Ang Puting Tigre ay patuloy na tumakbo nang mabilis habang sinusundan ang mabangong amoy.
'Kung ang hula ko ay hindi mali, ang naaamoy ay isang isang kayamanan'
'Kung papalarin, maaring isa itong kayamanan na makakatulong pa ito sa akin upang mag-level up!'
Ngunit sa pag-iisip tungkol dito, biglang huminto ang Puting Tigre, tumingin sa paligid niya at napagtanto na may mali sa paligid.
Napakatahimik ng buong lugar!
'Kung talagang ito ay isang kayamanan, bakit wala pa akong nakitanh sinuman sa aking ruta?'
'Kung ito ay isang kayamanan, maaaring maging sanhi ito ng isang malaking gulo, ngunit walang sinuman sa paligid, na parang walang nakakaamoy ng naaamoy ko'
'Ito ba ay isang uri ng bitag?! '
Nagsimula siyang makaramdam ng takot sa loob at nagsimulang magtaka.
Sa pagtingin sa paligid, ang lugar kung saan siya naroroon ngayon ay kahuyan, naiiba mula sa kanyang domain, ang lugar na ito ay hindi binubuo ng mga grupo ng kawayan kundi grupo ng sa mga matatangkad na mga puno.
Sa kanyang mayamang karanasan, ang ganitong uri ng lugar ay ang pinaka-mapanganib sa loob ng kagubatan.
Madaling magtayo ang mga may kalaban, at makapagtanim ng mga tagong bitag ibat-ibang bahagi dito, maaari silang gumawa ng isang paghahanda nang hindi nalalaman.
'Fuck! Patay ako! '
'Ito ang lugar kung saan nagpunta ang powerhouse?! '
'Hindi kaya... pain lang ito para patayin ako? '
Naiintindihan ito, Hindi na siya naglakas-loob na sumulong pa, igalaw ang kanyang mga paa at dahan-dahang naglakad paatras, pinaikot ang kanyang katawan habang inaabangan nagmamasid kung may aatake sa kanya.
Isang hindi nakikitang malamig na pawis ang lumabas sa buong katawan niya.
Malakas siya, ngunit hindi ganoon kalakas na kaya niyang labanan ang sinuman, hindi ganoon kalakas na walang sinumang maaaring maging banta sa kanya.
Kung ito ay isang bitag, kung gayon hindi madali ang makatakas sa sandaling magtagumpay ang kaaway.
Ang isa sa kanyang paniniwala ay; kung kailangan mong umatras- umatras ka. Walang huhusga sa iyo bilang isang duwag.
Nang siya ay nakaikot na siya, hindi na siya gumawa ng kalokohan, ipinadala ang lahat ng lakas na mayroon siya sa kanyang mga paa't kamay, at tumakas patungo sa kaniyang pinanggalingan.
* swoosh *
* swooshes *
Maya-maya pa ay maririnig mo rin ang malakas na paggalaw habang ang Puting Tigre ay tumatakbo, narito na ang mga kalaban, at hindi manlang nais ilihim ang pagdating nila, kung tama ang hula niya, nangangahulugan lamang ito na nakita na siya mula pa ng simula pero hindi siya inatake at pinagmasdan lang muna, ito ay para malaman ang kaniyang lakas at kaalaman.
Hindi na makakapagtaka kung biglang may lumabas sa harapan niya at aatakihin siya.
* swoosh *
Sa kaniyang pag-iisip ng mga bagay, ang oras ay lumipas at sa wakas ay nakikita na ng Puting Tigre ang labasan sa kakahuyan, sa sandaling malampasan niya ang lugar na ito, kahit na sino ang nagtatangkang makipaglaro sa kanya ay hindi magtatagumpay.
Habang lumalapit siya sa kaniyang destinasyon ay ganoon din ang lakas kaba na kaniyang nararamdaman, kaya hindi niya pinansin ang sakit ng mga paa't katawan, bagkos mas binilisan pa ang takbo.
Sa totoo lang, kapag natatakot ka, iyon ang oras kung kailan gagana ang iyong katawan ng isang daang percent.
'Hahaha! Nais mong makipaglaro sa akin? Mangarap pa!'
'Ako ang mig-'
* swoosh *
* swooshes *
Bago pa niya matapos ang kanyangsasabihin, nakarinig siya ng isang paggalaw sa bawat sulok, na naging sanhi upang tumigil siya sandali at lumingon.
* Boom *
Nararamdaman niya ang mga nakamamatay na Aura na bumabalot sa bawat sulok.
Tumingin sa kanan, mayroong isang taong naka-itim na balabal, ang buong katawan hanggang mukha ay natatakpan ng suot, ang tanging makikita mo lamang ay ang kanyang nagniningning na pulang mga mata.
Tumingin sa kaliwa, mayroon ding dalawa, pares ng mga pulang mata ay nakatingin sa kanya, balot din ang katawan nila ng itim na balabal.
Tumingin sa likuran, mayroon pang dalawa.
Bumalik sa harap, mayroong higit sa sampung kataong naka nakabalabal ang makikitang nakatayo, naghihintay para sa kaniya.
Nang makita ang lahat ng ito, hindi niya maiwasang maiisip, 'Ako ... ang Puting Tigre ay nahulog sa isang bitag!'
Hindi parin siya makapaniwala, pero anong magagawa niya? Nasa harap na niya ang ibidensya!