Chereads / UNEXPECTED LOVE FROM STRANGER / Chapter 3 - CHAPTER 1 (College enrollment)

Chapter 3 - CHAPTER 1 (College enrollment)

The first interaction!

Ngayong college na ang buhay na tatahakin ni Melody ay nahihirapan siyang magsimula, matagal niyang pinag-isipan ang kursong kukunin niya, sinisigurado niya na muna na hindi masasayang ang kaniyang gagawing pagdidisisyon. Ang kaniyang napiling course ay Law, sa kadahilanang gusto niyang ipagtanggol ang mga katulad niyang mahirap lamang. Kaya naman naghanap siya ng school na bukas para magturo ng law. Alam niya na malaki ang magiging gastos nila kapag itinuloy Niya ito, ngunit suportado siya ng mga magulang niya, Kaya naman itutuloy Niya ang kaniyang gusto.

Ngayon ay pumunta siya ng school para magpa-enroll. Habang siya ay naglalakad ay may biglang nakabangga sa kaniya kaya tumulapon ang kaniyang mga dala-dala maging doon sa taong nakabangga niya.

(Blag!) Unang bumagsak ang kaniyang pwetan.

MEL: Aray!...

(Tumilapon ang mga papel na dala niya maging yung nakabunggo sa kaniya)

ART: Naku miss! Sorry, nagmamadali kasi ako eh, pasensya na.

Dali-daling pinulot ni Mel ang kaniyang mga papel at dali-daling tumayo. At dahan dahan niyang tiningnan ang kaniyang nakabunggo.

MEL: Naku, pasensya na rin, di ko kasi napa.....

Natigilan si Mel sa kaniyang nakita, tila anghel Ito na nahulog sa langit dahil sa mala-anghel na ngiti nito sa kaniya.

MEL: Ahh, ehh, hindi rin kasi kita nakita na paparating, pasensya kana.

ART: Sorry talaga miss, sige alis na ako.

Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ng may napansin siyang isang piraso ng papel sa lapag, ang buong akala niya ay sa kaniya Ito, ngunit nabigla siya sa kaniyang nakita, doon pala ito sa taong nakabangga niya. Isang Xerox copy ng birth certificate.

MEL: Philip Arthur Enrile, hmm....

Itinabi na niya ito at ibabalik na lang ito kapag nagkita sila ulit, kung magkikita pa sila. Nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Pakatapos niyang makapagpa-enroll ay pinuntahan na niya ang kaniyang mama na kanina pa naghahanap ng dorm na kaniyang matutuluyan. Kailangan niya nito sapagkat napakalayo ng campus na kaniyang papasukan mula sa kanilang bahay.

Nakahanap na ng dorm ang kaniyang mama, medyo may kalayuan nga Lang, pero ayos na ito para sa kaniya sapagkat mura lang ang upa dito. Ang kaso lamang may makakasama siya sa dorm at base sa land lady nito ay lalaki ang kaniyang makakasama, isa ito sa rule ng dorm upang mapanatali ang kaligtasan ng bawat isa. May tiwala naman ito sa mga magdodorm. Pumayag na rin naman ang magulang ni Mel.

Mama Tes: Anak, wala na tayong choice, ito na lang kasi yung pinakamura sa lahat ng napuntahan at napagtanungan ko, ayos na ba to sayo, nak?

MEL: Ma, ano ka ba naman, ayos na to, lalakarin ko na lang ang school para makatipid.

Mama Tes: Naku nak, tiis tiis na muna ha, lalo na at wala pa tayong nahahanap na scholarship mo.

MEL: Opo ma, naiintindihan ko naman po iyon, kaya yan, laban lang.

Masayang umuwi sina Mel sapagkat siya ay nakapag-enroll na at isang buwan na lamang ay makakapag-aral na siya ng law. Ang natitirang isang buwan ay hindi niya sinayang, naghanap siya ng part time job para makaipon.

Nagi siyang casher sa isang grocery store sa bayan. Naging busy ang mga sumunod na araw para sa kaniya. Hindi niya inaasahan na magkikita ulit sila nung nakabunggo niya, ngunit parang hindi naman siya nito namukhaan. Hindi niya na lamang ito pinansin.

Sa loob ng mahigit isang buwan ay nakapag-ipon na rin naman siya para pandagdag allowance kapag nagsimula na ang kanilang klase.