CHAPTER 57: The Road
BLAIR WADSON
The next thing I knew, Maru jumped and thrown himself over me, as if shielding me from the predators that was about to tear me apart. Naramdaman ko ang pamilyar na init niya nang bumagsak siya sa akin. Nagtatakang tiningnan ko siya. He said something but I couldn't exactly make out the words through the loud sound of rain around us.
Umiling ako sa kanya, sinensyasan siyang dapat hindi niya iyon ginawa. In a matter of seconds, everything happened before my eyes. Unti-unting luminaw ang sinisigaw ni Maru sa akin. "RUN, BLAIR! RUN!" he continued to shout at the top of his lungs.
Saka rumehistro sa utak ko ang ibig niyang sabihin. He was telling me to run. But that would mean I'd be leaving him here, to be torn apart by these hungry predators into tiny piece, I realized.
Marahas kong ipinilig ang ulo ko. Hindi, hindi ko hahayaang maiwan siya rito. Dalawa na kami ngayon. We could fight, I told myself.
I quickly looked around me, there were rocks near us. Mabilis akong gumapang papunta sa kumpol ng mga bato. Kumuha ako ng isa at ibinato iyon sa grupo ng mga lobo. I heard them moan in pain but I knew it wouldn't be enough. Kakailanganin ko nang mas malaki pang bato. Through the fog, I could almost see them stepped backwards a little. Muli kong inikot ang paningin sa paligid ko nang marinig ko ang impit na sigaw ni Maru.
Dagli kong kinuha ang kumpol ng mga bato at puno ng lakas na ibinato iyon sa gawi ng mga lobo. Nakita ko na ang isa sa mga lobo ay naglakas-loob na talunin si Maru at kagatin sa braso. Blood started oozing from his arm. I crawled my way towards him when I saw the wolf who bit him backed away, but the rest of them stayed on their spot, waiting.
Pigil ang pag-ungol ni Maru habang hawak-hawak kanyang kaliwang braso na may sugat. I couldn't bear seeing him in so much pain when I knew it was because he saved me.
"Keep pressure on the wound," sabi ko. Pumunit ako ng kapirasong tela sa shirt kong basa at maingat na itinali iyon sa ibabaw ng sugat sa braso niya. It was a temporary way to keep the blood from coming out.
Tinulungan ko siyang tumayo pero hindi ko inaalis ang mga mata ko sa mga lobong malapit pa rin sa aming puwesto. They continued to growl, waiting for their right chance to jump on us.
"HELP!" I cried out. Kahit na alam kong hopeless na iyon, kailangan kong subukan. I had to at least try.
Iika-ikang inalalayan ko siyang makatayo nang maayos. Then I heard footsteps coming towards us. Si Jem at Ryan iyon. Dahan-dahan silang lumapit sa amin nang makita ang mga nag-aabang na lobo di-kalayuan sa puwesto namin.
"Oh, fuck, ang akala namin nasa likod lang namin kayo," ani Ryan.
Mukhang napansin ni Jem ang problema sa paa ko kaya kinuha niya si Maru sa akin. "Can you walk?" tanong niya kay Maru.
Tumango naman siya. Inalalayan ako ni Jem at pinakapit ako sa balikat niya.
"Paano natin sila mapapalayo?" tanong ni Ryan na nakatingin pa rin sa mga nilalang.
"W-we could distract them," suhestiyon ko.
Naramdaman ko ang matinding pagbaba ng temperatura ng paligid namin. Muling kumulog ang langit na nagpalakas ng buhos ng ulan.
"Get Maru's blood-soaked shirt and throw it away," I continued. Tama, maaring maging distraction iyon sa mga lobo dahil puno ng dugo ang shirt ni Maru. That could buy us sometime to run. Tumalima naman si Ryan at tinulungan si Maru na hubarin ang shirt.
Ryan slowly made one step towards the group of wolves. Puno ng lakas na tinapon niya ang shirt ni Maru palayo sa puwesto namin. Mabilis namang tumakbo ang mga lobo papunta sa direksyon na pinagtapunan ni Ryan.
"Run!" he screamed.
Umupo si Jem sa harap ko. "Sumakay ka sa likod ko, para makatakbo tayo nang mabilis," aniya.
Hindi na ako nakipag-argumento sa kanya at sinampa ko ang aking sarili sa likuran niya. Walang hirap na tumayo siya at nagsimula na kaming tumakbo. Si Ryan ang nasa likod namin na panaka-nakang tumitingin sa likod.
Behind us, the pack of wolves howled.
***
I'd lost the track of time as we ran through the forest, following the same path. Nakasunod sa amin sina Maru at Ryan. Sa tingin ko ay hindi na kami sinundan pa ng mga asong lobo dahil wala na akong marinig na ibang yabag maliban na lang sa pagtalsik ng matubig na lupa na tinatahak namin. Unti-unti nang tumitigil ang ulan.
"Where's Evangelyn?" narinig kong tanong ni Ryan.
Hindi ako sumagot kahit na gusto kong sabihin sa kanila ang ginawa ni Evangelyn sa akin. I will handle that bitch once I see her, I told myself.
"Hindi ko siya nakita," si Jem ang sumagot.
Walang imik si Maru habang patuloy pa rin kaming tumatakbo, nakahawak siya sa kanyang braso.
Nakapasan pa rin ako sa likod ni Jem. Hindi ko siya nakikitaan man lang ng pagod na para bang hindi niya ako buhat-buhat. I couldn't help but feel thankful to him when he offered to carry me. Para din siguro mapabilis ang paglisan namin sa lugar na iyon.
I turned to Maru. He saved my life. I should thank him later kapag nakarating na kami sa ligtas na lugar. Gulo na ang basa niyang buhok at may bahagyang kunot ang noo niya na parang nasasaktan pa rin dahil sa kagat ng asong-lobo sa kanyang braso. I felt sorry for him. Why did he save me? Even after what I said to him the other day, naitanong ko sa sarili ko. Maybe you seemed pitiful to him, lying on the ground, helpless and about to be torn apat by tho vicious creatures, sagot naman ng isang bahagi ng utak ko.
When he looked up to glance at me, I quickly averted my eyes from him. Itinuon ko ang atensyon ko sa daang tinatahak namin. Napansin kong panipis nan nang panipis ang nagkalat na puno banda sa parte ng gubat na ito. Tuluyan na ring tumigil ang ulan at panaka-nakang kulog na lang mula sa langit ang maririnig.
"I think we lost them na," ani Ryan sa likod namin. "Maru, are you okay?"
Naramdaman ko ang pagtigil ni Jem sa pagtakbo at ganoon din ang ginawa nila Ryan. Namumutla na ang kulay ng balat ni Maru nang tingnan ko siya. He's losing a lot of blood, I wanted to say.
"Jem, kaya ko nang maglakad," nakangiting saad ko kay Jem. Maingat niya akong ibinaba mula sa kanyang likod. "Thank you."
Tumango lang siya. I turned to Maru. Kinuha ko ang kaliwa niyang braso at tinanggal sa pagkakatali ang tela na nakatapal doon. The bite was still fresh and blood wouldn't stop from trickling down his arms. Nakagat ko ang ibaba kong labi.
"I think kailangan nating bumalik sa warehouse," sabi ko sa kanila.
Mariing umiling si Maru. "No, kaya ko pa naman. Let's just continue running," aniya at inalis ang kamay ko sa braso niya. Muli niyang itinali ang tela roon.
"You're losing too much blood, Maru," pagpupumilit ko. "Kaya kailangan nating bumalik—"
Maru quickly cut me off. Frustration was evident on his face when he turned to me. "Why do you care, Blair?" asik niya sa akin. Napatigil ako roon sa sinabi niya. "Ayoko maging pabigat. Kapag sinabi kong okay lang ako, okay lang ako!" he shouted, his eyes burning with rage.
I was about to say something when Jem gently squeezed my arm. "I'll handle this, Blair," aniya "Magpahinga muna kayo ni Ryan." And he walked towards Maru.
They both started talking then, leaving us two to find somewhere to sit. Did I do something wrong? I wanted to ask but thought better of it.
Mukhang nabasa ni Ryan ang nasa isip ko. "Maybe he's just too frustrated, Blair. Lilipas din 'yang nararamdaman niya ngayon," aniya na sumandal sa katawan ng puno.
Umupo ako sa malaking ugat ng puno katapat ng inupuan ni Ryan. "Siguro nga," tugon ko. "Can I ask you a question, Ryan?"
Tumango siya sa akin. "Sure, what's that?"
Tumikhim muna ako bago nagsalita. I wanted to ask him how he and Eyrene found each other. "Paano kayo nagkatagpo ni Eyrene? I mean, sabay ba kayong lumabas ng bus pagkatapos ng aksidente?"
It was just for a split second that his expression was strange. Na parang nagulat siya sa tanong ko… o natakot? Hindi ko alam kung ano ang nakita ko na ekspresyon sa kanyang mukha nang itanong ko iyon. Mabilis niyang iniwas ang tingin niya sa akin at tumingin sa lupa nang sumagot. "A-ah, oo, sabay kaming lumabas ng bus ni Eyrene," sagot niya. Pinaglaruan niya ang maliliit na bato na nasa tabi ng inuupuan niyang puno.
Pero iba ang kuwento ni Evangelyn sa amin ni Celaena. Sa pagkakatanda ko, kasabay ni Evangelyn si Eyrene at ang iba pa niyang minions na lumabas ng bus. At nahiwalay raw si Eyrene sa kanya nang tumatakbo silang dalawa. Maybe I shouldn't have believed what Evangelyn said, the bitch is a traitor, I told myself. Baka naman nagsasabi talaga ng totoo itong si Ryan at si Evangelyn ang nagsinungaling.
I nodded my head at him. "Ah, gano'n ba," sabi ko na lang. "Have you seen the men in black cloaks?"
Natigil si Ryan sa paghagis ng maliliit na bato at napalunok. He was about to open his mouth when Jem came to us. "Let's go?" aniya at tinulungan akong tumayo mula sa ugat ng puno.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Ryan. Something was strange about him. Pero hindi ko maunawaan kung ano iyon. Pinalis ko ang isiping iyon at sumabay na sa paglalakad nila Jem na nasa unahan ko.
*****
We didn't risk calling out Evangelyn's name. Natatakot pa rin kami na baka nasa malapit pa rin ang mga asong lobo o makatawag kami ng pansin ng ibang nilalang. Ayon kay Jem, nagpumilit si Maru na magpatuloy sa paglalakad at sa paghahanap kay Evangelyn. Ayaw niya raw na bumalik pa sa warehouse dahil lang sa sugat niya. He insisted that he's fine and as long as he could walk, he wouldn't be a burden to us.
Nag-aalala pa rin kami para sa kanya. Malaki ang posibilidad na magpass-out siya dahil sa kawalan ng maraming dugo. I silently prayed we would get what we came out here for—food, shelter or anything else. Just anything that could help us survive and something that we could bring back to our other classmates. Ayokong mawala lang sa lahat ang ipinunta namin dito sa labas ng kagubatan. Naiintindihan ko ang punto ni Maru. Ayaw niya nang magsayang pa ng oras.
Kakasikat pa lang muli ng araw sa langit at palubog na agad iyon. Malapit nang maghapon, napansin ko.
Pilit kong winawaksi sa isip ko ang reaksyon sa mukha ni Ryan kanina pero hindi ko magawa. Nagpahuli siya sa paglalakad at napansin ko ang minu-minuto niyang paglingon sa paligid namin. I wouldn't blame him, though. We weren't safe here. Walang garantiya na hindi kami mamamatay sa kasukalan nitong gubat. At isa pa, malapit nang sumapit ang gabi. And who knew what the night could bring to a group of teenagers in a dark forest with only knives to protect themselves.
"What the fuck—" narinig kong mura ni Jem.
Nang tumigil siya sa paglalakad, napatigil din ako. I lifted my head to look at what was in front of us. Natutop ko ang aking bibig sa nakita. Sa likod ng makakapal na damo, isa iyong kalsada. Malapad na kalsada. It was a road… pinaulit-ulit ko iyon sa aking utak, hindi makapaniwala.
Napabuga ako nang hangin. "Oh my, God," bulalas ko.
"It's a road! A fucking road!" natutuwang sabi ni Maru.
Natatawang tumango-tango si Jem, his expression the same as mine.
"Sa tingin ko, narating na natin ang dulo nitong gubat," saad ni Jem, malawak na nakangiti.
I nodded my head at him. "Yeah, I-I think so," hindi ko mapigilang mapangiti.
"Group hug!" sabi ni Jem. He pulled us all into a tight hug.
We were laughing because we couldn't contain the happiness we're feeling at that moment. If this was a normal day, magmumukha kaming tanga. But this was not one of those days.
I found myself beginning to hope again. This could lead us to something.