Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 22 - Chapter 21

Chapter 22 - Chapter 21

Pagkatapos naming kumain ng hapunan kagabi ay may ilang bagay pa kaming napagkwentuhan. Isa sa mga nalaman ko na mas matanda si Blythe.....pero hindi halata. Kung umasta kasi Blythe ay parang si Brynthx pa ang mas matanda.

Nalaman ko rin na kaya pala wala dito si Blythe ay sa isang condo malapit sa pinapasukang paaralan nito siya tumutuloy pansamantala. Kung ano ano pa ang napag usapan namin hanggang sa maisipan ko na umuwi samin dahil lumalalim na ang gabi.

Hindi ko naman na inintay pa si Mama na makauwi dahil nakatulog na agad ako. Hindi ko na siya tatanungin kung saang lupalop sila napunta ni Tita Kristine dahil alam kong gala ang nanay ko.

Nagpalipas muna ako ng ilang oras sa aking kwarto at nagbasa ng mga messages ng mga kaibigan ko. Masyado akong nakatuon sa magkapatid at halos makalimutan ko na yung mga kaibigan ko.

Umupo ako sa harap ng study table saka bumukaka. Hindi ko talaga kanya yung upong babae. Panay ang bukaka ko kapag ako lang mag isa dito. Paano gagawin 'e dun talaga ako komportable

Nagpaplano yung mga kaibigan ko na dalawin ako dito. Sinabi ko sa kanila na ayos lang kung dadalaw sila pero may kalayuan yung lugar nila kumpara dito kaya baka mahirapan pa sila sa byahe.

Kung matutuloy sila ay sabihin na lang ako para makapaghanda ng makakain tutal alam kong isa 'yon sa dahilan kung bakit nila gustong pumunta dito. Minsan talaga mararanasan mong dumayo para sa libreng pagkain kasi kung ano pa yung libre, siya pa yung masarap.

Bahagya pa akong nagulat ng makita ko sa kalendaryo kung anong araw na ngayon. Mag iisang buwan na pala simula nung makalipat kami. Ang bilis ng araw, parang kaylan lang kasi nung unang beses na magkita kami ni Brynthx.

Lalaking takot sa araw ang tingin ko sa kanyang ng mga panahong 'yon.

Kumain muna ako ng tanghalian samin bago pumunta kila Tita Kristine. Naisip ko kasi na hindi pwedeng sa kanila na lang ako lagi kumakain dahil malapit na matapos ang Summer Vacation at magkakapasok na naman kaya hindi na ako ganoon kadalas makakapunta kila Brynthx.

Katulad ng lagi kong ginagawa ay kumatok muna ako sa pinto bago tuluyang pumasok. Nasa sala lang si Tita at nanonood ng TV kaya nagtama agad ang tingin naming dalawa.

"Mom!" may tumawag kay Tita Kristine mula sa kusina. Palagay ko ay si Blythe iyon dahil hindi naman ganoon kaingay si Brynthx.

"Bakit?" sagot naman ni Tita at sinilip ang anak.

"Bakit may ice cream sa lalagyan ng ulam?" takang tanong ni Blythe kaya napatingin kami ni Tita sa hawak.

Nakahawak siya sa lalagyan ng ice cream....

"Lalagyan naman talaga ng ice cream yan" sabi ni Tita at nakakunot ang noo na tinignan ang anak.

"Hindi ba 'to lalagyan ng ulam? Lalo na yung isda" nagkakamot ng batok na tanong ni Blythe

Napaface palm na lang ako. Bakit naman magiging lalagyan ng ulam yung yung lalagyan ng ice cream?

Oo nga naman....

Minsan na din akong nakakita ng lalagyan ng ice cream sa ref namin kaya akala ko may ice cream pero nang buksan ko ito ay ulam ang laman.

"Bakit ka naman kasi naghahanap ng ulam kahit katatapos lang natin kumain" tanong ni Tita.

"Masama bang kumain ulit?" sagot naman ni Blythe kaya napangiwi naman ako. Wala ba siyang kabusugan?

"Kaya ka tumataba" sabi naman ni Brynthx mula sa likuran namin

Kaylan siya napunta dyan?

"Tumataba agad? Hindi ba pwedeng namiss ko lang yung luto ni Mudrakels"

Mudrakels?

Pfftt---what the heck.

"Dapat nagsabi ka man lang nauuwi ka pala kahapon" singit naman ni Tita

"Edi hindi na surprise 'yon kapag sinabi ko" sagot naman ni Blythe

"Loko" na lang ang naisagot ni Tita sa anak at iiling iling na bumalik sa sala

Lumapit si Brynthx sa ref at kumuha ng tubig. Si Blythe naman ay kumuha na lang ng ice cream dahil hindi siya nakakita ng ulam sa lalagyang hawak niya.

"Bynthx" tawag ni Blythe sa kapatid

"What?" sagot naman ni Brynthx

"Can I borrow your nitendo switch?" sabi Blythe habang nagsasalin ng ice cream sa tasa

"Diba meron kana non?" si Brynthx

"Nakalimutan kong dalhin yung akin" sagot naman ng kapatid niya at ngumiti ng pilyo

"Nandoon sa kwarto ko" pumayag naman bigla si Brynthx

"Thanks" pasasalamat ni Blythe sa kapatid saka umakyat na sa taas. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto senyales na may pumasok na sa kwarto.

Tahimik naman ako pinanonood ang ginagawa nila. Ngayon ko lang nakita ang normal nila kumilos. HIndi naman sa sinasabi kong abnormal sila pero yung magkapatid kasi na alam ko ay madalas mag away. Malayong malayo sa magkapatid na nakikita ko ngayon.

Nagtama ang tingin namin ni Brynthx pagkatapos ay sinenyasan niya ako. Napaturo pa ako sa aking sarili dahil akala ko ay si Tita Lyn ang tinatawag niya dahil magkatabi lang kami. Lumapit ako sa kanya nung tumango siya bilang sagot

"Bakit?" sabi ko agad nang makalapit ako sa kanya

"Ayaw mo maglaro?" tanong ni Brynthx sakin

"Sa computer?"

"Oo"

"Tara" mabilis na sagot ko saka nauna nang umakyat sa taas.

Gusto ko ulit makapaglaro katulad ng ginawa ko nung nakaraan.

Bunuksan ni Brynthx yung computer niya saka inabot sakin yung isang game controller. Napakunot ang noo ko nang mapatingin dito dahil may sticker na letter 'H' na nakadikit dito.

"Letter 'H' as in Helia?" tanong ko kay Brynthx

"Oo" maikling sagot nito habang namimili ng game sa computer

Sinilip ko yung controller na hawak niya, may 'B' naman yung kanya. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko maiwasang mapangiti.

"Wala ba yung sakin?"

Biglang may nagsalita sa likod namin kaya nagulat kami ni Brynthx.

Napangiwi naman ako nang makita si Blythe lang pala 'yon

"Walang sayo" sagot naman ni Brynthx

"Grabe ka talaga sakin!" reklamo naman ni Blythe at nagtuloy tuloy pa ang asaran nilang magkapatid kaya natatawang pinanood ko na lang sila.

Ganito pala kapag may kapatid ka--I mean kakambal pala.