ang mga ito sa pamilyar na sulok kung saan ay mabilis mong makikita ito hindi ba?!" Seryosong sambit naman ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang bakas ang pagiging mahinahon sa boses nito. Diba, dapat tayong maging responsible sa mga bagay na ginagamit natin tsaka dapat pahalagahan natin ito. Hindi kasi ito one time use only na bagay tsaka masasabing hinahanap ito ng binatang si Li Xiaolong ay talga namang importanteng bagay ito para sa kaniya naging sa kanila.

"Okay, aaminin kong tinatamad na rin akong gawin iyon. Nakakaubos lakas din ang pagmiminang ginagawa ko noh  bapakahirap kayang gawin ito. Mabuti sana kung nakakabawi ka ng lakas pagkatapos mong magmina ngunit hindi. Hindi ka lang pagod na pagod, ang dugyot-dugyot ko pa." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang hindi talaga maganda ang kalagayan nito matapos ang nasabing pagsasagawa ng pagmimina. As long as possible ay ayaw niyang palabasin ang Xiantian Aura niya.

"Isa kang Xiantian Realm Expert bata ngunit kung di mo gagamitin ang kakayahan o abilidad mong iyan ay tiyak na hindi ka lalakas ng kusa niyan at lahat ng oras ay magtatago ka lamang. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan mo batang Xiaolong." Seryosong sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Halatang hindi nito nagustuhan nag ginagawang pagtatago o hindi paggamit ng madalas ng abilidad o kakayahan ng batang si Li Xiaolong bilang isang Xiantian Realm Expert. Halos ang lahat ay pinagmamalaki ang kanilang mga kakayahang ito at lebel ng Cultivation.

"Porket Xiantian Realm Expert na ako ay kailangan kong gamitin ito palagi ang aking sariling kakayahan lalo na ang aking enerhiya? Nagpapatawa ka ba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito mapigilang magtaas ng boses.

"Hindi iyon ang gusto kong sabihin sa'yo batang Li Xiaolong pero alam mo namang hindi sa lahat  ng bagay ay dapat mong ikubli ang kakakyahan mo bilang isang Xiantian Realm Expert.

Napatahimik lamang ang batang si Li Xiaolong at mabilis nitong pinulot ang kaniyang sariling mga gamit sa pagmimina. Dinampot niya ang nasabing chisel na may pickaxes sa dulo nito at mabilis na tumalikod upang maglakad papalayo.

"Duwag ka ba batang Xiaolong ha? Isa kang Xiantian Realm Expert. Wag kang magpanggap na tila normal na batang mayroong mababang lebel ng Cultivation." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

Napatigil naman ang batang si Li Xiaolong habang makikita na hindi ito natutuwa sa sinasabi ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Tigil-tigilan mo nga ko Fai. Nasa loob tayo ng puro mga lupa dito. Gusto mo bang gumuho at maipit tayo sa loob ng minahang ito. Kung gusto mo, wag mo ko idamay!" Naiinis na sambit ng batang si Li Xiaolong at mabilis itong naglakad sa usang sulok malayo sa lugar na ito.

Napakamot na lamang sa kaniyang ulo ang nasabing nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Oo nga noh, ba't ang tanga ko." Simpleng sambit ng nagsasalitang Quoll na si.

Tiningnan niya lamang ang papalayong pigura ng batang si Li Xiaolong. Pansin niyang hindi ito ganoon kasayang sinabi niya ang mga bgay na ito.

Yung tipong parang may something na nangyari na hindi niya alam kung ano ang mga ito. Masyadong marami ang sikreto ng batang si Li Xiaolong at hindi naman pwedeng pipilitin ang batang si Li Xiaolong na magsalita. Hindi niya naman kasi kilalang lubos ito at baka magkasakitan pa sola ng loob kapag inalam niya ito.

Napili nang batang si Li Xiaolong sa isang sulok na tinahak niya kung saan ay masasabi niyang medyo magulo rito at masasabing hindi pa niya namiminahan. Alam niya kasing mas exciting kung susubukan niya agad dito. Sinimulan niyang magpumwesto sa medyo bandang kanan since kaliwa ang kamay na maaari niysng gamitin para dito.

Gamit ang kaniyang traditional na chisel na may pickaxes sa dulo ay nag-umpisa na siyang magmina sa pamamgitan ng paghataw sa pader ng mga lupang ito. Masasabi naman niyang medyo may katigasan ang lupa sa kinapipwestuhan niyang tila pader na dapat niyang sirain.

Nakakmangha lang talaga dahil ilang pagbungkal pa lamang ang gagawin niya ay masasabi niyang napakaganda naman ng resulta ng kaniyang pagmimina ng Blood Gem Crystal sa loob ng Blood Gem Crystal Mine na ito dahil mayroon na siyang tatlong piraso ng Low Grade Blood Gem Crystal.

"Hmmp! Hindi ko aakalaing sinubukan at hinamon ako ng maliit na Quoll na iyon na magparamihan kami ng kokolektahing Blood Gem Crystal sa loob ng Blood Gem Crystal Mine na ito. Palagay niya ay mananalo siya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya dahil makakaya kaya nitong buhatin ang kahit isa sa mga tools ko na ginagamit sa aiing pagmimina. Baka  hindi nga siya makakuha ng kahit isang piraso ng Low Grade Blood Gem Crystal hahaha!!!" Sambit ng batang si Li Xiaolong ss kaniyang sariling isipan lamang nito. Natatawa na siya kapag pumapasok sa isipan niya kung paano nito magagawang hawakan ang nasabing mga tools niya sa pagmimina. Baka kahit buong taon siya o silang naririto sa loob ng maliit na kweba ay baka hindi pa nito makuhang mabalanse man lang ang nasabing mga Mining tools niya. Wag lang nitong subukang bitbitin o ang timbangin ang bigat nito dahil baka mapaslang ito sa pamamagitan ng psgkapis ng buong katawan nito.