Chereads / delete(2) / Chapter 6 - Musika

Chapter 6 - Musika

Nitong mga huling araw, maliban sa pag-upo sa kanyang upuang kahoy at pagiging tamad, nagsimula naring mag-aral si Wang Feng kung paano tumugtog ng mga instrumento.

Kagaya nito ay ang Piano.

Ito ang pinakamahusay na instrumentong pangmusika na hinahangad niya.

Gustung-gusto niya ang pagtugtog nito, dahul ang mga tono nito ay nakapagbibigay sa kaniya ng kaginhawaan at kapayapaan, nawawala ang kaniyang sama ng loob sa pamamgitan ng musika.

Patugtugin ang isang masayang musika, makikita ang mga Ibon na lumilipad sa itaas ng kubo.

Patugtugin ang isang musika upang ipaalam ang kanyang kalungkutan, ang mga ibon, insecto, puno, kahit ang hangin at langit, ay makadarama ng simpatya.

Pinakamahal niya ang paglalaro ng Piano sa lahat.

* buntong hininga *

"Gusto kong tumugtog ulit ng piano!" Ani Wang Feng habang kinakamot ang kaniyang nangangating kamay.

'Kung ang May-akda ay hindi nagsulat, madarama niya ang kakulangan sa sarili at makararamdam ng kati ang kanyang kamay, iyon din ang nararamdaman ko kapag hindi ako tumutugtog ng piano sa loob ng isang araw'

'Ang pagtugtog ng piano ay hindi lamang ako pinakakalma kundi nararamdaman ko din ang kaginha

wa!'

'Kapag tumutugtog ako ng piano nakakalimutan ko ang aking mga alalahanin kahit sa maikling panahon lamang!'

'Maraming akong mga kadahilanan upang mahalin ang piano'

Habang siya ay nagsasalita, tumayo siya at naglakad papunta sa upuan sa harap ng piano.

Ang piano ay gawa sa isang espesyal na uri ng kahoy, ang uri ng kahoy na ito ay bago sa kaniya, sa Earth wala pa siyang nakitang ganitong uri ng kahoy, pero hindi dahil hindi niya alam, hindi na totoo! Pero sigurado siya na kung meroon, matagal na sana itong napamalita at kilala na sa buing mundo, dahil sa kagandahan nito.

Ang kahoy na ito ay makinis kung hawakan, dalisay na itim, at dahil perpekto din ang pagka-ukit nito, lalo pa itong naging maganda sa paningin.

Ang mga tono na maaaring magawa ay hindi na kailangang ilarawan dahil ito ay perpekto.

Inunat ni Wang Femg ang kaniyang kamay at hinawakan muna ang isa sa mga keyboard.

* D!Ng *

Sa pagbagsak ng unang tunog, ay bigla nalang nagbago ang temperament ni Wang Feng, ang kanitang normal na Aura sa paligid niya ay nagmistulang Temperament na mai-kukumpara sa mga iskolar, na para bang ang Wang Feng kanina at ang Wang Feng ngaun ay magkaiba.

Kung hindi mo siya kilala ng lubusan, malaki ang tsansa na isipin mong ang kanina at ngaun ay magkaibang tao, sila ay kambal lamang pero hindi iisa.

"Nice!" Ngiti ni Wang Feng, wala siyang kaalm-alam sa nagyaring pagbabago sa kaniya.

'Ano ang patugtugin ko? ' Bigla siyang napataning, gusto kong magpatugtog ng piano, ngunit nang magsisimula na ako, bigla kong napagtanto na hindi ko alam kung ano ang tutugtog.

Nakalapat ang kamay ni Wang Feng sa kaniyang pisngi habang nag-iisip.

"Tama" Maya-maya pa ay masaya niyang sigaw, sa huli, pinili langrin niya na tumugtog ng musika na makakapagtanggal ng bagot at pag-iisa niya.

Hindi nagmamadali, pero hindi rin mabagal, ang proseso ay napakakalma, sinimulan ni Wang Feng ang musika gamit ang unang tono.

*D!ng*

Sa unang pagtunog ng tono mula sa Piano, ang paligid ay nagsimula naring magbago.

Pero hindi lahat pare-parehas ang nararamdaman sa tugtog.

Gaya ng langit at hangin ay nagsimulang maging masama, ang pahanon ay nagbabago sa bawat tunog.

Kabaliktaran, ang mga lumulipad na mga ibon ay nagtungo sa tuktok ng kubo at nakikinig ng masaya.

#######

Samantalang sa panig ni Jīliè...

Ang puting tigre ay nakulong ng mga kalaban, hindi siya makakaatras dahil mayroong kalaban sa likod, mayroon sa harap, sa kaniyang likuran, at pati na sa kanab.

Napalilibutan siya.

Maaari lamang siyang manatili sa gitna habang binibigyang pansin ang mga paggalaw ng bawat kaaway, naghahanap ng pagkakataon para makatakas, kailangan lamang niya ng isang pagkakataon upang makatakas.

Isang pagkakataon lang, isa lang, kaya lang matalino ang mga kalaban niya, at hindi sila nagpapakita ng kahit maliit na kahinaan.

'Hindi sila mula sa Starlight City, sila ay mga tao mula sa Demon Clan! Kung mahuhuli nila ako ay mas mabuti pang mamatay nalang"

Ang Demon Clan ay isang kasumpa-sumpang madilim na samahan, ang tanging bagay na nais nila ay pumatay.

Kapag naiinis sila, pumapatay sila!

Kapag gusto nila, pumapatay sila ng isang buong nayon.

Hindi nila kailangan ng kongkretong dahilan para pumatay!

Ang mga ito ay parehas na kalaban ng mga Beast at Sangkatauhan.

Ang Demon Clan ay isang pangkat ng mga nagsasanay ng Kadiliman. Ang mga ito ay nilalaman ng mga grupo ng Beats at Tao, ngunit ang katunayan ay ang kanilang utak ang sira, sila ay grupo ng mga baliw.

Ang mga ito ay ang tagasunod ng tinatawag nilang 'Devil Demon' , ang makapangyarihang Diyos ng mga Demon.

Humuhuli sila ng tao o Beasts para gawin nilang isang papet, at sa sandaling ikaw ay naging isang papet, tiyak na mas mabuti pa ang mamatay.

Kapag ang isang tao o Beast ay naging papet, ang kaluluwa nila ay hindi mawawala, kundi nakakulong sa loob katawan at pinahihirapan sa bawat sandali.

'Hindi ko alam kung bakit gusto nila ang pagpatay!' Sa huli, hindi parin maintidihan ni Jīliè ang mga paraan ng pag-iisip nila.

.

.

Habang ang White Tiger ay nag-iisip tungkol sa ibat-ibang mga bagay, ang isa sa mga naka itim na tela ay kumuha ng isang tableta na nakatago sa kanyang balabal.

Ang itim na tableta ay kasing sukat lamang ng isang hinlalaki.

"Kainin mo ito at ligtas ka na, hindi ka namin papatayin! "

Ang mga salitang ito ay maririnig sa bibig ng lahat, ang mga tunog ay nagmula sa bawat direksyon kahit na alam naman na isa lang talaga ang nagsalita, kaya ito ay nagsanhi ng pag-iling ng tigre.

'Fuck them! Iyan ang puppet pill! '

'Kapag kinain ko iyon ay magiging isang papet ako!'

Hiyaw at reklamo ng Puting Tigre sa kaniyang isip, pero hanghang sa isip lang niya kayang murahin ang kaniyang mga kalaban.

Ang may hawak ng tableta ay naglakad ng isang hakbang pasulong, kahit malayo pa siya ay inunat niya ang kaniyang kamay na may pill, sinusubukan niya ibigay sa Puting Tigte.

Pero walang balak si Jīliè na abutin ito.

Walang pakiramdam, hindi mabilis, hindi mabagal, sunud-sunod na naglakad pasulong ang Demon.

Nakikita ang eksenang ito, walang magawa ang puting tigre kundi ngitngitin ang mga ngipin at nagpasya.

'Sa ibabaw ng aking patay na katawan! '