Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 61 - CHAPTER 59: Night Has A Thousand Eyes

Chapter 61 - CHAPTER 59: Night Has A Thousand Eyes

CHAPTER 59: Night Has A Thousand Eyes

BLAIR WADSON

"Someone finally answered our prayers," Ryan said.

Natatawang umiling-iling si Maru. "I can't believe it. I thought that this land was covered with forest at wala iyong katapusan," aniya. "I guess I was wrong."

Hope hurts, Blair, I reminded myself. Pero hindi ko pinigilan ang sarili kong umasa—umasa na baka may magandang naghihintay sa amin sa dulo ng malapad na kalsadang ito, na baka may malaking posibilidad na makaalis na kami rito sa lugar na ito. I smiled at the thought. Ah, wishful thinking…

"Ano pa ang hinihintay natin?" Maru asked us.

"Let's go," ani Ryan.

Nagpatiuna silang dalawa ni Maru. When I finally stepped on the side of the road, tears started trickling down my cheeks. Kagaya nila, hindi rin ako makapaniwala. Finally, something came to give us hope. Na hindi pa ito ang katapusan namin. Na may pag-asa pa kaming makaalis dito.

Mabilis kong pinunasan ang basa kong pisngi gamit ang likod ng kamay ko. Sinimulan na naming tahakin ang daan. I knew that maybe it would take us hours before we reached the end of this road or maybe even a day. But we didn't care. As long as we reach the end of this.

Tumatalon-talon si Ryan at Maru sa gitna ng daan na parang mga bata at naghihiyawan pa. Natatawang pinanood lang namin ni Jem ang dalawa. Out of habit, I looked behind us—I thought of the possibility that some car might came speeding down this road. But only the empty road stared back at me. Napagdesisyunan naming lumakad pa-kaliwa.

Noong bata ako, kapag nakakakita ako nang daan, I would always imagine that road would take me anywhere I dreamt of going. As long as I move onward. At iyon ang ginawa namin. We started walking forward.

At kung wala daw magandang mangyayari sa kaliwa, pwede naman daw naming subukan ang kanang bahagi ng daan, ayon kay Jem.

Malapit nang maggabi sa tingin ko. Ilang oras na lang siguro ay tuluyan nang lulubog ang araw at papalitan na iyon ng buwan at mga bituin. Kulay kahel ang binibigay na liwanag ng papalubog na araw. Kahit na maliwanag pa ang paligid, hindi namin matanaw ang dulo ng daang ito.

But we continued walking, not knowing what's waiting for us at the end of this road.

*****

Hindi ko na nagawang bilangin kung gaano na kami katagal na naglalakad. It was already night. Tuluyan nang lumubog ang araw at napalitan na ng buwan. Darkness covered the trees on our sides but there was a faint light coming from the moon above us. Bahagya niyong naiilawan ang daan na tinatahak namin.

We knew that walking down this road was also risking to be seen by unknown creatures. Madali kami mamamataan dito nang kahit na sino. But again, kailan ba kami naging ligtas? It was worth risking.

"Maybe Evangelyn had already found this road," ani Ryan.

"Yeah, that's a possibility. Maybe she's waiting for us at the end of this road," komento ni Jem.

Walang imik si Maru na nagpatuloy pa rin sa paglakad.

Lumipas ang ilang minuto. Napapagod na napabuga ng hangin si Ryan. "Gaano ba kahaba itong daan na 'to?" he asked aloud. Nag-echo ang boses niya.

"No one knows," tugon ni Maru. "That's what we are trying to find out, Ry."

Nasa unahan namin sila ni Jem, na tahimik lang na naglalakad sa kanan ko. Napansin kong kanina pa siya hindi umiimik.

"Hey, are you okay?" untag ko.

Ilang segundo bago siya nagtaas ng tingin. "Ha?" tila wala siyang ideya sa tinanong ko sa kanya.

"Okay ka lang ba kako," natatawang saad ko.

He smiled. "Ah, oo naman. I'm good," aniya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "I'm just scared, that's all."

"Aren't we all scared?" sabi ko.

Malalim siyang bumuntong-hininga at tumingin sa langit. "I just hope na may kapupuntahan 'tong paglalakad natin dito," sagot ni Jem. "I'm tired of hoping na kasi, eh."

I get him. Ganoon din ang nararamdaman ko. Hope hurts, I remembered.

I touched his shoulder. "Alam mo, wala namang masamang umasa. Ang masama ay 'yong hindi ka na umaasa. Na parang na-give up ka na sa mundo," sabi ko. "It's as if you already gave up on the possibility of being rescued and getting out of here."

Maliit siyang ngumiti nang bumaling sa akin. "Tama ka," aniya.

"'Yon na lang ang meron tayo, Jem. Ang umasa sa maraming posibilidad. Without it, I don't I will last a day."

"Great advice, Miss President," nakangiti pa ring sabi niya.

Hinampas ko siya sa braso. "Don't call me that," sabi ko.

Lumipas ang ilang minuto at nakita naming natigil sa paglalakad si Maru at Ryan. They just stood there, staring at something ahead of us. Nagtatakang napabaling kami ni Jem sa isa't isa at mabilis na sumunod sa kanila.

Ahead of us was a city. May ilang ilaw na nagmumula roon. I could see tall buildings from our spot. Doon nagtatapos ang daang tinatahak namin. Sa tantiya ko, medyo malapit na iyon sa puwesto namin. Excitement took over me. This is it, I told myself. This is it…

"Ang mahuli may tae sa pwet," sabi ni Maru at nauna nang tumakbo.

Humagalpak ng tawa si Jem na nasa tabi ko. Mabilis namang sumunod si Ryan. Muli kaming nagtinginan ni Jem.

"Ang mahuli may tae sa pwet," sabay naming sabi at tumakbo na rin.

Hindi ko mapigilan ang tawa na lumabas sa bibig ko. And suddenly, we were back to being kids again.

*****

We entered arc with the sign that said, "Welcome to Cornelia City!"

I touched the stone. Magaspang iyon at may ilang bitak din akong nakita sa iba't ibang parte ng arko. Sigurado akong matagal nang hindi ito nalilinisan. Halos burado na rin ang nakapinta na welcome sign sa itaas na bahagi ng arko. There were plastic bags, paper bags everywhere we looked. The city looked like it hadn't been used by people for many years. Kulay itim din ang marahang hangin na sumalubong sa amin. Nagkalat ang tila kulay uling na alikabok sa daanan. Ang mga tinanim na halaman sa tabing daan ay lanta at tuyot na ang lupang nasa paso.

Naiiling na pinasadahan ko ng tingin ang mga store nang malagpasan namin ang arko. Mula sa puwesto ko, nakikita ko kung gaano kalabo ang mga salaming pader na para bang matagal na iyong hindi napunasan. I couldn't see what was inside the store. Lumapit ako sa unang gusaling nakita ko. Isa iyong pet shop ayon sa karatulang nasa itaas ng pinto. When I opened the door, something clinked above the door. Nang itaas ko ang tingin ko, isa iyong laruang parrot na may bell sa baba niyon. Nakasabit iyon sa pinakataas na bahagi ng door frame. Pinasadahan ko ng tingin ang loob ng pet shop. Empty cages were scattered on the floor. Namayani ang amoy ng tuyong dahon sa loob. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling.

Ang nakaagaw ng pansin ko ay ang laruang aso na nakapatong sa estante. It was a Pomeranian dog. Nakalabas ang dila nito at bahagyang nakatagilid ang ulo. I remembered Noah, my little brother. The toy reminded me of my little brother and the dog he had. Binili iyon ni Papa kay Noah dahil birthday niya nang araw na iyon. I could still imagine my brother's smiling face as he hugged the small dog. Naramdaman ko ang pagbagsak ng isang luha pababa sa pisngi ko. Mabilis kong pinalis iyon. Huminga ako nang malalim at nilagay sa bulsa ang laruang aso. I thought I'd keep it para kapag nakaalis na kami sa lugar na ito, ibibigay ko ito kay Noah.

Kumusta na kaya sila ni Mama? Were they doing okay without me? I wanted to ask. Naihiling ko na lang na sana ay ayos lang sila. I wondered if they thought I was dead.

When I turned around, Ryan was standing in the doorway. He was leaning on the door frame, looking at me. Napakunot ang noo ko. Was he there the whole time?

Binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti. "Maru said we shouldn't go somewhere alone. Masyado raw delikado," aniya at tumalikod na.

Huminga ako nang malalim bago tuluyan nang lumabas ng pet shop. But before I closed the door, I took one last glance at the inside. Natanong ko sa sarili ko kung nasaan na kaya ang may-ari nito? At bakit parang matagal nang abandonado ang siyudad na ito? I shook my head and followed Ryan outside.

Nauna sila sa paglalakad. Tinatahak namin ang mainroad ng siyudad—na kadugtong ng daan na nilakaran namin papunta rito. Kahit na madilim ang paligid, bahagyang malinaw ang paligid namin.

Maaaring bayan itong napuntahan namin. At isa pa, hindi pamilyar sa akin ang "Cornelia City." I had never heard of it before. I guess I should ask the others if they're familiar with the city name.

"There should be a hospital or clinic here somewhere," narinig kong sabi ni Jem. "You're lost a lot of blood already. Kailangan nang matahi 'yan." Si Maru ang kausap niya.

"I feel fine," ani Maru.

Hindi kalayuan sa puwesto namin, may malaking karatula sa harap ng isang shop. Tinungo namin iyon at nang makalapit doon, nakita kong mapa iyon ng siyudad. Nakalista roon ang iba't ibang parte ng siyudad—ang paaralan, parke, mga tindahan at hospital.

Nakaturo ang kamay ni Jem sa parte ng hospital. "Saan kaya natin ito mahahanap?"

Nagkibit-balikat si Ryan. "I think it's this way," he pointed at the right road.

"We should hold our knives just for safety," ani Maru na inilabas na ang patalim niya at hinawakan iyon. "Blair, stay behind us."

Bumaling ako sa kanya. "I can protect myself," asik ko.

"Stay behind us. It's not a question," madiin ang pagkakasabi niya niyon.

I was about to say something but thought better of it. Ang ekspresyon sa mukha niya ay sapat na para sabihing hindi siya makikipag-argumento sa akin. I stayed behind them as we headed towards the right side of the city.

Even from the faint light, I could see the buildings were in ruins. Shards of glass were scattered on the road. Bumalot ang takot sa sistema ko. Bakit wala ritong nakatira? Was the city abandoned purposely?

Nang magsimula kaming maglakad, noon ko naamoy ang masangsang na amoy. Natutop ko ang bibig ko nang mapadako ang tingin ko ilang hakbang mula sa puwesto namin. It looked like a pile of garbage. Baka doon nangagaling ang mabahong amoy. Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang likod ng aking kamay. We decided to come near it to see what was inside of it.

Hindi ko napigilan ang pagsuka ko sa bumungad sa amin. Mali ako. It was a pile of dead, rotting bodies. Nakasalansan ang kanilang mga katawan sa hugis ng isang pyramid. May mga langaw at maggots na nagkalat sa kanilang mga katawan. Nang umatras ako, natumba ako sa aspalto.

When I tried to get up, I felt my hand touched something slimy. Tiningnan ko ang daliri ko at may bahid na iyon ng sariwang dugo. I realized I touched a body lying on the ground. I almost screamed at the sight. Nakamulat ang katawan ng babae, ang isang mata ay wala na. Her hands were tied behind her back. May mga bulate rin na naglalabas masok sa kanyang nakabukang bibig.

What happened here? Bakit napakaraming katawan ang namatay? They seemed like they were students. Nakasuot din sila ng parehong uniporme na suot namin. They were brutally killed just by looking at them. What kind of monster did this?

The kind of monster who wants to silence everyone who gets in its way, sagot ng isang parte ng utak ko.

Tinulungan akong tumayo ni Jem, na noo'y nasa likuran ko na pala.

"We should go," aniya.

*****

We found ourselves in front of a looming building. Nakalagay sa karatulang nasa gilid ng gusali ay "Cornelia Hospital." But strangely, this building was not in total ruins like the other ones we passed by. Intact pa rin ang halos ilan sa mga salamin sa maraming bintana nitong hospital. Pero nakikini-kinita ko na ang mga namumuong lumot sa pader nito.

"I guess this is it," ani Jem. "Ready your knives. At maglalakad tayo nang maingat at mabagal. Slowly to be safe, got it?" Bumaling siya sa aming tatlo. Tumango lang kami sa kanya bilang pagsagot.

Maingat naming tinahak ang daan patungo sa entrance ng naturang hospital. It was double glass door. Hindi ko malinaw na nakita kung mukhang bago pa ba ang salamin sa pinto. Masyado nang madilim sa loob ng gusali. Bumungad sa amin ang isang "Reception Area" at hanay ng mga upuan sa kaliwa namin. Sa kanan naman ay isang pasilyo na masyadong madilim para makita kung ano ang dulo niyon.

Kinuha ni Jem ang posporo na dinala niya mula sa warehouse. Sinidihan niya ang isang stick ng posporo na sandaling nagbigay ng maliit na liwanag.

"This way," aniya at nagpatiuna sa paglalakad. He led us inside an already opened room. May isang kama sa dulong bahagi ng silid at maliit na mesa. May mga nagkalat na gamut sa sahig. Yumukod si Jem at pinasadahan ng tingin ang unang pakete ng gamot na nakuha niya sa sahig.

"Amoxicillin," basa niya roon.

Si Maru ang sumagot. "It's an antibiotic tablet. It could work for the mean time," ani Maru at kinuha ang pakete sa kamay ni Jem.

Kumuha siya ng isa roon. He popped it into his mouth and drank water from his bottle.

I took a quick glance in the room. May ilang mga estanteng nakasabit sa pader, may painting din na nakapaskil doon at may IV drip na nakatayo sa tabi ng kama.

"Ang kailangan naman natin ay tahiin 'yan at palitan ng mas malinis na tela," pahayag ni Jem.

Hindi ko namalayang humiwalay pala sa amin si Ryan. Pumasok siya sa silid na kinaroroonan namin at may hawak-hawak na bagay sa isa niyang kamay. "I think this would be enough to stitch his wound," aniya at inabot sa akin ang isang babasaging kahon.

"Sino ang marunong magtahi dito ng tela?" tanong ni Jem sa amin. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Ryan.

Nang walang sumagot, si Maru ang nagsalita. "Kaya kong magtahi ng sugat. Tinuruan ako ng ate ko," pahayag niya. Mataman lang kaming nakatingin sa kanya. "She's a doctor."

"Ah, pero kaya mo bang tahiin ang sarili mong sugat?" tanong ni Jem.

Umiling si Maru. "Not without a little help," sagot naman niya.

I raised my hand. "I'll help," sabi ko.

It was the least I could do to him for saving me back there in the forest. Binuksan ko ang kahon na inabot sa akin ni Ryan. May sinulid at karayom doon.

"Shall we start?" I asked Maru.

Hindi siya siguradong napatingin sa akin. "Don't worry, I'll be gentle," nakangiting sabi ko.

"We'll try to look for Evangelyn. At iikutin din namin ni Ryan ang hospital para kumuha ng mga gamot na puwedeng madala sa warehouse," ani Jem. Tumango lang kami ni Maru at lumabas na sila ng silid, closing the door behind them.

Huminga muna ako nang malalim bago lumapit kay Maru na prenteng nakaupo na sa kama. I could feel my heart beating faster by every second. Hindi ako sanay nang ganito kalapit sa kanya. Just stitch him up, Blair! sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

Sinimulan ko munang tanggalin ang tela na nakatapal kaliwa niyang braso. Tuyo na ang dugo roon nang tanggalin ko ang tela. Tiningnan ko muna siya bago ko binuksan ang bote ng alcohol. Maliit lang siyang tumango. Nagbuhos ako nang kaunting alcohol sa sugat niya. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Fuck, that hurt," asik niya.

"Sorry," I mumbled.

Pinunasan ko ang sugar niya at sinimulan nang ipasok ang dulo ng karayom sa gilid ng sugat niya. "Be careful, please," he whispered.

Tumango lang ako at nagpatuloy na. And I suddenly remembered what he did back there. Kung paano niya ako sinagip sa mga asong lobo. This would the perfect time to thank him for that.

"Uh…" I began. "Thank you, Maru. For s-saving me from the wolves," I focused my attention to his wound. "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi."

I could feel his eyes staring at me. "Bumabawi ka na ngayon," sabi niya. "And you don't need to thank me, Blair."

Noon ako napatingin sa kanya. Binigyan ng malamlam na ilaw na nagmumula sa buwan ang mukha niya. His eyes had never been this black before. Nakatingin din siya sa akin. For a minute, we stayed like that until his lips formed a smile. Napaka-guwapo ng mokong na 'to, I told myself.

Tumikhim ako at ibinalik sa pagtatahi ang atensyon ko. "It's done," sabi ko at tinapos na ang pagtatahi sa sugat niya. Akmang isasara ko na ang kahon nang hawakan niya ang kamay ko. "Thank you," sabi niya.

"You're welcome," tugon ko at mabilis na binawi ang kamay ko.

I placed the box on the small table beside the bed. "Evangelyn and I…" ani Maru. "We are not together anymore, Blair. Pero pinagpipilitan niyang manatili ang kung ano'ng meron kami. For the sake of image, I guess."

Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya at inaayos ang sinulid sa loob ng kahon. Nagpatuloy si Maru. "Thank you for staying with me that night, Blair. I really appreciate it."

"No problemo," sabi ko.

His eyes were hard to understand when I looked at him. "I've been wanting to tell you something, Blair. I—"

Pumihit ako paharap sa kanya. "Don't, Maru," mariing sabi ko sa kanya. "Now's not the time for this."

Muli niyang kinuha ang kamay ko. "Blair, just hear me out. Hindi ako nag-e-expect ng kahit na ano pabalik sa 'yo."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "I-I…" he stuttered. "I like you, Blair."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Now that you and Evangelyn are done, you can just like whoever you want, huh? At kung sa tingin mo—"

He cut me off. "The minute I knew about her, being a fucking cheater, we were done, Blair. I swear."

"And you're telling me this for what reason?" tinanggal ko sa pagkakahawak niya ang kamay ko.

"I—" he began but stopped midair. Na parang hindi niya alam kung ano ang sunod niyang sasabihin.

Chaos emotions flooded my system. Why's he doing this to me?

Hindi na ako naghintay pa ng sasabihin niya at naglakad na papunta sa pinto ng silid. Pinihit ko na pabukas ang pinto nang magsalita siya. "Blair, wait," narinig ko ang papalapit na yabag niya. But he stopped a few feet away from me. He continued. "I-I'm sorry. You're right, now's not the time for this." Malalim siyang bumuntong-hininga.

I bit my lower lip and continued walking out of the room. Bumungad sa akin si Jem, nakaupo sa bench sa labas ng silid. May hawak siyang dalawang malaking bag. Sa tingin ko ay mga supply ang laman niyon.

Nakangiting nagtaas siya ng tingin sa akin. "Are you okay?"

I tried to compose myself. "Y-yeah," sagot ko sa kanya.

Mukhang naniwala naman siya. "Lumabas kami ni Ryan ng hospital and you wouldn't believe what we found," aniya na nakangiti pa rin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa likod ko. "What did you find?" si Maru.

"You'll see soon enough," tipid niyang sagot. "Nakakuha kami ni Ry ng ilang mga supplies," ibinato ni Jem ang isang bag kay Maru na mabilis namang nasalo ng huli.

"K-kaya ko namang magbuhat," presenta ko. "Kakatahi ko lang ng sugat ni Maru. He shouldn't be carrying heavy things yet."

Saglit na tiningnan ako ni Jem. "Sigurado ka, Blair?"

Nang tumango ako, mabilis na sumingit si Maru. "I can manage," aniya.

"Let's go," ay ani Jem na nagpatiuna na sa paglalakad.

Mabilis akong sumunod sa kanya palabas ng main door ng hospital. We walked for a couple of minutes, passing by more ruined buildings and abandoned shops on the way. And then out of nowhere, the sound of music erupted. Pamilyar ang tunog niyon. And when I looked up, there were lights coming from just behind the building that loomed over us.

Mabilis naming tinahak ang daan papunta sa pinanggagalingan ng ilaw at tunog ng musika. Änd when we turned the corner, it was an amusement park. Nakabukas at gumagana ang lahat ng mga rides na nakikita ko mula sa puwesto ko.

Natatawang bumaling ako kay Jem. "Paano ninyo napagana 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya at natawa rin. "I don't exactly know. Si Ryan ang kumalikot sa electric part ng park," tugon niya. "Wait 'til you step inside."

"Where's Ry, by the way?" Maru asked.

"He's probably here somewhere," tugon ni Jem.

An amusement park in an abandoned city. Naiiling na pumasok na ako sa malaking gate ng amusement park. Blinding lights from the park welcomed me.

Now, I really feel like a kid again, I muttered to myself as I stepped inside.

Napatigil kaming lahat sa paglalakad nang biglang may humampas na malakas na hangin na nagmula sa itaas namin. Awtomatikong napataas ang tingin ko. Something flew past us, above us to be exact. All I saw was a retreating light of a disk-like shape in the dark sky.

"A flying hovercraft?" si Maru ang nagsalita.

What the hell? I wanted to say out loud.

Mula sa kung saan, sunod-sunod na malakas na paghampas ng hangin ang naramdaman namin. We all turned our heads on the same direction. Something landed inside the open ground of the amusement park. At first, ang tanging naririnig lang namin ay ang napakahinang pag-ugong ng makina. And out of nowhere, something appeared a few yards away from us. Na para bang gumamit iyon ng invisibility cloak at unti-unti iyong nagpakita. Isa rin iyong hovercraft, katulad ng nakita namin kani-kanina lang. There were blinding lights coming from its many windows. It was perfectly symmetrical. Its disk-like shape was not human-made, sigurado ako roon. We wouldn't have heard it if it weren't for the slow thrum of its engines. There was a hissing sound when one of its doors slowly opened.

And all we did was stare at them as they emerged one by one from the door—the men in black cloaks. They were like an army, wearing the same cloaks and cat-like masks. Para bang nawalan kami ng control sa aming katawan at wala ni isa sa amin ang gumalaw.

Ang pinakahuling lumabas sa hovercraft ay si Ryan. Kahit na may kalayuan iyon. I would never forget his face.

"What the fuck—" nakangangang sambit ni Maru.

It was a familiar feeling. I knew at that moment, we were staring death in the face.