Chereads / Supreme Asura / Chapter 61 - Chapter 61

Chapter 61 - Chapter 61

"Ganon pala. Pero wait lang muna bata, masyadong di ko gets na gets pero alam mo yun... Di ko alam kung matalino ba ko o mas matalino ka lang talaga. Masyadong advance ka mag-isip eh noh hahhahaha!!!" Sambit na lamang ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Di niya alam kung bakit napakatalino ng batang ito. Kung magtatagumpay talaga ang plano nito ay magsisisi talaga ang magiging kalaban nito sa hinaharap. Buti talaga at walang nakakaalam ng sikreto nito pero kung makikita at susuriin siya ng mga Blood Warrior pataas ay siguradong walang takas ang batang si Li Xiaolong sa mga ito.

"Hahaha... Ewan ko sa'yo Fai. Makailang ulit ko nang sinabi sa'yo to at sinimplihan ko na pero di mo pa rin nakukuha ang pinupunto ko hahaha!!!" Napatawa na lamang ng malakas ang batang si Li Xiaolong.

Napakamot na lamang sa ulo ang nagsasalitang Quoll na si Fai habang nag-iisip pa ng sasabihin nito ngunit tila wala siyang maisip. Napatawa na lang rin siya.

Ilang sandali pa ay mabilis na naglakad ang batang si Li Xiaolong sa isang sulok ng Blood Gem Crystal Mine na ito at tila mayroon itong hinahanap.

"Ano'ng hinahanap mo batang Xiaolong?" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai habang bakas sa tono ng cute na boses nito ang labis na pagtataka.

"Ah eh, hinahanap ko kasi yung gamit kong bagay pang mina. Yun bang may dalawang patalim na patulis sa dulo." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabusisi nitong tiningnan ang mga sulok kung saan ay iniisip niya noong nakaraang buwang huli niyang pagpunta rito kung saan niya ito inilagay.

"Aba ako pa tinatanong mo, malamang di ko alam yun wala akong kinalaman diyan ha." Depensang sambit naman ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng batang si Li Xiaolong.

"Hahahaha... Mukha kang tanga Fai. Tinatanong ko kung nakita mo ba ang bagay na iyon at di kita pinagbibintangan. Tulungan mo naman akong hanapin iyon o." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang bakas sa tono nito na gusto niyang hingin ang tulong ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Yan, ayusin mo kasi. Feeling ko kasi kanina parang tinago ko eh hahaha... Oo na pero ibaba mo muna ako ng maayos ha. Tutulungan kitang hanapin ang pesteng bagay na yun hehehe..." Tila nakangising sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Oo na pero anong binabalak mo ha? Wag mong sabihing sisirain mo yung pangmina ko na bagay na iyon na pickaxes na iyon (chisels). Mayroon pa akong malalaking martilyo, pans at shovels doon baka kagatin mo at kainin ang mga iyon ha." Sambit ng batang si Li Xiaolong sa pabirong tono ngunit mababakasan ng pagbabanta sa boses nito. Hindi naman sa wlaa siyang towala rito pero baka kainin lamang nito o sirain para inisin siya.

Nang makalapag ang nagsasalitang Quoll na si Fai ay bored nitong tiningnan ang batang si Li Xiaolong. Makikitang parang tinatamad itong tingnan man lang ang batang si Li Xiaolong.

"Aba aba, kumakain ako batang Xiaolong pero wag mo namang ipakain sakin yung mga maduduming bagay na ginagamit mo noh. Tutulungan kitang hanapin yung bagay na kung saan-saan mo lang iniiwan. Magmimina din ako mamaya hehehe!" Nakangising sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Ti ba mayroon itong ibang gustong ipakahulugan.

"Ikaw Fai magmimina? Sure ka ba? Sa liit este sa laki mong yan magmimina ka?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikitang makapaskil ang kakaibang tingin na tila naguguluhan ito sa sinasabi ng maliit na nilalang na kasa-kasama na niya palagi.

"Ah basta... Walang pakialamanan ng trip. Trip kong magmina eh. Napakarami pa namang Blood Gem Crystal dito at sisiguraduhin kong ako ang may pinakamaraming mamimina mamaya hehehe..." Makahulugang sambit naman ng nagsasalitang Quoll na si Fai at inilabas nito ang nagtatalimang mga ngipin nito.

Napangiwi naman ang batang si Li Xiaolong sa sinasabi ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Yung tipong hindi niya alam kung saan nagmumula ang confidence ng halimaw na ito este alam niya ns pala. Grabe kasi yung ngipin nito nakakatakot talaga ang batang si Li Xiaolong kapag nakikita niya ang ngipin ni Fai.

Napahinga na lamang ang batang si Li Xiaolong nang bigla nitong makita na nawala na sa kaniyang pajingin ang maliit na nilalang na mayroong nakakatakot na mga ngipin.

Naghahanap na rin siya sa mga sulok-sulok ng Blood Gem Crystal Mine ngunit wala pa rin talaga siyang makita. Mas hinabaan niya pa ang kaniyang pasensya paghahanap.

Maya-maya pa ay bigla na lamang sumulpot ang maliit na nilalang sa kaniyang harapan.

"Nagulat ka ba batang Xiaolong. Ako lang to!"  Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Habang gumagalaw-galaw pa ang buntot nito.

"Umayos ka nga Fai, gusto mo ba kong mamatay sa sobrang kaba?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nanlalaki ang kaniyang mata.

"Hmmp! Feeling may sakit ganon? Ang bata bata mo pa Li Xiaolong, wag kang feeling mahinang nilalang. At isa pa ay isa kang Xiantian Realm Expert kaya ang simpleng sakit ng mga mortal ay hindi kakapit sa iyo ulol!" Sambit ni Fai habang mabilis itong naglakad palayo.

"Oo nga noh. Hayst nakalimutan ko naman ang bagay na iyon. Kung di mo ba naman ako ginulat." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na inis sa nagsasalitang Quoll na si Fai.

"O siya, wag kang tumunganga diyan at sundan mo ko. Nahanap ko na ang gamit mo pangmina ng mga Blood Gem Crystal dito." Tila malakas na sambit ni Fai at mabilis na ipinagpatuloy lamang ang paglakad nito sa isang direksyon.

Napatahimik na lamang ang batang si Li Xiaolong. Kahit kailan talaga kapag ito kasi yung nagsasalita hindi mo talaga magagawang makarason.

Sinundan na lamang ng batang si Li Xiaolong ang nasabing pupuntahang direksyon ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tahimik lamang nitong binabaybay ang patutunguhan nito.

Malayo pa lamang ay tanaw na niya na ang kaniyang mga gamit sa pagmimina sa iba't-ibang lugar na ito ng Blood Gem Crystal Mine.

Napakamot na lamang sa kaniyang buhok ang batang si Li Xiaolong.