Chereads / My Brutal Wife (Tagalog) / Chapter 12 - Gaano ako ka b*tch

Chapter 12 - Gaano ako ka b*tch

Alex's POV

Ilang araw na ang nakalipas naging ok naman kami. Tabi na kami matulog sa kama. Naaawa na rin kasi ako sa kanya eh.

Napatingin ako sa katabi ko. Kawawa naman 'to, napuyat siguro kagabi sa kakagawa sa project nya. Nakapatong ang ulo ko sa kanang braso nya at 'yung kaliwang kamay nya naman ay nakapatong sa tummy ko.

Pinitik ko yung noo nya para magising sya.

"Hmmn.." Mahinang ungol nya habang nakapikit.

"Gising na!" Pinitik ko ulit yung noo nya. Napamulat na sya.

"Alex naman! Inaantok pa ako!" Asik nya sa akin.

"6am na! Matutulog ka pa rin?"

"Napuyat ako kagabi Alex! May mga tinapos ako na project! Masakit pa ulo ko." Usap nya habang nakapikit pa rin.

"Wag ka na ngang mag inarte dyan! Tatayo na ako."

"5 mins. muna tayong ganito." Ano pang magagawa ko? Tsk!

"Time starts now." Pinagbigyan ko na lang.

Ang gwapo talaga ng asawa ko. Parang anghel kung matulog.

Sana mag work out 'tong pinasukan naming relasyon. Kahit na hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. I can't say that I'm falling for him now, pero dadating din naman ako dun diba?

Napatingin ako sa oras. Lagpas na.

"Stan." Sinampal sampal ko sya pero mahina lang.

"Stan!" Ayaw pa rin magising.

Naiinis na ako. Ayaw mo talagang dumilat ah.

( PAKK ) Sinampal ko sya ng pagka lakas-lakas.

"Ano ba Alex?!" Napaupo sya.

"Ayaw mo kasing gumising eh." Umupo na rin ako.

"Tama bang sampalin ako?" Lah! Galit na?

"Ano pang gagawin ko? Hindi ka madala sa tapik eh." Hindi na sya sumagot. Naglakad na sya papuntang C.R

"Daming arte!" Sigaw ko sa kanya.

( BAGG ) Nagitla ako sa malakas na kalabog ng pinto ng C.R

Hay Naku! Dun na lang ako maliligo sa Guest Room.

Nag umpisa na akong magluto. Maagang namalengke ngayon si Manang kaya ako muna.

Napagdesisyonan kong magluto ng adobo, mas madali. Haha. Tinatamad ako eh. Natapos na akong magluto ng bumaba si Stan, ano yun? Ang tagal? Natulog pa siguro yun sa C.R.

"Umupo ka na." Pinaghain ko na sya ng pagkain. Tahimik lang kaming kumain.

Sumusulyap ako sa kanya at minsan napapahawak sya sa ulo nya.

"Masakit talaga ulo mo?" Tinignan nya lang ako.

So totoo nga talaga yung sinabi nya kanina? Nung natapos na kaming kumain ay ikinuha ko na sya ng gamot.

"Oh inumin mo." Sabi ko sabay abot

Naupo lang ako sa sala at nanuod. Wala naman akong pasok. Napalingon ako kay Stan ng palabas na sya ng bahay.

"Papasok ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Iksi naman ng sagot nito.

"Stan!"

"Bakit?" Walang emosyon na tanong nya.

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para maabot ko sya. I kissed him on his cheeks. Nagiging sweet wife na ako dito ah.

"Ingat." Lumambing pa ang boses ko.

"Thanks." Yun lang?

Anak ng tokwa't baboy oh! Ganun lang response nya? Teka! Meron pa ba akong inaasahan? Haha.

-----

Stan's POV

Nakarating na ako sa room. Takte! Sakit talaga ng ulo ko.

Naniniwala ba kayo sa kasabihang 'Asarin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising' Kung Oo, Ako rin Oo. Dahil ganun ako eh. Ang masama pa, sinampal ako! Nakakabadtrip.

Natapos na ang dalawang subject namin.

12pm. Lunch Break.

"Pare natapos mo na ba 'yung project kay Prof. Lim?" Tanong sa akin ng puyat na Jc.

"Oo. Inaabot na nga ako ng madaling araw eh. 3 hrs. lang tulog ko." Sagot ko habang hinihimas ang sintido ko.

"Buti nga ikaw nakatulog pa eh, ako straight." Sabi ni James na nakapikit pa. Nakakapit kasi sa akin kaya nakakalakad pa.

Nakaupo na kami sa pwesto namin.

"Ako na bibili ng lunch natin." Pagpeprisinta ni Jc.

"Chicken, rice, at softdrinks sakin." Sabi ni James.

"Burger at softdrinks lang sa akin."

"Seryoso ka Stan? 'Yun lang kakainin mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jc.

"Oo." Wala talaga akong gana ngayon. Feeling ko sasabog na utak ko.

Habang kumakain kami, biglang my umupo sa lap ko.

"Hi Stan."

"What now jasmine?" Iritado na ako. Isa sa mga Ex ko dati.

"I miss you honey." That flirt tone.

"Jasmine! For pete's sake! Masakit ang ulo ko!" Napatakip na lang ako ng kamay sa mukha.

Yung dalawa naman, biglang nakatulog.

"Let me heal it." She kissed my forehead, as if naman mawala.

Wala ako sa wisyo makipag talo ngayon.

---

Alex's POV

Bakit ko ba 'to ginagawa?

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school para sabayan ng lunch si Stan.

Nakatingin sila sa akin, well I can't blame them. I'm wearing my shades, black hanging blouse na konting galaw lang kita ng tyan ko, maong shorts, at converse shoe.

Nasa canteen na ako. I take off my shades. Wow! Romantic scene ngayon ang nakikita ko.

Isang linta na nakapatong sa lap ng isang lalaki, sweet diba? Parang nag didate lang.

Naglakad ako hanggang nasa harap na nila ako. Napatayo si James, mukhang naalimpungatan sa tulog.

Kinalabit nya si Stan na nakapikit habang hinahalik-halikan nung linta ang noo nya. Ew!

"WHAT?!" Iritadong tanong ni Stan habang nakapikit.

"Si...ano.." Nauutal na sagot ni James. Pati si Jc nagising na rin.

Nagmulat na ng mata si Stan at napatingin sa akin. Tumayo agad sya kaya nalaglag yung linta.

"A-Alex." Nauutal na sabi nya.

"How sweet! Pwede paki-ulit?" Sarkastikong sabi ko.

"A-Ano kasi A-Alex."

"You want more?" Singit ni linta.

"Stop it Jasmine." Suway naman ni Stan.

"So Jasmine pala ang name ng bago mong linta Stan?" Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"What? Linta?" Halatado ang pagka-irita sa boses ni Linta. Haha.

"Oo. Kasi kung makadikit ka kay Stan para kang linta, or should I say daig mo pa ang linta." Pagtataray ko.

"What? Bawiin mo yung sinabi mo!"

"Sino ka para utusan ako? Linta?" Diniin ko pa ang huling sinabi ko.

"Y-You!" Halatang inis na inis na sya.

Susugurin na nya sana ako kaso bigla syang hinawakan ni Stan.

"Let go of me Stan!" Nagpapalag pa 'yung linta.

Tumayo na rin sila James at Jc. Pumunta sila sa likod ko. Ano 'to? Ready para awatin ako?

"Sige Stan! Bitawan mo sya, tignan natin kung hanggang saan yang linta mo!" Sigaw ko.

"Bitawa mo ako Stan!" Nagpupumiglas na sya.

Nakawala sya sa hawak ni Stan at lumapit agad sa akin.

Nasa ere na yung kamay nya na handang sumampal sa akin, pero sinalag ko agad ng isa kong kamay.

Ngayon hawak ko ang kamay na nakataas. Hinigpitan ko pa.

"No one ever tries to slap me." Matigas na turan ko.

( PAKK ) Ako ang sumampal sa kanya.

Binitawan ko na rin yung kamay nya. Kadiri eh. Haha.

"Y-You! H-How dare you!" Mangiyak-ngiyak nyang sigaw.

Susugurin nya na sana ako kaso biglang lumapit sa kanya si James at inawat.

"Bitawan mo ako James!"

"Ahmm .. Alex? Bitawan ko ba sya?" Pagpapa alam ni James.

Natawa naman ako dun.

"Nasa sa kanya 'yun James. Kapag pumalag, bitawan mo. Para mapantay yung pisngi nya."

Natigilan si Linta at nag walk out.

Nagpalakpakan yung mga audience, este mga student sa canteen.

"And now.." Tumingin ako kay Stan na hindi na maipinta yung mukha.

"A-Alex.. A-Ano.."

Sinuot ko na ulit yung shades ko.

"Well pumunta lang naman ako dito para SANA sabayan ka mag lunch, pero sa nakita ko mukha namang busog ka na." Bumaling ako kila James at Jc na nasa tabi na ni Stan.

Nginitian ko sila. Ngumiti rin naman sila.

"Bye Guys." Then I leave.

Pagkasakay ko sa kotse. Napahampas ako sa manibela.

"F*ck! Maayos na relasyon pala ah? Akala ko pa naman nagbago na sya."

I open the stereo.

(N.P: Famous last word By: My chemical romance)

Habang nasa high way ako, hindi maiwasang may makipag karera sa akin. Papatalo ba naman ako? Syempre hindi!

Nasa right ko yung black Lamborghini. Wow! Pareho pa kami ng kotse.

Binaba ko yung window. Ganun din ginawa nya.

Witwiw~ Gwapings. Ngumiti sya. Ngumiti din ako. Nagkaintindihan na kami na pareho naming gusto mag race.

Drive lang kami ng drive. Ewan ko kung saan na tong lugar na to.

Nakakawala talaga to ng stress. Sobrang nag eenjoy ako!

"WOOHH~" Napapasigaw pa talaga ako.

Syempre chinicheck ko parin yung mga side mirror, at pag tingin ko sa harap. Sh*t may tuta! Nagpreno agad ako! Kaso mukhang hind aabot kaya kinabig ko sa left side, sa may puno.

(EKKK)

Ang bilis ng pangyayare. Nakita ko yung tuta na ligtas. Napangiti ako. At unti-unti ng nagdilim ang paningin ko.