Chapter 4 - Chapter 2

"Alice! Anak! Gising na!"

Nagising ako sa mga katok ni Nanay Felicia sa pinto ng kuwarto ko. Grabe! Halos matanggal na yata 'yong pinto sa lakas ng katok niya, ah! Agad akong bumangon upang pagbuksan siya.

"Gising na po ako, Nay," bungad ko sa kaniya.

"Diyos kong bata ka! Ang tagal mo talagang gumising. Kanina pa ako kumakatok. Si Louisse, nasa sala na."

Automatic namang namilog ang mga mata ko. "Po?!"

"Si Louisse, nasa sala na at hinihintay ka. Sabay na raw kayo pumasok sa CFIL."

Tiningnan ko 'yong wall clock sa kuwarto ko. "Anak ng kabayo! 6:00 a.m. pa lang, oh!" Napasapo ako sa noo. Walang hiyang Louisse na 'to!

"Sige na. Bababa na ako. Lumabas ka muna riyan," saad ni Nanay Felicia at bumaba na ng hagdan.

I followed her and there I saw Louisse, sitting prettily on the long sofa in our living room. Nakangisi pa ang bruha at naka-dekuwatro pa habang naka-crossed arms. Ready na talaga siya. Napanganga na lang ako.

"Sabi ko na nga ba't tulog ka pa, eh! Hay, naku! Tulog mantika ka talaga kahit kailan, siszt!" sabi niya sabay iling.

Nailagay ko sa kanang baywang ko ang kanang kamay ko at sinamaan siya ng tingin. "Ang aga mo, ah. Parang ikaw 'yong mag-a-apply at hindi ako," sarcastic kong sabi.

"Aba! Dapat lang. I know you, siszt. Baka nasa work na 'ko, nananaginip ka pa rin kay Sir Theo."

"Whatever." I rolled my eyes at her.

She stood up at lumapit sa akin. "Ano? Daks ba si Sir Theo? Ilang pulgada ba?"

Nagulat ako sa sinabi niya. "Nay, oh! Si Louisse! Ang bastos ng bibig!" pagsusumbong ko sa kaniya kay Nanay Felicia na nasa kusina.

"Aysus! Painosente ka pang babaita ka. Narinig nga kita noong isang araw. Sabi mo ang sarap ni Sir Theo mo. Kung alam ko lang, wasak na 'yang hiwa mo sa panaginip mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nanay Felicia. Kinilabutan ako. Si Louisse naman ay todo halakhak na parang walang bukas. Hinahampas pa ako.

"Wala akong matandaan na sinabi ko 'yan, Nay!" Totoo naman. Uminit bigla 'yong pisngi ko.

"Tulog ka ng oras na 'yon. D'yan ka pa nga natulog sa sofa, nanaginip ka."

Anak ng kabayo! Nakakahiya!

"Sige na, siszt. Maligo ka na. Bilisan mo na. Baka ma-late pa 'ko," ani Louisse na tumatawa pa rin.

"Tsk." Napailing na lang ako.

Matapos ang ilang minuto, natapos na rin ako. Kumain muna kaming tatlo. Nasa kabisera nakaupo si Nanay Felicia at magkatapat naman kami ni Louisse. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ka pa nag-breakfast, 'no?" I asked her.

"Nag-breakfast na 'ko, siszt. Round two na 'to." She chuckled. Napanguso na lang ko. "Ang sarap ng luto ni Tita Feli, eh," dagdag pa niya.

"Salamat, hija. Gusto mo talaga ang mga niluluto ko lagi."

"Totoo naman po, eh," turan ni Louisse sa nanay ko.

Tumingin si Nanay sa 'kin. "Ba't 'di mo sinabing mag-a-apply ka pala kay Sir Theo mo? Ginising sana kita nang maaga at nakapagluto rin."

"Okay lang 'yon, Nay. Mag-a-apply lang naman," tugon ko.

"Kahit na. Dapat ready."

Hindi na ako sumagot. Tinapos na namin ang pagkain. Matapos ang lahat, tinulungan ako ni Louisse na mamili ng susuotin. Dapat daw kasi mag-ready ako talaga dahil minsan daw, i-interview-hin agad kahit kakapasa pa lang ng resume. Depende kung ano'ng mangyayari. Wala na akong nagawa. Madalas kasi, nakapantalon lang ako at simpleng shirt or blouse sa upper. Minsan lang ako nag-aayos talaga. Kapag may important occasions lang at si Louisse ang laging nag-aayos sa 'kin.

"Nay, alis na po kami," paalam ko kay Nanay paglabas namin ng kuwarto ko.

"Good luck, anak! Ingat kayo!" she replied. Nasa kusina kasi siya.

"Bye, Tita Feli! Rarampa na po kami!"

7:50 a.m. na nang dumating kami. Marami nang mga tao—employees ng company at kung sinu-sino pa. Lumapit kami roon sa may receptionist.

"Siszt, dito ka muna saglit, ha? Tinatawag ako ng kalikasan, eh," paalam ni Louisse sa 'kin.

I nodded in response. What if iihi na lang din ako? Baka maihi ako mamaya nang wala sa oras. Pero hindi naman ako naiihi kaya 'wag na lang.

Ilang saglit lang, napalingon ako sa receptionist nang magsalita siya. "Good morning, Ma'am! Are you an employee in this company?"

"Ay, hindi po. I'm here to apply for a job," I replied promptly.

"Oh, I see." May kinuha siyang bagay sa tabi at tumingin ulit sa 'kin. "Kindly pin this temporary ID to you, Ma'am. Log in to this log sheet and leave one valid ID here with us."

Tumango ako at kinuha 'yong temporary ID mula sa kaniya at p-in-in ko ito sa suot ko. Nag-log in din ako sa sheet na tinutukoy niya. Kinuha ko na rin 'yong isang valid ID ko at binigay sa kaniya.

"You can now proceed to 12th floor, Ma'am."

"Thank you," saad ko, and she just smiled. Ang ganda naman niya. Mabait din.

Nasa'n na kaya si Louisse? Ba't ang tagal niya? Baka tumae pa ang bruha.

Naramdaman ko namang nag-vibrate 'yong phone ko sa bag kaya sinilip ko muna saglit. Baka siya na ang nag-text.

I guessed it right. I read her message.

From: Siszt Louisse

Siszt, akyat ka na lang sa 12th floor. Nakasalubong ko yung head namin sa marketing department. Inutusan agad ako. :( Sorry. :( Mwah!

So, ako na lang pala mag-isa ngayon. Tinignan ko 'yong receptionist. "Miss, where's the elevator here?" tanong ko.

"There, Ma'am." Tinuro niya 'yong papuntang hallway. "There are two elevators there. Just select the left one."

"Thank you." Agad akong nagmadali. Nakita ko naman agad 'yong dalawang elevators kaya pumasok agad ako sa isa kasi 'yon ang nakabukas.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkabigla nang makita kong si Sir Theo 'yong nakaharap ko pagpasok. I quickly turned around para lumabas sana pero nakasara na 'yong elavator at feeling ko, umaandar na rin kaya wala na akong nagawa. Mukhang pinindot na yata ng kasama niya.

"I'm sorry, Theodore, but I will not help you this time. My decision is final. Gawan mo 'yan ng paraan," rinig kong sabi ng isang babaeng nasa mid-forties na yata na nasa left side ni Sir Theo. Siya yata 'yong pumindot ng button.

Habang nag-uusap silang dalawa, dahan-dahan naman akong pumunta sa right side ni Sir Theo pero napahinto ako nang marinig ko siyang magsalita.

"Excuse me, Miss?" 

Napatingala ako sa kaniya saka tinignan 'yong babae at binalik ulit sa kaniya. Nakatutok na silang dalawa sa akin ngayon. Napansin kong bumaba ang tingin ni Sir Theo sa may dibdib ko at doon ko lang na-realize na 'yong temporary ID pala ang tiningnan niya.

"This elevator is exclusive for those in high ranking positions only. Weren't you informed by the receptionist to use the left elevator?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Sir Theo. Doon lang nag-sink in sa utak ko na sinabi pala sa 'kin kanina ng receptionist na sa left daw 'yong elevator na gagamitin ko. Anak ng kabayo! Right pala 'tong pinasukan kong elevator? Nakakahiya! At si Sir Theo pa talaga nakapansin.

"Miss?"

Natauhan ako bigla nang magsalita 'yong babae. Yumuko ako nang bahagya saka sumagot agad ako. "Good morning, Sir and Ma'am. I'm sorry po. I was informed by the receptionist, but—"

"Anyways, you're hired."

Automatic na umangat ang ulo ko sa sinabi ni Sir Theo. "Po?" bulalas ko. Mukhang hindi lang ako ang nagulat. Pati rin 'yong babae sa tabi niya.

"What are you planning, Theodore?" the woman asked.

"You won't help me, right? So, I'm hiring her para siya 'yong pumalit kay Ericka para tumulong sa 'kin mamaya," saad ni Sir Theo sa babae.

Gulat pa rin ako. Pa'no niya nalamang mag-a-apply ako? Ay, tanga! May hawak pala akong folder and obvious naman sigurong narito ako upang mag-apply.

"Are you sure with that, Theodore?" panigurado ng babae. "She has not handed her resume yet, and hindi ko pa siya nai-interview," she added.

"Just leave it to me, Miss Claudine. I will conduct the interview. And I believe you will not let me pull out an employee from different departments, right?"

She heaved a sigh, giving up. "Okay, fine. But only if she's fine with it," dagdag pa niya at sabay silang napatingin sa akin na ikinalunok ko ng laway.

"Miss, please accept it. I really need your help," pakiusap ni Sir Theo.

Kahit sobrang nakasisilaw 'yong kaguwapuhan niya at nakakatunaw 'yong tingin niya sa 'kin, plus, need ko pa ang magkatrabaho, I managed to answer. "Y-yes, Sir Collins. I gladly accept it."

Sakto namang bumukas 'yong elevator.

"Well, that's good then." He beamed. Feeling ko nanalo ako sa karera ng kabayo at sa lotto. Si Theo na crush ko, ngumiti sa 'kin. Para akong biglang lumutang sa alapaap. Heaven na heaven sa feeling. Feeling ko, namula 'yong pisngi ko.

Naunang lumabas sa elevator 'yong babae. Sumunod naman kami ni Sir Theo.

"Okay. You go to your office now, Theodore. I will just brief her in my office about the things she'll do later. After that, susunod na siya sa 'yo sa office mo."

Tumango lang si Theo sa sinabi ng babae at umalis na siya.

"Let's go, Miss...?"

"Alicia Salaveria po," I told her when I felt like she was waiting for my name.

"Okay, Miss Salaveria."

A few seconds later, nasa office na niya kami. Umupo siya sa upuan niya sa harap ng desk while I was standing in front, not knowing what to do.

"By the way, I'm Claudine Ferolino," pagpakilala niya. Tumango lang ako. "Frankly speaking, I don't agree with this," she started. "Theodore is... I don't know what to call him. This is the first time na nag-hire kami ng employee na hindi dumadaan sa tamang process. 'Yong mga naging sekretarya niya before, even the last one who just resigned, dumaan sa process. So, you're lucky that he hired you to be his new secretary, Miss Salaveria."

"Secretary?!" sambit ko. Napapikit naman siya sa lakas ng boses ko. "Sorry, Miss Ferolino. Nagulat lang po ako," I apologized.

"It's okay. Just call me by my first name. Masyadong mahaba 'yong last name ko. And yes, you will be his new secretary." She smiled.

"Oh, my gosh! Seryoso po kayo, Miss Claudine?" Hindi pa rin ako makapaniwala.

She nodded. "Bakit? Ayaw mo na?"

Hindi ako agad nakasagot. Parang hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang nangyayari.

"Puwede ko bang tingnan 'yang hawak mo?"

Binigay ko agad 'yong folder saka niya tiningnan ang nando'n.

"I see. You're applying a position in Marketing Department." 

Totoo naman. May isang vacant position kasi roon sabi ni Louisse sa 'kin. Sakto namang Marketing Management 'yong major ko kaya fit ako roon.

"Don't worry. Kapag naging maayos 'yong outcome ng gagawin mo mamaya, and nakita kong okay ang trabaho mo, I will do something with your application here. So, parang dumaan ka na rin sa tamang process. 'Yon nga lang, hindi ka napunta sa position na in-apply-an mo. Instead, sa secretary ng CEO ka napadpad," mahabang paliwanag niya.

"Sige po. Gagawin ko po ang makakaya ko. I won't back out," sabi ko.

"Great! So, here are the materials that you'll need later. Read these agenda. I believe you've heard about the minutes of meeting, right?" I nodded. "'Yon ang gagawin mo mamaya. And please, do your best. Baka i-fire ka bigla ni Theodore kapag hindi mo pinag-igihan. Prove that you deserve this position. Okay?" dagdag pa niya at inabot sa 'kin 'yong mga hawak niya.

"Yes, Miss Claudine. Thank you so much for that advice," nakangiting sabi ko.

"Sige. You can go now. I'll inform Theodore na papunta ka na sa office niya."

"Sige po."

Paglabas ko ng office ni Miss Claudine, pigil akong tumili sa sobrang saya. This is it! Magkaka-work na 'ko! Finally! Secretary pa talaga ni Sir Theo! Kailangan ko lang talagang pagbutihin ang gagawin mamaya para matanggap talaga ako rito, officially. I'm sure matutuwa sina Nanay Felicia at ang best friend kong si Louisse.