Chereads / THE MAN I LOVED SUDDENLY CHANGED / Chapter 4 - CHAPTER II

Chapter 4 - CHAPTER II

CHAPTER II:

DRAKE'S POV

"Uyy bro!! Kamusta na?" masiglang tanong sakin ng isa sa mga tropa ko. Nandito kasi kami ngayon sa gilid ng field nagpapahinga lang saglit katatapos lang kasi naming magpractice para sa basketball.

" Oh!? I'm ok." walang ka emo-emosyong sagot ko sa kaniya. Para kasi akong natameme hanggang ngayon ng nahuli ako ni Astrid na tumitingin sa kaniya kahapon habang nasa cafeteria kami. Teka. Nahuli nga ba niya ako? At ako nga ba talaga tiningnan niya kahapon? Napaka-assuming ko naman kung ako din yung tiningnan niya, pero feeling ko tlaga na nahuli niya ako ih. Sh*t.

"Bro!? Are you ok? Kanina ka pa tahimik ah. Tsaka parang di ka naman yata nakikinig sa pinag-uusapan namin ih. Are you really okay? It's no wonder you are so quiet now" Dreb said sarcastically. Hindi ko na din kasi namalayan na may pinag-uusapan pala sila I mean kasama din pala ako don.. Damn. Ano ka ba talaga para sakin Astrid?

"Suss, hayaan niyo nalang kasi si Captain na isipin yung babaeng gusto niya. Isn't it captain?" Brent asked with a wink. Isa din to sa mapang-asar.

"Huh!?. Brent do you say anything?" wala sa sariking tanong ko. Lutang parin talaga ako hanggang ngayon. Alam kong nakakahalata na tong mga kaibigan ko ih.

Btw,bago pa tayo mapalayo, I am Drake Dela Fuente, I'm a varsity player at our university. Simpleng lalaki lang din naman ako, Di ako ganun kasikat dito sa University na pinapasukan ko. Kahit na di ako popular masyado e marami rin naman ang humahabol sakin na girls. Okay. Assuming na rin ako dun kaso totoo naman. Magaling ako sa sports lalo na pag basketball ang usapan. Nagiging sikat lang naman ako kapag naglalaro pero kapag usapang academics e syempre nawawala na ako dun. Mabuti nalang at varsity player ako at nakakadagdag points pa yun sa mga grades ko kahit papaano. Masasabing may kaya din ang family ko dahil may negosyo kami. Panganay ako sa aming magkapatid. I have a little brother na grade 7 pa lang ngayon. Habang ako ay grade 11 na. Kung idedescribe ko sarili ko masasabi ko rin na matangkad ako. Maputi, medyo singkit ang mata, tama lang naman ang katawan ko, at thick eyebrows ang maipagmamalaki ko. Kung tungkol naman sa pakikisama ko. Sometimes cold o hindi. Basta. Depende sa mood ko. Lalo ngayon na kinukulit ako ng dalawang to kasi iniisip ko daw yung babaeng gusto ko. Gusto ko nga ba talaga? Damn Astrid. Di ko na alam.

"Dude, ano ba problema mo? Parang ang lalim e" sabi ni Brent.

"Oo nga nalulunod na ako e! HAHAHAHA" tawa ni Dreb na sinabayan pa ni Brent. Takteng dalawang to. Nag-act pa sila na parang nalulunod nga. Mga baliw ang mga kaibigan ko. Oo. They are complete opposite of me. Wala din naman akong choice dahil sila rin naman ang nakasama ko nung bata pa ako. Well lalo na si Brent. Brent Harold Gutierrez. Basketball na talaga ang nakahiligan namin nung bata pa kami. Kada hapon pupunta kami sa court para maglaro. Our parents are friends way back nung teenager pa sila. Balak pa nga nila na ipagkasundo ang mga anak nila kapag babae ang magiging anak ni tita Marian. Kaso lalaki. Phew! Ayoko nga maarrange marriage. Lalo na kay Brent! Yuck! Nakakacringe amp. Okay moving on.

Basta. Sya na nakasama ko simula bata pa kami at di maiwasan na mapagkamalan kaming may relasyon nung bata pa kami kasi sobrang close daw kami. Eww! Yuck! Bromance pa amp. Basta change na.

Brent has the same height as me. Moreno at medyo malaki ang mata. Sabi nya, maipagmamalaki daw nya ang kanyang killer smile dahil nagkakandarapa daw ang mga girls kapag nginigitian nya. Well, mayabang din ang kaibigan ko at di na yun maiiwasan kasi sikat nga naman sya sa university. Sumasali sya sa mga male pageants e kaya lalo syang nakikilala. Basketball player din pero mas magaling naman ako sakanya noh.

"Nakakatawa yon?" sabi ko sakanila sabay taas ng kilay ko.

"Sus, di ka lang makasabay sa amin kaya pikon ka HAHAHA" pang-aasar ni Brent sakin. Mapang-asar talaga sya, lalo na sakin. Inaasar nya akong bakla kasi parang ilag ako sa babae. Di ako ilag sa babae. I just have my eyes set on Astrid. Takte! Di pa nga ako sigurado kung ano ano na ang sinasabi ko. Erase! Erase!

"Kaya nga! Don't tell me kaya ka lutang ngayon kasi naakit ka na sa kagwapuhan naming dalawa?" dagdag pa ni Dreb. Damn! Di ako bakla!

"Gago di ako bakla" sabi ko sakanila pero in a cold way. Ganun talaga ako kapag wala sa mood. Ikaw ba naman asarin na bakla, matutuwa ka ba?

"Ops! Wala kaming sinabi HAHAHA. Hala dude! Magrereveal ka na? Okay lang tanggap ka namin! HAHAHA" dagdag pa ni Dreb. Tinignan ko sya ng masama (in a cold way) at umiwas nalang din sya ng tingin. Takot din sakin si Dreb. Well, matatakutin naman talaga yan simula bata pa kami. Nakilala lang namin si Dreb habang naglalaro kami ng basketball sa court. Nasa kabilang ring kami at sya dun sa kabila mag-isa. Kakalipat lang nya ata dun sa subdivision na tinitirhan namin dahil ngayon lang namin yun sya nakita. Natigil yung paglalaro nya ng may bumully sakanyang mga teenagers. Syempre sya lang mag-isa at marami kalaban nya at halatang lampa din siya kasi napakaclumsy nya. Tatakbo lang sana sya para tumakas pero nadapa sya kaagad. Tinawanan lang sya ng mga teenagers at inagaw bola nya at saka umalis. Tinulungan namin sya ni Brent at parang natakot pa sya samin.

FLASHBACK~

"Wag kang matakot, di ka naman namin aawayin e" sabi ni Brent at tinulungan syang tumayo.

"S-salamat" pag-uutal na sabi nya. May brace pa nun si Dreb at nakasalamin pa.

"Bago ka ba rito?" tanong ko sakanya. Halatang nagulat si Dreb kasi kinausap ko sya. Inayos nya muna yung salamin nya saka sumagot.

"O-oo. Ayun lang naman yung bahay namin e." utal na sabi nya. Malapit rin pala bahay nila sa bahay namin at malapit lang ang court sa amin. Kaya pala parang may ginagawa malapit dun samin kasi may titirang bago. Naawa kami nun ni Brent sakanya kasi halatang loner ang isang to. Niyaya namin syang maglaro at agad naman syang pumayag. Akala ko lalampa sya pagdating sa laro pero hindi. Magaling sya magbasketball at dun na nagsimula pagkakaibigan namin.

END OF FLASHBACK~

Hanggang ngayon nakabrace pa rin si Dreb. Dandreb Abellana ang full name nya. Maputi sya at makapal din ang kilay nya. Bilugan ang mata nya at di na sya nakasalamin. Nakacontact lense na sya ngayon. Pare-parehas lang ang height namin at tahimik sya pagdating sa ibang tao. Sya na sana ang matino samin kaso nahahawaan talaga sya kay Brent -,-

"Peace na lang tayo hehe" sabi ni Dreb sabay kamot sa ulo. Good.

"Pero dude, ano nga ba gumugulo sa isip mo? Naglalaro tayo kanina pero parang lutang ka." sabi ni Brent na tinanguan naman ni Dreb. Nagkibit-balikat nalang ako at niyaya ko na silang mag-shower dahil pawis na kami. Tumayo na ako pero napatigil ako sa paglalakad nang mapansin kong di sila sumusunod. Lumingon ako sakanila at tinaasan ng kilay na binigyan ko naman ng bakit-di-kayo-sumusunod-look pero nakanganga lang sila at tinuturo turo pa ako.

"Oh bakit?" tanong ko. Ano na naman ba pinag-iisip ng dalawang to?

"DUDE! UMAMIN KA NA KASI!" sigaw ni Brent. Nagulat ako sa pagsigaw nya. Bakit ba? Ano na naman ba sinabi ko? Niyaya ko lang naman sila na mag-

Takte-,-. Akala na naman nila na bakla ako.

"GAGO! DI NGA SABI AKO BAKLA E! BAHALA NA KAYO DYAN KUNG MAG-AAMOY PAWIS KAYO!" sigaw ko pabalik sakanila at saka umalis. Tinawag pa ako ni Dreb habang tumatawa at nasesense ko na hahabulin nila ako. Lumingon ako at tinignan sila ng masama. And with that look alam kong di na nila ako aasarin.

Ako nalang talaga ang matino samin-,-

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tapos na akong magshower at papunta na rin kami sa room namin. Nakayuko lang yung dalawa sa likod ko kasi pinagsasapak ko sila kanina dahil sinubukan pa rin nila akong asarin. Ayaw tumahimik ah.

"Hoy! Hintayin nyo ko!" sigaw ng nasa likod namin at humabol. Si Zach Guerrero. Actually, medyo matino pa sya sa aming magkakaibigan. Well, sya lang naman ang matalino sa amin. Kalaban nya sa math yung babae sa kabilang strand. Ewan ko. Nakalimutan ko na pangalan e. Nakilala naman namin si Zach ngayon ngayon lang. Transferee sya at madali naman pakisamahan. Masungit din sya medyo katulad ko. Nga lang, mabait din. SOBRANG BAIT. Lalo na sa mga babae. Nerdy na chicboy. Pano naman kase! Nakasalamin sya pero bagay naman sakanya. Singkit at maputi. Matangkad rin sya pero di nya hilig ang sports. Chess ang gusto nya. Mind sports daw ang mas hilig nya kasi nakakapagexercise rin daw ang brain nya. Nerd alert!

"Oh bat nakayuko kayo?" pagtatakang tanong nya sa dalawa. Tumingin sakanya yung dalawa tas parang mga batang nagsusumbong itong dalawa kay Zach.

"ZACH! WAAAHHH TULUNGAN MO KAMI!" sabi ni Brent na may halong pagtatantrums kasi pinapadyak nya pa paa nya. Tsk. Childish amp.

"Oo nga. Kanina pa kami sinasamaan ng tingin nyan e sya nga lutang dyan" pag-eexplain pa ni Dreb kay Zach. Parang tatay pa nila si Zach. Mga bata amp.

"Sus, alam ko naman na may ginawa kayong di nagustuhan ni Drake kaya ganyan sya sainyo." sabi ni Zach atsaka nauna nang maglakad. Matured din kasi sya di tulad ng mga kasama ko. Immature pero mayabang si Brent tas sumbungero pa si Dreb-,-

"Ano? Magsusumbong pa kayo? Ha?" pagbabanta ko sakanila dahilan para umiling na lang sila at nagtuturuan pa kung sino ang may kasalanan.

"Ikaw kase!"

"Anong ako? ikaw!"

Naglakad nalang ako at humabol kay Zach. Habang yung dalawa ay sumusunod. Take note: Sobrang bait lang ni Zach sa mga babae. Sa lalaki? Well depende sa trato ng iba sakanya. Hindi gay si Zach. Nasesense ko din naman yun kasi gustong gusto magkaroon ng girlfriend. E paano magkakagirlfriend yan e masyadong perfectionist-,-