Third Person's POV
Matapos nilang makipag usap kay Raven ay tahimik lang silang lahat
Ni isa ay walang bumabasag sa katahimikan
Hanggang sa maisipan magsalita ng dalaga
" Tutulungan natin sila diba? " tanong niya sa mga kasama na naka de-kwatro at nakatingin sa kawalan
" Syempre naman " sagot ng ate nila
Pero naghihintay pa rin ito ng sagot mula sa iba
" Sa tingin niyo ba ay babalik pa siya sa atin? " tanong naman ng moreno na binata
" She'll always come back to us "
" Siguro dapat tulungan natin siya, baka kung hindi ay bangkay niya na ang iuwi dito sa bahay " dagdag pa ng dalaga na bakas ang pag aalala
Hindi na sila nagsisagot pa
Mula ng umalis at bumalik sila ay hindi ni minsan napag usapan ang tungkol kay Raven o kanino pa man
Hindi rin pinag uusapan ang nangyari nang araw na 'yon
Dahil lahat sila ay nasaktan at nadismaya ng sobra nung araw na 'yon
Tanghali na ng pumunta ng hospital si Zayden at Xath para palitan si Volker at Azure sa pagbabantay kay Rye
Pagkarating nila ay parang ngarag ang dalawa at walang tulog
" Bakit ganiyan mga itsura niyong dalawa? " tanong ni Zayden na natatawa
" Buong gabi kaming pabalik balik sa pharmacy para bumili ng gamot, yung ibang gamot ay hinahanap pa sa labas ang sakit sa binti " reklamo ni Azure sa mga kaibigan
" Kawawa naman kayo, sige kami naman dito. Magkape kayo bago umuwi, baka makatulog kayo sa byahe mauna pa kayo mamatay " pang aasar ni Xath kaya sinamaan siya ng tingin ng dalawa
Nang umalis silang dalawa sa bahay ay nandoon si Astra at Raven
Kahit may tiwala ay hanggang maari iniiwasan nilang maiwan na magkasama ang dalawang babae lang kahit saan
Pero wala silang pagpipilian lalo at may sakit si Raven at si Astra naman ay nagbabawi ng pahinga dahil siya ang nag asikaso ng mga bagay para sa pagkamatay ni Gio
Base rin sa investigation tungkol sa pagkamatay ni Gio ay binaril ito ng malayuan
Kaya possible na sniper ang ginamit sa pagpatay sa binata at hindi ito nagsuicide
Naabutan siyang may bawak na baril dahil iniisip na motibo ay nagtatangka siyang magsuicide
Marahil ay gusto na nitong kitilin ang sariling buhay dahil sa matinding pangungulila sa girlfriend na si Madi
Hindi naman napapadalas ang pagtawag sa bantay ni Rye ngayong araw, dahil na rin siguro kagabi ay nabili na ng dalawa ang lahat ng kailangan nito kaya wala ng gagawin pa masyado sila Zayden at Xath
Naisipan nilang bumili ng pagkain hanggang hindi pa sila kailabgan ng doctor ni Rye
Habang kumakain sila ay tumawag naman si Astra kay Zayden
Hindi pa man nasasagot ang tawag ay nakaramdam na ng kakaibang kaba ang dalawang binata
Nang sagutin ni Zayden ang tawag hindi agad ito nagsalita
Maingay sa kinaroroonan nito at magulo kaya nagtaka siya, pero ang alam niya ay nasa bahay lang naman ito
" Hello, Astra? " salita niya pero wala silang maintindihan mula sa kabilang linya dahil parang maingay
Hindi naman 'yon ingay na parang may nagpapatayan pero maingay na parang natatarantang hindi malaman
" Zay tawag tayo " baling naman ni Xath kay Zayden kaya ibinaba nito ang tawag kahit na naguguluhan siya sa kung ano man ang mayroon at bakit tumawag si Astra at hindi naman nagsalita ng ni isang salita
Nagkakagulo na sa bahay nila, lahat sila ay tuliro na at hindi na alam kung ano ang gagawin
Tila lahat sila ay tinakasan ng wisyo at wala na sa sarili
Hindi sila mapakali at nagpapanic sila
Kinakabahan sila ng hindi maipaliwanag at tila nan-lalambot din sila
Dumating na nga ang araw na kinatatakutan nila
Ang araw na kakailanganin nilang mamili at magdesisyon
Kanina ay dumating ang doctor ni Vlaize dahil may treatment ito ngayon
Pero hindi pa man nagsisimula ang treatment na gagawin ay pinatawa na sila nito sa kadahilanan na gusto daw sila nitong makausap
Kaya naman kahit na nagtataka ay nagtungo sila sa doctor para kausapin
Sa tingin palang ng doctor sa kanila nang makita sila nito ay hindi nila maitanggi na may hindi ito magandang sasabihin sa kanila
" Doc ano ba ang sasabihin mo? " tanong ni Azure na para bang naiinip na dahil wala pa silang pahinga at kauuwi palang din nila ni Volker
" Wala bang magulang ang pasyente o guardian maliban sa inyo na kasama niya dito sa bahay? " tanong nito sa kanila
Kaya naman ay naguluhan sila pero umiling naman silang lahat bilang pagsagot sa tanong nito
" Kung ganon ay kayo ang guardian niya, tama ba ako? " paglilinaw nito
" Ganon na nga " inip na sagot ni Azure
" Isa lang ang kailangan ko, sino ba sainyo ang maaring pumirma nitong ibibigay kong waver kung sakali? " tanong ng doctor kaya napatingin sila kay Raven, napailing naman ito
" Si Raven " they answered in a chorus
" Ano na ba ang lagay niya at kinakailangan mo ng waver? " takang tanong ni Raven
Dahil kadalasan ng alam niyang may ganoon ay ang mga nasa delikadong lagay na may sasailalim sa treatment o ano man na maaring magkarom ng side effect
" She is getting worst, hindi na nagre-response ang katawan niya sa treatment, hindi na rin niya nate-take ang gamot. Kaya kung minsan ay mapapansin niyo na parang bumabalik ang laman ng dextrose niya " paliwanag ng doctor
Nakikinig lang sila at hindi nagsasalita dahil pinipigilan nila ang mga sarili na mag isip ng hindi maganda
Ayaw nilang sumuko sa dalaga, ayaw na nilang mawalan na naman sa pangatlong pagkakataon
" I have a waver here with me, isa lang ang pipirma dito. " pinakita nito ang papel sa kanila na may mahabang sulat
Inilapag 'yon ng doctor sa center table nila at muling nagsalita
" Dumating na ang araw na hindi natin gustong lahat na dumating, you have to choose. I'm sorry to say, pero aparato na lang ang bumubuhay sa kabigan niyo. The best thing that I can suggest sa inyo ay pirmahan 'tong waver para tanggalin na ang aparatong nakakabit sa kaniya " pagpapatuloy pa ng doctor
Nanghina sila sa sinabi nito
" WHAT THE HELL NO " Raven freaked out
" Pahihirapan lang natin siya kung bubuhayin niyo siya ng nakadepende ang buhay niya sa aparato. She won't wake up anymore, she'll also be dead kahit hindi natin alisin ang aparato dahil mananatili siyang nakaratay lang hanggang sa pirmahan niyo na ang waver " mahabang paliwanag ng doctor
" Ven, wala na tayong choice " paliwanag ni Azure
" Ayaw ko, hinid ko kaya " naluluha niyang sabi
" This is the best thing we can do for her " pagpapakalma nila sa kaniya
" Wag na natin siyang pahirapan pa " muling sabi ni Astra
Alam niyang tama ang mga kaibigan
Pero alam niya din sa sarili na hindi kakayanin ng sistema niya
" We'll do this for her " mahinahong sabi ni Volker at iniabot sa kaniya ang ballpen at ang waver
She's trembling as she took it
Nangangatog siya habang pinipirmahan ang ang waver
Nang mapirmahan ito ay pumunta sila sa kwarto ni Vlaize
" I wish we didn't have to do this " buntong hininga ni Azure ng makita nilang alisan ng aparato ang dalaga
" Time of death, 11:30 am "
Iniwan naman sila ng doctor para matignan ng ilang sandali ang kaibigan
Kasabay noon ang pagtawag ni Xath, kahit na nasa ganon silang tagpo ay sinagot ni Azure ang tawag
Naka loud speaker ang tawag
" May kailangan kaming sabihin " kasabay ng pagkasabi ni Azure non ay ang siya ring pagsabi ni Xath noon
At kasunod non ay ang panibago palang dagok sa kanilang lahat
" Vlaize's gone "
" Rye's dead "