Ilang beses muna ako nagstretching bago magsimulang magjogging. 5:42 pa lang ng umaga dahil hindi ako makatulog nang maayos kaya naisipan kong magjogging na lang.
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ni Brynthx dahil bukas ang ilaw nito. Himala nagbukas ng ilaw kahit umaga pa lang.
Hindi ko na lang ito pinansin at nagsimula nang tumakbo. Buti na lang ay kabisado ko na ang mga pasikot sikot sa lugar na 'to kaya hindi na ako maliligaw. Umabot ng oras ang pagjojogging ko dahil tuwing napapagod ay humihinto ako tapos ay babalik ulit sa pagtakbo. 7: 27 na nang umaga ako nakatapos.
Maliwanag na din hindi tulad kanina nung magsisimula pa lang ako. Naisipan kong bumalik na sa bahay dahil basang basa na din ako ng sarili kong pawis at hindi maganda kung matutuyo 'yon sa katawan ko dahil baka magkasakit pa ako.
Pabalik na sana ako samin kaso bigla kong nakasalubong yung aso nila Brynthx. Tumakbo ito dahil.....hinahabol siya ni Blythe. Napangiwi na lang ako. Sino ba naman kasi ang hindi tatakbo kung isang Blythe ang hahabol sayo.
"Good Morning!" maganang bati sakin Blythe at kinawayan pa ako
"Morning" bati ko pabalik
Pagkatapos naming magbatian ay ipinagpatuloy na niya ulit ang paghabol kay Max. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa bahay namin nang biglang...
"Helia!" nagulat ako sa ginawang pagtawag ni Blythe kaya agad na napalingon ako sa kanya.
Nataranta ako nang tumatakbong lumapit sakin si Blythe.
"H-help me" hanghahabol ng hiningang sabi ni Blythe
"Bakit? Anong nangyari?" magkasunod na tanong ko
Mabilis na tinuro niya si Max na tumatakbo palapit samin.
"Arrff! Arrff!" tahol nito at parang handa na kaming sakmalin ni Blythe
"Run!" sabi ni Blythe kaya wala akong ganawa kung hindi ang tumakbo na lang din.
Bakit pati ako?!
Kung kanina ay si Blythe ang humahabol, ngayon naman ay siya na, at hindi pa nakuntento dahil sinama pa ako!
Dahil sa pagod ko kaya hindi ako makasabay kay Blythe. Kanina pa kaya ako tumatakbo.
Halos mapasigaw ako nang muntik na kaming abutan ni Max kaya kahit napapagod ay binilisan ko parin yung takbo ko.
"Bakit nadamay ako?!" naiinis na tanong ko sa aking kasama habang hindi tumitigil sa pagtakbo.
"Hindi ko rin alam" sagot naman nito.
Lagot ka sakin mamaya. Dapat ay naliligo na ako sa mga panahong ito kung hindi dahil sayo.
Biglang hinawakan ni Blythe yung kamay ko para makasabay ako sa kanya dahil muntik na akong maabutan ni Max. Wala bang kapaguran yung aso nila?
Hinila ko siya dahil may nakita akong daan pabalik samin. Buti na lang talaga ay kabisado ko na ang daan dito.
Para namang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib nang makita namin na lumabas si Brynthx sa bahay nila at lumilinga linga na parang hinahanap yung kapatid niya.
"Brynthx!" sabay na tawag namin ni Blythe sa kanya.
Nagmamadaling nagtago kami sa likod niya saka sabay na tinuro si Max na hinahabol kami.
Yumuko si Brynthx saka hinimas himas si Max nang makalapit ito. Halos mapaiyak pa ako sa tuwa nang sa wakas ay tumigil din si Max.
Nanghihinang napaupo kami ni Blythe sa lapag. Parehas kaming naghahabol ng hininga dahil sa ginawa naming pagtakbo.
"That was close" hinihingal na sabi ni Blythe
Matalim na tinignan ko siya nang makahinga ako nang maluwag. Naiinis na sinipa ko siya sa binti
"That hurts!" reklamo niya habang hinihimas yung binting sinipa ko
"Nananahimik yung katawang lupa ko tapos idadamay mo ako sa takbuhan niyong dalawa" gigil na sabi ko sa kanya at itinuro yung asong mukhang tuwang tuwa pa sa ginawang paghabol samin.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong naman samin ni Brynthx
"Yung magaling mong aso hinabol kami" sumbong ni Blythe sa kapatid at dinilaan si Max pero tinahulan naman siya nito.
"Ikaw kasi" paninisi ko kay Blythe.
"Atleast nadagdagan yung exercise mo" sagot naman nito.
"Jogging lang yung gusto ko pero wala sa plano ko yung magpahabol sa aso!"
"Huwag kayong umupo dyan. Malamig yung sahig." sabi ni Bynthx at naglahad ng kamay sakin. Inabot ko naman ito kaya tinulungan niya akong makatayo.
Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang mga binti ko.
Napatingin naman ako sa magkapatid. Hinihintay ni Blythe na tulungan din siya ni Brynthx na tumayo kaso hindi siya pinansin nito. Natawa naman si Blythe.
"Hindi mo man lang tinulungan yung Kuya mo" sabi ni Blythe na parang nagmamaktol dahil hindi siya pinansin ni Brynthx.
"Kaya mo na yan. Malaki kana." sagot naman ni Brynthx
Bahala kayo dyan. Basta ako, gusto kong maligo.