Chereads / UNEXPECTED LOVE FROM STRANGER / Chapter 4 - CHAPTER 2 (Dorm Mate)

Chapter 4 - CHAPTER 2 (Dorm Mate)

Mabilis na lumipas ang isang buwan at dalawang araw na lamang at mag-uumpisa na ang klase. Kaya naman sa dalawang araw na yun ay nag leave muna siya sa trabaho para asikasuhin ang kaniyang paglilipat sa dorm. Nagpalipat na rin siya ng department store na located malapit lang sa school para makapagtrabaho pa rin siya kahit may pasok na, dahil kailangan niyang kumita, dahil alam niyang hindi biro ang pagiging college student. Buti na lang at mabait ang boss nila at pumayag agad ito.

May pag-aalinlangan rin siya dahil baka kailanganin ng laptop kapag nagstart na ng klase, wala pa siyang sapat na pera para makabili nito.

Bigla naman niyang napansin habang nag-aayos ng kwarto ay parang hindi pa dumarating ang makakasama niya dito, kaya naman tinanong niya ang land lady.

MEL: Excuse me land lady, wala pa po ba akong kasama sa room? Napansin ko po kasing parang ako pa lang ang lumipat.

Land Lady: Room ano ka ba?

MEL: Room 143 po.

Land Lady: Room 143, hmm, meron na, baka mamaya nandyan na yun, bakit ba? Excited kang makita ang kabored mate mo no! Kahapon lang pati yun nagconfirm.

MEL: Naku, hindi po Land Lady, ang akin lang naman po is sana dumating siya ng mas maaga para mapag-usapan na namin kung paanong hatian ang mangyayari sa room na tutuluyan namin. Dapat po nandito siya, para walang lamangan.

Land Lady: Maya maya darating din yun, hintayin mo na lang.

MEL: Ahm, magbibigay rin po pala ako ng 2 months advance.

Land Lady: Mabuti naman kung ganun, may itatanong ka pa ba?

MEL: Wala na po, sige po balik na po ako sa room ko.

Lumipas ang maghapon ng kaniyang pag-aayos ay wala pa ring kadorm mate na dumarating, kaya naman sa sobrang pagod ay nakatulog ito.

Makalipas ang dalawang oras ay naalimpungatan siya dahil sa ingay na tila ba hindi lang siya ang nasa loob ng kwarto, kaya naman kinabahan siya. Kinuha niya ang kaniyang unan at pinuntahan kung saan nagmumula ang ingay, ng ito'y kaniyang nakita ay pinaghahampas niya ito.

(Blag! Blag! Blag!)

ART: Aray! Aray! Aray! Teka naman masakit!

MEL: Walang hiya ka! Magnanakaw ka no!

(Blag! Blag! Blag!)

ART: Aray! Aray! Aray ko sabi eh!

Hindi na nakatiis si Arthur at hinawakan na nito ang babae, kaya naman natigilan ang babae sa paghampas-hampas dito. Dahil mukhang nakilala niya ang lalaking  kaniyang pinaghahampas.

MEL: Ikaw!!!

ART: Ha?! Anong ako?! Ikaw tong basta basta na lang nanghahampas eh!

MEL: Ikaw yun!!

ART: Ako ang ano?! Sandali nga, bat tayo nagsisigawan.

MEL: Ikaw eh!!

ART: Oh! Tingnan mo to, ako pa sinisi.

MEL: Hysst, pasensya kana kung nahampas kita, bigla bigla kana lang kasing pumapasok. Ano bang ginagawa mo dito?!

ART: Ako? Bigla-biglang pumasok, samantalang kanina pa ako katok ng katok wala namang nagbubukas, kaya tinawag ko na ang land lady at pinabuksan ko na. Tulog ka kasi ng tulog.

MEL: Ahh, ganun ba, pasensya na, napagod lang, maghapon na kasi akong nag-a-ayos dito, inayos ko na din yung lugar  mo. Walang lamangan diyan.

ART: Napansin ko nga, maganda kung ganun.

Walang dahilan si Art para magdorm dahil may sasakyan naman ito, ngunit mula ng makita at makabangga niya ang isang dalaga ay hindi na ito nawala sa isip nito. Oo, si Melody ang tinutukoy niya. Dahil sa may pera naman sila at maraming access ay ipinahanap at pinamanmanan niya ito. Nakilala niya na rin kung sino ang anghel na bumihag sa kaniyang puso na mula noon ay wala pang nagugustuhan kahit na sino pa. Noon lamang ng masilayan niya ang mala-anghel na mukha ng babaeng kaniyang nakabangga.

Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagpakilala dito sapagkat nagmamadali siya ng mga panahong iyon. Kaya naman ipinahanap na lamang niya ito sa isang kakilala at hindi naman ito nahihirapan. Nalaman nito na Melody Tolentino ang tunay na pangalan nito at hindi katulad nila ay mahirap lang ito, kaya naman naisipan ni Art na tulungan ito.

Hindi niya mamadaliin kung ano man ang nararamdaman niya para dito, sa ngayon muna ay gusto niyang mapalapit dito bilang kaibigan, kaya naman ito kaniyang gagawin.

Habang siya ay nag-aayos ng kaniyang mga gamit ay muli niyang kinausap si Melody.

ART: Ahm, ako nga pala si....

MEL: Philip Arthur Enrile..

ART: Papaano mong alam?

May pagtatakang tanong ni Arthur dito.

MEL: Nung araw na nagkabanggaan tayo, tanda mo?

ART: Ahh, yun ba? Oo, tanda ko pa.

MEL: May naiwan kang isang piraso ng papel at yun ay iyong birth certificate, balak sana kitang habulin ngunit paglingon ko ay wala kana. Kaya naman ay itinago ko muna ito.

ART: Kaya pala nung tiningnan ko ang mga dala ko ay parang may nawawala.

MEL: Ay, wait lang.

Kinuha niya ang kapirasong papel ng birth certificate ni Arthur na kaniyang itinago.

MEL: Oh, eto na.

ART: Salamat.

MEL: Melody.

ART: Ha?

MEL: Melody Tolentino, my name.

ART: Nice to meet you Melody.

MEL: Nice to meet you too room mate.