Sa sala, si Wang Feng ay tulad ng lagi, nakaupo ng tahimik sa upuang-kahoy. Hindi niya alam, ngunit nitong mga huling araw na ito ay naging ugali niya ang laging pag-upo sa sala upang mawala ang lungkot na nadarama, nagsimula narin siyang makaramdam ng katamaran.
Hindi niya ito maiwang isipin na, kung tutuusin, ang pagmamamasid tanawin ng kagubatan, oaglanghap ng sariwang hangin habang umi-inom ng isang tasa ng de-kalidad na tsaa, ang perpektong buhay para sa kaniya.
Hindi na siya hihiling pa nh higit dito, hindi siya maaaring maging sobrang sakim, tama diba?
.
.
.
Habang si Wang Feng ay nakaupo sa kanyang sala, sa isang malayong sa kaniya, isang puting tigre din ang nakahiga sa lupa, ang lugar kung nasaan siya ay sa kagubatan din, ngunit sa pagkakataon na ito, makikita mo na ang lugar ay puno ng mga puno ng kawayan, sa bawat ihip ng hangin ay ang pagsayaw din ng mga puno ng kawayan, ang mga patay na dahon nito ay nahuhulog sa lupa, at binabalot ang bawat sulok.
Ito ay ang kabilang banda ng kakahuyan kung nasaan si Wang Feng.
Ang buong lugar ay berde dahil sa tulong ng mga maliliit na damo at dahon ng kawayan, maaari mong ding maramdaman ang napakapreskong hangin.
* krooog *
Habang nakahiga ang puting tigre, biglang tumunog ang kanyang tiyan, ito ay nagpoprotesta at nais kumain.
'Panahon na para sa tanghalian' Naisip ng puting tigre.
Huwag maliitin ang mga Beasts, dahil mayroon din silang mga pag-iisip, maaari silang mag-isip tulad ng mga tao at kung mataas ang Cultivation Level, hindi rin imposible sakina ang makapag-salita.
'Ang aking Cultivation Level ay mababa pa rin, nakakaramdam pa rin ako ng kagutoman. Hindi ko alam kung ano ang gagawin para sa ako ay magtagumpay at maiitaas ang Level ko! 'Mapait siyang nag-isip.
'At sa hindi alam na kadahilanan, ang kagubatan ay naging kalmado din nitong nagdaang mga araw, ano ang nangyayari sa mapanganib na kagubatang ito? ' Tanong pa noya sa sarili.
Sa pag-iisip tungkol dito, iniling ng puting tigre ang kaniyang ulo at hinayaan na lamang ito, minsan hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kagubatang ito, minsan lang.
Napakaraming misteryo, hindi lahat kayang intindihin kahit sa pag-aralan mo ito sa buing buhay mo.
'Hindi kaya, may ilang powerhouse na bumibisita ng mapagmuli? '
Iniisip ito, hindi niya mapigilang mapabuntong hininga, tumayo sa kinahihigaan habang iniisip, 'Gusto pa rin nila ang lupa na ito? Ngunit sa palagay ko hindi aabutin ng isang linggo bago umalis ang bastardo, sigurado ako dito' Nai-inip, huminga siya ng malalim at muling bumuntong hininga.
Gaano katagal na siyang naninirahan sa lugar na ito, limampung taon? daang taon? hindi, nakatira na siya rito ng halos dalawang daang taon, at ang operasyong ito kung saan nagpapadala ang Lungsod(Starligth City) ng isang powerhouse ay nangyari na ng isang daan o higit pang beses. Ngunit nagtagumpay ba sila? Nagtagumpay ba sila kahit isang beses lang? Hindi, hindi nila kayang lipulin ang lahat ng mga Beasts sa kagubatang ito pagkatapos ng lahat, gaano man kalakas ang mga ito, pag-kinumpara sa bilang, ang mga Beast ay laging nagwawagi. Ang isang hayop ay hindi kayang pumatay ng isang Human Powerhouse, pero kapag nagpadala ng Sampung mga Beasts upang pumatay ng isa, walang ditong problema.
Kaya lamang nilang tumagal ng isang linggo bago mag-back out muli, ang tala ng pinakamatagal ay dalawang linggo lamang ang naabot, ngunit pagkatapos nito, lahat na ng sumunod ay hindi kinayang manatili nang masyadong mahaba.
Bakit?
Simple, sa sandaling nasa kagubatan na sila, hindi ka pwedeng matulog o magpahinga kahit pagod ka, dahil dito ang iyong nawalang lakas ay hindi mapupunan, sapagkat sa sandaling mag-relaks ka, sasalakayin ka ng mga Beasts, pero kapag handa ka na upang labanan, marunong din magtago ang mga Beasts. Walang may kaya na makakatiis ng ganyan.
'Kahit kung ako ito? Hinding-hindi ko tatanggapin ang trabaho! '
'Kalimutan mo na, oras upang manghuli ng makakain! '
Nasa isip ito, ang kaniyang pag-kilos ay naging mas mabilis, at tumakbo sa isang direksyon.
* swoosh *
* swooshes *
* swoosh *
Matapos ang tumakbo ng halos kalahating oras, nakahanap siya sa wakas ang unang target.
* Minch *
* Munch *
Ang tunog ng pagnguya ay ng isang bagay ay maririnig sa kaniyang harapan.
Nang tumingin siya, nakita ng White Tiger ang isang Deer na ngumunguya ng damo, hindi ordinaryong damo, ngunit isang mababang antas na espirituwal na damo.
Hindi inaasahan, ang kagubatan ay mayaman sa maraming bagay.
Ang Deer ay hindi din pangkaraniwan tulad ng ini-isip mo, ang Deer ay isang metro ang taas na may dalawang malaki at matalim na sungay sa anit, mayroon ding nakatatak na pigura ng isang moon sa kanyang noo, ang buntot ay mahaba na may mga spike sa gilid sa halip na balahibo.
Ang beast na ito ay sa pangalang Moon Deer.
'Masarap ang mga karne ng usa!' Sabi ng Puting Tigre sa sarili.
Ang White Tiger ay lumingon muna sa paligid upang timgnan kung may ibang darating na maglalakas-loob na makipagkumpitensya sa kanya.
Buti na lang, walang iba.
Ibinaba niya ang kanyang katawan at nagtago sa mahahabang damo at dahan-dahang naglakad patungo sa Target, binibigyang pansin ang detalye ng nakapaligiran, mabuti nang magingat.