Starlight Forest ...
Ito ay isa sa mga pinaka-mapanganib na lugar sa buong planetang Divinity. Starlight Forest, sakop ng Starlight City, ngunit walang sinuman ang naglalakas-loob na gumala dito, lalo na sa pinaka-loob na bahagi nito.
Ang lugar na ito ay itinuturing na isang Forbidden Place dahil sa hindi maipaliwanag at delekadong pangyayari dito, ang mga namatay dito ay lumagpas na sa libo. At ano pa? Ang mga namatay dito ay hindi lamang isang normal na indibidwal, ngunit sila ay mga Cultivator, ang iba sa kanila ay namatay dahil sa hindi alam na dahilan, habang ang iba naman ay dahil sa pag-atake ng mga Beast na nakatira dito.
Dahil sa kadahilanang ito, bihirang may pumasok sa sa lugar na ito, kahit ito pa ay Cultivator.
At ang mga hindi Cultivator? Walang naglalakas-loob na sa kanila kahit humakbang lang sa pinakaharap nito.
Maliban sa mga powerhouse, walang sinumang nasa tamang pag-iisip ang nais na pumasok sa lugar na ito.
Marahil mayroong ilang matitigas ang ulo o hangal, ngunit wala sa kanila ang nakakabalik sapagkat ang lakas ay hindi sapat para makaligtas at mabuhay dito. Sa gubat na ito, ang lakas ng loob ay hindi sapat upang manatiling buhay, kailangan mo rin ng lakas pisikal upang maprotektahan ang iyong sarili.
Ang Starlight Forest ay bahagi rin ng Starlight City ngunit hindi nila ito makuha mula sa kamay ng mga Beasts, Kahit karaniwang ang mga Tao ay mas malakas kaysa sa mga Beast, ngunit, ngunit ang bilang ng mga Beast ay labis, na halos hindi na kayang tapatan ng mga mandirigma ng Starlight City. .
.
.
Ngunit hindi alam ng mundo, sa loob kagubatan, mayroong isang maliit na kubo, ang kubo ay gawa lamang sa ispesyal na kahoy, kahit gawa lamang sa kahoy, makikita mo ang husay sa pagkakagawa nito.
Bagaman gawa sa kahoy lamang, ang kubo ay sapat na malawak para sa maraming silid, ito ay may lapad na 50 metro.
Sa loob ng kubo, makikita mo ang isang lugar para sa paghahardin, isang silid-tulugan, kusina, at isang silid ng imbakan at nandoon din ang sala.
Sa sala, may isang lalaki na mukhang nasa 18 taong gulang lang, siya ay nakaupo ng tahimik sa isang upuang-kahoy habang may hawak na isang tasa na may lamang Tea.
Pasimpleng hinipan ang tasa ng tea, huminga ng malalim pagkatapos saka siya uminom ng isang higop, huminga ng malalim uli saka ilagay muli ang tasa sa mesa.
* buntong hininga *
'Anong buhay! '
Tip ... Tip ... Tip ...
Tumingin siya sa paligid niya.
.
Sa kagubatan makikita ang binata na nakaupo sa isang kahoy na upuan, tinatapik ang mesa gamit ang kanyang mga daliri at habang tumitingin sa paligid niya.
'Sino ang mag-aakalang tunay ang sabi-sabing reincarnation! '
Oo, ang lalaking ito ay si Wang Feng, siya ang namatay ng dahil sa pandemya.
.
.
Sa oras ng pagkamatay niya, natagpuan nalang niya ang kanyang sarili sa gubat na ito, malapit sa kaniya ay ang kubo na mukhang inabandunang kahit mabuti pa.
Ngunit pagkatapos, salamat sa kasawiang palad, nais niyang sumpain ang langit sa mga oras na iyon.
'Ako ay muling nabuhay at ngayon ay nasa ibang mundo na ako, ngunit nasaan ang System? , Nasaan ang Golden Finger ko? '
Wala siyang nakuha, Wala tagala, as-in wala.
'Ganon na ba ako kasawing-palad? ' Tanong niya sa sarili, marahil nagamit na niya lahat ng kaniyang lucky points upang siya ay muling mabuhay.
Dahil dito, napagpasyahan niyang manirahan sa kubo at hindi naglalakas-loob na lumayo dito, ang kubo ang tanging lugar para sa kanya upang manirahan nang ligtas.
Sa kagandahnag palad, Lahat ng kaniyang pangangailangan para mabuhay ay makikita na dito, gaya ng; Rice, Fresh Vegetables, Water, at maraming uri ng pagkain, isama mo pa ang sariwang hangin, wala na siyang kailangang hanapin pa, ang buhay ay parang gulong lamang, minsan nasa baba, minsan nasa taas, pero laging tatandaan, nasa taas kaman o nasa baba, kailangan mo lang tanggapin kung ano ang meron, at magiging masaya ka.
Hindi parin sapat? Narito rin ang bilang ng mga kagamitan; mga upuang kahoy, tasa, mesa, espada, brush para sa pagpipinta, piano, at marami pa, lahat ng hanap mo makikita mo dito! Tapos.
Ang pinaka masayang bagay ay, mayroong isang pool sa loob.
Paano nangyari yon? Ewan ko din!
* buntong hininga *
'Kahit sa aking muling pagkabuhay aynag-iisa pa rin ako'
Iyon ang pinaka-mahirap na katotohanan!
...
Bumalik sa Kasalukuyan.
Isang linggo na ang lumipas mula nang dumating siya rito, ngunit wala parin siyang nakasalubong o nakita na may ibang pumapasok sa lugar na ito bukod sa kanya.
'Bakit ang kagubatang ito ay mukhang kalmado at payapa? 'Nag-aalangan tanong ni Wang Feng sa sarili.
(Hindi niya alam, ang lugar na ito na itinuturing niyang isang mapayapa at kalmadong kagubatan ay isang bangungot para sa sangkatauhan)
'Ang aking buhay dito ay maganda at ang pag-alis sa kagubatan na ito ay hindi isang magandang ideya'
'Hindi rin ako nakakuha ng sariling Golden Finger pagkatapos ng muling pagkakatawang-tao ko, satingin ko, mahihirapan lang ako sa syudad'
Sa totoo lang, nang malaman ni Wang Feng na wala siyang Golden Finger, naramdaman niya ang sobrang pagkalungkot sa puso, ngunit habang lumilipas ang mga oras at araw, nakakalimutan din niya ito at nakuntento nalang sa kung anuman ang buhay na mayroon siya.
'Kailangan ko lang maghintay, baka balang araw may isang tao ring papasok sa kagubatang ito, at hindi na ako mag-iisa!'