Alex's POV
Nakarating naman agad kami sa bahay. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng wine glass.
"Ano na naman ba 'yan Alex? Hindi ka pa ba tapos uminom sa bahay?"
"Nabitin ako eh."
Bumaba ako sa kitchen. May wine cellar kami eh. Haha.
Nagbukas ako ng isang wine. At nag salin sa glass.
"Hmmn.. Sarap."
Naalala ko yung nangyari kanina. Mukhang wala talaga akong takas sa kanila. Pero syempre hindi ako magpapa awat sa kanila. Si Alex ata to.
Tinawagan ko si Kuya Alfred.
[Sino 'to?]
"Wow ah! Maka sino wagas?"
[Ahh. Ikaw pala 'yan princess. Napatawag ka?]
"Kuya nag dinner kami kanina, kasama si Tito pati sina Mommy."
[Tapos?]
"Ayaw nila akong mag pulis."
[Good to hear that.]
"Kuya! Akala ko ba kakampi kita?"
[Ayy~ Oo nga pala!]
"Huwag mong sabihin na kokontra ka na rin?"
[Hindi no! Kakampi mo ako!]
"Kontra sila sa akin! Haahh~ Kuya! Help me!"
[Iba na lang kasi Alex.]
"Kuya naman eh! Alam mo naman na gusto ko talaga 'to diba?"
[Eh Alex naman, ayaw nga nila Daddy diba? Alam mo rin naman ugali nun.]
"Tsk! Hanggang sa huli ba kakampi kita?"
[Oo naman noh! Bakit mo naman natanong?]
"Mabuti ng nagkakalinawan tayo noh! Help me kuya."
[May plano ka?]
"Oo."
[Ano naman?]
"Tulungan mo ako mag open account, pero sa pangalan mo muna. Sisikapin kong mag ipon habang nag-aaral. Tapos kapag naka graduate na ako, magtatrabaho ako ng 1 year sa hotel natin, at kapag naka ipon na ako ng bongga sa account mo, 'yun ang gagamitin ko sa pag-aral."
[What?!]
"Hayy! Ulitin ko ba from the top? Ang haba ng sinabi ko tapos hindi mo pala naitindihan?"
[Stupid. Napa "What?!" lang ako sa sinabi mo. Paano kapag nalaman ni Dad?]
"Mag-aaral ako sa school na hindi kilala."
[So mawawala ka? Lalayo ka?]
"Hmmn.. Oo?"
[STUPID!!]
Napahawak ako sa tenga ko. Grabe makasigaw!
"Ano ba?!! Bibiingin mo ba ako?"
[Loko kang babae ka! Pasalamat ka at hindi tayo mag kasama ngayon, dahil baka nabatukan na kita!]
"Kuya. Wala na akong maisip na plano eh."
[Tingin mo ba ganun mo lang kadali malulusutan sila Daddy?]
"Eh~ Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko."
[Ganito na lang, gawin natin yung pag oopen ng account at pag iipon mo. Tapos yung tungkol dun sa pag-aaral mo, pag-isipan muna natin. Mahirap yung padalos-dalos.]
"Salamat talaga kuya."
[May utang ka sa akin.]
"Saka ko na babayaran 'yun kapag mayaman na ako."
[Nga pala, alam ba 'to ni Stan?]
"Hindi. Isa pa 'yun, tutol din sa akin. Buti kuya may tiwala ka sa akin."
[Pag-isipan mo mabuti Alex. Asawa mo si Stan, may karapatan syang malaman.]
Napahinga ako ng malalim.
TOOT TOOT TOOT
Napatingin ako sa cell phone ko. Bastos? Hindi pa nga ako nakakapag paalam pinatay agad?
Ininom ko ulit ang natitirang wine sa baso ko. Matutupad ko na rin ang plano ko. Gagawin ko talaga ang lahat. Walang makakahadlang sa akin. Wala nga ba?