Raven's POV
Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko ng makita kung sino ang walang hiyang tao na nasa harapan ko
Sumagi na sa isip ko noon na baka isa sa mga nakarelasyon ng isa sa amin ang nasa likod ng mga pangyayari na 'to, pero naalis ang tao na 'to sa isip ko ng makita ko siyang lumapit at magkaawa kay Zayden.
Yeah, the girl behind those mysterious death is Rowie. Zayden's ex girlfriend.
" Expected ba, Raven? " ngisi niya, gusto kong ihambalos sa kaniya ang kinauupuan ko kung hindi ako nakagapos dito.
" Yeah, ano pa bang aasahan ko sa desperadang ex na hindi maka move on? " pang aasar ko sa kaniya, bigla namang nanlisik ang tingin niya sa akin at lumapit.
" Gusto mong mabuo ulit kayo diba? magpasalamat ka na sa akin Raven, ibibigay ko sa'yo ang hinihiling mo na makasama sila, sa kabilang buhay nga lang. " nilabas niya ang isang dagger na galing sa bulsa niya sa likod at nginisan ako ulit " Handa ka na ba? "
Wala akong maramdamang takot sa mga oras na 'to, puro suklam at galit ang bumabalot sa akin. Alam ko na kung sino ang sisingilin sa lahat ng nangyari pero paano ko sila bibigyan ng hustisya kung nakaupo ako rito at nakagapos sa pesteng upuan na 'to.
" Ikaw, handa ka na bang mapunta sa impyerno pag natapos na ang lahat ng 'to? " asik ko sa kaniya
" Nasa sitwasyon ka na ng kamatayan mo, pero mataas pa rin ang pride mo. Saan ka ba madadala niyan? " sasagot pa ako pero napahiyaw ako ng bigla niyang ibaon ang dagger na hawak niya sa braso ko
" Tama na 'yan, humiyaw ka sa sakit. Kung sila bigla nalang namatay. " mariin niyang hinawakan ang leeg ko pahigpit 'yon ng pahigpit " Pero ikaw, pahihirapan kita, hanggang sa magmakaawa ka na patayin nalang kita. " halakhak niya
Umaasa siguro siya na magmamakaawa ako sa kaniya, kahit i-salvage ako nito ay hindi ako magmamakaawa.
" Hinding hindi ako magmamakaawa sa'yo " ngisi ko sa kaniya na mukhang kinainis niya umalis siya sa harapan ko
Akala ko ay nawala na siya bigla akong napasigaw muli dahil sa pagbaon ng patalim niya sa balikat ko, hindi malakas ang katawan ko. Paniguradong hindi ko kakayanin kung itotorture ako nito, pero ano man gawin niya, kabilang buhay pa rin naman ang kahihinatnan ko kaya wala ring kinaiba.
" Boring naman kung puro galos lang aabutin mo 'di ba? " umalis siya sandali at iniwan akong mag isa
Habang mag isa ako ay saka ko ininda ang sakit ng mga sugat ko. Dalawa pa lang pero ang lalim na, umaagos 'yung dugo ko sa katawan ko na kinanlalambot ko. Kamalasan nga talagang may phobia sa ganitong bagay.
Hindi ako papayag na matapos lahat ng ganito, we deserve justice no matter what it takes or how it will happen.
Maya maya ay bumalik si Rowie na may dalang latigo. Damn.
Walang sabi sabing lumapit ito sa akin at bigla akong hinagupit, pinipigilan ko ang sarili ko na dumating sa bawat hampas ng latigo na tumatama sa akin.
Slow death, ganito pala 'yon.
Namamanhid na ang katawan ko sa bawat oras na lumipas, hagupit ng latigo at hiwa gamit ang patalim niya. Hindi na kinakaya ng katawan ko.
Bago pa man ako mawalan ng malay ay biglang bumukas ang pinto, halos mahulog ang panga ko at mangatog ang tuhod ko sa taong pumasok sa loob.
Siya ang huling tao na inisip kong magagawa sa akin, sa amin ang ganito kabigat at katindi na bagay.
" B-bakit? " huling salita na nasabi ko bago ako nilamon ng kadiliman
No One's POV
Tahimik na lumapit ang huling tao na pumasok sa pinto at nagtungo kay Raven, marahan niyang kinuha ang walang buhay nitong katawan na puno ng sugat at halos maligo na sa sarili nitong dugo.
Bakas ang lungkot at pagsisisi sa mga mata niya, pero alam niya sa sarili niya na huli na ang lahat para magsisi pa siya. Ang tanging magagawa niya nalang ay panindigan ang ginawa at pinasok niya.
Iniwan nila ang katawan ni Raven sa sa burol nila Zayden. Ilang araw pa ang lumipas at sabay sabay nilibing ang mga ito.
Ngayon nakatayo ang isang tao sa labas ng parang bahay na kinalilibingan ng mga taong minsan niyang nakasama.
" Hindi ko ginusto 'to, pero kailangan ko lang iligtas ang sarili ko. " tanging sabi nito bago umalis.
Third Person's POV
Tahimik na nakikinig si Ej sa kinu-kwento sa kaniya, pinakikinggan niya ng maigi ang mga detalye na sinasabi sa kaniya nang biglang may tanong na sumagi sa isip niya.
Ej's Raven's adopted child, 'yung iniwan na sanggol sa pinutan ng bahay nila. 16 years old na siya ngayon at pinakikinggan niya ang kwento ng buhay ng ina inahan niya na ni minsan ay hindi niya nakita o nahawakan sa personal.
Matinding palaisipan sa binata ang dahilan sa likod ng marahas na pagpatay sa ina inahan at mga kasama nito.
Kahit na matagal na at ilang taon na ang nakalipas ay gusto niya pa rin bigyan hustisya ang nangyari.
" Mabuting tao sila, lahat sila ay mabuting tao na may mabuting puso. Sayang lang at hindi ka lumaki na nasa tabi mo sila " ngiti ng kausap ni Ej sa kaniya.
" Sana nga ay nakita at nakasama ko man lang sila kahit sandali, gusto ko iparamdam kung gaano ako nagpapasalamat na kayo ang nakakuha sa akin at pinili nilang kupkupin ako kahit na nasa gitna sila ng misteryosong problema nung panahon na inabanduna ako ng ina ko at iniwan ako sa tapat ng pintuan nila" pilit na ngumiti ito matapos sabihin ang huling salita nito.
" Schrodinger's Bane is a real life journey and story kiddo, it leaves a lesson to everyone who used to know and to those who've been around them years ago. Kinuwento ko 'to sa'yo dahil gusto kong matutunan mong pahalagahan lahat sa buhay, mula sa simpleng bagay hanggang sa pinakamalaki pati na rin ang mga tao na nasa paligid mo. Pinapasaya ka man ng mga tao na 'yon o nasaktan ka nila, pahalagahan at mahalin mo sila, 'wag na 'wag mong tatalikuran ang mga taong mahal mo sa buhay Ej, para wala kang pagsisihan pagdating ng panahon. " bumuntong hininga ito at tumitig sa mata ng binata " Life is short indeed, live it to the fullest and live it full of great and pure purpose. "
Naiintindihan niya ang ipinapaunawa sa kaniya pero may isang tanong talaga na gumugulo sa isip niya na gusto niyang malaman ang sagot.
" I understand your point, can I ask you a question? " nabaling ang tingin nito sa kaniya bago tumango
" Sabi mo, isa ka sa kanila noon. Lahat sila pinatay. " bumuntong hininga ito at tumitig sa mata ng kausap niya bago itinanong ang tanong na gumugulo sa isip niya.
" Isa ako sa kanila noon oo, at hindi ko 'yon pinagsisihan, They are one of the greatest thing that ever happened to me. " ngiti nito " Pero ano ba ang tanong mo? " kunot noo nito sa kaniya
Bumuntong hininga ang binata bago lumabas bibig nito ang tanong na hindi niya inaasahang maitatanong sa kaniya sa tagal ng panahon at taon na lumipas.
" How come you survived, Uncle Volker?"
End.
--------
Life is full of surprises, it is like a roller coaster ride that has its ups and downs. But unlike rides, it doesn't always end the way we expected.
Life is indeed short, we never know how long we can have it. Unlike fairytale's life is not always about happy ever after.
Cherish people you have in your life before you may not be able to tell them how much you value them. Pahalagahan mo lahat ng bagay na meron ka ngayon, hindi mo alam kung hanggang kailan 'yan nasa sayo.
Ciao!