Isang pagbati ang aking ipinaabot sa lahat lalong-lalo na sa ating mga tagapakinig.
Ang ating mga magulang ang ating kayamanan. Sila ang ating pinakaiingatang yaman sa mundo. Hindi mapapantayan ng pilak at ginto ang kanilang halaga. Walang silang katumbas kahit ano pang bagay o nilalang sa mundo.
Hindi maitatatwa na sila ang nagkandili sa atin mula nang tayo ay bata pa hanggang tayo ay magkaroon na ng sariling mga pamilya.
Lahat ay kanilang ginawa, maging ang gabi ay ginawa nilang araw upang ibigay ang lahat ng ating mga pangangailangan. Walang panangging salita ang bumubulalas sa kanilang bibig kung tayo ay humihiling.
Marami rin ang kanilang konsiderasyon na binibigay nila sa atin. Kahit minsan hindi na nila kayang ibigay ay pilit pa rin nilang kinakaya.
Mula sa saknong ng aking tula na pinamagatang " Buti ka pa ay may nanay" may isang saknong na patungkol sa pagsagot ng anak sa kanyang mga magulang. Hindi naisip ng persona sa tula na mahirap iyon sa damdamin ng kanyang mga magulang. Inilarawan ng may-akda ang larawang diwa na nais ipaabot sa mga mambabasa. Na hanggang nariyan pa sila sa mundong ibabaw ay kailangan natin silang pahalagahan. Kailangang ipadama sa kanila na sila ay sadyang kakaiba.
Totoong hindi dapat bigyan sila ng mga pasakit o kirot sa kanilang damdamin. Huwag natin silang bigyan ng mga problema na makasasama sa kanilang loob, dahil ang gusto lamang nila ay magkaroon tayo ng magandang bukas.
Huwag nating hintayin pana sumalakay ang pagsisi sa atin. Alam naman natin na ito ay naisasakatuparan natin sa huli. May katapusan ang lahat at sana ang pagdatal ng ating mga magulang sa kanilang aplaya ay masaya sila dahil naramdaman nila sa atin ang ligaya at importansiya bilang kanilang mga anak.
Ibigay natin ang lahat ng ating makakaya sa kanila. Gumanti tayo sa mga pagsasakripisyo at pagdarahop na kanilang ibinigay sa atin.
Masarap sa pakiramdam lalo na sa kanila kung ipagtatanto mo sa iyong sarili at isipang ang kasabihang " Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan."
Nawa'y natanto ninyo ang aking talumpati at nakapulot nang ginituang aral.
Muli, mabuhay at maraming salamat.