Raven's POV
Nanlumo ako sa mga salita na sinabi ng mama ni Vlaize sa amin, pero hindi ko rin siya masisi sa mga nasabi niya. Siguro nga ay hindi namin ginusto ang nangyari pero sa kabilang banda ay may kasalanan rin kami.
Kung pinili namin na mamuhay kasama ang pamilya namin paniguradong hindi mangyayari ang ganito, sana buhay pa sila.
Self pity is not my thing, but I just can't stand our situation right now. Hindi ko maintindihan ang mga bagay bagay ngayon, pero hindi ko rin magawang mag kwestyon dahil lahat naman ng nangyayari ay may dahilan.
Nauubos na kami at siguradong uubusin kami, kailangan nalang namin siguro tanggapin ang katotohanan na sa ganitong paraan kami mawawala.
But still, I am hoping for justice.
" Ven, Volker! " napabalik ako sa reyalidad ng biglang dumating si Azure na natataranta at isinisigaw ang pangalan namin ni Volker.
Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya kaya mabilis akong lumapit sa kinatatayuan niya ganoon din ang ginawa ni Volker.
" Bakit? " tanong niya kay Azure na hindi mapakali
" Si Astra " wala sa sariling sabi niya kaya napakunot ang noo namin
" Anong nangyari sa kaniya? " kinakabahang tanong ko
" Nasa labas, ang daming saksak. " nagmamadali siyang lumabas kaya sinundand namin siya
Nanlambot ang tuhod ko sa bumungad sa amin paglabas namin ng funeral. Si Astra nakaratay sa damuhan, naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.
Nanghihina ako sa nakikita ko, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa nakikita ko ngayon sa harapan ko mismo.
We are near the end, really. Slowly, we are reaching our end, our finish line.
I remember when Zayden once told me, if it is not yet okay then it is not the end. He is right somehow, but at this point, everything is not freaking okay but still it is the end.
Nagmamadali nilang ipinasok si Astra sa loob at tumawag ng ambulansiya na inabot pa ng ilang minuto bago nakarating, nang makarating ay napagdesisyunan na si Volker nalang ang sasama at maiiwan kaming dalawa ni Azure dito dahil 'di hamak na mas maalam siya mag asikaso kumpara sa amin
Ang daming tanong na paulit ulit tumatakbo sa isip ko na hindi ko alam kung kailan mabibigyan ng kasagutan o kung mabibigyan kasagutan pa nga ba talaga.
Sa ilang taon na dumaan, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na darating ang ganitong punto sa amin. Unti unti kaming natitibag, hindi dahil may tumitiwalag kundi dahil kamatayan na mismo ang tumatapos sa kung ano man ang minsan naming sinimulan ng magkakasama.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng kung ano anong bagay ng makarinig ako ng malakas na putok ng baril at kasabay non ang pag sigaw ni Azure ng pangalan ko
Pag lingon ako kay humarang siya sa likuran ko nagmamadali akong lumapit sa kaniya nang bumagsak siya naduguan
" Iligtas mo ang sarili mo, m-masaya kami kung kahit ikaw lang ay maliligtas. " nahihirapan niyang sabi na ikinatulo ng luha ko, nginitian niya pa ako bago unti unting pumikit.
Nanlalamig ako, nanlulumo ako sa mga nangyayari. Masyadong masakit ang mga nagdaang buwan para sa amin.
Pero ngayon ay iba, lahat sila ay nakita ko ng wala ng buhay. Pero si Azure ay nakita ko kung paano malagutan ng hininga dahil mas pinili niyang iligtas ako imbis na iligtas ang sarili niya.
Third Person's POV
Wala sa sarili si Raven nang tawagan niya si Volker para sabihin ang nangyari kaya agad na bumalik ang binata para asikasuhin din si Azure.
Ngayon na dalawa nalang sila ay naglalaro sa isip ni Raven kung sino ba ang huling mawawala sa kanila o kung may isa nga bang mabubuhay sa kanila.
" Hindi ba natin siya tutulungan ngayon na alam na natin kung sino ang nasa likod nito? " tanong ni Raizen sa mga binatang nakaupo sa harapan niya
" Siya na mismo ang tumanggi, lalapit siya sa atin ng kusa kung gusto niya ng tulong natin. " simpleng sagot ng binata na nasa gitna
" So pababayaan natin siyang mamatay ng hindi nakukuha ang inaasam niyang hustisya para sa mga kaibigan niya na nawala? " galit na asik nito.
" Hindi tayo dapat manghimasok, wala pa tayong sapat na patunay para sabihin na tama nga ang hinala natin tungkol sa kung sino ang nasa likod ng mga krimen na ito, kailangan natin ng matimbay na patunay bago pumasok sa gulo nila. Gulo nila na inuubos ang buhay nila isa isa. "
Napabuntong hininga ang dalaga dahil alam niyang hindi siya mananalo ng pakikipagtalo sa tatlong binata na nasa harapan niya.
Gusto man niyang tulungan ang kaibigan ay alam niyang kailangan niya ng matibay na ebidensiya para sa paratang na kaniyang bibitawan.
" Pero sa tingin ko ay hindi siya ang puno ng mga nangyayari na 'yon, maaring isa lang siya sa kanila pero hindi siya ang talagang nasa likod nito" paliwanag ng isa pang lalaki
Kaya napakunot ang noo ni Raizen at napaisip, wala siyang ibang maisip. Dahil kung sino man talaga ang nasa likod ng mga misteryosong pagpatay ay paniguradong kilalang kilala nito ang mga biniktima dahil alam nito kung kailan ang tamang oras para umatake at alam nito kung paano sila pahihirapan.
" It's logical death, one going to another and so on until they are all dead. Kalokohang isang tao lang ang nasa likod nito. " paliwanag muli ng isamg binata bago lumagok ng alak na nasa baso nito
" Sa tingin niyo ba ay nagsisisi si Raven ngayon sa mga nangyayari? " wala sa sariling tanong ni Raizen
" Sa ganitong sitwasyon at pagkakataon, walang puwang at lugar ang pagsisisi, Rai. " sagot nito sa kaniya.
Nasasaktan siyang isipin ang mga nangyari dahil minsan ay naging parte rin siya ng mga ito.
—
Naglalakad si Raven palabas ng hospital nang biglang naramdaman nito na para bang may sumusunod sa kaniya. Kasabay ng paglingon niya ay ang pagtakip sa kaniyang bibig, ilang sandali pa ay nawalan na ito ng malay.
Nang magising ito ay nasa isang silid na siya at nakagapos na tila isang kidnapping ang nangyari.
" Sabi na, tama ang hinala ko. Napaka walang hiya mo! " mariing sigaw niya sa taong nakatayo sa harapan niya at nakangisi.