Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 51 - CHAPTER 49: The Pain Lingers On

Chapter 51 - CHAPTER 49: The Pain Lingers On

CHAPTER 49: The Pain Lingers On

BLAIR WADSON

Tuluyan na akong pumasok ng pinto at isinara na 'yon. Jem is right—Evangelyn and Eyrene needed to talk. Pero hindi ko mapigilang isipin kung ano ang ibig sabihin ni Eyrene na, Evangelyn left her them there to die. Strangely enough, I wanted to know Eyrene's side of the story. Thinking about what just happened, part of me was glad that two of our classmates were able to find this place alive. At nagawa nilang makarating dito nang ligtas.

Tuluyan na ngang dumilim ang paligid at ang mga tawanan lang ng mga lalaki na nagkumpulan sa puwesto ni Ryan ang maririnig. Dumeretso kami ni Jem sa itaas at tumingin na lang sa bintana ng pasilyo.

"So," narinig kong tumikhim si Jem sa tabi ko. "Did you like the song?"

I turned to him. Nakatingin lang din siya sa akin, naghihintay ng sagot ko. I simply nodded and gave him a smile. "Yeah, that was a beautiful song…" naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. "It's actually familiar."

Nagbaba ako ng tingin.

"Talaga?" aniya na napatingin sa akin.

Tumango uli ako.

Then there was silence between us. When I turned back to him, he was gazing at the night sky. The wind gently brushed his wavy hair. Sa ganitong anggulo, nakikita ko kung gaano ka-perfect ang jawline niya. At ang matangos niyang ilong. Lumunok siya. "Stop staring at me."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. "I-I'm not…"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay nagpakawala siya ng mahinang tawa.

Kunwari ay nag-ayos na lang ako ng buhok ko para hindi ko kailangang tumingin sa kanya—to distract myself.

Bumuntong-hininga siya. "Blair," he said.

"Hmm?" sinubukan kong hilahin ang naka-ponytail kong buhok kung maayos ba ang pagkakatali niyon.

"After we get out of this mess, can you promise me one thing?" Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.

After we get out of this mess…

Hindi ko mapigilang umasa sa sinabi niya. Will we ever get out of this mess we are in? I wanted to ask back to him.

Nagkibit-balikat lang ako. "Depende sa favor," at mahinang tumawa.

He simply smiled at me, almost sadly. "Let's go to Palawan," saad niya.

Nararamdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lumipas ang ilang segundo na nakatingin lang ako sa kanya. His eyes were now looking directly at me.

Wala sa loob na tumango ako. "S-sure…"

Ipinilig ko ang ulo ko. Blair, stop thinking about other things. Niyaya ka lang sa Palawan, walang meaning iyon, pahayag ng isang bahagi ng utak ko.

"Thank you," tumikhim siya. "I should go and see Ryan and Eyrene. See how they're doing."

"Sure, good night," nakangiting sabi ko na iniwas na ang tingin.

He placed his one hand on top of my head. "Good night, Blair," aniya at naglakad na pababa ng pasilyo.

When I heard his retreating footsteps, I sighed. "Well, that was awkward," I told myself as I went inside my room. Isinara ko ang pinto at humiga sa kama. Tumitig ako sa kisame ng ilang minuto, nasa isip pa rin ang nangyari kahapon. Maru's lips against mine. Ipinilig ko ang ulo ko, pilit pinapalis ang isiping iyon. I should forget about it, just like Maru probably had. Kanina sa bonfire, hindi ko siya magawang tingnan sa mata. Not after what happened between us. No matter how much I tried to remove that memory in my head, it's stuck in there like a bubble gum.

"He's with Evangelyn, Blair," sabi ko sa sarili ko at malalim na napabuntong-hininga.

Why am I even thinking about him? He's probably out there somewhere, kissing his girlfriend. Sigurado akong nakalimutan na niya agad ang nangyari sa amin kahapon. How many girls had he kissed already? I was probably one out of the hundred plus girls he had been with.

At kay Jem naman, he's nice—iyong tipo ng lalaki na pinapangarap ng lahat ng babae. Isnabero siya dati sa room and just like his best buddy, he rarely talks to me. But now that we're in the middle of nowhere, he seems closer to me. And I feel comfortable when I'm around him. I can laugh, I can cry.

Itulog mo na lang 'yan, Blair, I said to myself as I closed my eyes.

*****

The sound of glass breaking filled my ears and then someone screamed from somewhere. Dagli akong tumayo mula sa pagkakahiga ko. How long had I been asleep? Awtomatikong inapuhap ng mga kamay ko ang ilalim ng unan para sa patalim na itinago ko roon saka lumabas na ng kuwarto, umaasang marinig muli ang boses. Where was it coming from?

Nagdesisyon akong bumaba nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa unang palapag. It made a faint sound as it softly creaked against the floor. I didn't bother looking at the time. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at mukhang wala namang nakarinig ng ingay maliban sa akin dahil walang bumaba. Humugot ako ng hangin. Sigurado akong sa back door iyon galing.

Dumeretso ako sa back door at dahan-dahang binuksan iyon. Mula sa malamlam na liwanag na ibinibigay ng buwan sa itaas, bahagya kong nakikita ang paligid. May usok pa rin na nanggagaling sa mga kumpol ng sunog na kahoy mula sa bonfire kanina. Then I heard a gurgling noise near me. Nagbaba ako ng tingin at nakitang galing iyon sa taong nakahiga sa lupa, ilang hakbang mula sa akin.

I wasn't sure if the person was saying something because I couldn't make out the words coming from out of her mouth. It came out merely as a groan. Mabilis akong lumapit sa kanya. I realized it was Eyrene vomiting dark red liquid—blood. Her position was twisted in places. Nakalagay ang isa niyang kamay sa ilalim ng kanyang likod at ang isa naman niyang paa ay tila nabali sa kabilang direksyon. I could almost see her bone under the opened wound. Sumisirit ang dugo mula roon. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I was scared to even touch her. I was afraid that I would worsen her state.

Nanlalaki ang mga mata na nakatitig lang ako sa bali-baling katawan ni Eyrene. Her eyes were moving frantically but her body didn't. Tila ba naging bato ang buo kong sistema. Gusto kong tumayo at pumasok sa loob para humingi ng tulong. Pero hindi ko magawa. Natulos ako sa kinauupuan ko.

I could hear my own heart beating rapidly by each passing second. Images of blood flashed in my vision. And it was all I could see. I didn't know what to do.

Shout, Blair! Call for help! sigaw ng boses sa utak ko.

At iyon ang ginawa ko.

"T-tulong… tulong!" tila ba natuyo ang lalamunan ko at hindi ako makasigaw. Hinanap ng mga mata ko ang mga sugat sa buo niyang katawan. At nakita ko ang isang patalim na nakabaon sa gilid ng kanyang tiyan. Blood oozed from it as she took slow, deep breaths. Mariin ko iyong tinakpan, umaasang magagawa niyong patigilin ang dugo. Pero mali ako. Patuloy na tumatagos ang dugo mula sa pagitan ng mga daliri ko. And at that moment, all I could think of was Brooke. Ganito rin ba ang ayos ng kanyang katawan nang tumalon siya mula sa itaas na palapag? Eyrene's face slowly turned into Brooke's. The same pain tore through my system. Para iyong sunod-sunod na latigo na humampas sa sistema ko. I felt hot tears continuously streaming down my cheeks.

"Tulong!" nagawa kong isigaw. I searched around me, anything. Anything that could possibly stop the bleeding. "Shh, Brooke, I'm here," I whispered.

Narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto. Hindi ko na tiningnan kung sino iyon.

"W-what happened?" si Evangelyn iyon.

Bahagya akong umatras para makita niya ang katawan na nasa harap ko. I heard her curse under her breath. Bumaling siya sa akin. "Keep pressure on the wound. Wait here."

At tumayo siya at muling pumasok.

Ilang segundo pa ang lumipas bago lumabas sina Maru at ang iba pa. Unti-unti nang nawawalan ng kulay ang balat niya. Her eyes were slowly closing. "No, Brooke! Stay awake!" I screamed at her.

Naramdaman ko ang kamay na humila sa akin palayo sa kanya. "Lumayo ka muna," ma-awtoridad na sabi sa akin ni Maru.

I did what he said. Brooke's image turned into Celaena's. At iyon lang ang tangi kong nakikita. Ang kanyang mga mata na dahan-dahang pumipikit. Her voice calling for my name, begging for help. Nagsimula akong umiyak.

"C-Celaena…" I whispered, sobbing. "No, no, no… oh my God…"

May naramdaman akong pumulupot na braso sa akin. Hinayaan ko iyon. Pumaloob ako sa init na hatid niyon. But that warmth couldn't take away the image of Celaena and Brooke inside my head. Just like that I was back to that same dark place I thought I escaped from. The pain lingered and I let it. Bumalik ang lahat. Ang akala ko ay nagawa ko nang makalaya sa sakit, pero mali ako. Nanatili ang sakit sa sistema ko, hiding and patiently waiting for the right time to be back. And now was the perfect time to be back.

"Shh… she's not Celaena, Blair. She's not Celaena, okay?" I heard Jem's voice. "You're safe now…"