Chapter 3 - Chapter 2

NAPATITIG si Zack sa malawak na swimming pool habang malalim ang iniisip niya tungkol sa mga nagdaan niyang mga taga-alaga. Panglimang personal yaya na niya ang umalis dahil nasigawan lamang niya ito at sa nasira nitong gamit niya. Hindi nakatiis kaya umalis na lang ito bigla na hindi na nagpaalam sa kaniya. Thirty-two years old na si Zack, may sariling bahay, kotse, kompanya, at lahat ng mga luho ay nasa kaniya na. Kung pisikal naman ang pag-uusapan, hindi naman nalalayo ang kaanyuan niya sa mga sinasabi ng karamihan na boy next door or bachelor's in town. Kaya lamang ay may malaking bahagi ng pagkatao niya ang hindi kumpleto. Ang kaniyang mga paa. Sampung taon na ang nakararaan nang mawalan siya ng kakayahang makalakad nang dahil sa isang aksidente noon sa London. Naaksidente siya habang minamaneho niya ang kotse niya at bumangga sa kaniya ang isa pang kotse. Nagkaroon ng malaking damage sa mga joints niya ang nadurog kaya iyon ang dahilan kung kaya siya ay hindi na maaaring makatayo pa.

Mula nang aksidente rin na iyon, naging bugnutin na siya. Mailap na siya sa mga taong nakakasalamuha niya lalo na sa mga taong personal na nag-aalaga sa kaniya. Iniwan din siya ng dati niyang nobya na mas lalong nagpapalungkot lalo sa masaklap niyang buhay. Nag-iisa na lamang siya sa buhay dahil namatay na ang kaniyang ina at ang kaniyang ama naman ay nag-asawang muli. Nakatira na ito sa probinsiya at nag-iisang anak lang din siya. Tanging ang yaya Lukring na lang niya ang naiwan sa malaking bahay niya rito sa Dasmariñas Village sa Makati at may dalawang katulong pa.

"Malalim na naman ang iniisip mo."

Bahagya lamang siyang nakasilip sa gilid ng kaniyang kaliwang mata nang maulinigan niya ang pamilyar na boses ng kaibigan at mismong attorney niyang namamahala ng kaniyang mga negosyo.

"Here. Nariyan na ang lahat ng mga papers na kailangan mong pirmahan. Pag-aralan mo na lang." Inilapag nito sa mesa ang dalawang brown envelope saka ito naupo.

"Bakit ikaw ang naghatid niyan? Where's Lora?"

"As usual. Natatakot sa'yo."

"Sabihin mo sa kaniya, pumunta siya rito kung ayaw niyang hindi sumahod ng isang buwan," banta niya.

"Call her. Attorney mo ako at hindi ako messenger," sarkastiko nitong sagot. "What's your plan? Balita ko, nilayasan ka na naman ng assistant mo. How about that? Don't you have a plan to find another personal assistant?"

"I don't have. I want to face this damn world alone, and I don't need someone weak like the others."

"Sinigawan mo ba naman. So? Kung gusto mong harapin ang sarili mong mundo, sino ang magpapaligo sa iyo? Sino ang magpapalit ng damit mo? Don't tell me, you will do it alone?"

"Yeah," matatag niyang tugon.

"Oh, c'mon! You're not getting any younger, Zack. Don't act like you're a superman and you can do everything. You can't even change your underwear!"

"Shut up!" He was annoyed. "I can do it alone!"

"Ikukuha kita ng mag-aalaga. Lalaki na para kaya kang buhatin at hindi mahihiyang alagaan ka. Iyong lalaking hindi mahina," mababa na ang tono ng boses nito.

"Huwag na, Raven. As I said, I can⸻"

"Huwag ka ng magmatigas pa kung ayaw mong mag-resign ako. Hahanap na ako ngayon din."

"Is that a threat?" Noon lamang siya sumulyap sa matalik niyang kaibigan at pinagkakatiwalaang lubos.

"Yes. Kung ayaw mong maghanap ako, pwede naman akong magpalit ng brief mo," may halong pang-aasar ang boses nito sabay ngumisi.

"Siraulo." Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya sa mukha.

"Of course! Mahal ang ibabayad mo sa akin. Attorney ako sa umaga, part-timer ako sa gabi. Sounds great, right?"

"Sounds unethical." Sabay napailing siya at bumaling muli sa tinatanaw niya kanina.

"Last choice mo lang ako. Don't worry, I'll find you the best one. Ayokong nakikitang nahihirapan ka sa sitwasyon mo. At saka, tigil-tigilan mo na ang pagbabasag ng mga mamahaling gamit mo. Hindi ka ba nanghihinayang sa mga iyon?"

"Wala ka na roon. Pera ko ang pinambibli sa mga iyon kaya gagawin ko kung anong gusto ko."

"Hindi ka na talaga mapagsasabihan. Sige na at aalis na ako. Babalikan ko na lang bukas ng umaga ang mga papeles na iyan. Kailangan pirmahan mo iyan dahil kontrata iyan sa isang kontraktor natin," paliwang nito sabay tumayo na rin.

"I want a woman."

"Huh?" Tila nagulat ito sa sinabi niya.

"You heard me. Find me a woman with whom to care and share with me in bed."

"What? Are you out of your mind?"

"Hindi ako nagbibiro. I want you to hire a woman who will be a part-timer. She will take care of me at the same time; she will be my bedmate."

"What kind of game is this, Zack? Let me know first before I grant your wish."

"It's been ten years, Raven. I think you already knew what I am supposed to put across."

"Well, baka iyan din ang sagot sa pagiging bugnutin at mainit mong ulo. Why do you want me to find you a woman as your part-timer, not a woman to be your wife?"

"I don't want a commitment. Magiging sagabal lang ang pag-aasawa kong yaman ko lang din ang habol niya. Maghanap ka ng matino at iyong hindi kung sino-sino lang. Kung maaari ay walang karanasan."

Napatitig ito sa kaniya. "Seryoso ka nga. Tamang-tama at magkikita kami ng mga dati kong colleagues sa BGC. May isang sikat na bar doon at maghahanap ako."

"Matino at hindi nagtatrabaho roon. Siraulo ka talaga!"

Natawa ito. "Don't worry, ako na nga ang bahala. Magsimula ka na rin mag-eehersisyo at baka hindi ka na nakakatagal sa isang round pa lang. Oh, baka⸻" Pinasadahan siya nito nang tingin.

"Baka ano?" kunot-noong tanong niya.

"Nevermind. Sige at aalis na ako."

Napailing siya saka siya nito tinapik sa balikat at tuluyan na itong naglakad palabas ng kaniyang bahay. Iyon ang tanging naisip niya mula pa kanina at baka iyon lang din ang magiging susi upang hindi na mag-init ang kaniyang ulo. Aminado siya sa sariling wala talaga siyang naranasan na mula pa noon lalo na nang iwan siya ng dati niyang nobya. Gusto na rin naman niyang subukan kung kaya pa ba niyang magpaligaya ng isang babae bago isipin ang lumagay sa tahimik. Kung hindi man papalarin, hindi na talaga niya papasukin ang bagay na iyon at hayaan na lamang na lamunin siya ng panahon.