Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 53 - CHAPTER 51: After A Long Time

Chapter 53 - CHAPTER 51: After A Long Time

CHAPTER 51: After A Long Time

BLAIR WADSON

I wasn't able to keep track of time and how many days had passed since we first got here. But what I do know is that, we've been here for quite a long time now.

As the days passed by before us, ang mga bagay na kinakain namin ay mga prutas na nakukuha nila Maru sa kagubatan at madalas ay natutulog kami ng walang laman ang tiyan.

A lot had changed since the accident happened.

After the day Eyrene was buried in the ground, we all silently decided to bury what really happened that night with her. Ang sabi ni Maru, wala raw sa aming makakagawa noon. And that we should learn to trust each other now that we need ourselves the most. Ang sinabi na lang niya ay baka isa iyon sa mga taong naka-roba. Walang nakakaalam. I didn't argue anymore. I just didn't have the energy to do so.

Unti-unti na ring nawawala ang pag-asang may magliligtas sa amin dito. At maraming linggo na ring hindi nagpaparamdam ang mga nilalang na naka-cloak. Wala na rin kaming mga kaklase na dumating pa. Sina Ryan at Eyrene na ang naging huli.

Sinubukan ni Maru at ng iba pa na gumawa ng paraan kung paano makalabas mula rito sa impyernong ito. Pero ang mapang ginawa ni Kaleon ay halos wala pa sa kalahati. Isang bagay lang ang hindi namin mapigilang isipin: maybe there's no way out. Maybe we were all trapped here for a reason.

It still felt the same to me, though. I was still hoping that Celaena's still alive. That she was out here somewhere in this forest.

Ang iba naming mga kaklase ay mukhang naka-move on na sa aksidente. At tila ba tanging ako na lang ang hindi pa. They all managed to adapt to the situation we are in. I was kind of thinking that maybe they'd already given up. But not me. Alam kong hinihintay pa ako nila Mama at Noah sa isla ng Ellis. Alam kong hindi sila nawawalan ng pag-asa na buhay pa ako, kaya bakit ako mawawalan ng pag-asa?

"Blair," naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko iyon. I turned to see who it was—Kaleon. "Nandito ka pala. Kanina ko pa kayo hinahanap ni Jem."

"Ah, gano'n ba. Ako kasi ang nakatoka sa pagbabantay dito sa itaas," paliwanag ko.

Nagprisinta kasi akong magbantay dito sa fourth floor kung may kakaibang nangyayari sa kagubatan. I was alone here for hours now at palubog na ang araw. What happened between Jem and I, sinusubukan ko nang kalimutan iyon. He's my friend. And I have no vacant space in my head for what he's asking for. That can wait. Or maybe if we're in a different situation, baka maiba ang pananaw ko. But I was hurt with what he did. Iyon ang parte na hinding-hindi ko makakalimutan. I felt like a garbage that night as I tried to sleep.

Bumuntong-hininga siya. "I still couldn't believe we've managed to survive here, you know," aniya. Pumuwesto siya sa tabi ko. "Ano na kaya ang nangyayari sa Ellis? Maybe our family has already accepted that we're all dead."

It was possible. Halos isang buwan na kaming hindi roon nagpapakita. Pero bakit hindi nila kami natagpuan dito? O baka hindi sila nagpalabas ng rescue team at itinalaga na lang kaming patay na? Hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang mga salitang namutawi sa labi ni Mrs Chua. Her warning. Alam kong hindi iyong aksidente ang tinutukoy niya. There had to be something else. Something worse than this.

Hindi ko mapigilang isipin na baka parte sila nito. Pero bakit nila ito ginagawa sa amin? Ang iwan kami rito sa ganitong lugar kung saan hindi namin tiyak ang kaligtasan. At ang mga nilalang na pilit na tumutugis sa amin—ano ang rason kung bakit sila narito? Bakit nila kami pinapatay isa-isa?

Ipinilig ko ang ulo ko at bumaling kay Kaleon. "Or maybe they don't. Wala silang katawang maipapakita sa mga pamilya natin kung sakali man, Kaleon. Kaya alam kong umaasa pa silang buhay pa tayo," ibinalik ko ang tingin ko sa labas kung saan ang tanging nakikita ko lang ay ang mga ulo ng malalago ang dahon na puno. "At ang dapat nating gawin ay gumawa ng paraan para makaalis dito."

Tumango-tango siya. "Pero hindi ko mapigilang mawalan na ng pag-asa. Maybe this will be our life now, Blair."

"Don't say that. Papayag ka ba na dito ka na lang pang-habang buhay?"

He chuckled. "Are you joking? Of course not. But thinking about it, it's not so bad to live here, right?"

"We shouldn't stay here, Kal. We need to find answers. At isa pa, this is not our home. Hindi tayo ligtas dito," I said, scanning each of the trees for any strange movement. "Kumusta ka? We haven't talked ever since…"

I couldn't bring myself to say Brooke's death. I just couldn't. Maaaring may parte pa rin ng sarili ko ang hindi matanggap ang kanyang kamatayan. At maaaring natatakot ako na baka kapag sinabi ko iyon, magiging pinal na ang kanyang pagkawala. Brooke had left a hole inside me—a space where no one could ever replace.

Nang bumaling ako kay Kaleon, puno ng lungkot ang kanyang mga mata. Pareho kami ng nararamdaman, sigurado ako roon. But I was quite glad that Brooke got to be with a guy like Kaleon—he seemed so gentle, yet so manly. "I'm holding up," aniya at tumango-tango pa. "Pero hanggang ngayon, siyempre, masakit pa rin. Sobrang sakit. You know that kind of feeling where you could have been there for her? Where if you had only known she was planning to… k-kill herself, you would have stopped her and… and you know, just hug the pain away from her, if it's possible."

Pilit siyang ngumiti sa akin. I feel the same thing he's feeling.

"But I know she's in a better place now," pahayag niya.

I gently patted him on his shoulder. "Yeah, she is," sabi ko at ibinalik ang tingin sa kagubatan.

Lumipas ang ilang minuto na nanatili lang kami roong nakatayo, kontento sa presensya ng isa't-isa, sa katahimikang namayani sa pagitan namin.

"Hey, can I show you something? Pero ipangako mong mananatili lang ito sa ating dalawa," sabi ko.

Napakunot-noo siya. "Sure. Ano iyon?"

Huminga ako nang malalim bago ko iyon kinuha sa bulsa ko. Inilahad ko iyon sa harap niya—ang badge na ibinigay ni Mrs Chua sa akin noong araw ng pag-alis namin sa Ellis High.

Makinang pa rin iyon sa ilalim ng sikat ng papalubog nang araw. Simula noong araw na nakuha ko iyon, sinigurado kong palagi iyong nasa bulsa ko. Hindi ko iyon iniiwan kahit na sa loob ng kuwarto ko. I didn't know why but it felt important in some way. The shape of an eye with a point in the middle was encircled by a thick line of steel. Makapal ang uri ng metal na ginamit doon.

"What's that?" mas lumalim ang kunot sa noo na tanong niya. "Can I touch it?"

Tumango ako sa kanya. Dahan-dahan niya iyong kinuha na para bang isa iyong babasaging bagay na sa kaunting hawak lang ay mababasag agad. Inilapit niya ang mukha roon, maiging inoobserbahan iyon. Hinintay ko kung ano ang sasabihin niya.

"Saan mo ito nakuha?" after a few minutes, he finally asked. "It's made of high-class steel. Pero nakapagtatakang ginamit ang ganitong klase ng bakal para lang sa isang badge."

"Mrs Chua gave me that when she warned me about what was about to come. Remember what I told you back there at the river?" sabi ko. Mukhang naiintindihan naman niya ang tinutukoy ko. Sila lang dalawa ni Jem ang nakakaalam ng tungkol doon at wala pa akong balak na sabihin iyon sa kahit na sino habang wala pa akong kasiguruhan.

"You mean, after she said that strange warning to you…" he repeated. Maingat niya iyong ibinalik sa kamay ko at sandaling nag-isip. "Strange thing to say, pero paano kung ang badge na iyan ay may kahulugan at may kinalaman sa dahilan kung bakit tayo nandito ngayon?"

Kaleon was right. There had to be a connection between this and this hell we are in right now. At biglang pumasok sa isip ko ang katulad nitong badge na nakaukit sa roba ng mga lalaking nasa chapel bago ang araw ng Retreat namin at ang mga salitang sinabi ng pari bago siya palitan ni Mrs Chua sa stage.

Mukhang napansin niya ang ekspresyon sa mukha ko. "This will sound crazy, pero naroon ka noong araw ng mass, hindi ba?"

He nodded, eagerly. "Oo, ano'ng meron doon?"

"Nakita mo ba iyong mga lalaking nasa tabi ng pari? Iyong mga naka-robang itim na may balabal?"

Muli siyang tumango. Nagpatuloy ako. "I saw the same eye on their robes. Naka-marka iyon sa kanilang damit,"

"Dapat natin itong sabihin kay Maru, Blair," aniya, hinihintay ang sagot ko. "Hindi lang dapat tayong tatlo nila Jem ang nakakaalam nito. I mean, we won't be able to solve this thing on our own."

Bahagya akong umiling. "No, not yet, Kaleon. Kailangan muna nating alamin ang koneksyon nito bago natin sabihin sa kanila. This will just stir up a panic."

Hinawakan niya ang kamay ko. "They have the right to know. Kailangan nating sabihin sa kanila. We shouldn't leave them in the shadows. We could use their ideas and suggestions about this thing."

May punto si Kaleon. Malaki nga ang matutulong nila. Tumango ako sa kanya. Sabay kaming bumaba. Siya ang nagtawag ng atensyon ng lahat. Ang ilan sa amin na nasa kani-kanilang kuwarto ay bumaba sa unang palapag.

Nang makita ni Kaleon na naroon na ang lahat, sinimulan niya nang ibahagi ang lahat ng detalye sa kanila. Sinimulan niya sa narinig ko sa faculty room hanggang sa pagpasok ni Mrs Chua sa silid namin noong gabi ng Retreat para kausapin ako. At ang protesta, na hindi ko inakalang napansin niya rin pala.

They were all shocked to know all the information at once. Nagbahagi ang ilan ng kanilang mga opinion ukol dito.

I was about to walk back upstairs to continue my watch on the fourth floor when someone grabbed my hand. Nang lumingon ako, nakita kong si Jem iyon.

"I know you've been avoiding me, Blair. But I need to talk to you," aniya, nagmamakaawa ang mga mata niya.

Matalim ko siyang tiningnan. "So talk," simpleng sagot ko at marahas na inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Right here?" he asked.

"Right here, Jem," sagot ko.

Marahas siyang napabuga ng hangin. "I know na dapat nag-sorry na ako sa 'yo right after the night I kissed you—"

Mabilis kong pinutol ang sasabihin pa sana niya. "It never happened, Jem. Nakalimutan ko na 'yon kaya kalimutan mo na rin."

And with that, I turned my back to him and continued walking up the stairs. I heard his footsteps following me. Pero nagpatuloy ako sa paglalakad sa hadgan. Hindi ko ipapakita sa kanya na nasaktan ako sa ginawa niya.

"Blair, I'm sorry," ani Jem na nasa likod ko pa rin.

Hindi ko siya nilingon. "Jem, please. We don't have time for this. Kalimutan na natin ang nangyari. Hindi ko kailangan ang sorry mo. It shouldn't have happened in the first place," sabi ko. "It was a huge mistake."

Narating na namin ang pang-apat na palapag nang pigilan niya ulit ako. "It wasn't a mistake for me."

Noon ako napalingon sa kanya. Marahas akong napabuga ng hangin. "You're a jerk, you know? A selfish bastard. Let me remind you, Jem," I started walking towards him. "I'm not a puppet that you can just play around with. May pakiramdam ako."

Natutop niya ang kanyang ulo, na tila ba nahihirapan siya. "Blair, please let me explain—"

"Jem, ano pa ba? Wala tayong oras para sa mga ganitong bagay. May mga mas mahalaga pang bagay kaysa dito," hindi ko napigilang sumigaw na.

Tinawid niya ang distansya namin sa isa't isa. He took my hand and gently squeezed it. Nagsimula nang uminit ang gilid ng mga mata ko, nagbabadya ang pagbuhos ng mga luha. Pinigilan ko iyon. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap niya.

The emotions I was feeling were slowly drowning me, killing me.

He looked me in the eyes. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Please, Blair," he whispered.

I bit my lower lip. Tinggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napapagod na umiling lang ako sa kanya at dumeretso na sa bintana.

"Leave me alone, Jem," anas ko.

For a moment, I felt everything stopped before me. Na parang tumigil ang oras. Tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagpintig ng puso ko, na parang gustong kumawala roon. I shouldn't be feeling this way, this was not right.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Hinayaan ko ang patuloy na pag-alpas ng mga luha pababa sa pisngi ko.

After a few minutes, I heard his retreating footsteps. Napakapit ako sa windowsill para alalayan ang sarili ko.

I made the right decision, didn't I?