Chereads / UNEXPECTED LOVE FROM STRANGER / Chapter 6 - CHAPTER 4 (1st day as college student)

Chapter 6 - CHAPTER 4 (1st day as college student)

Kinaumagahan ay masayang nagising ang dalawa at sinimulan ng mag-asikaso dahil ito ang unang araw nilang pumasok.

MEL: Good morning bes.

ART: Di ka pa ba maliligo?

MEL: Magluluto muna ako ng breakfast ko saka babaunin para sa lunch.

ART: Lunch, eh may cafeteria naman sa loob ng campus.

MEL: Naku di ko afford mga bilihin dun eh, mas makakatipid ako kung magbabaon na lang.

ART: Ahh, ganun ba. Ilan ba allowance mo?

MEL: 500 a week, papunta dito at pauwi.

ART: 500! Kasya yun sa isang linggo?!

MEL: Oo naman, hindi naman paggastos ang ipinunta ko dito eh, pag-aaral.

ART: Ako na nga dyan, maligo kana baka malate tayo sa 1st day natin.

MEL: Naku hindi na, nakakahiya naman sayo.

ART: Nahiya pa, bestfriend mo ko diba.

MEL: Sige na nga, salamat ha.

Naligo na nga ito at inasikaso na ang kaniyang sarili kahit na nahihiya na ito sa kaniyang roommate.

MEL: Tapos na ako, ikaw na naman.

ART: Tapos na rin ako dito, tingnan mo.

MEL: Wow, special ba yan?

ART: Oo made by me, your one and only bestfriend.

MEL: Naks naman, maligo kana.

ART: Sige, btw. Bagay sayo ang uniform, sexy ng bestfriend ko.

MEL: Naku naman nambola pa, maligo kana nga.

Pagkatapos nilang mag-ayos sa kanilang mga sarili ay pumasok na agad sila sa kanilang school. Medyo nalungkot ang dalawa dahil hindi sila magkaklase.

MEL: Dito na ang classroom ko, mag-iingat ka ha!

ART: Sige, wag ka ng malungkot, pupuntahan kita dito tuwing break and lunch time para sabay tayong kumain lagi.

MEL: Sige, babye!

Masayang pumasok si Melody sa kaniyang classroom at naghanap ng bakanteng upuan sa bandang likuran. Napansin niyang kakaunti pa lang ang tao kaya naman tahimik lang ito sa kaniyang upuan.

Lumipas ang ilang minuto at unti-unti ng dumarami ang mga taong pumapasok.

May isang grupo ng mga lalaki ang nakapukaw ng kaniyang atensyon, hindi lamang siya dahil maging ang ibang mga babae sa loob ng room ay napansin rin ito.

Binaling na lamang niya sa ibang bagay ang kaniyang sarili at hindi niya namalayan na sa direksyon niya papunta ang apat na lalaki.

DAVE: Ms. may nakaupo ba dito?

MEL: Ahh ehh, wala naman.

DAVE: Pwede ba kaming umupo dito?

MEL: Ahm, oo naman, you can.

DAVE: Thanks.

Kinakabahan si Melody pero kinausap niya pa rin ito, hindi siya kinakabahan sa kung ano ang kaniyang nararamdaman, kinakabahan siya dahil sa masasamang tingin ng mga kaklase niyang babae. Hindi niya na lang ito pinansin.

Sa kabilang banda naman ay nag-uusap ang apat na lalaking bagong dating. Sila ay sina John Dave Monte Mayor, Andrie Cortez, Emmanuel Corpuz at Noah Buena Vista. Sila ay galing sa mga maiimpluwensyang pamilya.

DRIE: Tol, may mga bakanteng upuan naman sa likod bakit dito mo napiling umupo?

EMMAN: Oo nga naman tol.

NOAH: Siguro type mo yang babae na katabi mo no!.

DAVE: Manahimik nga kayo, kung ano-anong pinagsasabi niyo. Dito ko lang gusto umupo, bakit ba?!.

DRIE: We, naku kilala ka namin.

DAVE: Tigilan niyo na ako ha!

NOAH: Tingnan natin, haha.

Tinawag naman ni Noah si Melody.

NOAH: Ms. uyy Ms.!

MEL: Ahh ako ba?

EMMAN: Yes ikaw nga Ms.

MEL: Bakit? Anong kailangan niyo sa akin?

DRIE: Gusto lang sana naming magpakilala. Ano nga palang...

Hindi na natuloy ni Andrie ang kaniyang sasabihin dahil dumating na ang kanilang professor.

PROF: Good morning students.

STUDENTS: Good morning Prof.

PROF: I will be your professor for today and I will serve as your adviser for the whole school year. Now, I'm not familiar with you guys , so let's start for an introduction, starts with you Ms?

Tinuro ng kanilang professor ang babae sa harapan at nagsimula ng magpakilala ang bawat isa, nagtuloy tuloy ito hanggang umabot na sa bandang likuran at si Melody na ang susunod.

MEL: Hello guys, good morning, I'm Melody Tolentino, 19. I was hoping that we will be a good friends.

Pinag-usapan naman siya ng apat na lalake.

EMMAN: Tol, Melody daw.

DRIE: Nakkkssss.....

NOAH: Kaedad lang natin tol.

DAVE: Manahimik kayo!

PROF: Next! You Mr.!?

Hindi namalayan ni Dave na siya na pala ang susunod dahil sa mga kolokoy niyang kaibigan.

DAVE: Sorry for the interruption, btw. I'm John Dave Monte Mayor, don't call me by my full name, just call me Dave. I'm 19 btw.

DRIE: Hey, Andrie Cortez speaking, 19.

EMMAN: Emmanuel Corpuz, 19. Nice to meet you lady's.

Nagsitilian naman ang mga babae.

NOAH: Noah Buena Vista is in the house, I'm 19.

Natapos ang dalawang oras sa pagpapakilala. Kaya naman nagsilabasan na ang students ng magring ang Bell for break time.