Volker's POV
Gio just committed suicide
We can't blame him though what he did was never right
Hindi ganto ang inaasahan ko na madadatnan ko pag uwi ko
Sobrang iba ang inaasahan ko sa naabutan ko nang dumating ako
Parang kamatayan lahat ang kahihinatnan namin
Unti unti kaming nauubos
Saklap lang isipin kung may matitira man na isa, paano niya kakayanin na makita kaming lahat sa hukay
Cremate agad si levi paglabas ng hospital saka nilibing
Mapera sila maraming pang gastos
Nang maabutan namin si Gio sa kwarto niya ay wala na siyang malay at naliligo na sa sariling dugo
May hawak din siyang baril kaya sa tingin ko ay suicide 'yon pero parang may pakiramdam akong iba na hindi ko maipaliwanag
Sinubukan namin siyang itakbo sa hospital pero base sa doctor ay ilang oras na siyang patay nang matagpuan namin siya
Inaasikaso ni Astra yung burol ni Gio pero problema namin dahil wala naman na kaming balita sa pamilya ni Gio
Dahil nagtakwilan na yata sila noon simula nung nag-karoon sila ni Madi ng relasyon dahil tutol ang magulang ni Gio
Gusto ng magulang ni Gio na i-arrange marriage siya pero nakipag relasyon siya kay Madi
Siguro ay ilang araw lang namin ibuburol si Gio at susubukan din namin contact-in ang pamilya niya, pumunta man sila o hindi mahalaga alam nila
Simula na yata 'to ng impyerno ng buhay namin
Biglang bumabagsak vitals ni Vlaize, si Rye walang pag unlad ang lagay, si Gio nagpakamatay na.
Saan kaya ang kahihinatnan naming lahat matapos 'tong problema na 'to
" hintayin natin lumabas result paraffin test kay Gio, nakakapag duda pa rin na suicide 'yon " biglang salita ni Raven
" May hawak siyang baril " depensa ni Azure
" Pwede gamitin ang kamay niya at iputok 'yon para sa paraffin ay lalabas na suicide " sagot ko
" Isa pa walang silencer yung baril na hawak ni Gio, kung pumutok nga 'yon bakit hindi natin narinig? " dagdag pa ni Zayden
Ang laking pala-isipan ng pag kamatay ni Gio
" Tatlo na babantayan natin, nakakaawa naman katawang lupa natin " buntong hininga ni Azure
Third Person's POV
Ang daming tumatakbo sa isip nilang lahat pero hindi nila mabigyan ng malinaw at tiyak na kasagutan
Hindi man nila aminin pero alam nilang lahat sa isip nila na unti unti silang inuubos ng mga kaawau na mayroon sila
Mauubos nga ba sila o matatapos na ang lahat dahil sa isang tao na hindi nila inaasahang tatapos nito para sa kanila?
Mula sa malayo ay pinagmamasdan sila ng binata
Gusto man niyang tulungan ang mga 'to ay alam niyang hindi pa panahon para gawin niya 'yon
Hindi rin sapat na dahilan na may buhay na nawawala para makialam siya
" Do you think we should help them? " the man beside him asked, his bestfriend
" Nah " he simply answered and took a sip on his drink
They've been watching them since they went back
" Vlaize's still unconscious, isn't it a cue to help? " the chinito one asked
" I can't stop people from dying, fucker. " he hissed
" Ano ba akala mo sa atin hapon, tagal pigil ng kamatayan? " the other one asked
Nanatili lang silang apat na nanonood mula sa malayo
They saw everything
Pero nanatili silang tahimik
" What if she hates us for not doing anything? lalo pa " muling tanong ng singkit na binata
" She'll seek for help when she thinks they needed it the most " he answered
" Kaya ba ng sistema mong makita silang mamatay? " muling tanong nito
" Tangina ang daldal mo, hindi ka pa maunang mamaalam " sagot ng binatang nakaupo sa pagitan nilang dalawa
" Ang ingay niyo " iling naman ng isa sa dulo na tila ay naiirita na sa kanila
" Sa tingin niyo ay sino ang matitira sa kanila? " dagdag nito
" None " they answered in a chorus
Sa bawat nangyayari ay nakatingin lang silang apat mula sa malayo
Dahil para sa kanila ay hindi sila dapat makialam sa kung ano man ang kinakaharap ng grupo
Kinagabihan ay nag palit muli ng nagbabantay kay Rye, si Azure at Volker naman ang magbabantay ngayong gabi
Hindi nila maitatanggi na sobrang napapagod na sila pero wala naman silang magawa
" Para nalang tayong naghihintay ng kamatayan natin " buntong hininga ni Xath
Wala namang umimik dahil alam nilang mukhang ganon ang kinahihinatnan nila
" Pupunta ako sa burol sino maiiwan dito? " pag iiba ni Zayden sa usapan
" Sasama ako, dumiretso na tayo sa hospital bukas pag kagaling doon " sagot naman ni Raven
Bawat araw nila ay nakakapanghina, bawat araw nila ay pakikipagsapalaran
Matapos nilang kumain ay nasa living room silang lahat
Nanonood sa tv kahit na halos wala naman na silang maintindihan sa napapanood dahil sa dami ng nga iniisip nila
" Nakakapagod mabuhay " buntong hininga ni Zayden
Napapailing nalang si Raven sa mga sinasabi nila Xath at Zayden mula pa kanina
Kahit na nanghihina ay alam niya na kailanga niyang maging matatag para sa kanila
" Maaga tayo pupunta doon Zay para makauwi ng maaga nanay ko " baling niya kay Zayden na may kinakalikot sa cellphone
" Nga pala sabi ng doctor ni Rye gusto niyang makausap guardian ni Rye " biglang sabi ni Xath
" Sino naman ihaharao natin don? " takang tanong ni Raven
Dahil sila sila lang naman ang magkakasama sa buhay mula ng nagsama sama sila sa iisang ay wala silang ibang kasama kundi sila sila lang
" Ikaw, tinatanong pa ba 'yan " sabay na sagot ni Zayden at Xath
Lagi siyang taga saklolo sa mga 'to mula pa noon kaya hindi na 'yon bago sa kaniya
napatingin naman sila sa cellphone ni Raven na nakalapag sa center table ng mag ring 'yon
Wala sa sariling sinagot niya 'yon at ni-loud speaker
" Paubos na kayo, hindi pa rin ba kayo susuko? "
" Dream on " sagot ni Zayden
" Sabihin niyo kung nasan si Dark baka sakaling mabawasan ang atraso niyo sa akin "
" Wala dito sa bansa si Dark, at hindi kami hanapan ng nawawalang demonyo " sarcastic na sagot ni Raven
" Sana nga hindi kayo nagsisinungaling. Your graves are waiting, Schrodingers. "
And by that, the phone call ended without giving them a second to respond