Drake' s POV
Dalawang beses. Dalawang beses ko na siyang nakausap ng malapitan at nakita. Sobrang saya sa pakiramdam na nagiging malapit na ako sa babaeng gusto ko,.. Sana ganun nalang lagi.yung sabay kaming maglalakad para mag- attend ng flag ceremony, at sana magkaklase nalang kami.
" Drake, what do you think?" nakangiting tanong sakin ni Zach? About saan ba yun?
"About?" nagtatakang tanung ko. Di ko kasi alam, hays...si Astrid naman kasi nasa isip ko kaya hindi ko na alam kong about saan ang pinag-uusapan nila.
Dito kasi kami ngayon sa tambayan namin kasi free time naman namin pareho eh. Kaya lagi kaming pumupunta dito kapag may gantong bakanteng oras kami.
" What do you think magugustuhan din ba ako ni Astrid?" Wait. What? tama ba naririning ko? Tsaka ano naman sa kaniya na magustuhan siya ni Astrid o hindi?
" Seriously? Pino- problema mo yan? Ano ba meron?" I sarcastically said, pero nagtataka parin talaga ako kasi bakit si Astrid? " Tsaka bakit si Astrid yung babaeng tinatanong mo?"
" Dude, hindi ka na naman kasi nakikinig sa pinag-uusapan namin dito eh. Lutang ka na naman" singit ni Brent.
Oo na ako na lutang lagi, nagkakaganito lang naman talaga ako kapag si Astrid na yung nasa isip ko eh, iba talaga tama ko sa babaeng yun. Lakas maka pre- occupued ng utak:-)
" Dude kanina pa kami nag-uusap dito tapos hindi ka pala nakikinig." sabi ni Zach.
" Sorry dude, may naisip lang ako. Pero ano nga ulit yun?" tanong ko nalang ulit.
" Tinatanong kita kanina pa kung sa tingin mo ba ay magugustuhan din ako ni Astrid- Astrid Guerrero dude.?" taning niya, kita ko sa mga mata niya saya at ramdam ko yung kilig niya kapag nababanggit ang pangalan ni Astrid?
Ano to? Pareho naming gusto ang isang babae? Sabagay sino ba naman hindi magkakagusto don? Ang tanga nalang niya kung di niya magustuhan si Astrid. But... hindi naman pwdeng ganito..Di naman pwedeng sabihin ko to kay Zach kaagad lalo na't nagdecide na syang ligawan si Astrid at committed na talaga syang mapasakanya si Astrid. But... ganun rin naman ako kay Astrid. Wala lang akong lakas ng loob. Patulong na kaya ako dun sa dalawa?
Hayst. Wag na. Masira pa lalo image ko kay Astrid kapag nagpatulong pa ako kina Brent at Dreb. -____-
Pero paano ko kaya makukuha attention ni Astrid?
Pumunta na kami sa isang area namin sa university para makaattend ng flag ceremony. Kasama namin sila Astrid at yung mga kaibigan nya. Tinitignan ko sila isa-isa para magkaroon ako ng idea kung kanino ako lalapit. Takte. Ilag pa man din pala ako pagdating sa mga babae. Hayst. Bahala na. Para kay Astrid. I will.
Yung sporty na girl kaya ako magpatulong? Kaso parang di talaga sya yung ideal kong companion kapag pagdating kay Astrid.
Yung morena na maliit? Kaso kapatid yata yun ni Zach kaya panigurado kampi yun sa kuya nya.
Yung nakasalamin? Teka. Sya yung kasama ni Astrid nung nasa café kami. Sira rin pala ang image ko sa isang to. Bakla pala tingin sakin neto. Paano na?! T__T
Mukhang magiging independent na lang ako pagdating kay Astrid.
Pumila na kami at isinagawa na namin ang mga flag ceremony rituals.
ASTRID's POV
"Zach! Hoy Zach!"
"AYYIIEEE gosh! Zachieeee"
Kanina pa yung dalawa. Si Yannie tsaka Jennie. Si Ricka? As usual walang reaction. Highblood pala talaga sya kay Zach. Kainis naman yung dalawa kasi kanina pa nila ako inaasar sa canteen.
"Ikaw pala ha! Ikaw pala ang dahilan kung bakit sinisipagan ang kuya ko na tulungan ako sa homeworks ko." pang-aasar ni Yannie. Shemay.
"Tss. Pwede ka naman magpatulong sakin ah? For sure, mas magaling naman ako sa kuya mo." sabi ni Ricka sabay roll eyes.
"Duh? Bat pa ba ako lalapit sayo kung meron rin naman isang math genius sa bahay? Lalayo pa ba ako? Think Ricka..." sabi ni Yannie sabay flip ng hair nyang maikli naman.
"Ah basta. Hoy Astrid, wag kang papatol dun ah?" sabi ni Ricka. Ayaw nya pala talagang pumatol ako kay Zach. Oo naman noh. May Drakie na ako.
"Sus! Bat ka makikinig sa Ricka na yan? Basta kami? Boto kami kay Zach. Diba Yannie?" pag-disagree nya kay Ricka sabay siko kay Yannie na katabi nya.
"Well, oo tinutulungan ko ang kuya ko kay Astrid but it's only 50-50. Kaya duh? Ayoko rin naman mapunta si Astrid kay kuya kawawa naman si Astrid kay kuya e dahil sa mga demands nya. Kaya pang-aasar lang ang macocontribute ko." sabi ni Yannie sabay kibit-balikat na parang wala lang. Woah. Pero teka bat nya ginagawa yun?
"Edi kung ganun, bakit ginagawa mo pang tulungan ang kuya mo kung ayaw mo naman sakanya para kay Astrid?" tanong ni Jennie kay Yannie na parang nabasa nga nya yung iniisip ko.
"Para tuloy-tuloy yung pagtutulong sakin ni Kuya sa homeworks ko. Nyehehe" sabi ni Yannie. Shemay naman itong babaeng to. Ginagamit pa ako -___-
"Wag ka na mag-alala sa homeworks mo, ako na gagawa basta tigilan mo na yung pagtutulong mo dyan sa kuya mo." sabi ni Ricka. Lumaki ang mata naming lahat dahil determinadong determinado si Ricka na sya na talaga gagawa wag lang ako mapunta kay Zach. Grabe naman sya. Malay ba namin kung nagbago na yun? Bahala na nga!.
"DEAL!" tili ni Yannie dahilan para tumingin sakanya lahat. As usual, walang pakielam si Yannie sa mga tao at umupo na parang wala lang. Pero nakapagdraw ng attention si Yannie para lapitan kami ng grupo nila Drake. DRAKE *3*
"Hi girls!" pagbati ni Zach nang makalapit sya sa table namin. Anong gagawin ko? @__@
Walang pumapansin sakanya kahit yung kapatid nya. Ayoko naman maging rude kaya sumagot nalang ako.
"Hi" bati ko nalang kay Zach para di naman sya mapahiya kahit papano. Ang laki ng ngiti nya nang binati ko sya. Tumingin ako kay Drake pero umiwas din ako kasi nakatingin rin pala sya sakin o nag-aassume na naman ako? hayst ewan.
"pwede bang dito na lang kami umupo?" pagpapaalam ni Zach pero sakin lang sya nakatingin. Sasagot sana ako nang sumagot si Ricka.
"Sorry pero wala nang space e. Sa iba nalang kayo umupo." sabi ni Ricka.
Luh. Grabe naman talaga tong si Ricka, eh sa ang laki pa ng space namin dito.. Ahy naku! Kung di lang to 17 yrs.old iisipin kong nag memenopause. Kaya natahimik nalang ulit yung boys at akmang aalis na sana.. What I will gonna do now?
Nakakahiya naman na paalisin sila kahit halatang ang lapad pa ng space dito.. tsaka may atraso pa kami kay Drake,, baka ito nalang muna ang pambawi.. Hayst!
"No! It's ok, dito nalang kayo maupo. Malaki pa naman ang space eh, panigurado kasya tayong walo dito." agad na sabi ko then smile. " Tsaka don't worry di naman nangangain tong kaibigan namin eh.. hehehehe.."
"Seriously?" mataray na tanong ni Ricka?
"Hayaan mo na. Bawi nalang natin to kay Drake dahil sa nasabi natin sa kanya last time noh." pangkoconvice ko sa kanya,pero mahina lang.
"Thanks Ast." agad nang sagot ni Zach sabay kindat...
So, ayun wala ding nagawa.
Tsaka wala din namang ibang nagyari, nag usap lang sila kanina tapos ako at tsaka si Ricka tahimik lang. Usually ganun talaga kami.Napansin ko din na tahimik lang si Drake. Is their any problem kaya? Di ko din siya matingnan kanina kasi napansin ko din na panay titig sakin ni Zach,, Ang awkward ng kanina
One week na din ng huli naming makasama ang grupo nila Drake. One week na ding walang Zach na kumukulit sakin. Magkakasama na naman kaming apat dito sa gilid ng football field. Actually di naman ganun kalaki tong SCA pero sapat na talaga at tsaka masasabi mo ring kompleto ang mga gamit, lalo na pagdating sa sports equipment.Nakapagdecide kami na dito muna tatambay habang hindi pa natatapos ang meeting ng mga teachers so it's means pagala gala na naman ang ibang mga estudyante.Kaya kami mas minabuting dito nalang muna, nakakasawa na din kasi sa loob ng classroom.
"Yannie..." agaw pansin saming tatlo na tawag ni Jennie kay Yannie.
"Why?" agarang sagot naman nito na parang wala din sa mood."May problema ba?" tanong niya ulit.
"Wa-wala naman, I just want to ask lang naman kung bakit hindi na ata nakikisabay satin yung apat na boys? May nalaman kaba? Wala bang sinabi or nakwento sayo yung kapatid mo?" sunod sunod na tanung nito.
"Mas mabuti nga yun eh," singit naman ni Ricka..Hystt.. Kahit kelan talaga to..
"Alam mo ikaw Ricka nakaka ano kana eh, Bakit ba ganun nalang galit mo kay Zach ha?Napaka bitter mo frend eh." asar na sagot ni Jennie..Nakakatriggered naman tong tatlong to.
Pero nakakapagtaka din talaga na one week na silang di namin nakakasama, may times na nakakasalubong namin sila pero kulang naman, kung hindi makakasama ni Brent at Dreb si Drake eh si Zach lang, king hindi naman is si Drake kasama nila tapos si Zach ang wala.Siguro may problema lang sa barkadahan nila. Tapos nakakasalubong ko naman si Zach pero di na siya tulad ng last week na ang lapad ng ngiti kapag nakikita ako or nakakausap. Nakakapanibago naman....
"Will you just shut up? Ang ingay mo eh." asar na sagot din ni Ricka.
"Ok fine!." taas kamay na sagot ni Jennie na para sumusuko na siya at ayaw niya nang makipagtalo kay Ricka."Pero sige na naman Yannie oh, Just answer my questions please." pagmamakaawang sabi nito kay Yannie.
Kahit ano naman maging reason kung bakit nila kami iniiwasan ay wala naman na kaming magagawa. Choice nila yun eh.