Chereads / Schrodinger's Bane / Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 29 - Chapter 28

Azure's POV

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng mamatay ang sila Rye, Vlaize, Xath at Zayden. Apat nalang kami nina Raven, Astra at Volker na natitira. Pero kadalasan pa ay abala ang lahat sa mga bagay na dapat ayusin.

Mukhang mauubos na kaming lahat ng hindi nalulutas ang misteryo sa likod ng lahat ng nangyari sa amin, kung minsan ay iniisip ko kung ano ba ang nagawa namin para umabot sa ganito ang lahat.

" Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo n'yan " napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Astra, umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng kape.

Sabay sabay at sama sama ang lamay ng apat, kaya nakakapagod. Hinihintay din namin na dumating ang mga pamilya nila, pero base sa naging sagot nila ay malabong dumating pa sila.

Hindi lahat sa amin ay maganda ang relasyon sa pamilya, dahil na rin siguro sa dahilan na hindi pabor ang magulang ng iba nung napag kasunduan namin na magsama sama sa iisang bahay.

" Sa tingin mo sino ang susunod? " baling ko kay Astra

" I can't say it yet, siguro ay sabay sabay tayo? " tumawa siya ng parang kinilabutan sa sinabi niya " Mukhang minamadali nila na ubusin tayo, kaya posibleng isang araw ay sunugin nalang tayong apat ng buhay. " mahabang paliwanag niya sa akin

" May punto ka, para nalang tayong naghihintay ng oras kung kailan tayo mawawalan ng buhay. " mapakla akong napangiti sa sinabi ko

Magsasalita sana siya pero natigil nang may babaeng dumating na parang galit na galit, hindi siya pamilyar sa akin pero mukhang kilala siya ni Raven dahil napatayo siya bigla sa kinauupuan niya at parang nagulat kaya lumapit kami sa kaniya.

" Ven, sino 'yan? " nagtatakang tanong ko sa kaniya, pero bago pa man siya makasagot ay nag freak out na bigla ang babae.

" Tama ako! wala kayong magandang maidudulot sa anak ko! " mariin at mataas ang boses na sabi nito

" Tita, hindi po namin alam na mangyayari ang ganito-- " she cut Raven off by pointing a finger to her.

" Kayo, kasalanan niyo kung bakit namatay si Vlaize! kung hindi siya nakinig sa inyo at nanahimik nalang siya sa amin ay sana buhay pa ang anak ko ngayon! " bakas ang galit sa boses ng nanay ni Vlaize

" Ma'am magpapaliwanag po kami " kalmadong sabi ni Astra na halatang pinipilit magtimpi bilang respeto sa nanay ni Vlaize

" Hindi ko kailangan ng paliwanag niyo, kukunin ko ang bangkay ng anak ko ay iuuwi ko siya sa amin. Ayaw kong makita maski ang mga anino, nakakasuklam kayo! " galit na galit niyang sabi

Ayaw kong pumatol pero hindi na kinakaya ng sistema ko ang mga sinasabi at paratang niya sa amin, sobra na.

" Mawalang galang na po, kung gusto niyo po siya iuwi karapatan niyo po 'yon bilang nanay niya. Pero sana naman po ay 'wag niyo kaming pagsalitaan na parang ginusto namin ang nangyari " nabaling ang tingin niya sa akin at nanlilisik ang mata, naramdaman ko rin ang paghawak ni Astra sa braso ko.

" Az " bulong naman ni Raven

" Iuuwi ko ang anak ko. " mariin na sagot ng nanay ni Vlaize bago kami tinalikuran at umalis.

" Hindi ko gusto 'yung mga sinabi ng nanay ni Vlaize kanina " buntong hininga ni Astra

" Lahat naman tayo, pero kailangan natin intindihin. " ngiti ni Raven, pero hindi katulad ng mga ngiti niya noon.

Ang laki ng pinagbago ng buhay namin, mula sa masaya at hindi matahimik dahil sa mga walang humpay na tawanan ay naging puno ng lungkot at tahimik.

" Nasan nga pala si Volker? " tanong ko habang hinahanap siya sa paligid, apat na nga lang kami hindi pa mapakali ang isang 'yon.

" Inaayos niya 'yung mga papel na dapat ayusin para sa libing ng apat. " sagot ni Raven kaya tumango nalang ako.

Astra's POV

Naninibago ako sa sitwasyon namin ngayon, para na kaming ibang mga tao. Napakalayo na namin sa kung sino at ano kami noon.

Hindi na kami 'yung mga taong masaya na palaging maingay ang bahay, wala na 'yung mga nagsisigawan araw araw.

Sobrang nakakapanibago, nakakapanlumo rin ang dahilan ng pagbabago.

I never saw it coming, our bond died because of death. At 'yon na siguro ang pinaka masakit na uri ng katapusan.

Bukas ay ililibing na ang apat, pero dahil kukunin daw si Vlaize ng nanay niya ay tatlo nalang sila Rye, Xath at Zayden.

It's been years since we all met each other, it's been a roller coaster ride to make our plans and dreams happen. Pero nung akala namin tapos na, akala namin na we're living the life we used to dream ay halos gumuho naman ang mundo naming lahat sa naging pagsubok.

Dati ay pag ganitong oras ay sama sama kaming nakaupo sa sala at nag aasaran, nagku-kwentuhan tungkol sa mga gusto pa naming gawin sa buhay.

Pero ngayon, nandito ako nakaupo. Nakatingin sa mga kabaong na naglalaman ng mga taong minsan kong nakasamang mangarap.

Life is short indeed.

" Magpapahangin lang ako sa labas " paalam ko kila Azure at Raven bago tumayo at nagtungo sa labas ng funeral.

Saktong paglabas ko ng funeral ay may natanaw akong sasakyan, nang mapansin nang nasa loob ng sasakyan ang pagtingin ko ay biglang sumara ang bintana at umandar kaya naisipan kong habulin, baka sakaling ma-plakahan ko man lang.

Dahil nga naka sasakyan 'yon at tumatakbo lang ako ay hindi ko naabutan, maski ang plaka ng sasakyan ay hindi ko nakita dahil sa bilis nito.

Pero nanlamig ako ng biglang may kamay na lumapat sa balikat ko kaya  napalingon ako. Napaawang ang labi ko ng makita ko ang hawak nito na kutsilyo sa kanang kamay niya.

" Hindi mo pa sana oras, pero mukhang nagmamadali ka. " tanging salitang sinabi niya na kinakilabot ko at kasabay no'n ay naramdaman ko ang pagsaksak niya sa akin ng hawak niya.

Namanhid ang katawan ko, nakatitig ako sa mga mata niya. Mga matang akala ko kilala ko ng sobra.

" P-paano mo nagawa 'to sa amin? " garalgal na tanong ko ngunit imbis na sumagot at muli niya akong sinaksak at walang puso akong tinalikuran.

" Kailangan kong gawin 'to. " huling salitang narinig ko mula sa kaniya.