Chereads / THE MAN I LOVED SUDDENLY CHANGED / Chapter 8 - CHAPTER VI

Chapter 8 - CHAPTER VI

💕

CHAPTER 6

ZACH's POV

Pagkaalis ni Yannie at sa mga iniwan nyang WARNINGS, eh agad akong nag-isip ng gimik para kay Astrid. I can tell na parang machachallenge ako sakanya. Well lahat naman challenge sakin kasi a lot of girls turned me down before sana naman di na ako mabigo ngayon. And a demand machine? Grabe naman si Yannie -,- Ang ungrateful talaga nun! Tas di pa sya full support?! Ano ba yan? After what I did for her? Sabagay para naman yun ket papaano kay Astrid, para may masabi si Yannie sakanya na good impression sakin. Hehe

Bahala na nga bukas! ^_____^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sabay na kaming umalis ni Astrid sa bahay papuntang school. Hays, parang naexcite na naman ako pumasok araw-araw! Maliban dahil habol ko ang lessons sa math, may dadagdag pa pala! Si Baby Astrid. Oo inaangkin ko na sya. Nakangiti lang ako sa labas ng bintana ng kotse namin. Ewan ko parang ang saya saya ko ngayon. Ow wait! I forgot na kunin yung number niya sa kapatid ko. By the way kasama ko naman siya lagi sa bahay maybe tomorrow makukuha ko na number ng Baby ko. Not Now Zach.

"Kuya? You'll never get Astrid with that look. You look like a Dork at mas lalong nakakapagdagdag yung pagiging Dork dahil sa glasses mo and your creepy smile." sabi ni Yannie na may pailing-iling pa. Kapatid ko ba talaga to? Napakabasher.

Makasabi ng Dork palibhasa Kikay. Napakaopposite ang aming physical appearance. Maputi ako, sya? Medyo morena which nagustuhan ng mga tao sa paligid nya. They adore her skin color. Singkit ako samantalang sya, malaki ang mata. Ewan ko ba kung bakit ganito yung physical appearance naming magkapatid. Sabagay, nagmana si Yannie kay Dad and ako kay Mom. Talagang hinati nila.

"tch! ako? dork? c'mon! ang gwapo ng kuya para maging dork noh" sabi ko kay Yannie. Duh?!

"I think I'm going to throw up. Manong? pakibaba ako sa cr please? gosh!" she sarcastically said. Natawa nalang si manong sa sinabi nya. Pasalamat sya nasa backseat sya at diko sya nasapak -_- At pagtitiisan ko nalang itong kapatid ko para kay Astrid at nang maging maayos naman image ko sa kaniya.

After how many years we arrived at exactly 7 here at SCA. Yess! Makikita ko na ang Baby Astrid ko.

ASTRID's POV

Thanks at nakarating na rin ako sa SCA after a long long road na nadaan namin.Actually hindi naman long road malapit lang naman talaga sa bahay namin.HEHEH.Mabuti naman at wala pa yung tatlo.

So nandito na ako sa room namin,hinihintay kong magsidatingan yung tatlo kong kaibigan pero si Jennie kasi ibang room papasukan eh.

I took a deep breath ng marinig ko yung boses ng dalawa.Surprisingly nagkasabay silang pumasok.Pero habang papasok sila ay nagkunwari nalang akong hindi ko muna naririnig yung pagdating nila.

Yannie smiled at me when she enter first at the door.Nakss iba din parang kagabi lang asar na asar siya sakin tapos ngayon ang laki ng ngiti.

"Good Morning Astrid!" sabay sigaw nilang tatlo.

"Morning." sagot ko.

Actually ganun lang ako sumagot kasi naalala ko yung nasabi ko kay Ricka nung Saturday.  At yung nasabi ko rin kay Drake. BAKLA~BAKLA.

"Astrid wala talagang kupas ah, maaga ka parin pumasok." sabi naman ni Ricka.

Yeah she's right lagi akong maaga pumasok, siguro kasi dahil nakikisabay nalang ako kay Mom and Dad. Kasi wala pa naman akong kotse balak nga ni Daddy na kuhaan ako kaso ayaw naman ni Mommy. Mas mabuti na daw to kasi safe kapag kasama ko sila at napapaaga din kasi maaga start ng work nila.

"As always.." sagot ko. Ano pa nga ba aasahan nila sakin? Eh pasensiya naman ganto ako makipag-usap kapag wala ako sa mood or may naaalala ako.

Well siguro kasi minsan nakakapagod na din magsalita ng magsalita eh..WHAHAHA lalo na kapag paulit ulit lang din naman.→_→

" A-s...Astrid may gusto sana akong sabihin sayo. I know na mabibigla ka pero kasi hindi ko naman mapipigilan yun diba?" malungkot na sabi ni Yannie.

Ano na naman kaya to? Siguro gaganti to sa ginawa ko sa kaniya kagabi. The way how I tease her to Vhan.  Hayss maninibago pa ba ako? Gaganti lang at gaganti to..

"What? Gagantihan mo ako sa mga pang-aasar ko sa'yo kagabi? HUh!?"

"No... Ka...Kasi ano si Kuya Zach.." nag-aalangan niyang sabi..Ano meron don sa kuya niyang si Zach? Am I concerned or do I have care?←_← "May sinabi siya sakin kagabi." she said.

Tapos? San paki ko? Charr..I'm just joking pero syempre hindi ko yum masabi kay Yannie noh. I Love Her so much kahit ganyan yan.

"What?" I asked eventhough I don't have f****ng care. By the way kami palang nandidito sa room, masyado pa naman kasing maaga kaya di pa ganun karami mga students na pakalat kalat dito sa campus.

" Eh... kasi Astrid kuya have a feelings for you. And I think he likes you." she said and then started to sit down on her chair. And it followed by Ricka.

I took a long and deep breath after what I heard.. Siya ba yun? Si Zach pa?  "alam mo kung gaganti ka, sana naman makatotohanan ang gimik mo ano?" sabi ko kay Yannie. Gosh! Napakaimposible naman talaga kasi na magkagusto sakin ang kuya nya. Kuya nya!

"totoo nga Astrid! I can prove it to you. Tsaka ayyiieee HAHAHA sa wakas at may maasar na rin ako sayo!" pang-aasar ni Yannie sakin. Asus, never akong maniniwala kay Yannie. Si Yannie pa? She is full of pranks sometimes.

"May gusto sayo yung Zach? Eews! Sya kaya yung kalaban ko pagdating sa math! Naku, naku Astrid. Di ako papayag na makihalubilo ka dyan! Lalo na ako. Dadaan pa yan sakin." sabi ni Ricka. Halatang naiinis e. Triggered pa sya.

"Guys!" sigaw ng tao sa labas. Si Jennie pala. Magkaiba kasi kami ng Strand ng babaeng yun. Sa sports track ata yun.

Lumapit naman kaming tatlo sakanya at lumabas. May time pa naman kami bago mag-flag ceremony. Laking gulat ko nalang ng binatukan ako ni Jennie.

"aray! ano ba?! the f*ck Jennie?!" napasigaw na tuloy ako. Marami tuloy ang tumingin sakin at yumuko nalang ako at tinignan ng masama si Jennie. Nako. Mapapaguidance pa ata ako neto. Thanks to Jennie -___-

Hindi na pinansin ni Jennie yung glare ko sakanya at ngumingiti pa ang loka. Kainis din minsan ang babaeng to eh.

"Gagi totoo ba?! May gusto sayo yung Zach? HAHAHHA" tawa ni Jennie. Tinignan ko naman si Yannie pero nagtataka rin sya kung pano nalaman ni Jennie.

"Don't look at me. Di ko alam kung pano nalaman ni Jennie." sincere nyang sabi.

"Sus, kahit di pa sabihin ni Yannie, kalat na sa school. Kilala nyo naman ata yung kuya nyan. Ipagyayabang nya yung mga nililigawan nya. And I guess you're the next victim, my friend HAHAHA" pang-aasar pa ni Jennie. Ano daw? Teka. Bakit wala akong alam dyan? Sabagay, minsan wala ako sa mood para sa mga school gossips. Pero ngayon ko na kinamumuhian ang kawalang alam ko sa mga ganyan. Anong next victim?! Shemay.

"Nandyan na ang suspect Astrid" sabi ni Ricka sabay roll eyes. Galit nga pala ang isang to kay Zach. Karival nya sa math e. Math is very important pa man din sakanya. Pero mabuti nalang at may kakampi ako ket papaano and duh? Ako mafafall dyan? Kay Drake lang ata to <3

Ricka's POV

Zach Guererro. Tss. Walang binatbat. Di yata ako makapapayag na mapunta dyan yung kaibigan ko. And as for I know, psycho ang isang yan. Basta! Ayoko sakanya ang kaibigan ko. Lalo na kung kalaban ko-este basta! Di lang naman to para sakin eh. Para rin to sa kaibigan ko noh. Mas gusto ko pa yung bakla (Drake) sakanya kesa sa taong yun.

Laking sira sa araw ko nang makita ko yung Zach papalapit samin.

"Nandyan na ang suspect Astrid" sabi ko kay Astrid. Mukha syang kriminal para sakin. Argh! Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko dyan.

Nang makalapit yung mokong ay ngumiti sya kaagad samin, especially kay Astrid. Tss. Nagpapalakas yata ang taong to samin. Well, wala syang makukuha samin. Aba. Lalo na sakin. At never kung ibibigay sa kaniya si Astrid no. Ako muna kakalabanin niya bago kaibigan ko.

Naiisip ko palang na mapapalapit si Astrid sa lalaking yan, hindi na ako mapakali dahil alam ko sa lahat ng oras pwede niyang saktan ng ganun na lang si Astrid.. At yun ang isa sa mga ikinakatakot ko para kay Astrid, bawal siya sa sobrang kasiyahan at lalo na kalungkutan dahil sa karamdaman niya simula pa lang siya bata..

Alam ko rin na masamang maghinala sa taong ngayon mo lang nakikilala, Pero hindi naman talaga maalis ang hinala natin sa isang tao diba? Lalo na kapag naririnig natin lagi yung about sa kaniya.

Tsaka mas ok na ako don kay bakla( Drake) kesa sa Zach nato. Hysssttt!!!! sinisira niya araw ko.

Astrid's POV

SHEMS TOTOO NGA. Di kaya naidamay lang ni Yannie ang kuya nya para paghigantihan lang ako? Tama!

"Hi Astrid" sabi ni Zach sabay smile. Parang harry potter ang dating nya kasi nakasalamin pa sya at mukhang disenteng tao naman. Tinignan ko muna mga kaibigan ko. Jennie is officially natatawa kasi ngayon lang ako nagkaroon ng admirer; Yannie, masama ang tingin nya sa kuya nya pero ng nahuli nya akong nakatingin sakanya binawi nya ito at pinalitan nya ng pang-aasar na ngiti; Ricka, well di sya nakatangin samin, sa ibang direksyon sya nakatingin at nakacross-arms pa. Ako? Hays. Nginitian ko nalang din sya in order na masabi nya na di naman ako rude. Hayst! Naalala ko na naman yung sa café. Nakakahiya.

"A smile to brighten up my day" sabi nya at ngumiti na talaga sya ng bongga na parang commercial sa toothpaste. Nakakasilaw pati salamin nya dumadagdag sa shine.  Pero di mo naman talaga maalis sa kaniya na gwapo rin siya,,ang ganda ng looks niya ha..Pero No! No! No! hindi ako isa sa mga mabibiktima niya,,mukha ding playbog tong lalaking to eh,,buti pa ang Drakey ko..

Sa banat nyang yun, halos matawa na si Jennie ng sobra, Si Yannie parang nahihiya na sya para sa kuya nya, well si Ricka walang reaksyon. Wala talagang susupport sakin? T-T

"Ahh hehe uhm ano-" shemay. Diko na alam ang sasabihin ko. Lalo na ng dumating yung mga kaibigan nya, especially Drake. Shems! Ampogi! *0*

"Zach, c'mon. Magstastart na yung flag ceremony." aya ni Drake sakanya. Eh ako? Di mo ba ako yayayain? Landi. F*ck.

Pero ang cold nya. Samantalang yung dalawa nyang kasama halata namang playful. Kelan kaya tayo magiging close? Ay landi talaga(♥ω♥*) Iba pala talaga yung pakiramdam na nakikita mo yung taong alam mong nagpapasaya sayo no?parang buo na yung araw mo kapag ganun, pano pa kaya kapag magkasama na kami sa isang classroom. Baka sumpungin na naman  ako kahit alam kong matagal na panahon na yun kasi bata pa ako nung malaman ko yun, hindi dahil sa pagod kundi dahil sa sobrang saya..

Di ako ganun kalusog na tao, may mga karamdaman din akong iniinda. May hika ako,,tsaka bata pa lang talaga ako meron na daw ako nito eh. Ang lungkot no? kala ko healthy ako pero hindi din pala, kasi nang Elem. days ko hindi ako masyadong nakakasali sa mga sports,lalo nasa P.E times namin,,andon lang ako sa gilid naka upo at pinagmamasdan mga classmates kong magsaya habang naglalaro. Ganun ka lungkot ang Elem. days ko.

At naalala ko pa nga sabi ng doktor ko dati na...

*Flashback*

~7 years old~

"Iha alam mo nang bawal sayo ang maglaro diba? Pero bakit hindi ka nakinig?" sabi niya sakin after niya akong  gamutin nang atakihin ako ng hika ko.

" Sorry po Doc. Sorry din po Mommy hindi na po mauulit." tanging paumanhin na yun lamang ang naisagot ko sa kanila,,kasi ayoko ko talaga sa lahat ng nag-aalala si Mommy pagdating sakin.

Kahit alam kong hindi naman talaga maalis sa isang magulang ang mag-alala sa kaniyang anak. Kaya I'm super thankful at siya ang naging Mommy ko,kasi kahit gaano akok kapasaway lagi niya parin akong finoforgive. Ang swerte ko kay Mommy.

At may iba pang sinabi si Doc. Ramirez kay Mommy na pinakinggan ko nalang. " Mrs. Guerrero alam mong hindi ganun ka healthy ang anak mo kaya kailangan mo siyang bantayan ng mabuti. Hindi natin alam kong maaalis  ba sa kaniya yang karamdaman niya after how many years. At alam mo rin na hindi siya pwedeng masobrahan ng saya at lalo na ng lungkot,iiwas niyo rin siya sa mga bagay na makakapgpapalungkot sa kaniya. kung gusto niyo pa humaba ang buhay ng anak niyo." sabi ni doc. kay mommy.

After sabihin ni Doc. Ramirez yun sobrang nanghina ako.At nakita ko rin na mas lalong nalungkot ang mukha ni Mom. Naawa na tuloy ako sa kaniya ngayon..

* End of Flashback*

Kaya  nga simula non masyado na akong nag-iingat at umiiwas na din ako sa mga bagay na nakakapagpapalungkot sakin non. At sa'ming apat si Ricka pa lamang may alam non, kasi minsan na itong na kwento ni Mom sa kaniya.

Sobrang hirap nung ganun kasi kahit ngayon kailangan kontrolado ko na yung nararamdaman ko, kailangan mag ingat ako lalo dahil dito.

" Hoy Astrid kanina ka pa namin kinakausap oh.. Lutang ka na naman." rinig kong sabi ni Yannie ng mabalik ako sa reyalidad.

Wait. What?

At bigla agad akong napatingin sa mga kasama pa namin dito sa room, nandito pa pala sila? At bigla akong nailang ng pagtingin ko sa grupo ng mga lalaki ay nakatingin din pala siya sa akin( Drake) na kaagad kong iniwas ang tingin ko.

"Astrid are you ok?" Wait. What? tinanong ako ni Drake?♡(∩o∩)♡(灬♥ω♥灬) Can I die now? Shemmss.. Kunin niyo na po ako.. AHAHAH..MY GOD. kinausap niya ako?  " Hey. Are you ok? "

" Uhmmm.. Yah. I'm ok. Sorry naging pre- occupied lang ako." sagot ko. Nakakahiya. masyado kasi akong nawala sa sarili ko nung maalala ko yung nangyari sakin dati. " Diba magsisimula na ang flag ceremony? Can we go now? baka malate tayo." palusot kong sabi. Ih kasi naman. Kenekeleg eke eh.

Di na ako nagtaka na alam ni Drake yung pangalan ko kasi naririnig niya naman ito lalo ng minsan kaming magkita sa Caffee ni Shawn yung napagkamalan namin siyamg bakla.

" Mabuti pa nga." sagot naman agad ni Ricka.

Simula ng dumating si Zach kanina nag-iba na talaga mood ni Ricka. Alam kong may tension talaga sa pagitan nila, is this because of Math thingy? Hell No! diyan ba sila nagtatalo ng utak?

At nauna na nga kaming maglakad,kasunod namin ang boys. Sana ganto nalang lagi yung kasama namin sila, yung malapit sila sa'min. Para naman atleast alam kong malapit ako kay Drakey ko.