Chereads / THE MAN I LOVED SUDDENLY CHANGED / Chapter 3 - CHAPTER 1

Chapter 3 - CHAPTER 1

CHAPTER I:

Astrid POV:

"Hay ang init!" sabi ng kaibigan kong si Yannie, habang naglalakad kami papuntang cafeteria ng University na ito.

"Maninibago ka pa ba ih, alam mo naman ang panahon ngayon,,parang summer sa sobrang init.." sabi naman ng isa ko pang kaibigan na si Ricka.

"Alam niyo guys kanina pa tahimik tong si Astrid ih. Do you think she has a problem?" may halong pang aasar at pag-aalala na sabi ni Ricka. Tama nga siya kanina pa ako tahimik habang naglalakad kami.

Di kasi nila alam  I saw Drake together with his friend. Nakikipagbiruan, nagtatawanan, at higit pa don ay nakangiti siya ng malawak. Yun bang kahit ngiti niya lang ay ok na ok na.:-) At isa yun sa mga naging dahilan kaya tameme ako ngayon. At lalo na ng lumingon  siya na nakangiti parin sa direksiyon kung saan kami naglalakad kanina ng mga kaibigan ko ..

At lahat ng ingay sa paligid ko parang nawala. Nakatuon na lang sa kaniya ang atensyon ko ng mga oras na iyon.

My heart skipped a beat. I feel butterflies in my stomach.

But my friends didn't know what had happened before because they were both so busy talking to each other that until now they didn't even know that I was quiet even when we were walking to the cafeteria. Kaya napabuntong hininga nalang ako habang wala sa sariling nakasunod lang sa mga kaibigan ko.

I am Astrid Montero. Simpleng tao lang naman ako. You know, may honors naman, di naman masyadong popular (tama lang), at may kaya lang ang pamilya namin. Di mayaman, hindi mahirap at gusto kong ganun lang. Balance kumbaga. If I were to describe my face, masasabi ko rin naman na may itsura ako. Maputi din naman, bilugan na mata, maliit na ilong pero matangos naman, and pink lips. Mahaba din ang buhok at tama lang ang height. Ayoko nang masyadong iexpose sarili ko. Basta yun na yun.

"Hoy Astrid! Bat ba tahimik ka?" sabi ni Yannie na kanina pa tawa ng tawa dahil pinag-uusapan nila ni Ricka ang mga crush nila. Yannie Guererro. Ang pinakakikay kong kaibigan. Sa sobrang kikay nyan, halos lahat ata ng gamit nya puro pampaganda. Maganda rin naman kasi sya. Kahit natural pa ang ayos nyan, wala kang masasabing pangit dyan. Bilugan din ang mata nya at matangos ang ilong and medyo pouty lips ang meron sya. Matalino din. Magaling sya sa essays. Kaso maingay. Ayaw nya na malungkot. Gusto nya masaya ang lahat. Jolly kumbaga. Short-haired sya na hanggang balikat lang yung buhok nya, bagay naman kasi sakanya. Medyo magkasing-height lang kami pero mas matangkad ako ng slight. Tama lang ang katawan nya at higit sa lahat. Morena sya. That's what I love about her. Hindi maputi, hindi rin maitim. Tama lang.

"Ah wala, iniisip ko lang kung ano yung lesson kanina" palusot ko sakanya. Ayoko namang sabihin na dahil kay Drake kaya ako tahimik. Hayst! Yung lalaking yun kase e, kahit anong focus ko basta sya ang kaharap ko, nawawala ang lahat.

"Yung lesson ba kanina? Pwedeng pwede kong iexplain sayo! Yung lesson kasi kanina is about sa derivatives, you know blah blah blah" pag-eexplain ni Ricka na ayoko rin naman marinig kasi alam ko naman yung lesson. Palusot ko lang talaga yun kasi ayokong malaman nila yung dahilan. Ricka Buenaventura. Ang mathematician sa aming magkakaibigan. Ket anong math problems kaya nya isolve. Basta kasama nya lang daw yung "lucky glasses" nya. You see, she has a thing about her glasses. Sabi nya, lucky daw sya kapag suot nya raw yun. Kumbaga may powers daw glasses nya na nakakapagsolve daw ng math equations. Weird diba? Sabagay math geek kasi kaya kung ano-ano na iniisip. Her style is medyo nerdy ng konti pero may ilalaban siya. Mestisa at medyo singkit ang mata nya. Thick eyebrows at manipis ang labi nya. Napapansin talaga sakanya ang pagpupula ng pisngi nya naturally. Matangkad sya at medyo payat. Wavy ang buhok nya na hanggang hips nya. Pero kahit ganun, masasabi mo pa rin na nerd sya kasi sa mga pinagsasabi nya.

"Malinaw na ba sayo o baka gusto mo pa na ielaborate ko?" tanong nya na pinigilan na ni Yannie.

"I've heard enough. Tsaka nandito na tayo sa canteen. Kain na tayo pwede? Nakakagutom yung sinabi mo" sabi ni Yannie. Yannie hates math. Sabi nya mas prefer daw nya ang words than numbers. Well opposite sila ni Ricka. Mas nakakahilo daw yung words sakanya than numbers. Well as for me, I can do both pero walang tatalo sakanila kapag pagdating sa ganun.

Pumasok na kami sa canteen para kumain. Nang makuha na namin ang pagkain namin ay nakahanap kami ng table na malapit lang sa bintana ng school which is our fave spot.

"Hay salamat! Makakakain rin sa wakas. Si Ricka kasi kung ano-ano ang sinasabi, yan tuloy mas lalo akong nagcrave for food. Hmp!" pagrereklamo ni Yannie na syang kinatawa ko naman. Hate nya talaga ang numbers.

"Kasalanan ko bang diet ka? Diet, diet e maraming tao ang nagugutom." sabi ni Ricka na syang inirapan lang ni Yannie. Take note that Yannie never follows her diet. Kahit nakailang promise pa sya, never nyang nagagawa. Di naman mataba si Yannie. Ewan ko ba kung bakit nagdidiet pa ang isang to.

"Uso kasi kaya nagdidiet ang loka." sabi ni Jennie na kararating lang. Jennie Dela Vega. Sports naman ang panlaban nya. Volleyball, Badminton, Track, anything. You name it, lalaruin nya. Masasabi ko rin na medyo boyish sya pero di naman totally. May inaangkin din na pagkabinibini ang isang to kaso ginagamit lang nya if kailangan. Matangkad sya na required naman talaga kasi varsity player sya ng team nila. Palaging nakatali ang buhok nyang straight. Tama lang ang katawan, medyo malaki ang mata at thick eyebrows. Medyo pouty lips at makapal din ang lashes nya. Masasabi rin na morena sya dahil rin sa mga sports na nilalaro nya. Kaya di maiwasan na maging ganun kulay nya. Tumabi sya sakin at inasar pa ng inasar si Yannie.

Oh yeah. Mapang-asar din pala sya.

"Duh? Commited na ako dito!" pag-dedepensa ni Yannie para sa sarili nya. Hays! Nakailang ulit na rin sya e kaso di naman nya nasusunod. Nag-asaran lang sila ng asaran at tawa lang kami ng tawa ni Ricka sakanilang dalawa. Habang tumatawa ako ay nahagip ng tingin ko kay Drake. Teka. Nahuli ko ba syang tumitingin sakin? Gosh! Napaka-assuming ko naman kung ganun. Erase! Erase!

"Oh Astrid! Wala ka na naman sa sarili mo? Kanina ka pang ganyan" pag-tawag sakin ni Yannie na syang nakatulong sakin para alisin si Drake sa isip ko.

"Ha? Wala" sabi ko nalang at kumain na lang ako para di na nila ako mahalata na di na ako mapakali dahil kay Drake. Gosh. Bakit kasi ganto nararamdaman ko pag nakikita ko si Drake? Minsan nga kahit masulyapan ko lang ang likod niya may iba na akong nararamdaman, para bang kinikilig na ako. So weird Astrid! sabi ko sa sarili ko.

Ang unfair ng pakiramdam diba?

Hindi naman dapat ako ganto ih.. Pero bakit? Ano bang meron sa Drake na yan bakit ako nagkakaganito?